Walang pakialam si Maisie kahit makita siyang ganon ni Francisco. Ngumiti siya at naglakad palapit dito, tumingin kay Wynona, na nagtatago sa likod nito, at sinabing, "Totoo 'yun. Ganito talaga ako. Hindi ko hinahayaan na lang ang kung sino man ang bumangga sa akin.""Francisco, makinig ka—" hinila ni Wynona ang braso niya at nagpaawa.Nang bumalik sa realidad su Francisco, hinila niya ang braso niya kay Wynona, tumingin kay Maisie, at sinabing, "Little goddess, ginawa mo lang 'yun dahil tinakot ka ni Wynona—"Hindi ba?"Mukha ba akong takot?" Malamig ang mga mata ni Maisie at wala siyang ekspresyon. "Dahil sa'yo kaya target ako ni Wynona. Nakuha ko na ang kailangan ko sa kaniya. Kung hindi siya mananahimik, ilalabas ko 'tong recording."Tumingin si Francisco kay Maisie na parang hindi niya na ito kilala. Dahil siguro hindi niya naman talaga kinilala si Maisie, nung una pa lang.Dahil sa nangyari noong mga sumunod na araw, hindi siya kinausap ni Francisco kahit sa canteen.
Inilabas na ni Wynona lahat ng 'ebidensya' na mayroon siya laban kay Maisie. Nakita rin 'yun ni Francisco.Nadala si Raven sa mga sinabi ni Wynona. Kahit na hindi niya gustong paniwalaan si Wynona, hindi niya talaga kilala si Maisie, kahit tungkol dun sa parte na may mga anak na ito.At si Mr. Goldmann…Totoo ba talaga ang mga sinabi ni Wynona tungkol kay Maisie? Kaya ba umiwas si Francisco dahil doon?"Isipin mo nang mabuti, Rye. Nilihim niya 'yun sa'yo kasi hindi kaibigan ang turing niya sa iyo. Bakit kumakampi ka pa rin sa kaniya?"Dahil sa mga sinabi ni Wynona natauhan na ang naguguluhang si Raven.Kaibigan talaga ang tingin niya kay Maisie, pero walang sinabi na kahit ano si Maisie tungkol sa sarili niya. Bakit niya kailangang maglihim kung kaibigan talaga ang turing niya kay Raven?Sa private room…Napatitig si Maisie sa masustansyang pagkain na nakalatag sa lamesa at sa chef na nakatayo sa gilid ni Nolan. Kung hindi 'to campgrounds, iisipin niyang nasa high-end r
Dahil tinuruan siya ng self-defense ni Erwin, siguro tinuruan din naman siya ng iba pa?Kahit na mukhang kalmado si Maisie, malakas ang tibok ng puso niya nang makitang nakatitig sa kaniya si Nolan. Ngumiti pa rin siya at sumagot. "Nakita ni Tito Erwin na kung gaano kahirap para sa akin na alagaan ang mga bata nang mag-isa, kaya tinuruan niya akong protektahan ang sarili mo. Hindi naman siguro masama 'yun, hindi ba?"Ngumiti si Nolan. "Syempre hindi."Kahit hindi sabihin ng asawa niya, malalaman niya rin naman 'yun.Matapos ni Maisie kumain at umalis sa private room. Si Wynona, na nagtatago, ay naghihintay para tingnan kung sinong officer ang kasama niya.Nagbago ang ekspresyon niya nang makita si Hans na sinasamahan palabas si Nolan.Si Mr. Goldmann ang lalaking nasa loob?Hah! Kaya pala niya tinanggihan si Francisco. Mas mataas pala ang gusto niya!Hindi niya masisi si Maisie dun!…Nagi-scroll lang si Raven sa phone niya sa kaniyang higaan. Agad niyang tinago ang p
Nakita ni Maisie si Raven na kasama ni Wynona.Nakita ni Wynona si Maisie na mag-isang nakatayo sa harap ng mga tao at hindi niya mapigilang mapangiti. "Akala ko may sarili kang tricks. Mukhang dahil lang 'yun lahat sa tulong ni Mr. Goldmann."Hindi tumingin si Raven may Maisie. Kahit na hindi siya ang nagkalat ng tsismis, pinili pa rin ni Maisie na itago lahat sa kaniya kahit na tinanong niya na ito.Hindi naman siya itinuturing na kaibigan ni Maisie, kaya bakit pa siya magkakaroon ng pakialam?Napansin ni Wynona na nakatingin si Maisie kay Raven, humalukipkip siya at ngumiti. "Anong pakiramdam na kahit si Raven ayaw maniwala sa'yo? Ang babaeng nang aakit ng lalaki kahit na may mga anak na ay hindi nararapat dito!"Nagulat ang lahat sa sinabi ni Wynona."Ano? May mga anak na siya?""Mukha pa siyang bata. Sa tingin mo bago pa siya ikasal nun?""Hula ko hindi niya rin alam kung sino ang ama!"Napalibutan siya ng usaping 'yun. Walang pinakitang emosyon si Maisie dahil s
Naintriga ang mga nanonood, at ang iba ay pinipilit na si Wynona na tanggapin ang pustahan.Namutla ng kaunti si Wynona. Iniisip niya bakit hindi natatakot ang malanding nasa harapan niya.Paano kung matalo siya sa pustahan?"Wynona, hindi ka ba naniniwala sa sinabi ni Rowena? Bakit ayaw mo tanggapin yung pustahan? Natatakot ka ba?" tanong ni Maisie, habang nakangiti."Sinong nagsabing natatakot ako?" ngalit ngiping sagot ni Wynona. "Hintayin mo lang, Maisie. Luluhod ka sa harapan ko at hihingi ng tawad"Pinili niyang maniwala kay Rowena sa huli, dahil malakas ang loob niyang hindi ito nagsinungaling sa kaniya.Kinuha niya ang phone niya at tumawag kay Rowena. Nilagay niya rin ito sa loudspeaker.Nang sagutin ni Rowena ang tawag, agad na tinanong ni Wynona, "Rowena, hindi ba't ikaw ang kasintahan ni Mr. Goldmann? Dali sabihin mo sa'kin!"Napansin ni Rowena na parang may kakaiba. Kumunot ang noo niya at tinanong, "Anong sinasabi mo, Wynona?""Rowena, I—"Kinuha ni M
Bumaliktad na ang mga pangyayari!Nung una ay iniisip nilang biktima si Wynona, peeo kabaligtaran pala. Ang ilang babae ay naawa kay Wynona nang sinabi nitong binubully siya at sinaktan ng newcomer noong nakaraang araw, pero ngayon pakiramdam nila na siya ang may kagagawan nun sa sarili niya.Dahil malakas ang loob niyang gawin 'yun, paniguradong kayang kaya niya talagang gumawa ng kwento tungkol sa newcomer.Nawala ang kulay sa mukha ni Wynona, at napaatras siya ng ilang hakbang. Hindi na naaawa sa kaniya mga tao. Ngayon, dinuduro na siya ng mga ito, at binabato ng kung ano anong salita."Maisie, paano… paano mo nagawa sa'kin 'to?" nagwawala niyang sigaw, malakas ang boses niya na may hagulgol. "Paano mo nagawa sa'kin 'to!?"'Eh ikaw?" pabalik na tanong ni Maisie, seryoso ang mukha niya, "Paano mo nagawa sa'kin 'to? Ilang beses kitang pinatawad pero tingnan mo ang sarili mo. Ikaw ang may kagagawan niyan."Hindi ba't sinabihan na kita? Kailangan may managot sa mga kagagawan
Tiningnan muna ni Maisie ang kaniyang rifle at magazine bago siya pumunta sa field. Nang malaman niyang wala namang sira sa mga gamit ay pumunta na siya sa field. "Mukhang maliit talaga ang mundo. Magkasama ulit tayo sa isang grupo."Ang taong tinutukoy niya ay walang iba kundi si Logan. Ang instructor ang nag desisyon ng pag-grupo. Random lang niyang nilagay sila sa grupo kahit na iba-iba ang kanilang seniority, kaya tadhana talagang nag kasama sila sa isang grupo.Mapait na tumawa si Maisie at sinabing. "Mukhang ayaw talaga ng langit mapadali itong sitwasyon ko." Umubo si Logan at sumagot, "Hindi na ako matatalo ngayon."Umalingawngaw ang putok ng baril sa kapaligiran. Lumipad ang bala at tumama sa target na para bang patak ng ulan. Sinulat ng instructor ang performance ng bawat miyembro ng grupo, si Logan ang may best performance. Ni-reload niya ang bala nang kalmado at praktisado.Dalawang taon na si Logan na nasa training camp, at talagang marami na siyang alam
"Ahas! Mayroong ahas!"Nagmamadaling tumakbo si Francisco at pinuntahan si Maisie. Pero hinarangan siya ng instructor at sinigaw ang order niya sa lahat, "Umalis muna kayong lahat dito sa site. Suspended muna ang assessment!""Sir, kumusta po siya?" Kinakabahang tanong ni Francisco."Natuklaw siya ng ahas at kailangan niya na ng medical attention ngayon."'Natuklaw ng ahas? Bakit may ahas sa training camp?"Maisie!" Patakbong pinuntahan siya ni Cherie habang ginagamot ni Hans ang sugat niya. "Nagsisimula na mamaga ang sugat sa kamay niya. Kailangan muna nating matanggal ang lason sa kaniya.""Pasensya na, Ms. Vanderbilt. Please tiisin niyo muna 'yung sakit,'Hiniwa ni Hans ang sugat nang mas malaki gamit ang kutsilyo ni Maisie. Piniga niya ang sugat para lumabas ang lason doon at inulit-ulit ito.Tiniis ni Maisie ang sakit sa buong proseso. Sobrang namumutla ang mukha niya, at ang pawis ay tumutulo sa kaniyang pisngi."Dali! Kumuha ka ng stretcher" Sigaw ni Hans kay C