Share

Kabanata 249

Dinagsa ng mga reporter ang Blackgold Tower. Bumaba ng sasakyan si Nolan kasama si Maisie, napapalibutan sila ng mga bodyguards.

Kahit na hindi sila makalapit, ang mga kamera ay nakatutok kay Maisie at patuloy na tinatanong ng, "Ms. Vanderbilt, totoo ba ang mga usapan online? Pumatay ka ba talaga?"

"Ms. Vanderbilt, narinig 'kong masama ka raw sa pamilya mo at may plano kang gumanti sa mga miyembro ng inyong pamilya dahil sa pera, totoo ba yun?"

"Ms. Vanderbilt, pakiusap sumagot kayo."

Humawak si Nolan sa balikat ni Maisie at may sasabihin sana sa isang bodyguard sa tabi niya nang biglang may sumigaw mula sa gitna ng mga tao, "Mapupunta sa impyerno ang lahat ng mamamatay-tao!"

Isang lalaki na nakasumbrero at mask ang biglang lumabas sa gitna ng mga tao. Mayroon siyang hawak na kutsilyo at tinutok ito kay Maisie.

Hinarangan ito ni Nolan ng kanyang mga braso na siyang nasaksak.

"Nolan!" Hinawakan ni Maisie ang sugat nito sa braso.

Pati ang mga reporters ay natulala.

Hina
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status