Kinabukasan, sa Bureau of Justice…Binigay ni Joe Watson kay Maisie ang autopsy at sinabing, "Ito ang autopsy report. Parang hindi pagtalon ang sanhi ng kamatayan niya. Tinulak siya sa building nang patay na siya. Base sa livor mortis sa likod at harapan, at sa mga gasgas sa damit niya. Makikitang hinila siya matapos niyang mamatay."Ang pagtulak sa building ay malinaw na isang homicide. Binasa ni Maisie ang report. Ang cause of death ay dahil sa trauma sa ulo."May mga bakas ba ng killer ang naiwan sa katawan niya?" Tanong ni Maisie.Tumango is Joe. "May balat na nakuha sa kuko niya. Inaasikaso na nila ito para sa DNA."Tiningnan ni Jose si Maisie na tahimik na nakatayo pagkatapos basahin ang report. "Tapos ka na ba? Kailangan kong ibigay ang report sa mga pulis. Isa itong case."Ibinalik ni Maisie kay Joe ang autopsy report at ngumiti. "Kung pwede ka, magdinner tayo kasama si Ryleigh."Napahinto si Joe at ngumiti. "Tingnan ko. Mukhang marami na naman akong dapat asikas
Nang makita ni Leila ang mga pulis, biglang namutla ang mukha niya at iniwasan ang mga mata ng pulis ng dumaan ito sa harap niya. Ma-swerte siya dahil walang napansin ang mga pulis na kahit ano. "Dad, ayos lang ba si lola?" Tanong ni Willow nang hindi napapansin ang kakaibang kinililos ng kaniyang ina.Naiiritang nagsalita si Stephen, "Pumasok ka na at samahan mo siya."Pumasok si ward si Willow. Tumingin si Stephen kay Leila "Hindi ka umuwi kahit na nangyari ito. Anong pinagkaka-abalahan mo nitong nakaraan?"Pinigilan ni Leila ang pagkataranta niya at mahinahong sinabing, "Kakahanap… ko lang ng trabaho at, wala namang tumawag sa akin."Walang nagsabi sa kaniya kagabi, at namamaga pa rin ang mukha niya nun. Hindi talaga siya nagpapakita.Hindi naghinala si Stephen. "Pumasok ka na para makita mo si Mom."Pinilit ni Leila na ngumiti at naglakad papasok sa ward. "Mom, nandito ako para makita ka.""Hmmph, bakit ka nandito ngayon?" Iritable na si Madam Vanderbilt, lalo na
Dinagsa ng mga reporter ang Blackgold Tower. Bumaba ng sasakyan si Nolan kasama si Maisie, napapalibutan sila ng mga bodyguards.Kahit na hindi sila makalapit, ang mga kamera ay nakatutok kay Maisie at patuloy na tinatanong ng, "Ms. Vanderbilt, totoo ba ang mga usapan online? Pumatay ka ba talaga?""Ms. Vanderbilt, narinig 'kong masama ka raw sa pamilya mo at may plano kang gumanti sa mga miyembro ng inyong pamilya dahil sa pera, totoo ba yun?""Ms. Vanderbilt, pakiusap sumagot kayo."Humawak si Nolan sa balikat ni Maisie at may sasabihin sana sa isang bodyguard sa tabi niya nang biglang may sumigaw mula sa gitna ng mga tao, "Mapupunta sa impyerno ang lahat ng mamamatay-tao!"Isang lalaki na nakasumbrero at mask ang biglang lumabas sa gitna ng mga tao. Mayroon siyang hawak na kutsilyo at tinutok ito kay Maisie.Hinarangan ito ni Nolan ng kanyang mga braso na siyang nasaksak."Nolan!" Hinawakan ni Maisie ang sugat nito sa braso.Pati ang mga reporters ay natulala.Hina
Tumaas ang kilay ni Nolan at ngumiti. "Ikaw lang ang kailangang makaalam kung mahina ba ako o hindi."Gumalaw ang pilikmata ni Maisie. Kung noon niya ito sinabi, masasabi ni Maisie na walang hiya siya, pero ngayon…"Susubukan kong maging mas mabait sayo, trying hard ka e." Nahihiya si Maisie habang sinasabi iyon. "Paanong mas mabait?" Lumapit si Nolan sa kaniya at hininaan ang kaniyang boses, nakatingin sa maganda at masiglang mukha ni Maisie. Gumalaw ang adams apple niya.Kusang-loob na hinalikan ni Maisie ang labi ni Nolan.Natulala si Nolan. Parang natunaw ang puso niya, at ninamnam niya ito. Gustong-gusto niya kung paano siya hinalikan ni Maisie."Reward." Matapos halikan ni Maisie si Nolan, tumalikod siya upang ayusin ang first aid kit na nasa lamesa. Namumula ang kaniyang mga tainga.Gusto ni Nolan na hayaan na siya pero hindi niya matiis na makita si Maisie na sobrang namumula sa hiya. Kaya niyakap niya si Maisie mula sa likuran, dinala niya ito sa couch at pinahi
"Maraming taon ang lumipas, at namatay ang babae dahil sa sakit, at ang tanging naiwan niya ay ang kumpanya. Ang lalaki ang naiwan para alagaan ang kanilang anak at nag-pursigi siya para pamahalaan ang kumpanya habang ang mga kamag-anak naman niya ay hindi siya kailanman tinulungan."Ibinaba ni Maisie ang tingin. "Matapos ang ilang taon, malaki na ang anak nila, ang lalaki ay gustong ipamana ang kumpanya sa anak niya, pero ang nanay ng lalaki ay pinapunta ang ibang kapamilya nila sa kanilang bahay at pilit na hinihingi sa lalaki na ipamana ang kumpanya na pinaghirapang itayo ng nanay ng babae sa anak na lalaki ng kamag-anak nila. Dahil lang sa pananaw ng nanay at mga kamag-anak na walang karapatan ang anak na babae na manahin ang kumpanya ng pamilya."Syempre alam ni Madam Vanderbilt na ang kinukwento na istorya ni Maisie ay isang patagong sermon, sa sandaling yun ay tuluyang nagdilim ang ekspresyon niya.Ang mga reporter sa audience ay malinaw na naintindihan ang nakatagong kahu
“Tama, officer, paanong makakapatay ang nanay ko? Hindi ba kayo nagkakamali?!” Walang ideya si Willow sa nangyayari.“Walang nagawang mali ang mga pulis.” Dumapo ang tingin ni Maisie sa mga Vanderbilt, at marahan siyang nagpaliwanag, “Tinest ni Dr. Watson ang naiwang epithelial cells sa mga kuko ni Tita Yanis na galing sa pumatay. Ang DNA na yun ay match sa DNA ni Leila Scott.”Kaagad na namutla ang mukha ni Leila.‘Mga kuko… Posible bang nakalmot ni Yanis ang anit ko noong sinasabunutan niya ako?’Nakangiting tumango si Joe, kinuha niya ang DNA verifications results sa folder at inabot yun sa mga Vanderbilt/Kinuha ni Stephen ang report, binasa ang laman nito, tumalikod at pinanlisikan ng mga mata si Leila. “Ikaw pala ang gumawa nun!?”“Hindi, hindi ako yun! Wala, wala akong pinatay, hindi ako yun. At saka, bakit ko papatayin si Yanis? Wala akong dahilan para patayin siya!” Kinakabahang paliwanag ni Leila.“Wala ka ngang dahilan para patayin siya.” Dahan-dahang bumaba ng
Pinulot ni Stephen ang envelope sa sahig na naglalaman ng dose-dosenang malalaswang litrato, bawat isa ay mayroong pamilyar na mukha. Kumpirmado sa paternity test na hindi magkadugo sina Stephen at Willow.Bumagsak sa sahig si Willow.‘Hindi ako anak ni Stephen…’Walang emosyong sinabi ni Maisie, “Nakatira noon si Ms. Scott sa Underground Freeway. Nagtatrabaho siya sa isang specialized field at marami siyang bisita araw-araw. Sa kung paano siya nabuntis at kung sino ang ama ng bata, sigurado akong wala siyang alam.”“Hindi, hindi, kay Steph ang bata! Steph, kailangan mong maniwala sa akin—-”“P*ta ka.” Binato ni Stephen ang mga litrato sa mukha ni Leila at galit na sumigaw, “Ang lakas ng loob mong lokohin ako ng mahabang panahon!”Hindi alam ni Leila ang gagawin. Mayroon siya biglang naisip at tiningnan si Willow. “Willie, makinig ka sa akin, magpapaliwanag ako—-”“Huwag mong sabihin ang pangalan ko, nakakadiri ka. Bakit mo pa ako pinanganak? Bakit!? Kinasusuklaman kita!
Hindi ko papakitaan ng kaunting awa ang mga taong nanakit sa asawa ko.’Sa black market…“Nagmamakaawa ako! Pakawalan niyo ako! Gagawin ko kung ano man ang gusto niyo. Pakawalan niyo lang ako!” Umiyak si Willow at lumuhod sa harapan ni Gerald at nagmakaawa.Mayroong hawak na smoking pipe si Gerald, at nainis siya nang makita ang kaawa-awang babaeg nakaluhod sa harapan niya.“Kung gusto mong mayroon kang masisi, sisihin mong anak ka ng isang p*ta. Mayroon pa rin utang sa amin si Leila. Dahil anak ka niya, dapat lang na bayaran mo ang utang na nanay mo.”Dahan-dahang nawala ang dugo sa mukha ni Willow. Kinasusuklaman niya ang nanay niya simula nang malaman niyang hindi si Stephen ang tatay niya at produkto lamang siya ng pakikipaglandian ng nanay niya sa iba’t-ibang lalaki.At ngayong nahuli na ang nanay niya, siya ang nagdurusa dahil siya ang anak ng nanay niya.‘Bakit, bakit hindi ako naging si Maisie!? Hindi, hindi ako pwedeng manatili sa black market. Hindi ako pwedeng
Hinaplos ni Xyla ang buhok nito. “Oo, magiging pamangkin muna sila mula ngayon.”Tinagilid ni Xena ang ulo niya. “Ano ang pamangkin? Pwede ko ba kainin yung pamangkin?”Tumawa nang malakas si Xyla. “Bakit gusto mo lagi kainin ang lahat ng nakalagay sa harapan mo? Hindi mo pwedeng kainin ang pamangkin mo.”Habang tinitingnan ang inosenteng bata, naiinggit na sinabi ni Daisie, “Kung mayroon lang din akong babae na anak.”Ngumiti si Xyla at nagpatuloy. “Cute din naman ang anak na lalaki. Mula ngayon, magiging little knight mo sila, poprotektahan ka mula sa panganib. Pangarap ko ang magkaroon ng asawa at tatlong anak na lalaki.”Sa oras na yon, pumasok si Yorrick at Nollace sa kwarto mula sa likod ng garden.Nang makita ang dad niya, tumawa si Xena. “Daddy! Nakikipaglaro ako sa mga pamangkin ko!”Huminto si Yorrick sa tabi niya at hinaplos ang ulo nito gamit ang palad niya. “Oh talaga? Masaya ka ba na kalaro sila?”Tumango siya. “Opo!”Hinaplos ni Xyla ang pisngi niya. “Kung ganoo
Kumunot si Morrison. “Bakit ang komportable mo sa akin?”Pinasok ni Leah ang mga gamit sa living room at tiningnan si Morrison. “Hindi mo ako type, hindi ba?”Natahimik si Morrison.Kinuha ni Leah ang shower gel at nagulat siya.‘Orchid-scented talaga ito? Mahilig ang mga batang babae sa ganitong amoy, hindi ba?”“Bakit ito ang binili mo?”Lumapit siya sa couch at umupo. “Paano ko malalaman ang ginagamit mo? Kinuha ko na lang kung ano ang nasa rack.”‘Pipiliin ko na lang mamatay kaysa sabihin sa kaniya na tinanong ko pa sa cashier na sabihin sa akin ang mga toiletries na gusto ng mga babae.’Nang makita na hindi lang toothbrush at mouthwash cup ang pambabae kundi pati ang towel, gusto ni Leah tumawa.‘Hayaan mo na. Pumunta siya sa supermarket para ibili sa akin ang mga ito.’“Anong gusto mong inumin?”Inayos ni Morrison ang upo niya. “Kahit anong mayroon ka sa fridge.”Binuksan ni Leah ang refrigerator. Mabuti naman at may dalawa pa siyang can ng kape.Inabot sa kaniya ni
Tiningnan ni Leah ang babae at hindi mapigilan na kumunot.Natauhan siya nang lumabas si Dennis sa lounge at nakasalubong siya.Bahagyang nataranta ang mga mata nito. “Bakit ka nandito?” “Napadaan lang ako Kayong dalawa ba ay…”Biglang tumawa si Dennis. “Oh, girlfriend ko siya at nag-away lang kami dahil niloko niya ako. Naubos ang pasensya ko kaya nagkaroon ng kaunting problema. Please, huwag mo sana masamain.”Bahagyang nagulat si Leah at pilit na ngumiti. “Problema mo ‘yon sa kaniya kaya wala kang dapat ipag-alala na baka masamain ko. May kailangan akong puntahan kaya mauuna na ako.”“Nakahanap ka na ba ng titirahan?” nanggaling sa likod ang boses ni Dennis.Huminto si Leah at tiningnan siya. “Paano mo nalaman na naghahanap ako ng matitirahan?”“Dahil nanatili ka sa hotel nitong mga nakaraan kaya sa tingin ko ay wala ka pang nahahanap na lugar.” Lumapit sa kaniya si Dennis. “May bakante akong apartment, kaya bakit hindi mo tirahan? Kalahati lang ang sisingilin ko kaysa sa
Hinila ni Leah ang luggage niya at pinasok sa trunk ng sasakyan niya, lumingon siya sa manager. “Salamat pero sa tingin ko ay hindi ko na kailangan.”“Ms. Younge…”“May nangyari ba?”Nang marinig ang ibang boses, lumingon si Leah at nakita si Dennis na palabas mg sasakyan at papalapit sa kanilang dalawa.Bahagyang tumangonang manager. “Mr. Clarke.”Naningkit ang mata ni Leah. “Magkakilala kayo?”Nakangiting nagpaliwanag si Dennis, “Ako ang may-ari ng hotel na ito pero hindi ko inakala na nandito ka.”Nagulat si Leah. “Ganoon ba?”“Anong nangyari?” Tinanong ni Dennis ang manager para magpaliwanag at tapat na sumagot ang manager.Kumunot si Dennis. “Kapag may nangyari na ganoon, dapat tanggalin ang empleyado.”“P-Pero kulang na ng tao ang hotel ngayon at mukhang mahihirapan na tayo mag-recruit ng panibago kapag tinanggal natin siya.” Hindi mapigilan ng manager na makaramdam na parang sumusobra naman si Dennis sa desisyon niya.Malamig siyang tiningnan ni Dennis. “Kung nakagaw
Nagulat si Leah.‘Posible kaya na si Morrison ‘yon?’Pumunta si Leah sa pinto at bubuksan na sana ‘yon nang bigla niyang narinig ang boses ni Morrison. “Sino ka ba?”Hindi nagtagal pagkatapos non ay may kaguluhan na nagmula sa kabilang banda ng pinto sa corridor.Agad na binuksan ni Leah ang pinto at lumabas, nakita niya si Morrison na parang may hinahabol pero mabilis ang paa ng tao na ‘yon.“Morrison!” sigaw ni Leah.Lumingon siya sa dulo ng corridor at galit na sumigaw, “Hindi mo na naman binasa ang text na sinend ko sa'yo, ano!?”Natigil ang nasigawab na si Leah at nagtataka ang ekspresyon, “Anong text message ang sinasabi mo?”Huminga nang malalim si Morrison at suminghal sa inis. “Pwede mong itapon ang cell phone mo kung wala kang plano na gamitin. Nag-text ako sa'yo, sinabihan kita na huwag bubuksan ang pinto kahit na may marinig ka na katok sa pinto. Sa tingin ko hindi ka naman takot mamatay, huh?”‘Kung hindi ko siya binantayan para sa ganoong insidente, sa tingin ko
Nililinis ni Leah ang damit niya at bahagya siyang nagulat nang marinig kung ano ang sinabi ng lalaki. Inangat niya ang kaniyang ulo para tingnan siya at ngumiti. “Hindi na ‘yon kailangan. Salamat.”Pagkatapos non, umalis siya.Tiningnan ni Dennis ang direksyon kung saan pumunta si Leah nang may pilyo na ngiti sa kaniyang mukha.Pagkatapos ni Leah pumunta sa banyo, hinubad niya ang kaniyang jacket. Sinubukan niyang linisin ang mantsa ng kape sa kaniyang jacket pero walang nangyari. Kaya naman, wala siyang ibang magawa kundi maghintay na makauwi bago niya malabhan ang jacket.Pero, mukhang masyadong masigla para sa kaniya ang lalaki na Dennis ang pangalan.‘Kasing sigla ba niya lahat ng lalaki sa Stoslo?’ naiisip niyang tanong.Nang tanghali, sinabit ni Leah ang jacket sa kaniyang braso. Isang sasakyan ang huminto sa harap niya nang lumabas siya ng building. Ibinaba ng driver ang bintana at ang nandoon ay walang iba kundi si Dennis.“Pasensya na talaga at namantsahan ko ng kape a
Binalik ni Diana si Tic sa stroller at sinabing, “Hindi ako magaling magbigay ng pangalan. Tanungin mo ang dad mo. Mas magaling siya sa akin dito.”Tumango si Nollace. “Kung ganoon, Dad, kailangan ko ng tulong mo na alagaan mula sila sandali.”Nagulat si Rick. “Ano? Ako?”“Ang tagal na nang huling pagkakataon namin ni Daisie na maglaan ng oras para sa isa't isa,” galit na sinabi ni Nollace.Matagal na nang huling nagkaroon sila nang intimate activity at mas imposible pa ‘yon na mangyari ngayon lalo na’t kasama nila ang tatlong bata.Sa sobrang kahihiyan ni Daisie ay gusto niyang humanap ng butas at ilibing ang sarili niya. Hindi niya alam kung bakit nagagawa ni Nollace na magsabi nang bagay na nakakahiya sa magulang nila.Hindi nagtagal, tinanggap ni Rick ang tungkulin sa pag-aalaga ng tatlong bata. At para kay Daisie at Nollace, kung wala ang mga bata sa paligid nila, nakadikit lang si Nollace kay Daisie mula umaga hanggang gabi. Pareho nilang sinamantala ang mga araw at parang
“Kung tutuusin, kadalasan na iniisip ng mga lalaki na responsibilidad ng babae na alagaan ang anak nila at dapat matuwa ang babae kapag handa silang tumulong paminsan-minsan. Ang iba sa mga lalaki ay ayaw pa na alagaan ang anak nila. Naiintindihan ng asawa mo na naghirap ka sa panganganak kaya naniniwala ako na magiging mabuting ama siya,” sabi ng nanny.Nagulat si Daisie.Ang totoo niyan ay pakiramdam niya na tama ang nanny. Swerte talaga siya. Kung tutuusin, kadalasan ay si Nollace ang nag-aalaga sa mga bata.Kapag umiiyak ang anak nila sa kalaliman ng gabi, siya ang maghahanda ng gatas at pagagaanin ang loob ng mga ito.Tumingin siya sa tatlong baby at malaki ang mga ngiti, “Mabuti nga siyang ama.”Nang gabi, umakyat si Nollace sa taas para hanapin si Daisie pagkauwi niya.Nang hindi niya makita si Daisie sa kwarto, pumunta siya sa baby room at nakita na natutulog ito kasama ang mga anak nila.Inilagay ni Nollace ang jacket sa likod ng upuan at lumapit sa kama.Nakakatuwa an
Ngumiti si Estelle at sinabing, “Masaya kami na nandito ka. Hindi ka na dapat nagdala pa ng regalo.”Dinala siya ni Gordon at Estelle sa living room. Hindi madali kay James na umalis sa kaniyang shooting at pumunta rito kaya naman sinabihan nila ang kanilang mga katulong na maghanda nang masasarap na pagkain.Maraming tanong sa kaniya si Estelle katulad kung ano ang pelikula na sinu-shoot niya ngayon at handa niya itong sinagot lahat. Masaya siya sa katapatan nito at mapagkumbabang ugali.“Nakakapagod siguro maging aktor, ano?”Pinagkrus ni James ang mga daliri niya at nakangiting sumagot, “Oo, nakakapagod nga. Pero wala namang madaling trabaho sa mundo.”“Ayos lang lang yon. Naiintindihan naming lahat kung gaano kahirap at nakakapagod ang pagiging aktor. Pero sana alagaan mo ang kalusugan mo kahit na gaano ka pa ka abala,” mahinahon na sinabi ni Estelle.Hindi alam ni James kung bakit siya na-konsensya sa maayos na trato ng mga ito sa kaniya. Kung tutuusin, hindi sila totoong ma