Tumayo si Yanis at kinuhanan ng litrato ang nakakahiyang kalagayan ni Leila. "Maghintay ka lang, ipapakita ko 'to kay Stephen!"Narinig ito ni Leila at agad naisip ang mga haharapin niya, kaya agad siyang tumayo at yumakap sa binti ni Yanis. "Yanis, alam kong mali ako! Pakiusap huwag mo sabihin kay Steph! Pakiusap, ayaw mo naman siguro na mag away 'yung magkapatid dahil lang sa alitan nating dalawa, hindi ba?""Tanungin mo ang sarili mo. Kapag nalaman ni Stephen 'yang kawalang hiyaan mo at nilandi mo ang kapatid niya, tingnan natin kung mananatili ka pa sa pamilya!"Hindi nakinig si Yanis at isi-send na sana ang litrato.Sinunggaban siya ni Leila at sinubukang kunin ang phone niya pagkatayo nito. Nahulog ang phone ni Yanis sa sahig malapit sa pinto, at natumba sila ni Leila.Tumama ang ulo ni Yanis sa kanto ng lamesa."Yanis, parang awa mo na. Nagmamakaawa ako. Hindi ko 'to kasalanan. Si—" napansin ni Leila na nakatitig lang sa kawalan sa kalagitnaan ng pagmamakaawa niya.
Natagpuang patay si Yanis matapos nitong tumalon sa kaniyang apartment. Pumunta si Madam Vanderbilt at Stephen sa police station para tumulong sa imbestigasyon.Naghihinagpis na si Madam Vanderbilt mula nang makulong ang kaniyang apo, at ngayon namatay naman si Yanis. Wala siyang pahinga. Kaya naman, nahimatay siya.Dinala ni Nolan si Maisie sa ospital, kung nasaan si Yorick at Linda.Nang makita ni Linda si Maisie, galit niya itong hinawakan sa kwelyo at umiyak, "Kasalanan mo 'to lahat! Namatay si mom dahil sa'yo. Kasalanan mo 'to lahat!"Nanlamig ang mata ni Nolan, at inilagay ang kamay niya sa harap ni Maisie matapos itulak si Linda palayo. "Huwag mo isisi kay Maisie ang lahat.""Siya 'yun! Siya ang dahilan kung bakit nasa kulungan si Hector. Kagagawan niya ang nangyari sa mom ko. Isa siyang sumpa!""Lynn, tama na 'yan!" hinila ni Yorick si Linda sa likod niya, humarap kila Nolan, at ngumiti. "Pasensya na, Mr. Goldmann. Marami lang pinagdadaanan ang anak ko, kaya kung an
Kinabukasan, sa Bureau of Justice…Binigay ni Joe Watson kay Maisie ang autopsy at sinabing, "Ito ang autopsy report. Parang hindi pagtalon ang sanhi ng kamatayan niya. Tinulak siya sa building nang patay na siya. Base sa livor mortis sa likod at harapan, at sa mga gasgas sa damit niya. Makikitang hinila siya matapos niyang mamatay."Ang pagtulak sa building ay malinaw na isang homicide. Binasa ni Maisie ang report. Ang cause of death ay dahil sa trauma sa ulo."May mga bakas ba ng killer ang naiwan sa katawan niya?" Tanong ni Maisie.Tumango is Joe. "May balat na nakuha sa kuko niya. Inaasikaso na nila ito para sa DNA."Tiningnan ni Jose si Maisie na tahimik na nakatayo pagkatapos basahin ang report. "Tapos ka na ba? Kailangan kong ibigay ang report sa mga pulis. Isa itong case."Ibinalik ni Maisie kay Joe ang autopsy report at ngumiti. "Kung pwede ka, magdinner tayo kasama si Ryleigh."Napahinto si Joe at ngumiti. "Tingnan ko. Mukhang marami na naman akong dapat asikas
Nang makita ni Leila ang mga pulis, biglang namutla ang mukha niya at iniwasan ang mga mata ng pulis ng dumaan ito sa harap niya. Ma-swerte siya dahil walang napansin ang mga pulis na kahit ano. "Dad, ayos lang ba si lola?" Tanong ni Willow nang hindi napapansin ang kakaibang kinililos ng kaniyang ina.Naiiritang nagsalita si Stephen, "Pumasok ka na at samahan mo siya."Pumasok si ward si Willow. Tumingin si Stephen kay Leila "Hindi ka umuwi kahit na nangyari ito. Anong pinagkaka-abalahan mo nitong nakaraan?"Pinigilan ni Leila ang pagkataranta niya at mahinahong sinabing, "Kakahanap… ko lang ng trabaho at, wala namang tumawag sa akin."Walang nagsabi sa kaniya kagabi, at namamaga pa rin ang mukha niya nun. Hindi talaga siya nagpapakita.Hindi naghinala si Stephen. "Pumasok ka na para makita mo si Mom."Pinilit ni Leila na ngumiti at naglakad papasok sa ward. "Mom, nandito ako para makita ka.""Hmmph, bakit ka nandito ngayon?" Iritable na si Madam Vanderbilt, lalo na
Dinagsa ng mga reporter ang Blackgold Tower. Bumaba ng sasakyan si Nolan kasama si Maisie, napapalibutan sila ng mga bodyguards.Kahit na hindi sila makalapit, ang mga kamera ay nakatutok kay Maisie at patuloy na tinatanong ng, "Ms. Vanderbilt, totoo ba ang mga usapan online? Pumatay ka ba talaga?""Ms. Vanderbilt, narinig 'kong masama ka raw sa pamilya mo at may plano kang gumanti sa mga miyembro ng inyong pamilya dahil sa pera, totoo ba yun?""Ms. Vanderbilt, pakiusap sumagot kayo."Humawak si Nolan sa balikat ni Maisie at may sasabihin sana sa isang bodyguard sa tabi niya nang biglang may sumigaw mula sa gitna ng mga tao, "Mapupunta sa impyerno ang lahat ng mamamatay-tao!"Isang lalaki na nakasumbrero at mask ang biglang lumabas sa gitna ng mga tao. Mayroon siyang hawak na kutsilyo at tinutok ito kay Maisie.Hinarangan ito ni Nolan ng kanyang mga braso na siyang nasaksak."Nolan!" Hinawakan ni Maisie ang sugat nito sa braso.Pati ang mga reporters ay natulala.Hina
Tumaas ang kilay ni Nolan at ngumiti. "Ikaw lang ang kailangang makaalam kung mahina ba ako o hindi."Gumalaw ang pilikmata ni Maisie. Kung noon niya ito sinabi, masasabi ni Maisie na walang hiya siya, pero ngayon…"Susubukan kong maging mas mabait sayo, trying hard ka e." Nahihiya si Maisie habang sinasabi iyon. "Paanong mas mabait?" Lumapit si Nolan sa kaniya at hininaan ang kaniyang boses, nakatingin sa maganda at masiglang mukha ni Maisie. Gumalaw ang adams apple niya.Kusang-loob na hinalikan ni Maisie ang labi ni Nolan.Natulala si Nolan. Parang natunaw ang puso niya, at ninamnam niya ito. Gustong-gusto niya kung paano siya hinalikan ni Maisie."Reward." Matapos halikan ni Maisie si Nolan, tumalikod siya upang ayusin ang first aid kit na nasa lamesa. Namumula ang kaniyang mga tainga.Gusto ni Nolan na hayaan na siya pero hindi niya matiis na makita si Maisie na sobrang namumula sa hiya. Kaya niyakap niya si Maisie mula sa likuran, dinala niya ito sa couch at pinahi
"Maraming taon ang lumipas, at namatay ang babae dahil sa sakit, at ang tanging naiwan niya ay ang kumpanya. Ang lalaki ang naiwan para alagaan ang kanilang anak at nag-pursigi siya para pamahalaan ang kumpanya habang ang mga kamag-anak naman niya ay hindi siya kailanman tinulungan."Ibinaba ni Maisie ang tingin. "Matapos ang ilang taon, malaki na ang anak nila, ang lalaki ay gustong ipamana ang kumpanya sa anak niya, pero ang nanay ng lalaki ay pinapunta ang ibang kapamilya nila sa kanilang bahay at pilit na hinihingi sa lalaki na ipamana ang kumpanya na pinaghirapang itayo ng nanay ng babae sa anak na lalaki ng kamag-anak nila. Dahil lang sa pananaw ng nanay at mga kamag-anak na walang karapatan ang anak na babae na manahin ang kumpanya ng pamilya."Syempre alam ni Madam Vanderbilt na ang kinukwento na istorya ni Maisie ay isang patagong sermon, sa sandaling yun ay tuluyang nagdilim ang ekspresyon niya.Ang mga reporter sa audience ay malinaw na naintindihan ang nakatagong kahu
“Tama, officer, paanong makakapatay ang nanay ko? Hindi ba kayo nagkakamali?!” Walang ideya si Willow sa nangyayari.“Walang nagawang mali ang mga pulis.” Dumapo ang tingin ni Maisie sa mga Vanderbilt, at marahan siyang nagpaliwanag, “Tinest ni Dr. Watson ang naiwang epithelial cells sa mga kuko ni Tita Yanis na galing sa pumatay. Ang DNA na yun ay match sa DNA ni Leila Scott.”Kaagad na namutla ang mukha ni Leila.‘Mga kuko… Posible bang nakalmot ni Yanis ang anit ko noong sinasabunutan niya ako?’Nakangiting tumango si Joe, kinuha niya ang DNA verifications results sa folder at inabot yun sa mga Vanderbilt/Kinuha ni Stephen ang report, binasa ang laman nito, tumalikod at pinanlisikan ng mga mata si Leila. “Ikaw pala ang gumawa nun!?”“Hindi, hindi ako yun! Wala, wala akong pinatay, hindi ako yun. At saka, bakit ko papatayin si Yanis? Wala akong dahilan para patayin siya!” Kinakabahang paliwanag ni Leila.“Wala ka ngang dahilan para patayin siya.” Dahan-dahang bumaba ng