Natigilan si Maisie at napayuko siya."Bakit bigla mong gustong sabihin sa akin ngayon?"Ayaw ni Stephen na pinag-uusapan ang nanay niya, at akala ni Maisie ay kinalimutan niya na iyo. Nalulungkot siya sa tuwing nakikita niya si Willow at Leila.Nakita ni Stephen ang pagkadismaya sa kaniyang mga mata, mabigat ang kaniyang puso. "Ayaw kong pag-usapan dahil ayaw kong maalala.""Gustong-gusto kong malaman, ganoon ka ba kagalit sa nanay ko?"Binigyan siya nito ng anak pero mas higit pa rin si Leila?Nagngalit ang mga ipin ni Stephen. "Hindi mo alam ang nangyari sa amin ng nanay mo, at inisip mo kaagad na galit ako sa kaniya?"Umiwas ng tingin si Maisie at walang sinabi."Zee, hindi mo siguro alam na noong pakasalan ako ng nanay mo, siya ang lumapit sa akin. Hindi kami nagpakasal dahil sa pag-ibig."Hindi dahil sa pag-ibig?Natigilan si Maisie dahil sa gulat.Malungkot ang itsura ni Stephen. "Bata pa ako at mataas ang pangarap, gusto kong magkaroon ng career sa Bassbur
Dalawang taong umasa si Stephen na mapapa-ibig niya rin si Marina, pero bukod sa pagbibigay sa kaniya ng anak, hindi siya pinakitaan ng pagmamahal nito.Nang lumalaki na si Maisie at nagsimulang sumama ang kalusugan ni Marina, napagtanto niyang piniling magkaanak ni Marina dahil alam nitong hindi na magtatagal ang buhay niya.Ito ang paraan niya para bumawi sa kaniya —napakasamang paraan. Niloko siya nito at pinaibig siya. Kahit namatay na ito ay hindi pa rin nawala ang galit niya!Wala itong sinabi bago ito mamatay.Sa paglipas ng taon, mas lumalala ang sakit niya habang lumalaki si Maisie, mas nagiging kamukha nito lalo si Marina.Kahit na inuwi ni Stephen si Leila at Willow at sinimulang mag-pokus kay Willow, inaalala niya pa rin si Maisie. Ayaw niya lang maalala si Marina.Nakatakip ang mga kamay ni Maisie sa kaniyang mukha. Kasing puti ng papel ang mukha niya.Sa mga nakalipas na taon, akala niya ay nangaliwa ang tatay niya. Hindi niya malaman kung bakit hindi masaya
Tumawa si Daisie.“Ikaw bata ka! Anong tinawa-tawa mo!?” Nagkulay-berde ang mukha ni Willow matapos marinig ang tawa ni Maisie. Hindi pa siya nagsisimula sa kaniya.Tumayo si Ryleigh sa harapan ni Willow. “Anong sinusubukan mong gawin, Willow? Isa itong restaurant. Kung gusto mong magbaliw-baliwan, gawin mo sa kalsada, huwag mong istorbohin ang mga patron dito.”Isang lalaki naka-headphones na nakaupo sa harapan ang gusto lamang kumain pero kumunot ang noo nang marinig ang komosyon.Wala itong kinalaman sa kaniya, kaya hindi siya mangingialam.Napatingin ang ilang patron sa kanila, halatang hindi masaya.Lumapit sa kanila ang isang server at pinigilan sila pero sinigawan siya ni Willow. Walang nag-akalang babatuhin ng baso ni Willow si Ryleigh.Napatayo ang lahat sa paligid nila dahil sa gulat.“Ninang!” Tumayo si Waylon, inalis ang kaniyang sunglasses, at tinapunan ng tubig sa baso si Willow.Nagsimulang matunaw ang makeup ni Willow dahil sa tubig. “Mga punyentang ba
Walang pakialam si Louis sa babaeng ito kaya naman hindi niya ito pinansin.Pinigilan siya ni Willow. “Pasensya ka na, nawala ako sa sarili kanina. Kailangan pa kitang pasalamatan. Ikaw ang nakapigil sa akin…”“Bitawan mo ako—” Dumapo ang tingin ni Louis sa bracelet na suot ni Willow sa kanang kamay, napaitan ng gulat ang kaniyang ekspresyon. Bigla niyang hinawakan ang kamay nito at nagtanong, “Saan galing ang bracelet mo?”Nagulat si Willow.‘Bakit siya magtatanong tungkol sa bracelet na ito?’“Sagutin mo ako!”“Ito ay…” Naramdaman ni Willow ang importansya ng bracelet na ito para kay Lucas.‘Posible bang ang bracelet na iniwan ng nanay ng babaeng iyon ay mayroong koneksyon sa kaniya? Kung ganoon…’Kinagat niya ang kaniyang labi at sumagot, “Regalo ito ng nanay ko.”Pinagmasdan nang mabuti ni Louis si Willow at nagtanong, “Marina ba ang pangalan ng nanay mo?”Nakonsensya nang kaunti si Willow.‘Paano ko magiging nanay si Marina? Pero anong relasyon ni Marina sa
‘Pagmamay-ari ng nanay ni Maisie ang bracelet, pero paano ko naman malalaman na isa palang noblewoman ang nanay ni Maisie? Kung ibabalik ko ang bracelet kay Maisie, hindi ba’t gumagawa lang ako ng oportunidad para makilala siya ng mga ito?’‘Bakit ko hahayaan na mabawi ni Maisie ang pagkatao niyang ito para matapakan niya kami habang-buhay?’“Pero, si Dad…” Mayroon pa rin inaalala si Willow.Pinag-isipan muna ito ni Leila. “Marahil ay hindi ito alam ng dad mo, kaya huwag mong hayaang malaman niya ito o ng lola mo.“Willie, dalhin mo ang bracelet at kausapin mo si Madam Lucas, humanap ka ng paraan para maitago ang nakaraan mo hanggang sa makakuha ka ng pagkakataon na makalapit sa mga de Arma. Makukuha mo ang lahat ng gugustuhin mo kapag nakuha mo ang lugar ng babaeng iyon sa pamilya niya!”Sanay na si Leila sa hirap simula noong bata pa siya. Kung hindi niya nakilala si Stephen, nakatira pa rin siya sa isang maliit na kubo na malayo sa lungsod.Ayaw niyang maging katulad niy
Sumagot si Colton, "Oh, okay."Saka siya umalis ng kwarto.Tiningnan ni Louis ang impormasyon sa kaniyang desk.'Colton…Vanderbilt din ang apelyido ng batang 'to?'…Nabalitaan ni Nolan na binista ni Stephen si Maisie. Walang nakakalaam sa sinabi nito, pero malinaw na mabigat ang loob ni Maisie at ilang araw na itong nasa opisina lang.'Binigyan nanaman ba siya ng problema ni Stephen?'Nagpunta siya kaagad sa 16th floor nang maisip ito.Lumapit si Nolan sa pinto ng opisina at binuksan ito, doon niya nakita si Maisie na nakabaluktot sa couch. Malungkot ang ekspresyon nito.Hindi nito binigay ang karaniwang reaksyon sa tuwing nakikita si Nolan.Parang isang pusang mangangalmot ang babae sa tuwing makikita siya. Ngayon ay tahimik itong nakaupo na parang inabanduna, natulala sandali si Nolan.Nilapitan niya ito, pinagmasdan at inunat ang kamay para haplusin ang ulo nito.Gumalaw ang mga mata ni Maisie, at nang tingnan nito si Nolan, umiwas ito ng tingin at bumulong, "
'Sa pagsira lang ng atmosphere magaling ang lalaking 'to!'Walang pakialam si Nolan kung papatayin na siya ni Nolan, nag-report siya, "Mr. Goldmann, tinawagan kayo via video call ni Mr. Goldmann Sr. importante daw po!"Bumalik sa opisina niya si Nolan, si Mr. Goldmann na nasa screen ay mukhang kanina pa siya hinihintay. Nang makitang naupo na si Nolan, nagtanong si Mr. Goldmann Sr. "Galing sa mga de Arma ang nanay ni Zee?"Walang emosyon ang mga mata ni Nolan. "Sinabi ba sa iyo iyan ni Hans?"'Kay Hands ko lang inutos ang imbestigasyon tungkol dito at hindi iyon sinabi kay Quincy.'Nagdilim ang ekspresyon ni Mr. Goldmann. "Babalik na ang lolo mo sa Zlokova sa kalagitnaan ng June.""Babalik na si Lolo?""Hmph, hindi ba halatang babalik siya dahil nalaman niyang mayroon ka ng mga anak? Sa tingin mo ba ay mapipigilan niya ang sarili na makita ang mga bata? at saka, bakit mo naisip na kaya mong itago sa kaniya ang balita?"Walang sinabi si Nolan.Ang alam niya lang ay may
'Noong nakaraan ay madalas sa limelight ang Vaenna Jewelry, at ang dalagang si Willow Vanderbilt ay malaki ang kaugnayan sa scandal na nangyari kay Ms. Santiago.’'Kung hindi lang dahil sa bracelet ni Marina…'"Ang nangyari may Ms. Santiago, ikaw ba talaga ang may kagagawan non?""Hindi ako ang gumawa non." Nagpanggap na naagrabyado si Willow. "Na-frame ako. Hindi ko kilala si Ms. Santiago, at hindi ko alam kung bakit ako ang tinuro niya."Binaba ni Larissa ang tasa. "Bakit magkaibang-magkaiba kayo ng ugali ng nanay mong si Marina?"Halos mabulunan si Willow sa tanong na iyon.'Nagdududa ba siya?'Nagpawis ang noo ni Willow, at makikita ang hiya sa kaniyang ekspresyon. "Na…namatay ang nanay ko noong bata pa lang ako. Pinalaki ako ng isang nany.""Ganoon ba?" Pinagmasdan ni Larissa ang dalaga sa harapan niya.'Napaka-alerto niya at napaka-ingat. Ibang-iba siya kay Marina.'Ilang dekada na simula nang umalis si Marina, at walang kahit anong balita sa kaniya. Kung hind