Share

Kabanata 143

Sumagot si Colton, "Oh, okay."

Saka siya umalis ng kwarto.

Tiningnan ni Louis ang impormasyon sa kaniyang desk.

'Colton…Vanderbilt din ang apelyido ng batang 'to?'

Nabalitaan ni Nolan na binista ni Stephen si Maisie. Walang nakakalaam sa sinabi nito, pero malinaw na mabigat ang loob ni Maisie at ilang araw na itong nasa opisina lang.

'Binigyan nanaman ba siya ng problema ni Stephen?'

Nagpunta siya kaagad sa 16th floor nang maisip ito.

Lumapit si Nolan sa pinto ng opisina at binuksan ito, doon niya nakita si Maisie na nakabaluktot sa couch. Malungkot ang ekspresyon nito.

Hindi nito binigay ang karaniwang reaksyon sa tuwing nakikita si Nolan.

Parang isang pusang mangangalmot ang babae sa tuwing makikita siya. Ngayon ay tahimik itong nakaupo na parang inabanduna, natulala sandali si Nolan.

Nilapitan niya ito, pinagmasdan at inunat ang kamay para haplusin ang ulo nito.

Gumalaw ang mga mata ni Maisie, at nang tingnan nito si Nolan, umiwas ito ng tingin at bumulong, "
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status