Ibig sabihin ay mayroong dalawang ‘Peacock’s Pride’.Ito ang unang pagkakataon na nangyari ang ganitong sitwasyon sa Summerton.“Kokopyahin ba ng international designer ang gawa ng iba?”“World-renowned designer siya. Bakit siya mangongopya ng design? Siguro ay ang bagong designer na si Willow ang nangopya.”Mas lumakas ang diskusyon.Sinenyasan ni Larissa ang isa sa mga bodyguards na lumapit, binulungan niya ito at saka ito umalis.Mayroong sinabi ang bodyguard sa crew, at doon na gumawa ng announcement ang crew. “Pasensya na, nagkaroon kami ng technical issues. Sa tingin ko ay kailangan muna nating ihinto ang auction. Ang hinala namin ay isa sa mga item ay plagiarized, mag-iimbestiga kaagad kami.”“Plagiarism nga talaga?”“Napakabihirang lumitaw sa isang auction ang mga plagiarized item,” Sigaw ng isa.Nilagay ang dalawang item sa stage, isang appraiser ang inatasang magsagawa ng appraisal. Kung mayroon nga talagang plagiarism na naganap, isa itong malaking problema
‘Baka dahil sa insidenteng nangyari sa Michelin restaurant?’Nagbago ang ekspresyon ni Willow sa sinabi ni Louis.Mabuti na lamang ay walang sinabi si Larissa dahilan para kumalma siya nang kaunti.Huminto ang presyo sa screen sa $266,000,000!At ang huling taong nagbigay ng bid ay si Madam Nera mula sa Peach Room.Nasurpresa si Maisie at nagtatakang napatingin sa guest na nasa Peach Room. Ang taong nakaupo sa harapan ng bintana ay si Madam Nera!Ang humintong presyo ay muling tumaas sa $282,000,000!Namangha ang mga tao.Natulala sandali ang auctionner at saka marahang sinabi, “Congratulations sa mga kagalang-galang nating guest mula sa Stork Room na nasa unang palapag…”Lumingon si Maisie at tiningnan si Helios. “Mr. Boucher, —”Ngumiti lang nang maliit si Helios. “Karapat-dapat lang ang presyong yun sa napakaganda mong masterpiece.”Kumunot ang noo ni Madam Nera nang makita niya ang taong nakaupo sa Stork Room.‘Ang anak ng mga Boucher?’“Tumaas ulit ang p
“Minsan, hindi ko talaga gusto ang mga lumalabas sa bibig mo.”“Kung ganoon, huwag mo akong halikan.”Hindi inaasahan ni Nolan na sasabihin iyon ni Maisie. Kumunot ang noo niya at pinisil ang baba nito. “Ikaw ang may gusto nito.”Kaagad niyang hinalikan ang mga labi ni Maisie.Nagpumiglas nang kaunti si Maisie, pero bigla siyang dinaganan ni Nolan. Hininaan nito ang boses at mainit at mapagnasa siyang tinitigan. “Huwag kang malikot. Gusto mo bang magtuloy-tuloy ‘to?”Hindi nagsalita si Maisie.“Mr. Goldmann.” Narinig ang boses ni Quincy sa labas ng pinto.Mabilis na tumayo si Maisie at lumayo kay Nolan.‘Sobrang nakakainis talaga ang lalaking to!’Tinulak ni Quincy ang pinto, pumasok at sinabing, “Mr. Goldmann, inimbita kayong dalawa ni Ms. Vanderbilt ni Madam Nera mula sa Peach Room.”Lumabas si Maisie at Nolan sa Bamboo Room at nasalubong nila ang pamilya Lucas at Willow sa corridor.Nang makita ni Willow si Nolan na hawak-hawak ang kamay ni Maisie, hindi niya m
Dahil siguro minaliit ni Madam Nera si Maisie bago ito, nahihiya siya dahil muntik na siyang magkamali.Gayunpaman, kailangan niyang panatilihin ang kaniyang reputasyon, kaya proud niyang sinabi, “Papuntahin mo si Kennedy bukas para i-renew ang kontrata. Makikipaghati ako sa iyo sa supply chain ng tanzanite, pero bilang kapalit, huwag mo akong biguin.”Tumawa si Maisie. “Opo, Madam Nera.”Tinitigan ni Nolan si Maisie na hinahangaan naman nang sobra ni Madam Nera.‘Kahit na mahilig sa tricks ang babaeng ito, nagawa nitong makuha ang pagkilala ni Madam Nera nang walang tulong mula sa sinuman. Mahirap na ayawan ang pagiging independent at matapang nito.Gayunpaman, masama ang loob at naiinis si Nolan dahil ayaw umasa sa kaniya ng babaeng ‘to!…#Zora Outclassed New Designer Willow Vanderbilt#Pagkatapos maanunsyo kagabi sa Summerton Auction Hall ang dalawang magkaparehong auction items, nagkaroon ng spot sina Zora at Willow sa Google Trends.Malinaw sa mga mata ng netizens
‘Bakit sila nagkaroon ng manuscripts na katulad na katulad ng kay Freddy!? At ang petsa ng manuscripts ay mas nauna pa sa mga binigay sa akin ni Freddy!’“Willie, anong nangyayari?” Hindi mapakali si Leila.Nilabas ni Willow ang kaniyang cell phone para tawagan si Freddy pero hindi niya na ito matawagan dahil nakapatay ang phone nito.Natulala siya.‘Kagagawan ito ni Freddy!’Kaagad siyang naglabas ng paliwanag, pinasa ang lahat ng sisi kay Freddy at sinabing isa si Freddy Fuller sa mga designer ng Hailey & Co. Jewelry.Gayunpaman, nag-post ang Hailey & Co. Jewelry ng statement sa Twitter sa loob lamang ng ilang oras.#Hailey & Co. Jewelry Official#: Ang Hailey & Co. Jewelry ay walang designer na nagngangalang Freddy Fuller, hindi kami kailanman nakipag-collaborate sa @Vaenna Jewelry. Isang paalala, maging bukas dapat ang lahat ng mata ng isang kumpanya at basahing mabuti ang collaboration details bago pumasok sa collaboration kasama ang ibang kumpanya.Kaagad na naging
Nabaling ang tingin ni Nolan sa computer monitor ni Maisie kung saan makikita ang paghingi ng tawad ni Stephen.Kumunot ang kaniyang noo at nilagay ang kamay sa mga balikat ni Maisie.Pero nang dumampi ang dulo ng daliri niya sa kaniyang balat, nanginig si Maisie mula ulo hanggang paa na para bang may kuryente na dumadaloy sa kaniyang katawan. The man stood behind her and kneaded her shoulders gently for her. Anyone would definitely suffer from a jaw-drop if they were to witness this scene.Nakatayo ang lalaki saat dahan-dahang minasahe ang likod niya. Kung sino man ang makakakita ng sitwasyon nila ngayon ay talagang magugulat. Ang napaka-regal na si Mr. Goldmann ay magbibigay ng masahe sa iba? Biglang nagmungkahi si Nolan, "Gusto mo bang samahan kita pabalik sa Vanderbilt para mag-dinner?""Pasensya na, pero hindi ako welcome sa mga Vanderbilt. Si Willow ang puntahan mo kung gusto mo ng libreng pagkain—Ugh!"'Ang sakit! Talagang ginagalingan ng dbag na 'to!'Lumapit
Makikita ang inis sa mga mata ni Willow.Maputla ang mukha ni Willow. "Tita, alam kong hindi ako kasing galing ng nanay ko. Alam niyo rin dapat na namatay siya noong sobrang bata ko pa—-""Sige na." Makikita ang inis sa mga mata ni Larissa. "Magpakabait ka lang at umiwas ka sa gulo sa susunod, huwag mong ipahiya ang nanay mo. Hindi magugustuhan ng lolo mo yang over-compliant mong personality."Kailangang matapang ang mga babae ng pamilya de Arma. Pero base sa kung paano mo dalhin ang sarili mo, wala kang mararating.""Naiintindihan ko," Sagot ni Willow habang nakayukom ang kamao.'Bwisit, kung hindi dahil sa identity at status na makukuha ko bilang anak ng mga de Arma, mananatili ba ako rito at tatanggapin ang lahat ng kalokohang ito mula sa kaniya?"Pwede ka nang umalis kung wala ng iha pa. Pagod ako at gusto ko nang magpahinga." Tumayo si Larissa sa couch at umakyat sa kwarto.Lumabas si Willow sa mansion ng pamilya Lucas, seryoso ang kaniyang mukha. Nangangamba siya sa
Medyo nahiya si Madam Vanderbilt, kaya naman sinabi na lang niya, "Masiyado na akong matanda para makilala siya sa unang tingin pa lang, hindi ba?"Naguguluhan din si Madam Vanderbilt.'Nagawang maimbita ng babaeng ito si Mr. Goldmann? hindi ba't sabi nila ay si Willie ang mayroong magandang relasyon kay Mr. Goldmann?'Ibang ang kaba na nararamdaman ni Linda kumpara sa naramdaman nina Madam Vanderbilt at Leila. Hindi niya magawang maalis ang mga mata niya kay Nolan simula nang makita niya ito.'Napakagwapo ng lalaking 'to! Ilang libong beses siyang mas gwapo kaysa sa lahat ng lalaking nakilala ko."Zee." Si Stephen na pababa ng hagdan ay nagulat nang bahagya nang makita si Maisie. Akala niya ay hindi na ito kailanman uuwi."Sinama ko si Mr. Goldmann para sa dinner. Ayos lang ba?"Pinagmasdan ni Maisie ang ama at nagulat sa mas pagod nitong itsura ngayon. Nakikita niya na rin ang puting buhok nito na hindi naman halata noon.Kaagad na lumapit si Madam Vanderbilt bago pa