“Minsan, hindi ko talaga gusto ang mga lumalabas sa bibig mo.”“Kung ganoon, huwag mo akong halikan.”Hindi inaasahan ni Nolan na sasabihin iyon ni Maisie. Kumunot ang noo niya at pinisil ang baba nito. “Ikaw ang may gusto nito.”Kaagad niyang hinalikan ang mga labi ni Maisie.Nagpumiglas nang kaunti si Maisie, pero bigla siyang dinaganan ni Nolan. Hininaan nito ang boses at mainit at mapagnasa siyang tinitigan. “Huwag kang malikot. Gusto mo bang magtuloy-tuloy ‘to?”Hindi nagsalita si Maisie.“Mr. Goldmann.” Narinig ang boses ni Quincy sa labas ng pinto.Mabilis na tumayo si Maisie at lumayo kay Nolan.‘Sobrang nakakainis talaga ang lalaking to!’Tinulak ni Quincy ang pinto, pumasok at sinabing, “Mr. Goldmann, inimbita kayong dalawa ni Ms. Vanderbilt ni Madam Nera mula sa Peach Room.”Lumabas si Maisie at Nolan sa Bamboo Room at nasalubong nila ang pamilya Lucas at Willow sa corridor.Nang makita ni Willow si Nolan na hawak-hawak ang kamay ni Maisie, hindi niya m
Dahil siguro minaliit ni Madam Nera si Maisie bago ito, nahihiya siya dahil muntik na siyang magkamali.Gayunpaman, kailangan niyang panatilihin ang kaniyang reputasyon, kaya proud niyang sinabi, “Papuntahin mo si Kennedy bukas para i-renew ang kontrata. Makikipaghati ako sa iyo sa supply chain ng tanzanite, pero bilang kapalit, huwag mo akong biguin.”Tumawa si Maisie. “Opo, Madam Nera.”Tinitigan ni Nolan si Maisie na hinahangaan naman nang sobra ni Madam Nera.‘Kahit na mahilig sa tricks ang babaeng ito, nagawa nitong makuha ang pagkilala ni Madam Nera nang walang tulong mula sa sinuman. Mahirap na ayawan ang pagiging independent at matapang nito.Gayunpaman, masama ang loob at naiinis si Nolan dahil ayaw umasa sa kaniya ng babaeng ‘to!…#Zora Outclassed New Designer Willow Vanderbilt#Pagkatapos maanunsyo kagabi sa Summerton Auction Hall ang dalawang magkaparehong auction items, nagkaroon ng spot sina Zora at Willow sa Google Trends.Malinaw sa mga mata ng netizens
‘Bakit sila nagkaroon ng manuscripts na katulad na katulad ng kay Freddy!? At ang petsa ng manuscripts ay mas nauna pa sa mga binigay sa akin ni Freddy!’“Willie, anong nangyayari?” Hindi mapakali si Leila.Nilabas ni Willow ang kaniyang cell phone para tawagan si Freddy pero hindi niya na ito matawagan dahil nakapatay ang phone nito.Natulala siya.‘Kagagawan ito ni Freddy!’Kaagad siyang naglabas ng paliwanag, pinasa ang lahat ng sisi kay Freddy at sinabing isa si Freddy Fuller sa mga designer ng Hailey & Co. Jewelry.Gayunpaman, nag-post ang Hailey & Co. Jewelry ng statement sa Twitter sa loob lamang ng ilang oras.#Hailey & Co. Jewelry Official#: Ang Hailey & Co. Jewelry ay walang designer na nagngangalang Freddy Fuller, hindi kami kailanman nakipag-collaborate sa @Vaenna Jewelry. Isang paalala, maging bukas dapat ang lahat ng mata ng isang kumpanya at basahing mabuti ang collaboration details bago pumasok sa collaboration kasama ang ibang kumpanya.Kaagad na naging
Nabaling ang tingin ni Nolan sa computer monitor ni Maisie kung saan makikita ang paghingi ng tawad ni Stephen.Kumunot ang kaniyang noo at nilagay ang kamay sa mga balikat ni Maisie.Pero nang dumampi ang dulo ng daliri niya sa kaniyang balat, nanginig si Maisie mula ulo hanggang paa na para bang may kuryente na dumadaloy sa kaniyang katawan. The man stood behind her and kneaded her shoulders gently for her. Anyone would definitely suffer from a jaw-drop if they were to witness this scene.Nakatayo ang lalaki saat dahan-dahang minasahe ang likod niya. Kung sino man ang makakakita ng sitwasyon nila ngayon ay talagang magugulat. Ang napaka-regal na si Mr. Goldmann ay magbibigay ng masahe sa iba? Biglang nagmungkahi si Nolan, "Gusto mo bang samahan kita pabalik sa Vanderbilt para mag-dinner?""Pasensya na, pero hindi ako welcome sa mga Vanderbilt. Si Willow ang puntahan mo kung gusto mo ng libreng pagkain—Ugh!"'Ang sakit! Talagang ginagalingan ng dbag na 'to!'Lumapit
Makikita ang inis sa mga mata ni Willow.Maputla ang mukha ni Willow. "Tita, alam kong hindi ako kasing galing ng nanay ko. Alam niyo rin dapat na namatay siya noong sobrang bata ko pa—-""Sige na." Makikita ang inis sa mga mata ni Larissa. "Magpakabait ka lang at umiwas ka sa gulo sa susunod, huwag mong ipahiya ang nanay mo. Hindi magugustuhan ng lolo mo yang over-compliant mong personality."Kailangang matapang ang mga babae ng pamilya de Arma. Pero base sa kung paano mo dalhin ang sarili mo, wala kang mararating.""Naiintindihan ko," Sagot ni Willow habang nakayukom ang kamao.'Bwisit, kung hindi dahil sa identity at status na makukuha ko bilang anak ng mga de Arma, mananatili ba ako rito at tatanggapin ang lahat ng kalokohang ito mula sa kaniya?"Pwede ka nang umalis kung wala ng iha pa. Pagod ako at gusto ko nang magpahinga." Tumayo si Larissa sa couch at umakyat sa kwarto.Lumabas si Willow sa mansion ng pamilya Lucas, seryoso ang kaniyang mukha. Nangangamba siya sa
Medyo nahiya si Madam Vanderbilt, kaya naman sinabi na lang niya, "Masiyado na akong matanda para makilala siya sa unang tingin pa lang, hindi ba?"Naguguluhan din si Madam Vanderbilt.'Nagawang maimbita ng babaeng ito si Mr. Goldmann? hindi ba't sabi nila ay si Willie ang mayroong magandang relasyon kay Mr. Goldmann?'Ibang ang kaba na nararamdaman ni Linda kumpara sa naramdaman nina Madam Vanderbilt at Leila. Hindi niya magawang maalis ang mga mata niya kay Nolan simula nang makita niya ito.'Napakagwapo ng lalaking 'to! Ilang libong beses siyang mas gwapo kaysa sa lahat ng lalaking nakilala ko."Zee." Si Stephen na pababa ng hagdan ay nagulat nang bahagya nang makita si Maisie. Akala niya ay hindi na ito kailanman uuwi."Sinama ko si Mr. Goldmann para sa dinner. Ayos lang ba?"Pinagmasdan ni Maisie ang ama at nagulat sa mas pagod nitong itsura ngayon. Nakikita niya na rin ang puting buhok nito na hindi naman halata noon.Kaagad na lumapit si Madam Vanderbilt bago pa
Nagtanong si Madam Vanderbilt, "Mr. Goldmann, anong relasyon mo kay Zee?"Walang pag-aalinlangang sumagot si Nolan, "Fiancée ko si Zee, mayroon bang problema?"'Fiancée?' Nagulat si Madam Vanderbilt. 'Hindi ko akalaing ang malanding 'to ang magaling makipaglaro! Nagawan niyang maginy girlfriend ni Mr. Goldmann!'"Zee, bakit hindi mo sinabi sa pamilya mo na engaged ka kay Mr. Goldmann?"Napasinghal si Maisie. "Ayaw kong mag-abala."'Kung hindi dahil sa pagkatao ni Nolan, bakit siya magpapanggap na ganito? hindi ba't ang identity at status lang naman ni Nolan ang tinitingnan niya?"Kung ganoon, pakakasalan mo ba ako?"Halos mabulunan si Maisie sa biglaang proposal ni Nolan. Lumingon siya rito at tinitigan ito. 'Gusto mo bang mamatay? sumasakay lang ako.'"Zee, tama nga, hindi ka na bata. Oras na para magpakasal ka na. Dahil mahal na mahal ka naman ni Mr. Goldmann, ano pang hinihintay mo?"'Base lang sa family background ni Mr. Goldmann, bilang lola ni Maisie, siguradong
Pagkatapos ng dinner, minungkahi ni Madam Vanderbilt na sa Vanderbilt manor na magpalipas ng gabi sina Maisie at Nolan.Gustong tumanggi ni Maisie, pero pumayag si Nolan.Tuwang-tuwa si Madam Vanderbilt na pumayag si Nolan na matulog dito ngayong gabi. "Mr. Goldmann, sabihin niyo lang sa akin kung mayroon kayong kailangan. Ituring niyo itong bahay niyo na rin."Nang makitang hindi siya pinapansin ni Nolan, naiilang na ngumiti ang matanda.Mayroong gustong sabihin si Maisie, pero tiningnan siya ni Nolan at sinabing, "Gusto kong makita ang dati mong kwarto."'Ang dati kong kwarto?'Nabigla si Maisie. Anim na taon siyang nawala sa Vanderbilt manor at hindi na kailanman bumalik dito para matulog.Nagsalita si Stephen at marahang sinabi, "Walang nabago sa kwarto ni Zee, tatawag ako ng tao para linisin 'yon ngayon."Kinalaunan, dumating si Maisie sa kwarto niya noon. Ganoon pa rin ang layout ng kwarto, at maraming items at furniture ang hindi ginalaw.Mas maliit lang ang ka