Pagkatapos ng dinner, minungkahi ni Madam Vanderbilt na sa Vanderbilt manor na magpalipas ng gabi sina Maisie at Nolan.Gustong tumanggi ni Maisie, pero pumayag si Nolan.Tuwang-tuwa si Madam Vanderbilt na pumayag si Nolan na matulog dito ngayong gabi. "Mr. Goldmann, sabihin niyo lang sa akin kung mayroon kayong kailangan. Ituring niyo itong bahay niyo na rin."Nang makitang hindi siya pinapansin ni Nolan, naiilang na ngumiti ang matanda.Mayroong gustong sabihin si Maisie, pero tiningnan siya ni Nolan at sinabing, "Gusto kong makita ang dati mong kwarto."'Ang dati kong kwarto?'Nabigla si Maisie. Anim na taon siyang nawala sa Vanderbilt manor at hindi na kailanman bumalik dito para matulog.Nagsalita si Stephen at marahang sinabi, "Walang nabago sa kwarto ni Zee, tatawag ako ng tao para linisin 'yon ngayon."Kinalaunan, dumating si Maisie sa kwarto niya noon. Ganoon pa rin ang layout ng kwarto, at maraming items at furniture ang hindi ginalaw.Mas maliit lang ang ka
"Walang pantulog si Nolan, kaya nandito ako para magtanong kung mayroon kang kakasiya sa kaniya."Ngumiti si Stephen. "Bumili ako ng isang pares noong nakaraan at hindi ko pa nasusuot. Kukunin ko para sa'yo."Ibinigay ni Stephen ang bagong pares ng pantulog kay Maisie.Nang tumalikod si Maisie para umalis, lumabas si Stephen sa kwarto. "Zee" Lumingon si Maisie. "Bakit?""Ako 'yong hindi trumato sayo nang tama.""....Ayos lang, Dad." Tumingin sa baba si Maisie, tumalikod, at naglakad na palayo sa kwarto nang hindi lumilingon sa namumutlang mukha ni Stephen.Sobrang bigat ng loob ni Stephen. Kahit na alam niyang hindi pa siya lubos na napapatawad ng kaniyang anak, sapat na sa kaniyang tinatawag pa rin siya nitong "Dad".Habang naglalakad si Maisie pabalik sa kaniyang kwarto ay nakakita siya ng babaeng nakatayo sa labas ng pinto niya.. Si Linda.Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ni Lina kay Nolan, pero makikitang nahihiya at masaya ito. Nag-iingat ito sa harap ni No
Hindi naisipan ni Nolan na gumawa pa ng kahit anong galaw, gusto lang niya itong matulog sa bisig niya. "Tulog na."Nararamdaman niya ang paghinga nito sa likod niya, na-relax si Maisie at nakatulog na rin sa antok.…Sabay na bumaba si Maisie at Nolan. Nakapaghanda na ng almusal si Stephen. Napangiti siya nang makita ang pagdating ni Maisie at Nolan. "Gising na pala kayo. Kumain muna kayo ng almusal bago bumalik."Naupo naman si Maisie at nakita ang nakaayos na si Linda na pababa ng hagdan kasabay si Madam Vanderbilt."Zee, nakatulog ba kayo nang maayos kagabi?" Sumagot agad si Maisie sa masiglang tanong ni Madam Vanderbilt, "Hmm, nakatulog kami nang maayos."Tinapunan ng tingin ni Madam Vanderbilt si Linda, na palapit kay Maisie habang nakangiti. "Pwede ba ko maupo rito, Maisie?"Sumagot si Maisie, "Kung gusto mo."Hinila niya ang upuan sa tabi ni Maisie at naupo rito. "Maisie, noong nakaraan lang ako nakapunta sa royal capital ng Bassburgh, at marami pang lugar
Namula sa pagkapahiya si Madam Vanderbilt at halos sumagot na kay Maisie roon.Sa kabilang banda, hindi mapakali ang puso ni Linda matapos marinig 'yon. Pero, pinilit niyang sumangayon kay Maisie para lang mapalapit kay Nolan. "Maisee, Hi…Hindi ako magaling sa trabaho. Sana hindi niyo ako tanggihan ng fiance mo."Kung sinasabi ng iba na si Willow ay mapagpanggap, si Linda naman ang totoong manunukso. Ngumiti si Maisie at sinabing, "Magiging mahigpit ako."Napatahimik na lang si Linda.Hindi mapigilan ni Nolan na ngumisi sa nakikita niyang pag-aaway ng dalawa. Talaga namang nakakatuwang makita ang asawa niyang pursigido sa plano nito laban sa iba.…Nakarating si Linda sa Blackgold Group sa kagustuhan niya. Hindi niya mapigilang ma-excite nang makita ang malaking kumpanya.Hindi niya inakala na malaki pala ang kumpanya ni Nolan. Napatunayan talaga ni Nolan ang kaniyang pagiging kilala at makapangyarihang tao sa royal capital ng Bassburgh.'Hmph! Basta pursigido ako magtra
Ngumisi si Maisie. "Kung naaawa ka sa kaniya, pwede ko siya i-assign sa'yo."Binaba ni Nolan ang tingin at ngumiti. Tumayo siya, lumakad palapit sa kaniya, at mabilis na binalot ang bisig nito sa kaniyang bewang bago lumakad paharap at isinandal siya sa pinto. "Anong nangyari sa sinasabi mong hindi ka nagseselos?"Malamig siyang tiningnan ni Maisie.Hindi niya na kayang makita ang pagkukunwaring mahina ni Linda kaysa kay Willow. Bukod doon, mali ba kung gusto niyang palakasin ang loob ni Linda para sa paghihirap?Tinanggal niya ang kamay nito. "Huwag mo ko hawakan at yakapin nang biglaan. Hindi magandang makita ng iba.""Maganda rin na makita nila." Habang nagsasalita siya, pumunta ito sa kaniyang labi.Nagalit si Maisie at kinagat niya si Nolan. "Pwede ba umayos ka naman, Nolan!?"Itinaas ni Nolan ang kaniyang kamay at hinawakan ang likod ng ulo nito. Nilapat niya ang kaniyang mga labi kay Maisie at itinulak ang dila para matikman ang tamis nito. Nararamdaman ni Nolan n
Alam ni Leila na may gusto pa rin ang kaniyang anak kay Nolan, kaya agad niyang sinabing, "Huwag mo na isipin si Nolan ngayon. Tingin mo ba kailangan mo pang isipin na hindi ka niya gusto kahit na ikaw ang tagapagmana ng de Armas?"Dahil dito, hinawakan ni Willow ang kamay ng kaniyang ina at sinabing, "Tama ka, Mom. Kailangan natin mapaniwala ang Lucas Family na ako ang anak ni Marina. Pero, kailangan ko rin makakuha ng buhok mula sa babaeng iyon para magamit ko sa DNA test."Ngumisi si Leila. "Madali lang 'yan. Nagtatrabaho ngayon si Linda sa Blackgold. Ipadala natin siya para gawin ang trabaho para hindi mahalata ni Maisie."…Si Linda, na walang kaalam-alam sa kahit anong trabaho, ay galit at parang na-agrabyado matapos ma-assign bilang intern sa warehouse.'Letse! Siguro sinadya 'tong gawin ni Maisie!'Sa kabilang banda, itong mga oras na 'to nakatanggap siya ng tawag sa kaniyang tita Leila, kaya naman nagsimula siyang magreklamo kay Leila nang walang pagda-dalawang isip.
Sabi ni Maisie, "Kapag nanganak talaga siya ng lalaking tagapagmana, maaring magbago ang status niya sa mga Vanderbilt dahil matutuwa si Madam Vanderbilt at mamahalin ang kaniyang apong lalaki."'Sinusubukan ni tita Leila ang magkaanak ng lalaki?'Halatang nagulat si Linda. Matagal na niyang alam na mas gusto ng lola niya ang apo na lalaki kaysa sa babae.Sa Coralia, ang walang kwenta niyang nakababatang kapatid na lalaki ay laging mas pinapaburan kaysa sa kaniya. Siya ay inaaasahan na mag-asikaso ng mga gawaing bahay simula noong bata pa siya samantalang ang kapatid niyang lalaki ay walang kailangan na gawin. Tinrato lang siya nang mas maayos ng lola niya noong nasa edad na siya para ikasal. Inaasahan ng lola niya na maipakasal siya sa mayamang pamilya para masuportahan niya ng pampinansyal ang kaniyang nakababatang kapatid na lalaki.Gayunpaman, walang ideya si Madam Vanderbilt na gusto niya na magpakasal sa mayaman hindi dahil para masuportahan ng pinansyal ang kaniyang k
“Payag siyang magpa-DNA test." Lumingon si Larissa para tingnan si Louis.. "Pag lumabas ang resulta, kahit ano pa man, kailangan mong tanggapin."Nagkibit- balikat si Louis. Simula noong sinigawan ni Willow ang dalawang bata sa Michelin restaurant at nagsaboy ng kape sa ibang tao, hindi na maganda ang kutob miya tungkol kay Willow. Narinig niya ang nanay niyang nagkukwento tungkol sa tita niyang si Marina. Dahil sa pagpapalaki kay Marina, ang anak niya ay hindi naman siguro uncivilised. Pero kung ganoon nga, tulad ng sinabi ng nanay niya, pag lumabas na ang resulta ng DNA, at nakumpirma ito, magiging pinsan niya na si Willow, kahit na ayaw niya pa rin rito. "Anong nalaman mo tungkol sa designer na si Zora?" Gumalaw ang mata ni Louis. "Oo, siya ang luxury jewelry designer na ang pangalan ay Maisie Vanderbilt. Meron siyang kaugnayan kay Mr. Goldmann."Nagdilim ang mata ni Larissa. "Siya yun?"Sinabi sa kaniya ni Willow na mayroon siyang stepsister na ang pangalan ay Maisie