Alam ni Leila na may gusto pa rin ang kaniyang anak kay Nolan, kaya agad niyang sinabing, "Huwag mo na isipin si Nolan ngayon. Tingin mo ba kailangan mo pang isipin na hindi ka niya gusto kahit na ikaw ang tagapagmana ng de Armas?"Dahil dito, hinawakan ni Willow ang kamay ng kaniyang ina at sinabing, "Tama ka, Mom. Kailangan natin mapaniwala ang Lucas Family na ako ang anak ni Marina. Pero, kailangan ko rin makakuha ng buhok mula sa babaeng iyon para magamit ko sa DNA test."Ngumisi si Leila. "Madali lang 'yan. Nagtatrabaho ngayon si Linda sa Blackgold. Ipadala natin siya para gawin ang trabaho para hindi mahalata ni Maisie."…Si Linda, na walang kaalam-alam sa kahit anong trabaho, ay galit at parang na-agrabyado matapos ma-assign bilang intern sa warehouse.'Letse! Siguro sinadya 'tong gawin ni Maisie!'Sa kabilang banda, itong mga oras na 'to nakatanggap siya ng tawag sa kaniyang tita Leila, kaya naman nagsimula siyang magreklamo kay Leila nang walang pagda-dalawang isip.
Sabi ni Maisie, "Kapag nanganak talaga siya ng lalaking tagapagmana, maaring magbago ang status niya sa mga Vanderbilt dahil matutuwa si Madam Vanderbilt at mamahalin ang kaniyang apong lalaki."'Sinusubukan ni tita Leila ang magkaanak ng lalaki?'Halatang nagulat si Linda. Matagal na niyang alam na mas gusto ng lola niya ang apo na lalaki kaysa sa babae.Sa Coralia, ang walang kwenta niyang nakababatang kapatid na lalaki ay laging mas pinapaburan kaysa sa kaniya. Siya ay inaaasahan na mag-asikaso ng mga gawaing bahay simula noong bata pa siya samantalang ang kapatid niyang lalaki ay walang kailangan na gawin. Tinrato lang siya nang mas maayos ng lola niya noong nasa edad na siya para ikasal. Inaasahan ng lola niya na maipakasal siya sa mayamang pamilya para masuportahan niya ng pampinansyal ang kaniyang nakababatang kapatid na lalaki.Gayunpaman, walang ideya si Madam Vanderbilt na gusto niya na magpakasal sa mayaman hindi dahil para masuportahan ng pinansyal ang kaniyang k
“Payag siyang magpa-DNA test." Lumingon si Larissa para tingnan si Louis.. "Pag lumabas ang resulta, kahit ano pa man, kailangan mong tanggapin."Nagkibit- balikat si Louis. Simula noong sinigawan ni Willow ang dalawang bata sa Michelin restaurant at nagsaboy ng kape sa ibang tao, hindi na maganda ang kutob miya tungkol kay Willow. Narinig niya ang nanay niyang nagkukwento tungkol sa tita niyang si Marina. Dahil sa pagpapalaki kay Marina, ang anak niya ay hindi naman siguro uncivilised. Pero kung ganoon nga, tulad ng sinabi ng nanay niya, pag lumabas na ang resulta ng DNA, at nakumpirma ito, magiging pinsan niya na si Willow, kahit na ayaw niya pa rin rito. "Anong nalaman mo tungkol sa designer na si Zora?" Gumalaw ang mata ni Louis. "Oo, siya ang luxury jewelry designer na ang pangalan ay Maisie Vanderbilt. Meron siyang kaugnayan kay Mr. Goldmann."Nagdilim ang mata ni Larissa. "Siya yun?"Sinabi sa kaniya ni Willow na mayroon siyang stepsister na ang pangalan ay Maisie
"Na-miss mo ba kami lolo?" bungad ni Daisie."Syempre, sobra ko kayong namiss!" pinindot ni Mr. Goldmann Sr. ang dulo ng kaniyang ilong, puno ng pagmamahal ang kaniyang mga mata.Ito ang unang beses ni Colton dito, kaya bago ang lahat sa kaniya. "Lolo, sobrang ganda ng lugar na ito!"Buong pusong napatawa si Mr. Goldmann Sr. "Haha, bahay mo rin ito."Sinamahan ng kasambahay si Maisie papunta sa kwarto niya.Ang kwarto ay may modernong disenyo, pero ang tanawin doon ay nakakamangha, at tahimik. Kita nila ang isang manmade pond at ang kakahuyan.Nag-ring ang phone niya. Si Stephen iyon.Lumakad siya papuntang bintana, nag-aalangang ilagay ang phone sa tainga niya, "Dad?""Maisie, inasikaso ko ang mga naiwan na gamit ng mom mo nung mga nakaraan. Ibibigay ko ito sayo kung meron kang oras magpunta rito. 'Mga gamit ni mom?'Buong akala niya hindi itinabi ng dad niya ang mga naiwang gamit ng mom niya.Tinikom ni Maisie ang kaniyang labi, at humina ang kaniyang boses, "
"Kahit na nakita ko, may dapat pa ba akong ikagulat tungkol doon?" Nagkibit balikat si Maisie at ngumiti.Naningkit ang mga mata ni Nolan at nilampasan si Maisie. "Sa tingin ko ay wala ka namang pakialam." Kung ganun wala ng silbi ang magpaliwanag pa.Nanigas si Maisie sa kaniyang kinatatayuan. Matapos sabihin iyon ni Nolan, nakaramdam siya ng pagtusok sa puso niya. Sobrang hindi komportable.Pinigilan niya ang sarili. Oo, wala siyang pakialam. Walang dapat mamagitan sa kanilang dalawa.Hindi niya alam na ang tatlong bata ay nakita ang buong pangyayari. Nasa 'red alert' ang relasyon ng kanilang mga magulang. Tumayo si Mr. Goldmann Sr. sa likod ng tatlong bata, mahinang tinatapik-tapik ang kanilang ulo. Nang makaalis si Maisie, sinabi ng tatlo, "Lolo, anong gagawin namin kung hindi tinanggap ni Mommy si Daddy?"Naintindihan ni Mr. Goldmann Sr. kung ano ang nangyayari. "Kung ganun ang problema ay nasa inyong Mommy. Bakit naman hindi niya tanggapin ang Daddy niyo? Maaarin
Napahinto si Maisie at napangiti nang awkward. "Hindi ako nag-aalala.""Sinasabi ko lang sayo. Hindi interisado si Cherie kay Nolan. Magugustuhan mo siya pag nakilala mo siya."Sabi ni Colton, "Opo, Mommy, sobrang bait nintita Cherie. Medyo maingay lang siya at mahirap intindihin minsan.Ngumiti lang si Maisie. Pag may sinabi pa siya, magmumukha siyang nagseselos. Hindi siya pwedeng nagselos dahil kay Nolan!Magseselos lang siya dahil may iba ng babaeng nakakuha ng kiliti ng tatlong bata!Lumapit si Daisie kay Colton at bumulong. "Sa tingin mo ba galit si Mommy?"Tumango si Colton na sumasangayon. Pagewang-gewang na pumasok si Cherie at napasigaw nang malakas, "Oh hindi, hindi!"Naglakad siyang hinihingal, nagpahinga sa pinto.Tumayo si Mr. Goldmann Sr. "Anong nangyayari? Hindi ba nasa labas kayo ni Nolan at Waylon?"Kinaway ni Cherie ang kaniyang kamay at sinabing, "Sabi ni Waylon ay gusto niyang bumili ng laruan para sa mga kapatid niya, kaya pumunta kami ng mar
Ang phone ni Nolan!Muntik na makalimutan ni Maisie ag tungkol doon. Kinuha ang phone niya at tinawagan ito, pero walang sumasagot.Suot siguro ni Waylon ang kaniyang phone watch. Sinubukan niyang i-dial ang number nito, pero wala ring sumagot.Hindi na siya mapakali. May nangyari bang masama sa kanila?"Nandito ang kapatid ko!" Matapos masabi ni Cherie iyon, dumating si Quincy at ilang bodyguards."Anong nangyari kay Mr. Goldmann at Waylon?""Pasensya na, kasalanan ko dahil hindi ko sila binantayan. Nawala bigla si Waylon, at naghiwalay kami ni Mr. Goldmann para maghanap, pero pareho ko silang hindi nakita!"Ngayon lang naranasan ni Cherie ang ganitong balakid. Pamilyar sa kahit saan sulok ng lugar, pero nawalan siya ng bata sa harapan niya. Nakakahiya iyon."Panigurado hinanap ni Mr. Goldmann si Waylon. Hindi kaya nasa kasukalan sila?"Kung na-kidnap si Waylon, hindi pupunta ang mga taong 'yon sa mataong lugar. Pupunta sila kung saan walang makakakita."Ano pang h
Lumapit si Maisie kay Waylon at nanghihina na lumuhod sa harap niya. Hindi malaman kung natatakot ba ito o ano man. "Saan ka pumunta, Waylon? Paano ito nangyari?""I’m sorry, Mommy. Dahil sakin nasaktan si Daddy."Nakakakaba ang kalmadong tono ni Waylon. Natahimik si Maisie dahil dito. "Anong… Anong nangyari sa kaniya?"Samantala, lumabas naman sa ward ang doktor. "Sino ang pamilya ni Nolan Goldmann?"Natatakot na tumayo si Maisie.Sa kabilang banda, lumapit naman dito agad si Quincy. "Pamilya niya kaming lahat. Pwede ba namin malaman kung anong nangyari sa kaniya?"Seryoso lang ang ekspresyon ng doktor. "Nalinisan na namin ang mga sugat niya at binigyan siya ng blood serum injection. Mabuti na lang hindi masyadong makamandag ang ahas na kumagat sa kaniya, dahil kung hindi kahit doktor ay hindi siya kayang gamutin. Kailangan pa rin namin siyang bantayan ng dalawa pang araw para ma-monitor ang kalagayan niya."'Nakagat si Nolan ng makamandag na ahas!?'Itinikom ni Maisie