Napahinto si Maisie at napangiti nang awkward. "Hindi ako nag-aalala.""Sinasabi ko lang sayo. Hindi interisado si Cherie kay Nolan. Magugustuhan mo siya pag nakilala mo siya."Sabi ni Colton, "Opo, Mommy, sobrang bait nintita Cherie. Medyo maingay lang siya at mahirap intindihin minsan.Ngumiti lang si Maisie. Pag may sinabi pa siya, magmumukha siyang nagseselos. Hindi siya pwedeng nagselos dahil kay Nolan!Magseselos lang siya dahil may iba ng babaeng nakakuha ng kiliti ng tatlong bata!Lumapit si Daisie kay Colton at bumulong. "Sa tingin mo ba galit si Mommy?"Tumango si Colton na sumasangayon. Pagewang-gewang na pumasok si Cherie at napasigaw nang malakas, "Oh hindi, hindi!"Naglakad siyang hinihingal, nagpahinga sa pinto.Tumayo si Mr. Goldmann Sr. "Anong nangyayari? Hindi ba nasa labas kayo ni Nolan at Waylon?"Kinaway ni Cherie ang kaniyang kamay at sinabing, "Sabi ni Waylon ay gusto niyang bumili ng laruan para sa mga kapatid niya, kaya pumunta kami ng mar
Ang phone ni Nolan!Muntik na makalimutan ni Maisie ag tungkol doon. Kinuha ang phone niya at tinawagan ito, pero walang sumasagot.Suot siguro ni Waylon ang kaniyang phone watch. Sinubukan niyang i-dial ang number nito, pero wala ring sumagot.Hindi na siya mapakali. May nangyari bang masama sa kanila?"Nandito ang kapatid ko!" Matapos masabi ni Cherie iyon, dumating si Quincy at ilang bodyguards."Anong nangyari kay Mr. Goldmann at Waylon?""Pasensya na, kasalanan ko dahil hindi ko sila binantayan. Nawala bigla si Waylon, at naghiwalay kami ni Mr. Goldmann para maghanap, pero pareho ko silang hindi nakita!"Ngayon lang naranasan ni Cherie ang ganitong balakid. Pamilyar sa kahit saan sulok ng lugar, pero nawalan siya ng bata sa harapan niya. Nakakahiya iyon."Panigurado hinanap ni Mr. Goldmann si Waylon. Hindi kaya nasa kasukalan sila?"Kung na-kidnap si Waylon, hindi pupunta ang mga taong 'yon sa mataong lugar. Pupunta sila kung saan walang makakakita."Ano pang h
Lumapit si Maisie kay Waylon at nanghihina na lumuhod sa harap niya. Hindi malaman kung natatakot ba ito o ano man. "Saan ka pumunta, Waylon? Paano ito nangyari?""I’m sorry, Mommy. Dahil sakin nasaktan si Daddy."Nakakakaba ang kalmadong tono ni Waylon. Natahimik si Maisie dahil dito. "Anong… Anong nangyari sa kaniya?"Samantala, lumabas naman sa ward ang doktor. "Sino ang pamilya ni Nolan Goldmann?"Natatakot na tumayo si Maisie.Sa kabilang banda, lumapit naman dito agad si Quincy. "Pamilya niya kaming lahat. Pwede ba namin malaman kung anong nangyari sa kaniya?"Seryoso lang ang ekspresyon ng doktor. "Nalinisan na namin ang mga sugat niya at binigyan siya ng blood serum injection. Mabuti na lang hindi masyadong makamandag ang ahas na kumagat sa kaniya, dahil kung hindi kahit doktor ay hindi siya kayang gamutin. Kailangan pa rin namin siyang bantayan ng dalawa pang araw para ma-monitor ang kalagayan niya."'Nakagat si Nolan ng makamandag na ahas!?'Itinikom ni Maisie
Dahan-dahang umupo si Nolan, tumingin siya kay Maisie, at dahan-dahang binigkas, "Pakainin mo ako."Kung noon ito nangyari, ilalapag ni Maisie ang food tray at sasabihing, "Bahala ka!" Pero, wala siyang sinabing kahit ano ngayon. Sa halip, umupo siya sa tabi ng higaan at sinubuan si Nolan. Bigla siyang nahiya dahil tinititigan siya ni Nolan nang malapitan, "Ginagawa ko lang ito para kay Waylon." paliwanag ni Maisie.Nilunok ni Nolan ang pagkain na sinusubo sa kaniya ni Maisie at tinititigan niyo habang napapangiti.Bigla niyang naisip na ayos lang din pala na ma-injured siya.Nang matapos siya kumain, itinabi ni Maisie ang food tray. Tinitingnan siya ni Nolan habang sumasandal ito sa unan para magpahinga. Nang mapansing hindi pa umaalis si Maisie, "Nandito ka ba para may kasama ako?" sabi ni Nolan."Sa tingin mo ba bukal sa loob ko itong ginagawa ko?" Hindi siya mananatili kung hindi lang nasaktan si Nolan sa pagligtas kay Waylon.Kumunot ang noo ni Nolan at biglang inang
Seryoso lang ang ekspresyon ni Nolan.Kinurot ulit ni Quincy si Cherie at nagsalita nang hindi naghihiwalay ang mga labi, "Kain."May naalala bigla si Cherie, kaya naman masigla niyang sinabi kay Maisie. "Hayaan mo akong ipakilala ang sarili ko, madam. Ako si Cherie Lawson, at ako ang nakababatang babaeng kapatid ng tangang ito. Para na naming kuya si Mr. Goldmann, at matalik kaming magkakaibigan, kaya huwag mo sana kami masamain!"Ngumiti naman si Maisie.'Whoa! Talagang maangas ang personalidad ni Cherie, at medyo madaldal siya.Tumingin naman siya kay Quincy. "Mayroon ka rin palang nakababatang babaeng kapatid, huh?"Nainis naman si Quincy. "Kasama ang kapatid ko sa grupo mula noon, kaya tumakas siya para tingnan ka nang malaman niyang uuwi si Nolan kasama ka.""Pwede bang ayusin mo ang sinasabi mo? Pumunta ako rito dahil nagpaalam ako sa commanding officer!" Hindi nasisiyahan si Cherie.Tinapunan naman siya ng tingin ni Quincy. "Parurusahan ka sana ng commanding offic
Nawala ang katahimikan sa kotse ng tumunog ang phone ni Maisie. Tumatawag si Kennedy.Hindi mapigilan ni Maisie na maging seryoso nang sagutin niya ang tawag at narinig ang boses ni Kennedy."Tito Kennedy…"Nakarating si Maisie sa 16th floor at nakita na may sinasabi si Kennedy sa ibang staff members.Itinigil ni Kennedy ang usapan nang marinig niya si Maisie at tumigil siya sa ginagawa para lumapit dito. "Nandito ka na pala.""Anong nangyayari?" Seryosong ekspresyon ni Maisie. Paano nangyari iyon sa loob lang ng tatlong araw na wala siya?"Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Ang pamilya ng mga Lucas. Bukod sa Taylor Jewelry, pinatigil nila ang pag-supply ng mineral raw materials ng mga supplier natin.""Pamilya ng mga Lucas?"Nagbigay ng seryosong ekspresyon si Maisie.Dahil ba ito kay Willow?Pinagpapalagay niya na mananahimik si Willow matapos mangyari ang mga insidenteng iyon. Pero, nagsisimula nanaman si Willow gumawa ng gulo gamit ang pamilya ng Lucas?"Z
"Nandito na rin naman tayo, ipapakita namin sa lahat kung anong klaseng manloloko ang Millennial Gemstone dahil sa pagtanggi nilang magbigay ng kabayaran matapos lumabag sa kontrata."Nang mapansing pina-plano ni Maisie na palakihin ito, nagulat si Mr. Parker. Wala siyang ibang nagawa kundi pakalmahin ito. "Hehehe. Hay nako, pare-parehas tayo may negosyo rito, kaya bakit mo pa paabutin sa ganoon? Ibibigay ko ang kabayaran pero kung sa dobleng halaga ay—""Dobleng kabayaran ang hinihingi ko, at hindi ako aalis ng may kulang," malamig na sabi ni Maisie.Pinili ng Millennial Gemstone Inc na hindi tumupad sa usapan dahil ang pamilyang Lucas ang nasa likod nila. Bukod pa roon, hindi natakot si Mr. Parker sa Soul Jewelry dahil isa lang itong hindi kilala, maliit na kumpanyang bago lamang sa industriya.Ngunit, hindi niya inakala na makakakilala siya ng isang babaeng walang tigil siyang guguluhin.Naisip ni Mr. Parker na hindi siya ang dapat sisihin sa pagiging uto-uto nito."Kung
"Ms. Vanderbilt, Ms.—"Walang pagda-dalawang isip na binaba ni Maisie ang tawag.Tumawa si Kennedy at sinabing, "Nagiging katulad ka na ng nanay mo."Hindi niya hahayaang mapagsamantalahan siya.Sa mansyon ng pamilyang Lucas…"Goldmann, nababaliw ka na ba?"Diretso lang ang titig ni Larissa kay Nolan. Ginamit nito Maisie para pagbantaan siya. Sinusubukan niya bang kalabanin ang pamilyang Lucas pati ang de Armas?Sumandal si Nolan habang naka-dekuwatro. "Kung ipagpapatuloy mo ang paglaban sa fiancée ko, malugod na makikisabay ang Goldmann sa iyo."Nagdilim ang ekspresyon ni Larissa. "Dahil lang sa babae? Nasisiraan na ba ng ulo ang mga Goldmann?""Sa akin siya, kaya isa rin siyang Goldmann. Ano sa tingin mo?"Dahan-dahan namang kinuha ni Nolan ang kaniyang teacup at sumipsip dito bago sabihing, "Alam ng de Armas kung gaano makatwiran ang mga Goldmann, lalo na ang tatay mo, hindi ba?"Mas nagdilim ang ekspresyon ni Larissa.Totoo iyon, hindi makatwirang tao ang mg