Nawala ang katahimikan sa kotse ng tumunog ang phone ni Maisie. Tumatawag si Kennedy.Hindi mapigilan ni Maisie na maging seryoso nang sagutin niya ang tawag at narinig ang boses ni Kennedy."Tito Kennedy…"Nakarating si Maisie sa 16th floor at nakita na may sinasabi si Kennedy sa ibang staff members.Itinigil ni Kennedy ang usapan nang marinig niya si Maisie at tumigil siya sa ginagawa para lumapit dito. "Nandito ka na pala.""Anong nangyayari?" Seryosong ekspresyon ni Maisie. Paano nangyari iyon sa loob lang ng tatlong araw na wala siya?"Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Ang pamilya ng mga Lucas. Bukod sa Taylor Jewelry, pinatigil nila ang pag-supply ng mineral raw materials ng mga supplier natin.""Pamilya ng mga Lucas?"Nagbigay ng seryosong ekspresyon si Maisie.Dahil ba ito kay Willow?Pinagpapalagay niya na mananahimik si Willow matapos mangyari ang mga insidenteng iyon. Pero, nagsisimula nanaman si Willow gumawa ng gulo gamit ang pamilya ng Lucas?"Z
"Nandito na rin naman tayo, ipapakita namin sa lahat kung anong klaseng manloloko ang Millennial Gemstone dahil sa pagtanggi nilang magbigay ng kabayaran matapos lumabag sa kontrata."Nang mapansing pina-plano ni Maisie na palakihin ito, nagulat si Mr. Parker. Wala siyang ibang nagawa kundi pakalmahin ito. "Hehehe. Hay nako, pare-parehas tayo may negosyo rito, kaya bakit mo pa paabutin sa ganoon? Ibibigay ko ang kabayaran pero kung sa dobleng halaga ay—""Dobleng kabayaran ang hinihingi ko, at hindi ako aalis ng may kulang," malamig na sabi ni Maisie.Pinili ng Millennial Gemstone Inc na hindi tumupad sa usapan dahil ang pamilyang Lucas ang nasa likod nila. Bukod pa roon, hindi natakot si Mr. Parker sa Soul Jewelry dahil isa lang itong hindi kilala, maliit na kumpanyang bago lamang sa industriya.Ngunit, hindi niya inakala na makakakilala siya ng isang babaeng walang tigil siyang guguluhin.Naisip ni Mr. Parker na hindi siya ang dapat sisihin sa pagiging uto-uto nito."Kung
"Ms. Vanderbilt, Ms.—"Walang pagda-dalawang isip na binaba ni Maisie ang tawag.Tumawa si Kennedy at sinabing, "Nagiging katulad ka na ng nanay mo."Hindi niya hahayaang mapagsamantalahan siya.Sa mansyon ng pamilyang Lucas…"Goldmann, nababaliw ka na ba?"Diretso lang ang titig ni Larissa kay Nolan. Ginamit nito Maisie para pagbantaan siya. Sinusubukan niya bang kalabanin ang pamilyang Lucas pati ang de Armas?Sumandal si Nolan habang naka-dekuwatro. "Kung ipagpapatuloy mo ang paglaban sa fiancée ko, malugod na makikisabay ang Goldmann sa iyo."Nagdilim ang ekspresyon ni Larissa. "Dahil lang sa babae? Nasisiraan na ba ng ulo ang mga Goldmann?""Sa akin siya, kaya isa rin siyang Goldmann. Ano sa tingin mo?"Dahan-dahan namang kinuha ni Nolan ang kaniyang teacup at sumipsip dito bago sabihing, "Alam ng de Armas kung gaano makatwiran ang mga Goldmann, lalo na ang tatay mo, hindi ba?"Mas nagdilim ang ekspresyon ni Larissa.Totoo iyon, hindi makatwirang tao ang mg
Napasinghap si Quincy.'Si Willow ay isang de Arma? Hindi ba dapat si Maisie iyon?'Kaya tinutulungan ng pamilyang Lucas si Willow. Nagpanggap siyang si Maisie at pumunta sa kanila. Wala talagang kahihiyan ang babaeng iyan.'"Nolan, Ako—""Nanay mo si Marina de Arma?" Malamig na titig sa kaniya ni Nolan. Para bang nakikita niya ang katotohanan, na nagpakaba sa kaniya.Halos sumuko na ang mga binti ni Willow sa panghihina.Sumulyap si Nolan at sinabing, "Sa pagkakaalam ko nanay ni Maisie si Marina. Hindi ba si Leila ang nanay mo? Hah, nagpapakahirap kang kunin ang hindi naman sa iyo."Hindi ba nagpanggap na siyang si Maisie anim na taon na ang nakalipas?Ngayon ay ginagamit niya ulit ito para nakawin ang pagkatao ni Maisie. Masaya si Nolan na nakaiwas siya rito, matapos makita ang nakakasura nitong mukha. Magagalit siya sa kaniyang sarili kung hindi.Sinubukan naman siya hawakan ni Willow. "Nolan, hindi, ano lang—"Umatras naman si Nolan para iwasan si Willon na para
Hindi takot si Maisie na kalabanin ang pamilyang Lucas. Alam niyang dapat may managot, pero hindi niya inakalang idadamay ni Erwin ang royal lawyer.Paniguradong sinabihan na ni Mr. Parker ang pamilyang Lucas, si Erwin kaya ang isusunod ng pamilyang Lucas?Natahimik si Kenny at marahang sumagot. "Hindi rin ako sigurado. Ang alam ko lang ay magulo rin ang karanasan niya.""Alam mo ba ang pagkatao ng nanay ko?" biglang tanong ni Maisie.Kilala ni Kennedy at ni Erwin ang nanay niya. Alam ni Erwin na isang de Arma ang kaniyang ina, ganoon din kaya si Kennedy?Yumuko si Kennedy at umiling. "Hindi ko alam ang nakaraan ng nanay mo. Hindi niya binanggit ang pamilya niya."May gusto pa sanang sabihin si Maisie, pero nakatanggap siya ng text.Galing ito kay Nolan!Pumunta si Maisie sa opisina ni Nolan. Bubuksan na sana niya ang pinto, nakarinig siya ng boses ng babae sa loob.Napatigil siya. Hindi ba't boses iyon ni Linda?"Nolan, hindi ako gusto ni Maisie. Pinapagawa niya na
Itinulak ni Maisie ang papalapit na mukha ni Nolan sa kaniya pero hindi ito lumayo.Naabutan ni Quincy ang paglalambingan nila nang buksan niya ang pinto.Parehas na tumingin si Maisie at Nolan kay Quincy.Natahimik ang paligid.Umatras si Quincy at sinara ang pinto.Itinulak papalayo ni Maisie si Nolan at mahinanong sinabing, "Tapos na ang palabas. Aalis na ako.""Sandali." Hinila ni Nolan ang kamay niya.Lumingon si Maisie nang nagtataka pero nakita niya si Nolan na naka-ngiti."Hindi mo ba gusto malaman ang tungkol sa pamilyang Lucas?"'Ang pamilyang Lucas?' napatigil si Maisie. 'Gusto niya ba akong makita dahil sa kanila?'"Nalaman mo?" Yumuko si Maisie. Wala siyang matatago kay Nolan."Si Mrs. Lucas ay kapatid ng nanay mo, si Larissa, isa sa mga de Arma," sabi ni Nolan.Napahinto agad si Maisie nang marinig ang sinabi ni Nolan.Si Larissa de Arma. Ang kapatid ng nanay niya.Alam na ni Maisie dati na ang nanay niya ay de Arma pero hindi niya alam ang tun
Tumango si Madam Nera. Narinig na niya ang tungkol sa scandal ni Pearl, pero hindi niya inaasahang may kinalaman pala iyon.Tumikhim si Madam Nera. "Nababaliw na ang pamilyang Lucas para tulungan ang magnanakaw at isang bully. Tumatanda nang paurong si Larissa!"Walang sinabi si Maisie.Tinutulungan ng pamilyang Lucas si Willow kasi nagpapanggap siyang si Maisie.Hindi maisip ni Maisie na magsisinungaling si Willow na anak siya ni Marina. Parang wala sa isip niya na alam ni Stephen ang pagkakakilanlan ng nanay niya. "Pero huwag kang mag-alala. Ang Taylor Jewelry ay laging nakaka-appreciate ng talento. Kahit lumapit sa akin ang pamilyang Lucas, hindi ako susunod."Nakaramdam ng ginhawa si Maisie. Ang ibang jewelry company ay takot sa pamilyang Lucas, pero ang Taylor ay hindi.Ngumiti si Maisie. "Madam, hindi ka tatanggi tulad ng iba."Matapos ang usapan nila, magkasama silang lumabas sa private room. Tulak ni Maisie ang wheelchair ni Madam Nera at nasiyahan sa usapan
'Bwisit! Sino ba 'tong matanda?'Sa sandaling iyon, isang lalaki ang dahan-dahang lumapit. "Anong nangyari?"Lumingon si Willow at nakitang papalapit si Louis. Tumakbo siya agad papunta kay Louis at paawang sinabi, "Louis, hindi ko alam anong nangyayari! Sinasadya nilang pagtulungan ako…"Napatawa si Madam Nera. "Oh? Mr. Lucas, may koneksyon ba siya sayo? Bakit hindi ko yan alam?"Napakagat ng labi si Willow, hindi siya makatingin sa mata ni Maisie ngayon. Umaasa na lang siya na walang alam si Maisie tungkol sa de Arma.Lumapit si Louis kay Madam Nera nang dahan-dahan. "Madam Nera, pasensya na. Sana mapatawad niyo ang pinsan ko kung ano man pong nagawa niya sa inyo.""Heh, pero kasasabi lang niyang hindi ako kaaawaan ng pamilyang Lucas at masasaktan ako.”Nagkunot ang noo ni Louis at tumingin nang matalim kay Willow.Yumuko si Willow at mariing napakagat sa kaniyang labi.'Paano nangyari ito? Base sa trato ni Louis sa matandang babaeng ‘to, lahat ng sinabi ko kanina ay
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa