'Kung totoo ang paliwanag ni Willow, at kinakausap lang niya si Maisie pero pinuntirya siya nito sa huli, walang rason para si Madam Nera na nasa gilid lang nang oras na iyon ay ipagtatanggol ang isang babaeng wala sa katwiran. Kaya kung titingnan ko ito mula sa anggulong ito, mas malaki ang posibilidad na si Willow ang unang nambastos sa kanila.’"Tita, Hi…Hindi ako magsisinungaling sayo.""Heh, malalaman ko rin kung nagsisinungaling ka ba sa akin Willow. Kung mayroon ka mang itinatago o nagsinungaling sa akin, Hindi kita palalagpasin nang ganun kadali kahit na anak ka ni Marina.”'Kung isang manlolokong anak lang naman ang isinilang ng kapatid ko ,mas gugustuhin ko pang hindi siya kupkupin!’Willow really panicked and felt extremely unreconciled deep down.Nataranta si Willow at labis na nangamba.'Paanong nangyaring napunta ako sa ganitong sitwasyon!?'…Inihatid ni Maisie si Madam Nera sa ground floor ng Nera Tower.Hinawakan ni Madam Nera ang kamay ni Maisie. "Masaya
'Posible bang isa iyon sa mga naiwang gamit ni Mom?'…Willow returned to the Vanderbilt manor and wanted to talk to her mother and come up with a solution with her mother. Unexpectedly, she saw Stephen sitting on the couch with an obscure expression as soon as she walked in.Bumalik na si Willow sa Vanderbilt manor, gusto niyang makipag-usap sa kaniyang nanay at makahanap ng solusyon. Pero sa hindi inaasahan na makita niya si Stephen na nakaupo sa couch. Mayroon itong hindi mapaliwanag na ekspresyon.At sa kung ano man ang dahilan, nakaluhod sa sahig ang nanay niya."Dad… Anong nangyari kay Mom…""May lakas ka pa rin ng loob na tanungin ako nyan!?" Sa sobrang galit ni Stephen ay hinampas niya ang lamesa at saka tumayo. "Wala kayong kahihiyang mag-ina. Ang lakas ng loob niyong nakawin ang bracelet ng nanay ni Maisie!?"Kung hindi pa tumawag si Nolan at sinabi sa kaniya ang tungkol sa ginagawa ni Willow na pagpapanggap bilang anak ni Marina, na naging dahilan para malaman niy
"Anong pinagsasabi mo? Paano kita makakalimutan, Nels?""Hehe, hindi ba pumupunta ka lang sa akin kapag malungkot ka?" Inilagay ni Nelson ang kaniyang mga daliri sa bewang ni Leila."Wala siyang interes sa akin, anong magagawa ko?" reklamo ni Leila.'Bwisit! Kung hindi lang ito para sa gusto kong anak na lalaki, at ayaw ako galawin ni Stephen lalo na ngayon, bakit ito ang naisip kong gawin?'Si Stephen ang tumatrato sa akin na parang wala lang, kaya hindi ako masisisi kung niloloko ko siya!'Sabagay, kinaya ko ngang ibalik si Willow sa mga Vanderbilt at sabihin kay Stephen na anak niya ito. Paniguradong magagawa ko ulit manganak mula sa iba at gawin ulit iyon!'"Sa tingin ko may iba kang pakay, tama ba?""Kilala mo talaga ako, Nels." makikita ang malisya sa mukha ni Leila ng sabihing, "Nandito ako para sa isang bagay lang. Alam ko kung ano ang ginagawa ng mga nagsisilbi sayo, kaya kung papayag kang gawin itong gusto ko, handa akong magbayad ng malaking halaga.""Oh? Muk
Nakatanggap naman bigla ng mensahe si Maisie sa kaniyang cell phone.Binawi ni Maisie ang kaniyang tingin, kinuha ang cell phone, at binasa ang nilalaman ng mensahe. Nagbago ang titig niya habang tumatayo.Dali-dali siyang tumakbo palabas at pumunta kay Kennedy.Tinanong siya agad ni Kennedy, "Zee, may problema ba?""Naaksidente si Dad." Hindi na nakapagpaliwanag si Maisie at tumakbo na paalis sa opisina.Nakita ni Kennedy ang gulat sa mukha ni Maisie, at nag-iba ang kaniyang ekspresyon nang marinig niya ang sinabi ni Maisie na naaksidente si Stephen.'Kailangan ko puntahan si Mr. Goldmann para sabihin ito.'Pumunta si Maisie sa underground parking lot at nakita niyang nakabukas ang pinto ng sasakyan ng kaniyang ama. Walang malay na nakahiga ang kaniyang ama sa manibela."Dad!" Lalapit na sana siya para tingnan ito nang bigla siyang napatigil dahil sa taser. Nakita niya ang mukha ng lalaking nagpatigil sa kaniya bago siya tuluyang mawalan ng malay.'Ang lalaking ito…'
"Nol— Nolan?"Akala ni Maisie na ang lalaki si gilid niya ay si Nolan, pero tumayo ito at lumapit sa kaniya, "Anong tinawag mo sa akin?"Itinaas ni Maisie ang kamay niya at maamong hinawakan ang kwelyo ng lalaki pero napagtanto niyang hindi ito si Nolan, kaya agad niya itong itinulak papalayo.Lumingon siya sa paligid, at iilan sa mga lalaki ay magkakamukha. Inilalapit nila ang kamay nila kay Maisie habang may mga masasamang ngiti."Ah!"Hinawakan ni Maisie ang ulo, sumisigaw siya dahil hindi niya na mapigilan ang kaniyang emosyon. Napalitan ng takot ang kaniyang kagandahan."Ang lakas pala talaga ng droga na ito." Matapos makita na malapit na siya masiraan ng ulo, alam nilang umepekto na ang droga."Ibibigay ko ang iba sa kaniya bukas."Tumalikod na ang mga lalaki para umalis, pero bukas ang pinto. May ibang taong nakapasok.Namutla ang mga tao sa loob. Nakita nila ang pilay na lalaking may tungkod na naglalakad papasok kasama ang malalaking lalaki. Tinanggal niya an
Punong puno ng galit ang mga mata ni Nolan. "Anong laman ‘nun?""Ecsta—" sinipa ni Nolan ang lalaki bago pa man ito matapos magsalita at natumba sa sahig.Namumula ang mata ni Nolan dahil sa galit. "Bakit niyo itinurok sa kaniya!?"Hindi ininda ng lalaki ang sakit dahil sa bali at galit na nagpaliwanag, "Hindi naman malaking dose iyon!" Kailangan tuloy-tuloy siyang maturukan sa loob ng tatlong araw para madala si Maisie. Magiging masama lang pakiramdam niya ng ilang araw kung isang turok lang, pero hindi nila inakalang mahahanap sila ni Nolan.Binuhat ni Nolan si Maisie at lumingon para tingnan ang mga lalaki. "Kapag may nangyaring masama sa kaniya, katapusan niyo na."Sa sasakyan…Hawak ni Nolan sa kaniyang bisig si Maisie. Malamig pa rin ang kamay nito kahit kanina niya pa ito kinikiskis."Zee?" Kinakausap siya ni Nolan, pero mabagal lang siyang pataas na tiningnan ni Maisie.Niyakap siya ng mahigpit ni Nolan, seryoso lang ang mga mata at nakaigting ang panga. "Qui
Naglakad si Quincy at marahan na napabukas ang bibig.Walang awa ang madrasta na iyon. Sisirain niya si Maisie para lang masiguro ang hinaharap ng anak niya.Gamit ang kaniyang huling hininga, tiningnan ni Nelson si Nolan, na naka dekuwatro sa upuan.Mukha siyang demonyong galing mismo sa ilalim ng impyerno. Walang ekspresyon ang mukha nito, habang ang mga mata ay malamig at matalim ang tingin, parang demonyo.Inayos ni Nolan ang kaniyang upo. Yumuko ito paharap at tumingin kay Nelson. "Kung aamin ka, pagbibigyan kita mabuhay."Napuno ng luha ang mga mata ni Nelson dahil sa nakikita niyang pag-asa.Pero ang sumunod na sinabi ni Nolan ang nagpawala ng ningning sa kaniyang mata at napalitan ito ng takot."Baliin niyo ang kamay at binti niya. Ipakalat niyo na kung sino man ang tutulong sa kaniya ay mararanasan ang pinagdaanan niya."Tumayo na si Nolan at umalis nang hindi lumilingon.Sinenyasan ni Quincy ang mga tauhan gamit ang kaniyang mata at sumunod na kay Nolan.D
Bigla namang may naalala si Maisie nang makita niya Si Quincy at tinanong ito, "Nasaan si Nolan?""Umuwi siya para magpalit ng damit. Pinadala niya ako rito." ngumiti si Quincy.Paniguradong ayaw niyang mamantsahan ng dugo ang damit niya."Quincy, kinagat… ko ba si Nolan?" tanong ni Maisie.Naalala niyan may kinagat siya, at parang narinig niya ang boses ni Nolan.Ngumiti si Quincy. "Naalala mo—"Napayuko si Maisie. Totoo nga ito."Alam ba ng mga bata na nandito ako sa ospital?" patuloy niyang pagtatanong.Ilang araw siyang hindi umuwi. Anong iisipin ng mga bata? Sumagot si Quincy, "Hindi maayos ang lagay mo ng ilang araw. Pinagtakpan ka ni Nolan sa mga bata kasi ayaw niyang mag alala sila."Tumango ni Maisie.Totoo ito. Kung si Waylon at ang iba pa ay pupunta para makita siya at masaktan sila, bibigat ang loob ni Maisie."Ang tatay ko—""Ayos lang ang tatay mo."Pumasok si Nolan. Umalis si Quincy at ang doktor para bigyan sila ng oras para makapag-usap.
Yumuko si Leah at binaon niya ang kaniyang mukha sa balikat ni Morrison. Ilang araw ang lumipas, sa mga ebidensya na dala ni Aina pati ang mga pulis na naging witness, nasangkot si Dennis sa isang iskandong problema.Habang kumakalat ang iskandalo, naglakas-loob na rin ang mga babaeng inabuso niya para magsalita. Kahit ang hotel na ni-register sa pangalan ni Dennis ay iniimbistigahan. Nang marinig ng mga staff sa hotel na hinuli si Dennis, sinabi nila na matagal na silang binabalaan nito. Ginamit ni Dennis ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isabsa mga top management ng hotel para tulungan siya ng mga staff. At saka, mayroon siyang suite sa hotel na “privately reserved” para lang sa kaniya. Base sa mga staff members doon, lagi raw nagdadala ng iba’t ibang babae si Dennis sa kwartong iyon para pagsamantalahan. Walang pwedeng pumasok sa kwartong iyon nang walang permiso niya. At saka, kakaiba ang pagkakagawa sa card key para makapasok sa kwarto. Isa lang ‘yon, at siya lang ang m
Natulak ni Dennis palayo si Leah dahil sa sakit. Habang nakatingin sa pen na hawak ni Leah, galit na tumawa si Dennis at sinabi, “Hindi ako makapaniwala na may pen kang dala, pero wala na akong pakialam.”Binuksan niya ang drawer at kinuha ang handcuffs. “Dahil gusto mo naman na mahirapan, ibibigay ko ang gusto mo.”Nagulat si Leah. ‘Hindi pwedeng lagyan niya ako ng posas!’ Kinuha ni Leah ang lamp at ashtray sa mesa at hinagis niya kay Dennis, sobrang nagalit ito. Lumapit sa kaniya si Dennis at hiniga siya sa kama bago ilagay ang posas sa kaniyang kamay. Malakas na sumigaw si Leah para manghingi ng tulong at tingin siya nang tingin sa pinto.‘Bakit hindi pa sila pumupunta? Iniwan na ba ako ni Aina?’Nanginig si Leah nang nakalantad na ang kaniyang balat, may takot na bakas sa kaniyang mata. Puno ng galit ang mata ni Dennis na nakatingin sa nakailalim sa kaniya na parang isang lion na nakatitig sa kaniyang biktima, naghahandang kainin nang buo.Puno ng pandidiri si Leah, at h
Nagulat si Aina.Hindi niya inaasahan na may isang taong hindi niya kaano-ano ang totoong tutulong sa kaniya sa huli.“Ms. Younge, mas matalino siya sa inaasahan mo…”“Alam ko,” Mabilis na sagot ni Leah. “Ibig sabihin, kailangan ko na makipag-cooperate ka rin sa akin. Dahil ako ang next niyang target, ako ang magiging batibong. Kailangan mo lang siyang paniwalain na nagtagumpay siya sa plano niya.”Matapos iyon, inabot ni Leah ang phone niya kay Aina at sinabi sa kaniya ang password. “Matapos iyon, kailangan kong tawagan mo dyan yung may pangalan na Morrison. Tawagan mo rin ng pulis. Gagawin ko ang best ko para mabigyan ka ng oras.”“Bakit ka nagtitiwala sa akin?” Tanong ni Aina, hindi makapaniwala ang tono ng kaniyang boses.Hindi ba siya nag-aalala na baka iwan siya ni Aina pagkatapos niya gawin kay Dennis ang sinabi niya?“Kung gusto mo talaga akong saktan, hindi mo na sana sinabi sa akin bakit ka pumunta dito. Pwede mo namang ilagay na lang yung pill sa drinks ko nung hindi
“Anong ibig mong sabihin?” Bahagyang nagulat si Leah, “May iba pang babae?”“Hindi ako ang una. Naloko niya rin ako.” Yumuko si Aina. Nagsimula siyang ikwento kay Leah kung paano siya niloko ni Dennis at pati ang tungkol sa malalang pang-aabuso sa kaniya.Nagulat si Leah at nahirapan siyang paniwalaan ang mga narinig niyang sinabi ni Aina. Ang trick na ginamit ni Dennis kay Aina at kapareho ng ginamit niya para mapalapit kay Leah.Una ay gagawa siya ng senaryo kung saan makakasalubong niya ang kaniyang target. Matapos iyon, ipapakita niya na isa siyang gentleman para hindi matakot sa kaniya ang kaniyang target at magkaroon sila ng pagkakaibigan. Napanalo na ni Dennis ang puso ng maraming babae dahil sa kaniyang itsura, background, at ang kaniyang palabiro, at palakaibigan na personlidad.Sa huli, sasabihin niya sa target niya na maging girlfriend niya at para makapag-sex siya sa kanila.Pag na-in love na ang target niya at pag naisip na nila na nakakuha na sila ng perfect na boy
Kinabukasan, pumunta si Leah sa meeting kasama ang Secretary-General. May meeting sila kasama ang ilang officials mula sa ibang bansa. Nagsusulat siya ng notes sa session habang nag-iinterpret para sa Secretary-General. Matapos ang dalawang oras na meeting, lumabas na siya ng building kasama ang Secretary-General na tumalikod sa gilid ng sasakyan. “May pupuntahan ako. Pwede ka na magpahinga ngayong araw.”Tumango si Leah. “Sige. See you soon.”Nang makaalis na ang sasakyan, nilabas ni Leah ang kaniyang phone na naka-silent mode, at nakita niya na may message sa kaniya si Morrison. Ngumiti siya at tinawagan ito. “Nasa meeting ako kanina. Nakapagdesisyon ka na ba, Mr. Shaw?”Tumikhim si Morrison at sobrang seryoso ang boses niya nang sinabi, “Anong oras matatapos ang trabaho ng girlfriend?” “Anong gustong kainin ng girlfriend ngayon?”“I…” Nakatikom ng labi si Leah. “Kahit ano. Kakainin ko lahat ng ibibigay sa akin, kahit yung boyfriend pa.”Umiinom si Morrison kaya bigla siyang
“Miss ko na siya.”Alam ni Morrison sino ang tinutukoy ni Leah, hindi nagbago ang kaniyang ekspresyon. “Ikaw ang gumagawa nito sa sarili mo. Iba na lang ang isipin mo!”May luha ang mata ni Leah pero hindi masabi ni Morrison kung malungkot ba siya o masaya. “Ikaw na lang ma-miss ko?”Napahinto si Morrison. Matapos ang ilang sandali, umupo siya sa sahig. “Sigurado ka bang hindi ka lasing?”“Mukha ba akong lasing?”“Medyo.”Yumuko si Leah. Hindi siya nag-isip nang sinabi niya ‘yon. Mas matanda siya ng tatlong taon kay Morrison, kaya hindi sila magkakasundo. Nagsayang siya ng sampung taon sa pagmamahal niya kay Zephir, kaya ngayon ayaw na niyang maghangad ng kung anu-ano. Matapos ang ilang sandali, ngumiti siya.Yumuko si Leah para itago ang kaniyang mga mata. “Nagbibiro lang ako, huwag mo masyadong isipin.”Nagsimula na siyang magligpit. “Alright, tapos na ako, at magpapahinga na rin. Huwag mo kalimutan na i-lock ang pinto pag umalis ka.”Tumawa si Morrison. Nang makita niyang t
Napahinto si Leah. “Hindi niya girlfriend si Aina?”‘Eh bakit sabi niya… Saglit lang! Sabi ng interpreter single raw si Dennis. Wala siyang girlfriend at hindi rin siya kasal, bakit hindi niya sinabi sa publiko kung si Aina naman pala ang girlfriend niya?‘Wala sa department ang nakakaalam tungkol doon?’Tumawa si Morrison. “Marami siyang babae sa contacts niya. Sinong nakakaalam sino ang tinutukoy mo? Pero sa kung ano ang nakikita ko, ikaw ang plano niyang gawing susunod na target.”Nagulat si Leah at tumingin siya kay Morrison. “Kilalang kilala mo siya?”“Walang lihim sa Night Banquet na nananatiling lihim. Wala naman talagang mga labing nakatikom.”Suminag ang ilaw sa bintana, nakasunod ito sa sasakyan.Ilang sandaling tahimik si Leah bago sabihin, “May nakita akong ligature marks sa kamay ni Aina, at mukhang sobrang takot siya kay Dennis. Sabi niya sa akin huwag raw ako magtiwala sa kaniya.”Hindi naman plano ni Leah. Kahit na sinabi ni Dennis sa kaniya na niloko siya ni Ai
Tumayo si Leah. “Pupunta ako sa banyo.” Nang naglakad na siya palayo, nakatingin lang si Dennis sa kaniya. Nang pumunta siya sa banyo, napansin ni Leah na nandoon ang babae. Nagulat siya pero pumunta pa rin siya sa sink area.Nagtanong si Leah sa babae bilang colleague, “Marami ka bang nainom?”Umiling ang babae.“Mabuti naman. Hindi magandang uminom nang marami sa ganitong mga event.” Kumuha ng napkin si Leah at pinunasan ang lipstick niya. Matapos ang ilang sandali, nakita niya ang peklat sa kamay ng babae. “Anong nangyari sa kamay mo?”Kinabahan ang babae at binaba niya ang sleeve niya para takpan ng kaniyang kamay. “Wala.” Mabilis siyang naglakad palabas ng pinto pero huminto siya bago lumabas, tumalikod siya para tingnan si Leah. “Huwag ka magtiwala kay Dennis.”Mabilis na umalis ang babae.Kumunot ang noo ni Leah. ‘Huwag magtiwala kay Dennis…‘May nangyari ba sa kaniya? Yung peklat niya, dahil ba ‘yon sa tali?’ Nanatili lang si Leah doon ng ilang sandali pero bigla
“Gusto ng mga matatanda nang ganoon pero basta masaya sila.”Pagkalipas ng ilang araw, sa Stoslo…Nagkaroon ng party ang Ministry of Foreign Affair at imbitado si Leah.Walang plano si Leah na pumunta pero pinilit siya ng mga ka-trabaho niya kaya pumayag siya.Pagkatapos ng trabaho, pumunta sila sa restaurant para sa party.Nang pumasok si Leah, napansin niya na nandoon si Dennis. Nakasuot siya ng blue sports jacket at mukhang fashionable.Umupo siya kasama ang dalawang babaeng interpreter.Pinaikot ni Dennis ang wine glass habang may kinakausap at nahagip ng mata niya si Leah. “Ms. Younge, ito ba ang unang beses mong sumama sa party?”Inasar siya ng isang babae. “Masyado mo siyang binibigyan ng atensyon. May namamagitan ba sa inyong dalawa?”Ngumiti si Dennis. “Ayos lang sa akin ‘yon.” Halata naman kung ano ang ibig niyang sabihin. Napakabukas niya tungkol doon.Kumunot si Leah at magalang na ngumiti. “Napaka prangka mo.”“Palagi naman.”Lumapit ang babae na katabi ni Leah