'Bwisit! Sino ba 'tong matanda?'Sa sandaling iyon, isang lalaki ang dahan-dahang lumapit. "Anong nangyari?"Lumingon si Willow at nakitang papalapit si Louis. Tumakbo siya agad papunta kay Louis at paawang sinabi, "Louis, hindi ko alam anong nangyayari! Sinasadya nilang pagtulungan ako…"Napatawa si Madam Nera. "Oh? Mr. Lucas, may koneksyon ba siya sayo? Bakit hindi ko yan alam?"Napakagat ng labi si Willow, hindi siya makatingin sa mata ni Maisie ngayon. Umaasa na lang siya na walang alam si Maisie tungkol sa de Arma.Lumapit si Louis kay Madam Nera nang dahan-dahan. "Madam Nera, pasensya na. Sana mapatawad niyo ang pinsan ko kung ano man pong nagawa niya sa inyo.""Heh, pero kasasabi lang niyang hindi ako kaaawaan ng pamilyang Lucas at masasaktan ako.”Nagkunot ang noo ni Louis at tumingin nang matalim kay Willow.Yumuko si Willow at mariing napakagat sa kaniyang labi.'Paano nangyari ito? Base sa trato ni Louis sa matandang babaeng ‘to, lahat ng sinabi ko kanina ay
'Kung totoo ang paliwanag ni Willow, at kinakausap lang niya si Maisie pero pinuntirya siya nito sa huli, walang rason para si Madam Nera na nasa gilid lang nang oras na iyon ay ipagtatanggol ang isang babaeng wala sa katwiran. Kaya kung titingnan ko ito mula sa anggulong ito, mas malaki ang posibilidad na si Willow ang unang nambastos sa kanila.’"Tita, Hi…Hindi ako magsisinungaling sayo.""Heh, malalaman ko rin kung nagsisinungaling ka ba sa akin Willow. Kung mayroon ka mang itinatago o nagsinungaling sa akin, Hindi kita palalagpasin nang ganun kadali kahit na anak ka ni Marina.”'Kung isang manlolokong anak lang naman ang isinilang ng kapatid ko ,mas gugustuhin ko pang hindi siya kupkupin!’Willow really panicked and felt extremely unreconciled deep down.Nataranta si Willow at labis na nangamba.'Paanong nangyaring napunta ako sa ganitong sitwasyon!?'…Inihatid ni Maisie si Madam Nera sa ground floor ng Nera Tower.Hinawakan ni Madam Nera ang kamay ni Maisie. "Masaya
'Posible bang isa iyon sa mga naiwang gamit ni Mom?'…Willow returned to the Vanderbilt manor and wanted to talk to her mother and come up with a solution with her mother. Unexpectedly, she saw Stephen sitting on the couch with an obscure expression as soon as she walked in.Bumalik na si Willow sa Vanderbilt manor, gusto niyang makipag-usap sa kaniyang nanay at makahanap ng solusyon. Pero sa hindi inaasahan na makita niya si Stephen na nakaupo sa couch. Mayroon itong hindi mapaliwanag na ekspresyon.At sa kung ano man ang dahilan, nakaluhod sa sahig ang nanay niya."Dad… Anong nangyari kay Mom…""May lakas ka pa rin ng loob na tanungin ako nyan!?" Sa sobrang galit ni Stephen ay hinampas niya ang lamesa at saka tumayo. "Wala kayong kahihiyang mag-ina. Ang lakas ng loob niyong nakawin ang bracelet ng nanay ni Maisie!?"Kung hindi pa tumawag si Nolan at sinabi sa kaniya ang tungkol sa ginagawa ni Willow na pagpapanggap bilang anak ni Marina, na naging dahilan para malaman niy
"Anong pinagsasabi mo? Paano kita makakalimutan, Nels?""Hehe, hindi ba pumupunta ka lang sa akin kapag malungkot ka?" Inilagay ni Nelson ang kaniyang mga daliri sa bewang ni Leila."Wala siyang interes sa akin, anong magagawa ko?" reklamo ni Leila.'Bwisit! Kung hindi lang ito para sa gusto kong anak na lalaki, at ayaw ako galawin ni Stephen lalo na ngayon, bakit ito ang naisip kong gawin?'Si Stephen ang tumatrato sa akin na parang wala lang, kaya hindi ako masisisi kung niloloko ko siya!'Sabagay, kinaya ko ngang ibalik si Willow sa mga Vanderbilt at sabihin kay Stephen na anak niya ito. Paniguradong magagawa ko ulit manganak mula sa iba at gawin ulit iyon!'"Sa tingin ko may iba kang pakay, tama ba?""Kilala mo talaga ako, Nels." makikita ang malisya sa mukha ni Leila ng sabihing, "Nandito ako para sa isang bagay lang. Alam ko kung ano ang ginagawa ng mga nagsisilbi sayo, kaya kung papayag kang gawin itong gusto ko, handa akong magbayad ng malaking halaga.""Oh? Muk
Nakatanggap naman bigla ng mensahe si Maisie sa kaniyang cell phone.Binawi ni Maisie ang kaniyang tingin, kinuha ang cell phone, at binasa ang nilalaman ng mensahe. Nagbago ang titig niya habang tumatayo.Dali-dali siyang tumakbo palabas at pumunta kay Kennedy.Tinanong siya agad ni Kennedy, "Zee, may problema ba?""Naaksidente si Dad." Hindi na nakapagpaliwanag si Maisie at tumakbo na paalis sa opisina.Nakita ni Kennedy ang gulat sa mukha ni Maisie, at nag-iba ang kaniyang ekspresyon nang marinig niya ang sinabi ni Maisie na naaksidente si Stephen.'Kailangan ko puntahan si Mr. Goldmann para sabihin ito.'Pumunta si Maisie sa underground parking lot at nakita niyang nakabukas ang pinto ng sasakyan ng kaniyang ama. Walang malay na nakahiga ang kaniyang ama sa manibela."Dad!" Lalapit na sana siya para tingnan ito nang bigla siyang napatigil dahil sa taser. Nakita niya ang mukha ng lalaking nagpatigil sa kaniya bago siya tuluyang mawalan ng malay.'Ang lalaking ito…'
"Nol— Nolan?"Akala ni Maisie na ang lalaki si gilid niya ay si Nolan, pero tumayo ito at lumapit sa kaniya, "Anong tinawag mo sa akin?"Itinaas ni Maisie ang kamay niya at maamong hinawakan ang kwelyo ng lalaki pero napagtanto niyang hindi ito si Nolan, kaya agad niya itong itinulak papalayo.Lumingon siya sa paligid, at iilan sa mga lalaki ay magkakamukha. Inilalapit nila ang kamay nila kay Maisie habang may mga masasamang ngiti."Ah!"Hinawakan ni Maisie ang ulo, sumisigaw siya dahil hindi niya na mapigilan ang kaniyang emosyon. Napalitan ng takot ang kaniyang kagandahan."Ang lakas pala talaga ng droga na ito." Matapos makita na malapit na siya masiraan ng ulo, alam nilang umepekto na ang droga."Ibibigay ko ang iba sa kaniya bukas."Tumalikod na ang mga lalaki para umalis, pero bukas ang pinto. May ibang taong nakapasok.Namutla ang mga tao sa loob. Nakita nila ang pilay na lalaking may tungkod na naglalakad papasok kasama ang malalaking lalaki. Tinanggal niya an
Punong puno ng galit ang mga mata ni Nolan. "Anong laman ‘nun?""Ecsta—" sinipa ni Nolan ang lalaki bago pa man ito matapos magsalita at natumba sa sahig.Namumula ang mata ni Nolan dahil sa galit. "Bakit niyo itinurok sa kaniya!?"Hindi ininda ng lalaki ang sakit dahil sa bali at galit na nagpaliwanag, "Hindi naman malaking dose iyon!" Kailangan tuloy-tuloy siyang maturukan sa loob ng tatlong araw para madala si Maisie. Magiging masama lang pakiramdam niya ng ilang araw kung isang turok lang, pero hindi nila inakalang mahahanap sila ni Nolan.Binuhat ni Nolan si Maisie at lumingon para tingnan ang mga lalaki. "Kapag may nangyaring masama sa kaniya, katapusan niyo na."Sa sasakyan…Hawak ni Nolan sa kaniyang bisig si Maisie. Malamig pa rin ang kamay nito kahit kanina niya pa ito kinikiskis."Zee?" Kinakausap siya ni Nolan, pero mabagal lang siyang pataas na tiningnan ni Maisie.Niyakap siya ng mahigpit ni Nolan, seryoso lang ang mga mata at nakaigting ang panga. "Qui
Naglakad si Quincy at marahan na napabukas ang bibig.Walang awa ang madrasta na iyon. Sisirain niya si Maisie para lang masiguro ang hinaharap ng anak niya.Gamit ang kaniyang huling hininga, tiningnan ni Nelson si Nolan, na naka dekuwatro sa upuan.Mukha siyang demonyong galing mismo sa ilalim ng impyerno. Walang ekspresyon ang mukha nito, habang ang mga mata ay malamig at matalim ang tingin, parang demonyo.Inayos ni Nolan ang kaniyang upo. Yumuko ito paharap at tumingin kay Nelson. "Kung aamin ka, pagbibigyan kita mabuhay."Napuno ng luha ang mga mata ni Nelson dahil sa nakikita niyang pag-asa.Pero ang sumunod na sinabi ni Nolan ang nagpawala ng ningning sa kaniyang mata at napalitan ito ng takot."Baliin niyo ang kamay at binti niya. Ipakalat niyo na kung sino man ang tutulong sa kaniya ay mararanasan ang pinagdaanan niya."Tumayo na si Nolan at umalis nang hindi lumilingon.Sinenyasan ni Quincy ang mga tauhan gamit ang kaniyang mata at sumunod na kay Nolan.D
Inangat ni Cameron ang ulo niya at kinagat ang kaniyang tinidor. “So, ako ba ang special?”Kinuhanan siya ni Waylon ng sabaw. “Matakaw ka lang din talaga. Kakain ka nang kahit ano kung walang pipigil sa'yo.”Kinagat niya ang kaniyang labi at walang sinabi.Tumawa si Nicholas. “Mabuti sa buntis na kumain nang marami. Nang buntis ang lola niyo sa dad niyo, mahilig din siya kumain tulad ni Cam. Kakainin niya ang lahat ng makikita niya. Nagtago pa nga siya ng ibang pagkain mula sa'kin.”Sa pagtatago ng pagkain, na-guilty bigla si Cameron.Napansin ni Waylob ang pagbabago sa ekspresyon niya at naningkit. “Sinasabi mo ba sa akin na nagtago ka rin?”Mabilis siyang tumanggi. “Hindi! Mukha ba akong magtatago ng pagkain? Imposible talaga ‘yon!”Tumawa ang lahat ng nasa dining table.…Sa isang iglap, nagsisimula na ang July. Nang summer break ni Deedee, dinala siya ni Brandon sa Yaramoor, at pumunta rin doon si Freyja para bisitahin si Leia at Norman.Naka-graduate na rin sila at inasi
Lumapit si Waylon sa ice cream cart at nang kukunin na niya ang wallet niya, ilang bata ang tumingin sa kaniya nang masama. “Sir, may pila dito. Hindi ka pwedeng sumingit.”Natigil siya sandali, lumapit siya at tiningnan ang mga bata. “Paano kung ganito? Bibilhan ko pa kayo ng tig-iisang ice cream at ang kailangan niyo lang gawin ay pasingitin ako, okay?”Nagpalitan ng tingin ang mga bata.‘Mukhang magandang kasunduan ito!’Lahat sila ay pumayag sa sinabi ni Waylon sa huli.Bumili si Waylon ng ice cream at bumili pa ng tig-iisa sa mga bata habang nandoon. Pagkatapos magbayad sa lahat ng ice cream, kinuha niya ang isa at lumapit kay Cameron.Hindi mapigilan ni Cameron na matawa nang malakas. “Nakaisip ka talaga nang ganoong paraan para sumingit sa pila?”Inabot ni Waylon ang ice cream sa kaniya. “Ang problema na kayang ayusin ng ice cream ay hindi problema sa akin.”Binuksan ni Cameron ang ice cream at tinikman.Kapag nagsabay ang mainit na panahon at malamig na ice cream, naka
Nang sabihin yon ni Morrison, pumasok si Leah suot ang champagne-colored na low-necked ling gown.Sa ilalim nang makinang na ilaw, mas naging malinaw ang papalapit na tao, may maganda itong makeup at eleganteng kilos.Nakatitig si Morrison sa kaniya at hindi mapigilan ng mata niya na sundan si Leah.“Pasensya na at pinaghintay ko kayo.” Tumayo si Leah sa harap nila nang may ngiti sa kaniyang mukha.Biglang bumalik si Morrison sa kaniyang ulirat, tumikhim sita at agad niya hinubad ang jacket niya at isinabit sa balikat ni Leah.Nagulat si Leah sa biglang kilos ni Leah.Seryosong sinabi ni Morrison, “Nakabukas ang air conditioner. Nag-aalala lang aki na baja sipunin ka.”Gusto ni Leah na hubarin ang jacket nito. “Pero hindi naman malamig dito.”“Hindi, nilalamig ka siguro.” Hinawakan ni Morrison ang kamay niya, hindi niya hinayaan na alisin ni Leah ang jacket.Nagpalitan ng tingin si Waylon at Cameron at hindi napigilan na ngumiti.“Lay.” Lumapit si Benjamin at nakita si Waylon
Inangat ni Zephir ang ulo niya, pakiramdam niya ay napuspos siya ng pusa.Kinagat mi Ursule ang straw sa baso niya at tumawa. “Nagiging masyado lang masigla si Kisses, kaya huwag niyo na lang pansinin, sir.”Inilayo ni Zephir ang makulit na pusa sa kaniyang mukha at kumunot. “Sir?”“Kahit na mukha kang bata, kasing edad mo si Mr. Quigg, hindi ba?”Natahimik si Zephir.‘May mali ba siyang naiisip tungkol sa edad ko?’Tumingin siya sa pusa sa kaniyang braso at mahinahon na hinaplos ang balahibo nito. “Apat na taon ang tanda sa akin ni Yale.”“Okay, gawin natin ang basic math. Apat na taon ang tanda sa'yo ni Mr. Quigg kaya 30 years old ka na at 11 na taon ang tanda mo sa akin, kaya hindi ba dapat sir ang tawag ko sa'yo?”‘Hindi pa nga ako pinapanganak nang 11 na taong gulang siya.’Tiningnan siya ni Zephir.‘Isa na talaga siyang young adult.’“Meow!” Hinila ni Kisses ang damit ni Zephir gamit ang paw nito at natusok pa nang bahagya ang braso ni Zephir.Nagulat si Ursule kaya a
Dahil may nakalaan na dinner ang homestay, pumupunta lang ang mga waiter sa trabaho nang 5:00 p.m hanggang 2:00 a.m.Si Ursule lang ang part-time na empleyado doon, pumupunta lang siya doon para kumanta sa mga customer sa gabi at tumulong sa homestay kapag wala siyang klase sa umaga. At dahil bata pa siya, maalaga sa kaniya ang ibang empleyado.Kapag gabing gabi na natapos ang performance niya at mahihirapan siya na sumakay ng bus, papayagan siya na manatili sa homestay para magpahinga.Lahat ng nakatira at nagtatrabaho doon ay naging malapit na sa isa't isa habang mas tumatagal, pinapahalagahan nila ang bawat isa.At gagawa si Yale ng party, staff meals, palitan ng regalo at kung ano pa para sa empleyado.Kaya naman, sa halip na sabihin na nananatili at nagtatrabaho sila sa isang homestay, parang maihahanlintulad na rin ito na isang pamilya kung saan komportable ang lahat ay pinapahalagahan.Lumabas si Zephir sa courtyard, kung saan inaayos ni Yale ang mga bulaklak at bonsai na
Masayang kumain si Kisses.“Urs, hindi ba dapat nasa school ka ngayon?”“Mukhang may nangyari sa bahay ng professor ko at sinabi niya na wala siya nang isang araw.” Tiningnan ni Ursule kay Yale. “Pumupunta lang ako dito kapag wala akong klase, hindi ba?”Tumawa si Yale. “Ang sarap maging bata.”Doon lang napansin ni Ursule si Zephir at bahagyang nagulat. “Hey, hindi ba't ikaw… Oh, ikaw yung lalaki sa kabilang bahay, hindi ba?”Tiningnan ni Yale si Zephir. “Magkakilala ba kayo?”“Hindi, hindi, pumunta si Kisses sa balkonahe niya kagabi kaya baka na-istorbo siya nito.” Naiilang na ngumiti si Ursule at may naisip. “Nga pala, Mr. Quigg, mukhang matagal na siyang nananatili dito.”Ngumiti si Yale. “Oo, nandito siya nitong mga nakaraan. Pumunta dito ang kaibigan ko mula sa Bassburgh para magbakasyon.”“Bassburgh?” Umupo si Ursule sa couch at nagtatakaMalamig na sumagot si Zephir. “Ayos lang ‘yon.”“Pumunta na sa Bassburgh ang ilan kong coursemate at nakuha sa ikang academy. Narin
Nang makita na pumunta ang pusa niya sa balkonahe ng iba at nahuli, nagulat si Ursule, pinagdikit ang kamay niya at humingi ng tawad habang may nahihiyang ekspresyon. “Pasensya na! Inabala ka pa siguro ni Kisses. Kukunin ko mismo sa'yo ngayon. Um… Pwede bang paabot dito?”5 feet lang ang layo ng mga balkonahe kaya inunat ni Ursule ang kamay niya at gustong kunin ang pusa mula kay Zephir.Walang sinabi si Zephir, kinuha niya ang pusa at inabot.Kinuha ito ni Ursule mula sa kaniya at agad niya niyakap. “Salamat. Pasensya na talaga sa abala.”Tumalikod siya at tinapik ang pusa sa likod. “Kapag tumakbo ka ulit, dadalhin kita sa vet at ipapa-sterilize.”Nag-meow si Kisses na para bang lumalaban ito.Pinagpas ni Zephir ang sleeves niya, inalis ang mga buhok ng pusa na napunta sa pajama niya, tumalikod siya at pumasok sa kwarto.Kinabukasan, bumaba si Zephir na may suot na maluwag na silk na pajama dahit maghahanda ng buffet-style na almusal ang homestay sa mga bisita nila.Nakaupo sa
”Hindi siguro ako naging gentleman kung matagal mo na itong ginawa.”Matapos niya iyon sabihin, hinalikan ni Morrison ang labi ni Leah.Lumapit si Leah at niyakap siya.Biglang nag-init ang temperature ng buong kwarto at patuloy na tumataas—lahat ay naging hot and passionate hanggang sa huminto ang kanilang mga kaluluwa. Sa parehong oras sa Coralia…Operating pa rin ang tavern na nasa Homestay ng Hohman town, at ang night market, mga tahimik na kalsada, at mga alley ay may liwanag sa ilalim ng dilim. Madaling-araw na pero sobrang marami pa ring tao sa lugar.Nakaupo mag-isa si Zephir sa attic at nag-order ng cocktail. Sobrang nagkaroon ng malaking pagkakaiba ang ingay na ginagawa ng kabilang table kumpara sa katahimikan ni Zephir.Bigla lang nanahinik nang tumunog na ang piano sa tavern, nagkalat sa buong paligid ang melody nito. Isa iyong female singer, siya ang tumutugtog ng piano at kumakanta, at ang slightly smoky voice niya ay parang melodious. “Hello, it's me, your exI
Hindi nakapagsalita si Morrison. Sa parehong oras, isa sa kanila ang nagsalita, “Akala naming lahat si Zephir na ang papakasalan mo. At saka, sabay kayong lumaking dalawa…”May biglang dumating at napatigil ang babae sa pagsasalita. Alam nilang lahat na gusto lagi ni Leah na sundan si Zephir dati. Pero, hindi naman magandang banggitin pa ‘yon sa harap ng bago niyang boyfriend.Napansin ng babae na may nasabi siyang mali at agad na nagsalita, “Ah, sorry talaga sa sinabi ko. Hindi ko sinasadya na sabihin pa. Dapat hayaan na natin ang nakaraan at magpatuloy na lang tayo sa hinaharap.”Ngumiti si Leah at hindi niya alam ang kaniyang sasabihin.Nang umalis na ang mga kapit-bahay nila, nilagay ni Morrison ang kaniyang kamay sa loob ng bulsa niya at tinanong, “So, anong gagawin mo sa childhood friend mo?”“Anong ibig mong sabihin?” Dahan-dahang lumapit si Leah sa tabi niya. “Gusto mo bang makipaghiwalay ako sayo at balikan ko siya?”Huminto si Morrison at tumalikod siya para tingnan s