"Nol— Nolan?"Akala ni Maisie na ang lalaki si gilid niya ay si Nolan, pero tumayo ito at lumapit sa kaniya, "Anong tinawag mo sa akin?"Itinaas ni Maisie ang kamay niya at maamong hinawakan ang kwelyo ng lalaki pero napagtanto niyang hindi ito si Nolan, kaya agad niya itong itinulak papalayo.Lumingon siya sa paligid, at iilan sa mga lalaki ay magkakamukha. Inilalapit nila ang kamay nila kay Maisie habang may mga masasamang ngiti."Ah!"Hinawakan ni Maisie ang ulo, sumisigaw siya dahil hindi niya na mapigilan ang kaniyang emosyon. Napalitan ng takot ang kaniyang kagandahan."Ang lakas pala talaga ng droga na ito." Matapos makita na malapit na siya masiraan ng ulo, alam nilang umepekto na ang droga."Ibibigay ko ang iba sa kaniya bukas."Tumalikod na ang mga lalaki para umalis, pero bukas ang pinto. May ibang taong nakapasok.Namutla ang mga tao sa loob. Nakita nila ang pilay na lalaking may tungkod na naglalakad papasok kasama ang malalaking lalaki. Tinanggal niya an
Punong puno ng galit ang mga mata ni Nolan. "Anong laman ‘nun?""Ecsta—" sinipa ni Nolan ang lalaki bago pa man ito matapos magsalita at natumba sa sahig.Namumula ang mata ni Nolan dahil sa galit. "Bakit niyo itinurok sa kaniya!?"Hindi ininda ng lalaki ang sakit dahil sa bali at galit na nagpaliwanag, "Hindi naman malaking dose iyon!" Kailangan tuloy-tuloy siyang maturukan sa loob ng tatlong araw para madala si Maisie. Magiging masama lang pakiramdam niya ng ilang araw kung isang turok lang, pero hindi nila inakalang mahahanap sila ni Nolan.Binuhat ni Nolan si Maisie at lumingon para tingnan ang mga lalaki. "Kapag may nangyaring masama sa kaniya, katapusan niyo na."Sa sasakyan…Hawak ni Nolan sa kaniyang bisig si Maisie. Malamig pa rin ang kamay nito kahit kanina niya pa ito kinikiskis."Zee?" Kinakausap siya ni Nolan, pero mabagal lang siyang pataas na tiningnan ni Maisie.Niyakap siya ng mahigpit ni Nolan, seryoso lang ang mga mata at nakaigting ang panga. "Qui
Naglakad si Quincy at marahan na napabukas ang bibig.Walang awa ang madrasta na iyon. Sisirain niya si Maisie para lang masiguro ang hinaharap ng anak niya.Gamit ang kaniyang huling hininga, tiningnan ni Nelson si Nolan, na naka dekuwatro sa upuan.Mukha siyang demonyong galing mismo sa ilalim ng impyerno. Walang ekspresyon ang mukha nito, habang ang mga mata ay malamig at matalim ang tingin, parang demonyo.Inayos ni Nolan ang kaniyang upo. Yumuko ito paharap at tumingin kay Nelson. "Kung aamin ka, pagbibigyan kita mabuhay."Napuno ng luha ang mga mata ni Nelson dahil sa nakikita niyang pag-asa.Pero ang sumunod na sinabi ni Nolan ang nagpawala ng ningning sa kaniyang mata at napalitan ito ng takot."Baliin niyo ang kamay at binti niya. Ipakalat niyo na kung sino man ang tutulong sa kaniya ay mararanasan ang pinagdaanan niya."Tumayo na si Nolan at umalis nang hindi lumilingon.Sinenyasan ni Quincy ang mga tauhan gamit ang kaniyang mata at sumunod na kay Nolan.D
Bigla namang may naalala si Maisie nang makita niya Si Quincy at tinanong ito, "Nasaan si Nolan?""Umuwi siya para magpalit ng damit. Pinadala niya ako rito." ngumiti si Quincy.Paniguradong ayaw niyang mamantsahan ng dugo ang damit niya."Quincy, kinagat… ko ba si Nolan?" tanong ni Maisie.Naalala niyan may kinagat siya, at parang narinig niya ang boses ni Nolan.Ngumiti si Quincy. "Naalala mo—"Napayuko si Maisie. Totoo nga ito."Alam ba ng mga bata na nandito ako sa ospital?" patuloy niyang pagtatanong.Ilang araw siyang hindi umuwi. Anong iisipin ng mga bata? Sumagot si Quincy, "Hindi maayos ang lagay mo ng ilang araw. Pinagtakpan ka ni Nolan sa mga bata kasi ayaw niyang mag alala sila."Tumango ni Maisie.Totoo ito. Kung si Waylon at ang iba pa ay pupunta para makita siya at masaktan sila, bibigat ang loob ni Maisie."Ang tatay ko—""Ayos lang ang tatay mo."Pumasok si Nolan. Umalis si Quincy at ang doktor para bigyan sila ng oras para makapag-usap.
Sa mansyon ng Vanderbilt…Malutong at malakas na sampal ang natanggap ni Leila, na nagpagulat sa kaniya.Nang malaman ni Stephen na si Leila ang nag utos para kidnapin si Maisie, napuno siya ng galit habang sumisigaw, "Napakasama mong babae ka! Hindi ko kayo tinrato ng masama kahit isang beses, pero ikaw! Paano mo nagagawa ito kay Maisie habang nabubuhay pa ako!?"Nanginginig si Leila habang ang kamay niya ay nasa kaniyang pisngi. Hindi niya inakalang masisira ang plano nila ni Nelson. Dahil iyon lahat kay Nolan!Wala na ring dahilan para magpaliwanag si Leila, pero napagtanto niyang galit na galit si Stephen. "Makinig ka sa akin, dear—""Ano pang sasabihin mo?" hindi mapaliwanag ang galit ni Stephen kay Leila. "Buong akala ko totoo kang mabait kay Maisie, na mabuti kang madrasta, pero masyado akong naging uto-uto."Naintindihan niya na kung bakit hindi matanggap ni Maisie ang mag-ina. Masyado silang masama, pero siya…Pinalayo niya si Maisie dahil sa kanila!Muntik pa
"Ano pang hindi mo nagustuhan?" Hindi naisip ni Stephen ang nararamdaman ni Maisie dahil hindi niya naman ito sinubukang gawin.Naaawa siya kay Willow at sa nanay nito, pero nahihiya rin siya sa tuwing naiisip niya si Maisie. Kamukha ni Maisie ang nanay niya, at ang galit niya sa nanay nito ay nabubuntong niya kay Maisie. Natatakot siya na baka hindi niya mapigilan ang nararamdaman niya kay Marina de Arma kapag nakikita niya si Maisie.Napasobra ang pagbibigay niya ng luho kay Willow, pero dahil iyon sa mga taong iniinsulyo si Willow bilang anak sa labas, at hindi siya natutuwa sa mga naririnig niya.Mahirap na balansehin ang pagmamahal niya sa kaniyang mga anak at maging patas.Hindi kay Willow o sa nanay nito siya pinaka nagkulang, kundi kay Maisie!Nang makitang desido na makipaghiwalay si Stephen, bumagsak sa sahig si Leila.'Pero walang matitira sa akin kapag umalis ako sa Vanderbilt! Ayaw ko na bumalik sa panahong mahirap ang buhay. Ayaw ko na problemahin kung paano a
Nalungkot si Nolan dahil sa pagpapalabas sa kaniya ng kaniyang asawa.'Gusto ko lang siyang tulungan magbihis. Wala naman akong gagawin sa kaniya. Kailangan pa ba iyon?"Mr. Goldmann." Marahang lumapit sa kaniya si Stephen.Inayos ni Nolan ang tupi ng kaniyang jacket, at naging kakaiba at maangas ang kaniyang ekspresyon. "Mr. Vanderbilt?""Ayos na ba si Zee ngayon?""Maayos naman siya, buhay at malakas," mainam na sagot ni Nolan. Bigla siyang may naisip at sinabing, "Pwede kang pumasok maya maya."Matapos magbihis ni Maisie, binuksan ni Stephen ang pinto, pumasok sa ward, at inilagay ang dala niyang thermos sa lamesa. "Nagdala ako ng sabaw na ipinaluto ko sa kasambahay para sa iyo. Makakatulong ito para lumakas ka agad.""Sige, iinumin ko iyan mamaya." tinanggap ito ni Maisie.Naglakad si Stephen papunta sa upuan na katabi ng higaan, umupo rito, at marahang nagpaliwanag, "Zee, pasensya na. Ako ang dahilan kung bakit ka nasaktan. Hindi ko alam na kayang gawin iyon sa iyo
Sa oras na iyon, nakatanggap ng tawag si Willow mula sa kaniyang nanay.May sinabi si Leila kay Willow, at namutla bigla ang kaniyang mukha. Hindi na siya mapakali sa kaniyang kinauupuan. "Ano? Gustong makipaghiwalay ni Dad sayo!?"Hindi lang pumalya ang plano ng nanay niya na i-set up si Maisie, pero pati ang tatay niya ay balak na rin hiwalayan ang nanay niya!'Bwisit! Bakit sobrang dali ng buhay ng bruhang ‘yun?''Hindi, hindi dapat ako sumuko. Kailangan kong ingatan ang identity ko bilang anak ng mga de Arma. Hindi naman mahalaga kahit wala na yung bracelet. Mayroon naman akong DNA result. Hindi nila ako mahuhuli hangga't wala si Dad at lola doon.'Ano naman kung alam ni Nolan ang plano ko? Hindi ba’t pinili niyang hindi ako ilantad? 'Kung sinabi na niya ang plano ko kay Maisie, malamang pumunta na si Maisie sa pamilya ng Lucas para ilantad ako. Mukhang may pakialam pa rin si Nolan sa akin dahil sa pinagsamahan namin sa loob ng anim na taon.'…Sinundo ni Nolan si Mais