Sa oras na iyon, nakatanggap ng tawag si Willow mula sa kaniyang nanay.May sinabi si Leila kay Willow, at namutla bigla ang kaniyang mukha. Hindi na siya mapakali sa kaniyang kinauupuan. "Ano? Gustong makipaghiwalay ni Dad sayo!?"Hindi lang pumalya ang plano ng nanay niya na i-set up si Maisie, pero pati ang tatay niya ay balak na rin hiwalayan ang nanay niya!'Bwisit! Bakit sobrang dali ng buhay ng bruhang ‘yun?''Hindi, hindi dapat ako sumuko. Kailangan kong ingatan ang identity ko bilang anak ng mga de Arma. Hindi naman mahalaga kahit wala na yung bracelet. Mayroon naman akong DNA result. Hindi nila ako mahuhuli hangga't wala si Dad at lola doon.'Ano naman kung alam ni Nolan ang plano ko? Hindi ba’t pinili niyang hindi ako ilantad? 'Kung sinabi na niya ang plano ko kay Maisie, malamang pumunta na si Maisie sa pamilya ng Lucas para ilantad ako. Mukhang may pakialam pa rin si Nolan sa akin dahil sa pinagsamahan namin sa loob ng anim na taon.'…Sinundo ni Nolan si Mais
'Hindi ko sinabi kay Dad na nagtagumpay akong makita ang anak ni Marina. Pero nalaman pa rin ito ni Dad mula sa kung kanino man, at gusto pa niyang i-anunsyo ito sa publiko…'Lumingon si Larissa kay Willow na napapalibutan ng mga tao, hindi na niya mapigilang mapakunot ang noo.'Kahit na sinasabi ng resulta ng DNA na magkadugo sila ni Louis at nasa kaniya din bracelet, masama talaga ang kutob ko.Habang dahan-dahang naglalakad si Louis pababa ng hagdan, nakatuon ang tingin ng mga mata ng mga babae sa kaniya.Nadurog ang maraming puso ng mga socialites ng Bassburgh nang isapubliko noon sa banquet ng mga celebrities ni Mr. Goldmann na hindi na siya available pa. Kaya naman, bukod kay Helios, ang bigwig ng entertainment industry na walang sinuman ang naglalakas loob na lumapit dahil sa pressure mula sa milyon nitong mga fans, si Louis na lang ang pwede nilang pangarapin. Single pa rin ito at avaible pa sa circle.Kilala si Louis bilang Prince of Violin ng Basburgh, marahil namana n
Hindi inaasahan ni Willow na pupunta ang babaeng ito dito.'Bwisit! Kasama niya ba si Maisie?'Bakas ang galit sa kaniyang mga mata.Pakiramdam ni Louis ay pamilyar si Ryleigh. Tiningnan niya ito nang malapitan, hindi ba't sjya yung babae na may kasamang dalawang bata sa Michelin restaurant nang araw na yon?"Ryleigh!" Natatakot si Mrs. Boucher na mayroong gawin itong kalokohan kaya pinaalalahanan niya ito. "Pamangkin siya ni Tita Lucas.""Ano?" Nagulat si Ryleigh.'Paano naging pamangkin ni Tita Larissa si Willow? Siya ba ang anak ng mga de Arma na balak ipakilala ng mga Lucas ngayong gabi?'"Tita, Tita Larissa, nagkakamali ba kayo? Paano naging—" Hinila ni Russel si Ryleigh at pinutol ang kaniyang sasabihin, "Manahimik ka, huwag mong ipahiya ang sarili mo!"Tinavig ni Ryleigh ang kamay nito. "Dad, bakit niyo naisip na nagloloko ako? Anak sa labas ng mga Vanderbilt ang babaeng iyan, at nanay niya ang stepmother ni Zee, si Leila Scott!"Hindi malakas ang boses ni Ryle
Ni hindi tiningnan ni Louis si Willow.Dumapo ang tingin niya sa dalawang taong dahan-dahang lumiyaw sa crowd. Hindi lang siya, pati sina Larissa at Mrs. Boucher ay napatingin sa kanila."Mr. Goldmann? Bakit siya nandito?""Malapit ba ang mga Goldmann sa mga Luvas para dumalo siya sa banquet ng mga Lucas?""Girlfriend ba ni Mr. Goldmann ang kasama niyang babae?"Humawak si Maisie sa braso ni Nolan at sabay silang naglakad. Nakasuot siya ng isang dark green evening gown at kita ang kaniyang mga balikat— ang kanyang waistline at split dress design ay mas lalong nagpa-angat sa buong dress.Nakatali ang buhok niya sa isang fishtail braid, ang kaniyang matalim at walang emosyon na itsura ay isang tanawing hindi makakalimutan ng sinumang taong nakakakita sa kaniya sa personal.At habang naglalakad sila ni Nolan na napaka-regal, charming at attractive, para silang match made in heaven."Zee!" Natuwa si Ryleigh matapos makita si Maisie.Tumakbo siya at kumapit sa braso nito.
Huminga nang malalim si Larissa at pinakalma ang sarili. Lalo na at magiging nakakahiya kung magkakagulo sila sa harapan ng maraming tao."Mrs. Goldmann, kung mayroong kang inaalala, pwede natin itong ayusin mamaya—-"Pinutok ni Nolan ang sinasabi niya "Mrs. Lucas, sinasabi mo ba sa akin na hindi mo tinatanggap ang pagkakamaling nagawa mo?"Muling humigpit ang hawak ni Larissa sa wine glass.'Bakit ako nag-aalinlangan? Sa unang tingin ay halata namang kamukha ni Marina ang babaeng ito… magkamukhang-magkamukha sila.'Matagal ko na dapat alam. Bakit hindi ako nagduda?'Wala pa rin akong nakikita kay Willow na mayroong pagkakatulad kay Marina, pero tiniis ko na lang at tinanggap siya dahil sa DNA test na pinakita sa akin.'Tuluyan nang nataranta si Willow. Nang makita na nag-aalinlangan si Larissa, mayroon siyang naisip at kaagad na lumapit kay Maisie. Hinawakan niya ang kamay nito at umiyak. "Zee, sumusuko na ako! Hindi ko na papakialaman ang relasyon mo kay Nolan. Kaya tu
"Oh, inaamin mo bang anak ka sa labas ni Dad?""I…" Nagulat si Willow at kinakabahang nagpalinga-linga.Hindi nga nagtagal ay nagsimulang magbulungan ang mga tao."Anak ba talaga siya sa labas?""Kung ganoon ay totoo ang sinasabi ni Ms. Hill kanina!?"Kumibot ang mga sulok ng labi ni Maisie. "Si Marina de Arma ang unang asawa ni Stephen Vanderbilt. Paano ka isinilang ng legal na asawa kung anak ka sa labas?""Oo, si Marina, ang pangalawang anak ng mga de Arma. Kung magpapakasal siya, siguradong kinumpirma niya muna na siya ang magiging legal na asawa. Hindi gagawa ng adultery ang katulad niya at magiging isang homewrecker."Nakakahiya ang pagiging anak sa labas, kaya hindi siya dapat ang anak ng orihinal at legal na asawa "Narinig ni Willow ang malakas na mga diskusyon sa paligid niya. Malakas niyang kinagat ang kaniyang labi.'Bwisit! Nahulog ako sa patibong ng bruhang to!'Nang makitang dumilim ang ekspresyon ni Larissa, kaagaad na nagpaliwanag si Willow. "Hindi,
"Manahimik ka!" Pulang-pula ang mga mata ni Willow habang sumisigaw. "Walang hiya ka, kung hindi ka lang sinuwerte, matagal ka nang nasira ni Sergio Baldwin—-*Nasa kalagitnaan na ng pangungusap si Willow nang mapagtanto niyang nawala siya sa kontrol at mayroong nasabing mali. Nanginig siya mula ulo hanggang paa.Napasinghap ang lahat ng naroon.Kinuha ni Maisie ang baso ng red wine sa mesa at pinaikot ito nang bahagya habang lumalapit kay Willow. "Oo, kung hindi ako sinuwerte six years ago, masisira mo nga ako. Hindi ba't sinasabi mong anak ka ni Marina? Ayaw mo bang mapanatili ang status mo bilang anak ng mga de Arma?"Ayaw ko ng identity na inayawan din ng nanay ko. Kaya naman, hayaan mong parangalan kita sa ngalan ng yumao kong ina gamit ang wine na to." Tumawa si Maisie, tinaas ang wine glass at binuhos ito sa ulo ni Willow.Tumulo ang red wine mula sa kaniyang buhok papunta sa kaniyang mukha at damit.Nanigas si Willow sa kinatatayuan niya. Labis ang kahihiyan niya sa
'Hindi ko kailanman plinano na bawiin ang identity ko bilang anak ng mga de Arma. Pwedeng nakawin ng lahat sa akin ang identity na ito bukod lang kay Willow, dahil isa yung insulto.’Isang kamay ang braso sa kaniyang baywang mula sa likuran. "Nakasuot ka ng high heels, bakit mas mabilis ka pang maglakad sa akin?"'Hindi natatakot matumba ang babaeng ito.'Nang makitang hindi sumasagot si Maisie. Binuhat siya nang pa-bridal carry ni NolanNagat si Maisie at nagpumiglas. "Anong ginagawa mo? Ibaba mo ako!"Binuhat siya ni Nolan papunta sa kotse at hindi siya binitawan. Pinisil ni Nolan ang baba ni Maisie at pinaharap ito sa kaniya. "Anong tinawag mo sa akin nung nasa banquet tayo? Pwede mo bang ulirin?""Anong tinawag ko sa iyo?"Nang nakitang dumilim at naningkit ang mga mata ni Nolan. Inalala ito ni Maisie at saka tinulak ang kamay nito palayo. "Bigla lang akong nakaisip ng nickname."Inaasar mo ba ako?""Bakit naman yun naging pang-aasar sa iyo? Nolan Goldmann, bitawa