"Manahimik ka!" Pulang-pula ang mga mata ni Willow habang sumisigaw. "Walang hiya ka, kung hindi ka lang sinuwerte, matagal ka nang nasira ni Sergio Baldwin—-*Nasa kalagitnaan na ng pangungusap si Willow nang mapagtanto niyang nawala siya sa kontrol at mayroong nasabing mali. Nanginig siya mula ulo hanggang paa.Napasinghap ang lahat ng naroon.Kinuha ni Maisie ang baso ng red wine sa mesa at pinaikot ito nang bahagya habang lumalapit kay Willow. "Oo, kung hindi ako sinuwerte six years ago, masisira mo nga ako. Hindi ba't sinasabi mong anak ka ni Marina? Ayaw mo bang mapanatili ang status mo bilang anak ng mga de Arma?"Ayaw ko ng identity na inayawan din ng nanay ko. Kaya naman, hayaan mong parangalan kita sa ngalan ng yumao kong ina gamit ang wine na to." Tumawa si Maisie, tinaas ang wine glass at binuhos ito sa ulo ni Willow.Tumulo ang red wine mula sa kaniyang buhok papunta sa kaniyang mukha at damit.Nanigas si Willow sa kinatatayuan niya. Labis ang kahihiyan niya sa
'Hindi ko kailanman plinano na bawiin ang identity ko bilang anak ng mga de Arma. Pwedeng nakawin ng lahat sa akin ang identity na ito bukod lang kay Willow, dahil isa yung insulto.’Isang kamay ang braso sa kaniyang baywang mula sa likuran. "Nakasuot ka ng high heels, bakit mas mabilis ka pang maglakad sa akin?"'Hindi natatakot matumba ang babaeng ito.'Nang makitang hindi sumasagot si Maisie. Binuhat siya nang pa-bridal carry ni NolanNagat si Maisie at nagpumiglas. "Anong ginagawa mo? Ibaba mo ako!"Binuhat siya ni Nolan papunta sa kotse at hindi siya binitawan. Pinisil ni Nolan ang baba ni Maisie at pinaharap ito sa kaniya. "Anong tinawag mo sa akin nung nasa banquet tayo? Pwede mo bang ulirin?""Anong tinawag ko sa iyo?"Nang nakitang dumilim at naningkit ang mga mata ni Nolan. Inalala ito ni Maisie at saka tinulak ang kamay nito palayo. "Bigla lang akong nakaisip ng nickname."Inaasar mo ba ako?""Bakit naman yun naging pang-aasar sa iyo? Nolan Goldmann, bitawa
Huminga nang malalim si Nolan, tensyunado ang kaniyang mukha. “Ako na ang pupunta.”‘Paano niya hahayaan ang ibang lalaki na bumili ng ganitong bagay para sa kaniya?’Kinuha ni Nolan ang car key at mabilis na lumabas, naiwan ang nasurpresang babae.Nag-maneho siya papunta sa pinakamalapit na convenience store.Ito ang unang beses niyang bumili ng ganitong item para sa isang babae, at saka hindi niya alam kung anong brand ang ginagamit ni Maisie, kaya bumili siya ng isang pakete ng bawat isa.Nang nagpunta siya sa cashier para sa checkout, ang middle-aged na babaeng inaantok sa cashier ay nagising dahil sa tumpok ng mga sanitary napkin sa conveyor belt.Naiilang niyang tinitigan si Nolan.‘Anong klaseng obsession ang mayroon sa gwapong binatang ito?’Nagdilim ang ekspresyon ni Nolan habang tinitigan siya, kinuyom niya ang kamao, nilagay ito sa kaniyang bibig at tumikhim. “Para ito sa asawa ko.”“Kasal ka na? Oh, mabuti naman.” Doon lang nawala ang suspetya ng babae at
Nilabas ni Nolan ang isang envelope mula sa isang folder at inabot sa kaniya. “Tingnan mo ito.”Puno ng mga litrato ang envelope.Isa-isa itong tiningnan ni maisie, at unti-unting nagdilim ang kaniyang ekspresyon.Kahit na 20 taon na ang nakalipas simula nang makuhanan ang mga litratong ito, malinaw na malinaw pa rin ito. Ang babaeng nagbibigay-aliw sa isang grupo ng mga lalaki ay mayroong makapal na makeup at isang magandang dress. Si Leila nga ito.Sa ilang mga litrato, makikita siyang nakikipag-French kiss sa ilang lalaki at nagpe-perform ng stripteases habang nakatayo sa mga mesa. Mayroon pang ilang litrato kung saan ay napakalaswa niya sa ibang lalaki. Hindi pa kailanman nakita ni Maisie ang wild at seductive side na ito ni Leila.Kahit na isang demonyo si Leila sa impresyon ni Maisie, ibang-iba siyang babae kumpara sa mga litrato na ito.“Sandali! Kung ang dating buhay ni Leila noon ay kganito kagulo, posible bang…’Habang pinagmamasdan ang ekspresyon ni Maisie, ala
"Willie, bakit mo— Ano!?"'Nalantad na ang fake identity ni Willow!?'Hindi na magawang kumalma ni Leila "Paano iyon nangyari? Hindi ba't maayos naman ang lahat?""Kasalanan ni Maisie ang lahat! Siya ang naglantad sa akin. Mom, galit na galit ako sa kaniya, gusto kong mamatay na siya!'Nang mapansin na hindi emotionally stable ang kanyang anak. Nagngalit ang mga ipin ni Leila at sinubukang pakalmahin ang anak. "Willie, huminahon ka muna. Pupuntahin kita pagkatapos kong maayos ang problema ko rito."Pagkatapos ng tawag, puno ng galit na pinagmasdan ni Leila ang package na hawak niya.'Bwisit! Sino ang nagpadala ng mga litratong ito? Mga kahihiyan ito sa nakaraan ko!'At ang mga taong nakakaalam lang ng nakaraan ko ay ang mga taong nagtatrabaho sa Underground Freeway. Posible bang nabigo si Nelson, at ginagamit niya ang mga litratong ito para takutin ako?"'Hindi, hindi ko hahayaang makuha niya ang gusto niya. Hindi ko pwedeng hayaan na malaman ito ni Stephen!'Sa Soul
"Gusto ko ng divorce.""A-ano?" Nagulat si Leila, hindi siya makapaniwala.Inalis ni Stephen ang kamay ng doktor sa braso niya. Tiningnan niya nang masama si Leila. "Hindi karapat-dapat na maging asawa ko ang isang babaeng puno ng kasinungalingan, lalo na ang tumuntong sa Vanderbilt manor.Umalis si Stephen sa ward at hindi na lumingon."Dear, dear!" Bumaba sa kama si Leila pero mabilis na bumagsak sa sahig dahil nanghihina pa rin ang mga binti niya.Kahit ano pang iyak niya, hindi niya na mapapabalik si Stephen. Naupo na lang siya sa sahig at humagulhol.Nang makita ito, nakaramdam ng simpatya ang doktor sa pinagdaanan niya. "Tumayo muna kayo, madam "Tinulungan siya ng doktor na makabalik sa kama, at bigla naman hinawakan ni Leila ang braso niya "Doktor, paano ako napunta sa ospital?""Mayroong nagsabi na biktima kayo ng assault at wala kayong malay, kaya dinala kayo rito sa ospital. Pero, umalis kaagad ang taong iyon at sinabihan na lang kami na tawagan ang asawa ni
Ayaw nang bumalik ni Leila sa buhay niya noon. Wala ng matitira pa sa kaniya kung aalis siya sa mga Vanderbilt.'Kailangan ko lang makontrol ang babaeng ito sa ngayon. Hangga't handa siyang patawarin ako, sisiguraduhin kong buburahin ko siya sa lupa balang-araw.'"Heh, walang mangyayari sa pagmamakaawa mo sa akin. Gawin mo dapat ang kailangan mong gawin sa lalong madaling panahon." Tinuwid ni Maisie ang kaniyang posture. "Noon, ikaw ang dahilan kung bakit ako napalayas sa Vanderbilt manor. Oras na para ikaw naman ang umalis sa bahay."Ayaw na niyang lumingon pa may Leila, kaya naman umalis na siya sa ward. Binitawan naman ni Quincy si Leila at sumunod sa kaniya.Naupo na lang si Leila, napakadilim ng kaniyang ekspresyon.…Bumalik si Quincy sa Blackgold administrative office at nireport ang lahat ng nangyari sa ospital.'Inutusan ako ni Mr. Goldmann na umaktong utusan ni Ms. Vanderbilt ng kalahating araw. Ano pang magagawa ko bukod dito?Pinatong ni Nolan ang kaniyang ba
Mukhang napipilitan si Linda na gawin ang lahat habang nagtatrabaho doon.Hindi ito gustong banggitin pa ni Maisie noon dahil akala niya ay hindi magtatagal dito si Linda. Gayunpaman, nagawang magtagal dito ni Linda, kaya naman nagkataon lang na nagkaroon siya ng dahilan para paalisin ito ngayon.Nang makitang determinado si Maisie na tanggalin siya, tiningnan niya si Nolan. "Nolan, si Maisie—""Wala ito sa kontrom niya. Wala ng mangyayari kahit sino pa man ang tawagin mo ngayon." Nagdilim ang mukha ni Maisie. Siya lang ang nag iisang tao sa mundong ito na mayroong lakas ng loob at walang pakialam sa reputasyon at status Mr. Goldmann.Ngumiti si Nolan. " Oo, hindi under ng authority ko ang department na ito. Si Zee ang mayroong huling salita dito."Napagtanto ng lahat kung ano ang ibig sabihin ng isang lalaki na tumatayo sa likuran ng kaniyang anak.Kinagat ni Linda ang kaniyang mga labi, at masama ang loob na umalis.Tumalikod si Maisie, pinasa ang information sa staff s