Mukhang napipilitan si Linda na gawin ang lahat habang nagtatrabaho doon.Hindi ito gustong banggitin pa ni Maisie noon dahil akala niya ay hindi magtatagal dito si Linda. Gayunpaman, nagawang magtagal dito ni Linda, kaya naman nagkataon lang na nagkaroon siya ng dahilan para paalisin ito ngayon.Nang makitang determinado si Maisie na tanggalin siya, tiningnan niya si Nolan. "Nolan, si Maisie—""Wala ito sa kontrom niya. Wala ng mangyayari kahit sino pa man ang tawagin mo ngayon." Nagdilim ang mukha ni Maisie. Siya lang ang nag iisang tao sa mundong ito na mayroong lakas ng loob at walang pakialam sa reputasyon at status Mr. Goldmann.Ngumiti si Nolan. " Oo, hindi under ng authority ko ang department na ito. Si Zee ang mayroong huling salita dito."Napagtanto ng lahat kung ano ang ibig sabihin ng isang lalaki na tumatayo sa likuran ng kaniyang anak.Kinagat ni Linda ang kaniyang mga labi, at masama ang loob na umalis.Tumalikod si Maisie, pinasa ang information sa staff s
"Kalokohan! Bakit naman mang-aaway ang anak ko? At sinasabi mo ba sa akin na dapat lang masaktan ang anak ko?" Sabi ng babae habang nakatingin sa teacher. "Nasaan ang principal? Papuntahin mo ang principal dito at bigyan niyo ako ng paliwanag tungkol sa nangyari. Mukha lang bang normal na mga tao ang mga Linwood sa inyo?"Walang magawa ang teacher habang binabantayan niya ang sitwasyon. Napatingin siya kay Colton. "Colton, ano man ang nangyari, sinaktan mo ang kaklase mo at hindi magandang gawain iyon. Kailangan mong humingi ng tawad sa kanya.""Bakit ako dapat ang unang humingi ng tawad? Tinawag niya akong bastardo na walang ama. Hindi ba dapat ay humingi rin siya ng tawad sa akin?" Tanong ni Colton.Huminga nang malalim si Ryleigh matapos marinig ang usapan."Ang bastos naman ng anak niyo? Sinong tinatawag niyang bastardo na walang ama?"'Holy sh*t, buti na lang ay ako pinatawag dito."Kung si Zee ang nakatayo dito, sasampalin niya ba ang bata? At kung pumunta siya rito kasa
Hinila siya sa gilid ni Louis. "Hindi pa ba ito nakakahiya para sa'yo?"Nang makita ng babae ang itsura niya, agad na nabawasan ang tapang niya. "Mr. Lucas, nandito ka na! Ikaw na ang humusga nito para sa akin. Mamaya na natin pag-usapan ang pananakit ng batang ito sa anak ko. Kanina lang ay sinampal ako ng babaeng ito!""Mrs. Linwood, dapat munang humingi ng tawad ang anak mo masama niyang sinabi."Natigilan si Mrs. Linwood. "Ang anak ko… kailan ka nag salita ng masama ang anak ko? Ang anak ko nga ang nasaktan. Atsaka, ang babaeng ito ang unang sumugod sa akin.""Kung gusto niyong malaman ang nangyari sa dalawang bata, pwede kayong pumunta sa surveillance room at panoorin ang footage. Tungkol naman sa problema mo at ng babaeng ito…" Sinulyapan ni Louis si Ryleigh na kasalukuyang inaayos ang damit.Pinantayan ni Ryleigh ang tingin ni Louis at kaagad na tumawa nang malakas. "Anong tinitingnan mo? Sasabihin mo sa akin na ako ang may kasalanan, hindi ba? Kasasabi lang ni Mrs. Linw
5 foot 3 ang height ni Ryleigh, at girlish din ang istilo ng damit niya. Kaya naman, maliit nga siyang tingnan kapag nakatayo siya sa harapan ni Louis na 6 foot 2 ang height. Pero ang sabihin na flat-chested siya!?Hindi man yon ganoon ka-agresibo, nakakainsulto yon!Tumawa nang malakas si Colton."Colton, sumosobra ka na! Nakipag-partner ka pa talaga sa taong iyan para asarin ang ninang mo. Akala mo ba ay hindi ko sasabihin sa nanay mo ang ginawa mo?"Kaagad na tumakbo si Colton palapit sa kaniya at malambing siyang niyakap. "Ninang, kasalanan ko na po, kaya huwag niyo na sabihin kay Mommy!"Nang makita ang cute at malambing na trato ni Colton sa kaniya, naging mahinahon at cute ulit si Ryleigh.Nang makita ni Colton ang caller ID na naka-display sa kaniyang smartwatch, kaagad na nagbago ang ekspresyon niya. "Oops, nandito na si Mommy para sunduin ako!"Nilabas ni Ryleigh si Colton sa labas ng campus at nakita ang isang nakakasilaw na Rolls-Royce na nakaparada sa labas n
"Anong ginagawa mo?" Hindi naging komportable si Madam Vanderbilt nang makitang binaba nito ang silverware at tahimik na nagdabog nang walang dahilan."Alam niyo na dapat ang relasyon ni Mr. Goldmann at Zee. Akala niyo ba ay hindi ko alam ang nasa isip niyo? Kapag sinubukan niyong makipagtalo kay Zee, pwede na kayong bumalik sa ancestral mansion."Matagal ng nagtitiis si Stephen. Sobra-sobra na ang tiniis niya dahil lang nanay niya ito."Ano? Ang lakas ng loob mong bantaan ang sarili mong ina?""Mabuti naman at naalala niyo pang anak niyo ako " Kumalma si Stephen. "Apo niyo si Zee, pero hindi niyo siya kailanman inalala. Ganon ba kahalaga sa iyo ang apo mong lalaki? Kung hindi ganoon kahalaga sa iyo ang apong lalaki, matagal na akong makipag-divorce kay Leila. Hindi na dapat ako naging tanga tungkol sa pekeng pagbubuntis na iyon.""P…pekeng pagbubuntis?" Gulat na gulat si Madam Vanderbilt.Nagtataka siya kung bakit buong araw niyang hindi nakita si Leila sa bahay, akala niy
'Matagal nang pinagmamatyagan ni Madam Vanderbilt iyon.'Bahagyang nanningkit ang mga mata ni Maisie. "Kailangan kong pumunta sa dinner kung pinaplano talaga ng mga Vanderbilt na makuha ang Vaenna.""Zee gusto mo bang samahan kita? Lalo na at hindi natin alam kung anong gagawin nila." Nag-aalala si Kennedy dahil mag-isa lang na pupunta doon si Maisie.Sandaling nag-isip si Maisie.'Tama si Kennedy. Siguradong mayroon silang pinaplano kaya nila ako gustong makita. Hindi ko alam kung ano ang pwede nilang gawin. Ano pa man, kailangan ko maging handa.'…Pumasok si Maisie sa isang high-end restaurant. Tinali niya ang kaniyang mahabang buhok sa isang malinis at mataas na ponytail, nakasuot siya ng itim at puting color-blocked dress na mayroong split ends, at mayroong suot na pares ng sewuin earrings.Nakakuha siya ng maraming atensyon mula sa mga bisita nang pumasok siya sa hotel.Nang mapansin ang pambihira niyang dating, ang waitress na nakatayo sa reception ay lumapit at
”Oo, Zee, respetado ang mga Zimmerman sa Coralia. Hindi mo kailangang mag-alala sa kahit ano pa man kapag naikasal ka sa pamilyang iyon.” Nagtulungan sina Yanis at Madam Vanderbilt dahil hindi na sila makapaghintay na maikasal si Maisie sa mga Zimmerman.Tumawa si Maisie. “Mayroon na akong mga anak. Ganoon na ba kadesperado ang mga Zimmerman para matanggap niyo ang isang daughter-in-law na mayroon ng mga anak?”Nagbago ang ekspresyon nina Yanis at Mrs. Zimmerman nang marinig iyon. Kaagad na sumagot si Madam Vanderbilt, “Zee, anong sinasabi mo? Kailan ka pa nagkaanak?”“Malalaman niyo ang tungkol doon kapag nakumpirma niyo na ang detalye mula kay Dad.” Humalukipkip si Maisie at bahagyang sumandal. “Ang tatay ng mga bata ay si Mr. Goldmann. Kahit gaano man kayaman ang mga Zimmerman sa Coralia, maikukumpara ba sila kay Mr. Goldmann?”Kaagad na napahiya si Mrs. Zimmerman. Matalim niyang tiningnan si Yanis at ang iba. “Nagsisinungaling ba kayo sa amin ng anak ko?”“Mrs. Zimmerman,
‘Isa siyang babae na natikman na ng ibang lalaki, at plano niya pang isama ang mga anak niya kapag lumipat siya sa mga Zimmerman? Imposible iyan.’Pero nang makita ang reaksyon ng anak niya, kailangan na lang tanggapin ni Mrs. Zimmerman na si Maisie ay isang babaeng mayroon ng mga anak.‘Kailangan niya pa rin akong pagsilbihan kapag lumipat na siya sa mga Zimmerman.’“Oh, gusto niyong abandunahin ko ang mga anak ko?” Ngumiti si Maisie.“Zee, walang pakialam ang mga Zimmerman sa mga anak mo, pero gusto mo pa rin isama ang mga anak mo kapag pinakasalan mo si Jimmy? Nababaliw ka na ba?” Natataranta si Madam Vanderbilt.‘Plano ba ng bruhang ito na sirain ang marriage arrangement? Mangarap siya!’Mabilis na tiningnan ni Madam Vanderbilt si Yanis.Naintindihan naman ni Yanis ang ibig niyang sabihin.‘Hindi na mababago ang nangyari na. Kailangan namin magawa ito ngayong araw kahit na kailanganin pa namin gumamit ng pwersa.”Pwede ng bumuo ng teatro ang mga Vanderbilt sa mga