”Oo, Zee, respetado ang mga Zimmerman sa Coralia. Hindi mo kailangang mag-alala sa kahit ano pa man kapag naikasal ka sa pamilyang iyon.” Nagtulungan sina Yanis at Madam Vanderbilt dahil hindi na sila makapaghintay na maikasal si Maisie sa mga Zimmerman.Tumawa si Maisie. “Mayroon na akong mga anak. Ganoon na ba kadesperado ang mga Zimmerman para matanggap niyo ang isang daughter-in-law na mayroon ng mga anak?”Nagbago ang ekspresyon nina Yanis at Mrs. Zimmerman nang marinig iyon. Kaagad na sumagot si Madam Vanderbilt, “Zee, anong sinasabi mo? Kailan ka pa nagkaanak?”“Malalaman niyo ang tungkol doon kapag nakumpirma niyo na ang detalye mula kay Dad.” Humalukipkip si Maisie at bahagyang sumandal. “Ang tatay ng mga bata ay si Mr. Goldmann. Kahit gaano man kayaman ang mga Zimmerman sa Coralia, maikukumpara ba sila kay Mr. Goldmann?”Kaagad na napahiya si Mrs. Zimmerman. Matalim niyang tiningnan si Yanis at ang iba. “Nagsisinungaling ba kayo sa amin ng anak ko?”“Mrs. Zimmerman,
‘Isa siyang babae na natikman na ng ibang lalaki, at plano niya pang isama ang mga anak niya kapag lumipat siya sa mga Zimmerman? Imposible iyan.’Pero nang makita ang reaksyon ng anak niya, kailangan na lang tanggapin ni Mrs. Zimmerman na si Maisie ay isang babaeng mayroon ng mga anak.‘Kailangan niya pa rin akong pagsilbihan kapag lumipat na siya sa mga Zimmerman.’“Oh, gusto niyong abandunahin ko ang mga anak ko?” Ngumiti si Maisie.“Zee, walang pakialam ang mga Zimmerman sa mga anak mo, pero gusto mo pa rin isama ang mga anak mo kapag pinakasalan mo si Jimmy? Nababaliw ka na ba?” Natataranta si Madam Vanderbilt.‘Plano ba ng bruhang ito na sirain ang marriage arrangement? Mangarap siya!’Mabilis na tiningnan ni Madam Vanderbilt si Yanis.Naintindihan naman ni Yanis ang ibig niyang sabihin.‘Hindi na mababago ang nangyari na. Kailangan namin magawa ito ngayong araw kahit na kailanganin pa namin gumamit ng pwersa.”Pwede ng bumuo ng teatro ang mga Vanderbilt sa mga
Nang tumalikod na si Linda para umalis, biglang dumilat ang mga mata ni Maisie, tumayo siya, naglakad at inis-stun niya ito sa batok.Bumagsak si Linda sa sahig at nawalan ng malay, hinila siya ni Maisie papunta sa isang couch sa maliit na private room. “Heh, dahil plano mo akong i-set up, huwag mo akong sisihin kung matitikman mo ang karma mo.”Mabuti na lang at naghanda siya. Dumaan muna siya kanina sa isang botika at bumili ng special antidote na nagpapawalang-bisa sa mga rape-date drugs. Ininom niya rin iyon habang nasa byahe papunta rito, at apat na oras ang itatagal nito.Nakatakip nga ang mga inuming nilagay sa harapan niya, pero napansin niya ang maliliit na butas na maingat na tinusok sa buksan ng bote kaya naman hindi ito madaling makita.Sinara niya ang mga kurtina, at kaagad na nagdilim sa loob ng private room. Napansin niyang mayroong nagbubukas ng pinto mula sa labas, kaya mabilis siyang nagtago sa likod ng couch at mahinang umungol. “Huwag mong buksan ang ilaw.”
Si…Maisie dapat ang nandito. Paanong…" Napaatras si Madam Vanderbilt.'Hindi ba't pinainom natin ng gamot ang malanding iyon?'Pumasok si Maisie at marahang tinakpan ang kaniyang bibig. "Ah! Ano ito?""Maisie, walang hiya ka! Ikaw ito ang gumawa nito, ano? Sinira mo ang anak ko!" Lumapit si Yanis, gustong sampalin si Maisie, pero nakaiwas ito.Nagtago si Maisie sa tabi ni Mrs. Zimmerman. "Bakit ako ang sinisisi nyo? Si Linda ang nagsabi sa akin na matagal niya ng gusto si Mr. Zimmerman. Pinatulog niya pa ako. Nasa ibang private room na ako nang magising ako ""Kalokohan! Halatang—-"Ang walang malay na babae na nakahiga sa couch ay unti-unting dinilat ang mga mata at nagising. Nakita niya ang maraming taong nakatayo sa kwarto at doon niya naramdaman ang matinding sakit sa buong katawan. Kaagad niyang binaba ang tingin at doon niya nakitang nakahubad siya. Kaagad na nagbago ang kanyang ekspresyon habang kinukuha ang mga damit para takpan ang kanyang katawan. "Bakit…. Bakit a
“Hindi, Mrs. Zimmerman—”“Sa tingin mo ay hindi sapat ang anak ko para sa iyo?” Tinitigan ni Mr. Zimmerman si Yanis na mukhang dismayado.“Oo, maswerte si Lynn na ikakasal siya sa isang Zimmerman. Sayang at wala akong ganoong klaseng swerte.” Sinubukang tumawa ni Maisie pero trinahidor siya ng kaniyang mga mata.Halos matumba na si Madam Vanderbilt sa sahig dahil nasira ang lahat ng plano niya, at nawala pa ang pagka-inosente ni Linda.Ganoon din ang nararamdaman ni Yanis. Gusto niyang maikasal si Linda sa isang taong mayroong status at kapangyarihan sa Bassburgh, pero ngayon ay si Jimmy Zimmerman ang nakakuha sa kaniya.Dahil itong lahat kay Maisie.Puno ng galit ang mga mata ni Yanis habang nakatitig kay Maisie.Napansin iyon ni Maisie, pero hindi lang si Yanis ang nag-iisang galit sa kaniya, kaya wala na siyang pakialam. Pinapatikim niya sa kanila ang karma!…Tumingala ang mga high-ranking executives nang binuksan ni Quincy ang pinto sa tahimik na meeting room.S
Bakit narito si Nolan?Nabigla si Jimmy. Lukot ang mukha niya nang magtanong, “S-sino ka?”“Ang tatay ng mga anak niya.”Malamig siyang tinitigan ni Nolan. Hindi maaagaw ng walang kwentang lalaking ito si Maisie sa kaniya.Bumuka ang bibig ni Jimmy, pero walang lumabas mula rito. Nanigas na marahil siya dahil sa nakakasakal na dating ng lalaking ito.Sumandal si Maisie sa braso ng lalaki at pinulupot ang mga braso sa leeg nito. “Honey, bakit ang tagal mong dumating?”Ang galit na mayroon si Nolan nang makita niyang kasama ni Maisie ang lalaking ito ay kaagad nawala nang yakapin siya nito at tawagin na ‘honey’. Ayaw na niyang tanungin pa kung anong nangyayari.Nilagay ni Nolan ang isang braso sa baywang ni Maisie at pinisil naman ang baba nito gamit ang kabila. “Hindi ko malalaman na mayroong gustong umagaw sa girlfriend ko kung hindi ako dumating.”Tumaas ang mga kilay ni Maisie at saka sumakay. “Umuwi na tayo sa bahay kung ganoon.”“Umuwi sa bahay…”Ngumiti si Nol
Nabalita ang nangyari.Pinanood ni Madam Vanderbilt ang pag-aresto sa kaniyang anak. Kasama ang mga pag-aari nila sa Coralia, at pati ang mga negosyo nila ay huminto. Kinailangan niyang humingi ng tulong sa isa niyang anak, si Stephen.“Stephen, kapatid mo siya. Kailangan mo siyang tulungan!”Nataranta si Stephen nang makitang umiiyak at nagmamakaawa ang kaniyang ina. “Nahuli siya sa money laundering. Paano ko siya tutulungan?”“Sinabi ko na sa kaniyang huwag siyang pumasok doon, pero nakinig ba siya? Ngayon ay nahuli na siya. Paano ko siya tutulungan?”Walang maisip na paraan si Stephen.Nagsimula siya ng negosyo sa Bassburgh dahil gusto niyang iwanan ang pamilya niya at bumuo ng kaniyang sarili. Ang atensyon ng kaniyang ina ay palagi namang nasa kapatid niya, pero alam niya kung ano ang ginagawa ng kapatid niya sa Coralia.Nawala sa wisyo si Madam Vanderbilt pero tila mayroong naallaa. “Hindi ba’t karelasyon ni Zee si Mr. Goldmann? Pwede mo bang kausapin si Zee para kau
Tinikom ni Maisie ang mga labi at saka dinagdag, "Kailangan lang natin mapalaya si Yorick. Hindi ko na problema ang travel agency at iba pa."Pwede niyang tulungan na makalaya ang tiyuhin niya, pero hindi niya kailanman makakalimutan ang ginawa nina Yanis at Madam Vanderbilt sa kaniya. Tumutulong ng siya para sa kapakanan ng tatay niya, at hindi na siya mangingialam pa sa ibang bagay.Syempre, kung hindi nila babaguhin ang ugali nila, ibang problema na iyon.Tumayo si Nolan, lumapit sa kanya, pinantayan ang kanyang tangkad at saka siya tinitigan. "Kaya ko siyang palayain, pero…"Hinila niya si Maise papunta sa kanyang mga braso. "Anong makukuha kong kapalit?"Huminga nang malalim si Maisie. Alam niyang sasamantalahin ng lalaking ito ang sitwasyon.Kumurap siya. Ang halik ay halik, at wala namang mababago kung susundan ito ng ilan pa.Nagkusa na siya na isang pambihirang pagkakataon, pero pinatong ni Nolan ang daliri sa mga labi ni Maisie, nagliliyab ang kaniyang mga m