Bakit narito si Nolan?Nabigla si Jimmy. Lukot ang mukha niya nang magtanong, “S-sino ka?”“Ang tatay ng mga anak niya.”Malamig siyang tinitigan ni Nolan. Hindi maaagaw ng walang kwentang lalaking ito si Maisie sa kaniya.Bumuka ang bibig ni Jimmy, pero walang lumabas mula rito. Nanigas na marahil siya dahil sa nakakasakal na dating ng lalaking ito.Sumandal si Maisie sa braso ng lalaki at pinulupot ang mga braso sa leeg nito. “Honey, bakit ang tagal mong dumating?”Ang galit na mayroon si Nolan nang makita niyang kasama ni Maisie ang lalaking ito ay kaagad nawala nang yakapin siya nito at tawagin na ‘honey’. Ayaw na niyang tanungin pa kung anong nangyayari.Nilagay ni Nolan ang isang braso sa baywang ni Maisie at pinisil naman ang baba nito gamit ang kabila. “Hindi ko malalaman na mayroong gustong umagaw sa girlfriend ko kung hindi ako dumating.”Tumaas ang mga kilay ni Maisie at saka sumakay. “Umuwi na tayo sa bahay kung ganoon.”“Umuwi sa bahay…”Ngumiti si Nol
Nabalita ang nangyari.Pinanood ni Madam Vanderbilt ang pag-aresto sa kaniyang anak. Kasama ang mga pag-aari nila sa Coralia, at pati ang mga negosyo nila ay huminto. Kinailangan niyang humingi ng tulong sa isa niyang anak, si Stephen.“Stephen, kapatid mo siya. Kailangan mo siyang tulungan!”Nataranta si Stephen nang makitang umiiyak at nagmamakaawa ang kaniyang ina. “Nahuli siya sa money laundering. Paano ko siya tutulungan?”“Sinabi ko na sa kaniyang huwag siyang pumasok doon, pero nakinig ba siya? Ngayon ay nahuli na siya. Paano ko siya tutulungan?”Walang maisip na paraan si Stephen.Nagsimula siya ng negosyo sa Bassburgh dahil gusto niyang iwanan ang pamilya niya at bumuo ng kaniyang sarili. Ang atensyon ng kaniyang ina ay palagi namang nasa kapatid niya, pero alam niya kung ano ang ginagawa ng kapatid niya sa Coralia.Nawala sa wisyo si Madam Vanderbilt pero tila mayroong naallaa. “Hindi ba’t karelasyon ni Zee si Mr. Goldmann? Pwede mo bang kausapin si Zee para kau
Tinikom ni Maisie ang mga labi at saka dinagdag, "Kailangan lang natin mapalaya si Yorick. Hindi ko na problema ang travel agency at iba pa."Pwede niyang tulungan na makalaya ang tiyuhin niya, pero hindi niya kailanman makakalimutan ang ginawa nina Yanis at Madam Vanderbilt sa kaniya. Tumutulong ng siya para sa kapakanan ng tatay niya, at hindi na siya mangingialam pa sa ibang bagay.Syempre, kung hindi nila babaguhin ang ugali nila, ibang problema na iyon.Tumayo si Nolan, lumapit sa kanya, pinantayan ang kanyang tangkad at saka siya tinitigan. "Kaya ko siyang palayain, pero…"Hinila niya si Maise papunta sa kanyang mga braso. "Anong makukuha kong kapalit?"Huminga nang malalim si Maisie. Alam niyang sasamantalahin ng lalaking ito ang sitwasyon.Kumurap siya. Ang halik ay halik, at wala namang mababago kung susundan ito ng ilan pa.Nagkusa na siya na isang pambihirang pagkakataon, pero pinatong ni Nolan ang daliri sa mga labi ni Maisie, nagliliyab ang kaniyang mga m
"Mom, ang nanay ni Zee ang nagtayo ng Vaenna Jewelry. Hindi ko iyon pwedeng ibigay sa pamangkin ko."'Bakit hindi?" Nanginig sa galit si Madam Vanderbilt. "Matagal ng wala si Marina. Sa iyo na ang kumpanya ngayon. Wala ng rason pa para alalahanin mo ang nararamdaman ng isang patay."At saka, hindi mabuting tao si Marina noong nabubuhay pa siya. Tingnan mo kung paano ka nya tinrato. Ano pang pumipigil sa iyo?"Huminto si Maisie sa labas ng study at narinig nya ang pang-iinsulto ni Madam Vanderbilt sa kaniyang ina. Mabigat ang ekspresyon niya nang pumasok sa study. "Anong ibig niyong sabihin?"Nagulat si Stephen. Narinig niya ba ang lahat?Hindi inaasahan ni Madam Vanderbilt na narito si Maisie. Nagngalit ang mga ipin niya. "Bakit ka bumalik?""Napalaya ko na si Tito Yorick at gusto ko kayong i-congratulate, pero hindi ko inaasahang marinig ang pang-iinsulto niyo sa nanay ko."Humalukipkip si Maisie at tinaas ang mga kilay. "Hindi na siguro dapat ako tumulong.""Tiyuhin m
"Total ay sinabi naman na ni Madam Vanderbilt ang opinyon niya, bakit hindi mo kinuha ang opportunity para mabawi ang shares ng Vaenna?" Nalilitong tiningnan ni Kennedy si Maisie. Pagkatapos ng lahat, siguradong ibibigay naman ni Stephen ang shares kay Maisie kung babanggitin niya ang tungkol doon ngayon.Ngumiti nang maliit si Maisie. "Hindi pa gaanong stable ang Soul. Kailangan kong magbigay ng maraming oras at enerhiya kung gusto kong bawiin ang shares ng Vaenna ngayon. Walang pupwede."Pero dahil pinangako naman na ng tatay ko na hindi niya ibibigay ang shares kay Hector, hindi ko na kailangan na mag-alala."Simula nitong mga nakaraan, hindi na kasing lamig tulad ng dati ang relasyon niya sa kaniyang ama ngayon. Kahit na minsan niyang sinisi ang tatay niya sa maraming bagay, tatay niya pa rin iro.Dumating si Quincy sa labas ng opisina dala ang isang kahon ng regalo. Kumatok siya sa pinto, ngumiti at pumasok sa kwarto. "Ms. Vanderbilt."Nagulat si Maisie. Dumapo ang tingi
Bumulong si Nolan, “Ayaw ko nang maghintay pa.”Yumuko siya at hinalikan si Maisie.Sa panoramic suite…Pinahiga ni Nolan si Maisie sa malaki at bilog na kamang punong-puno ng rose petals. Mariin at punong-puno ng emosyon ang mga halik na binibigay niya.Nakikiliti ang puso niya sa nakakalat na buhok ni Maisie.“Paano kita paparusahan?” Napukaw ng malalim at mariin na boses ni Nolan ang puso ni Maisie.“Pwede ba?” Bulong niya sa tainga ni Maisie.Bahagyang nagulat si Maisie dahil naisip din ni Nolan kung anong nararamdaman niya. Kaagad na namula ang kaniyang mga pisngi. “Siraulo ka, tina…tinatanong mo talaga ako niyan—--Ummm!”Hinawakan ni Nolan ang baywang niya at hindi na makapaghintay pa, ngunit bigla naman tumuog ang cellphone ni Maisie na nasa loob ng kaniyang purse.Ang katwiran ni Maisie na kanina pa umalis ay napilitang bumalik nang marinig niya ang ringtone. Tinulak niya palayo ang balikat ng lalaki. “Nolan, ang phone ko…”“Hayaan mo na.” Pagalit at mariin
“Sino ang nagsabing hindi ka karapat-dapat? Niligtas mo ang buhay ko. Isa kang importanteng tao sa mga Vanderbilt.” Hanggang ngayon ay mayroon pa rin takot si Madam Vanderbilt. Lalo na’t kung hindi dumating si Leila at tinulak siya palayo, siguradong mamamatay siya sa ilalim ng mga gulong.“Stephen, hindi ka na binata, kaya huwag ka ng mag-isip ng divorce. Maraming taon na kayong kasal ni Leila. Dahil lang ba sa pekeng pagbubuntis? Gusto ka lang niyang bigyan ng anak. Mali ba ‘yun?”Tiningnan ni Madam Vanderbilt nang masama si Maisie habang nagsasalita. “Pamilya tayo, kaya bakit mo papahirapan ang miyembro ng pamilya mo?”Para kay Maisie ang mga salitang ‘yun.Bahagyang tinaas ni Maisie ang mga kilay at ngumisi. “Wow, lola, nailigtas ka bigla ni Ms. Scott nang muntik ka ng maaksidente? Grabe ang coincidence, huh?”Kinagat ni Leila ang kaniyang labi.‘Bwisit ka, Maisie Vanderbilt! Nandito ka talaga para gawing komplikado ang lahat, ano?’“Zee. alam kong hindi mo ako gusto,
Walang nakakaalam kung paano nagawang magpaliwanag ni Nolan nang seryoso, “Zee, kapag nagkaroon ako ng side effects dahil sa pagpipigil, hindi maganda ang mangyayari sa iyo…”Sa Goldmann mansion, binuhat ni Nolan si Maisie paakyat at hinagis ito sa kama.Tinutulak ni Maisie palayo ang katawan ni Nolan na nakapatong sa kaniya. "Na…nasa bahay ang mga bata, hindi ito pwede…""Ayos lang. Tulog na silang lahat." Inalis ni Nolan ang mga damit ni Maisie na parang isang cocoon."Kung ganon… masasayang lang yung hotel room!""Maliit na pera lang yun, wala lang yun sa akin.""Nolan—-Umm!" Nilunok ni Maisie ang mga sasabihin niya nang bigla na lang yumuko si Nolan at hinalikan siya sa mga labi.Bago pa makahabol ng hininga si Maisie, biglang tumigil si Nolan, at naging awkward bigla ang sitwasyon sa kwarto.Tumayo si Nolan at tinalikuran siya, medyo naninigas ang gwapo nitong mukha.Sandaling natulala si Maisie.'Yun na yun?'Tiningnan niya si Nolan.'Mayroon pa lang tinat