"Total ay sinabi naman na ni Madam Vanderbilt ang opinyon niya, bakit hindi mo kinuha ang opportunity para mabawi ang shares ng Vaenna?" Nalilitong tiningnan ni Kennedy si Maisie. Pagkatapos ng lahat, siguradong ibibigay naman ni Stephen ang shares kay Maisie kung babanggitin niya ang tungkol doon ngayon.Ngumiti nang maliit si Maisie. "Hindi pa gaanong stable ang Soul. Kailangan kong magbigay ng maraming oras at enerhiya kung gusto kong bawiin ang shares ng Vaenna ngayon. Walang pupwede."Pero dahil pinangako naman na ng tatay ko na hindi niya ibibigay ang shares kay Hector, hindi ko na kailangan na mag-alala."Simula nitong mga nakaraan, hindi na kasing lamig tulad ng dati ang relasyon niya sa kaniyang ama ngayon. Kahit na minsan niyang sinisi ang tatay niya sa maraming bagay, tatay niya pa rin iro.Dumating si Quincy sa labas ng opisina dala ang isang kahon ng regalo. Kumatok siya sa pinto, ngumiti at pumasok sa kwarto. "Ms. Vanderbilt."Nagulat si Maisie. Dumapo ang tingi
Bumulong si Nolan, “Ayaw ko nang maghintay pa.”Yumuko siya at hinalikan si Maisie.Sa panoramic suite…Pinahiga ni Nolan si Maisie sa malaki at bilog na kamang punong-puno ng rose petals. Mariin at punong-puno ng emosyon ang mga halik na binibigay niya.Nakikiliti ang puso niya sa nakakalat na buhok ni Maisie.“Paano kita paparusahan?” Napukaw ng malalim at mariin na boses ni Nolan ang puso ni Maisie.“Pwede ba?” Bulong niya sa tainga ni Maisie.Bahagyang nagulat si Maisie dahil naisip din ni Nolan kung anong nararamdaman niya. Kaagad na namula ang kaniyang mga pisngi. “Siraulo ka, tina…tinatanong mo talaga ako niyan—--Ummm!”Hinawakan ni Nolan ang baywang niya at hindi na makapaghintay pa, ngunit bigla naman tumuog ang cellphone ni Maisie na nasa loob ng kaniyang purse.Ang katwiran ni Maisie na kanina pa umalis ay napilitang bumalik nang marinig niya ang ringtone. Tinulak niya palayo ang balikat ng lalaki. “Nolan, ang phone ko…”“Hayaan mo na.” Pagalit at mariin
“Sino ang nagsabing hindi ka karapat-dapat? Niligtas mo ang buhay ko. Isa kang importanteng tao sa mga Vanderbilt.” Hanggang ngayon ay mayroon pa rin takot si Madam Vanderbilt. Lalo na’t kung hindi dumating si Leila at tinulak siya palayo, siguradong mamamatay siya sa ilalim ng mga gulong.“Stephen, hindi ka na binata, kaya huwag ka ng mag-isip ng divorce. Maraming taon na kayong kasal ni Leila. Dahil lang ba sa pekeng pagbubuntis? Gusto ka lang niyang bigyan ng anak. Mali ba ‘yun?”Tiningnan ni Madam Vanderbilt nang masama si Maisie habang nagsasalita. “Pamilya tayo, kaya bakit mo papahirapan ang miyembro ng pamilya mo?”Para kay Maisie ang mga salitang ‘yun.Bahagyang tinaas ni Maisie ang mga kilay at ngumisi. “Wow, lola, nailigtas ka bigla ni Ms. Scott nang muntik ka ng maaksidente? Grabe ang coincidence, huh?”Kinagat ni Leila ang kaniyang labi.‘Bwisit ka, Maisie Vanderbilt! Nandito ka talaga para gawing komplikado ang lahat, ano?’“Zee. alam kong hindi mo ako gusto,
Walang nakakaalam kung paano nagawang magpaliwanag ni Nolan nang seryoso, “Zee, kapag nagkaroon ako ng side effects dahil sa pagpipigil, hindi maganda ang mangyayari sa iyo…”Sa Goldmann mansion, binuhat ni Nolan si Maisie paakyat at hinagis ito sa kama.Tinutulak ni Maisie palayo ang katawan ni Nolan na nakapatong sa kaniya. "Na…nasa bahay ang mga bata, hindi ito pwede…""Ayos lang. Tulog na silang lahat." Inalis ni Nolan ang mga damit ni Maisie na parang isang cocoon."Kung ganon… masasayang lang yung hotel room!""Maliit na pera lang yun, wala lang yun sa akin.""Nolan—-Umm!" Nilunok ni Maisie ang mga sasabihin niya nang bigla na lang yumuko si Nolan at hinalikan siya sa mga labi.Bago pa makahabol ng hininga si Maisie, biglang tumigil si Nolan, at naging awkward bigla ang sitwasyon sa kwarto.Tumayo si Nolan at tinalikuran siya, medyo naninigas ang gwapo nitong mukha.Sandaling natulala si Maisie.'Yun na yun?'Tiningnan niya si Nolan.'Mayroon pa lang tinat
Sa hospital…Lumabas ng ward si Leila dala ang kaniyang cell phone, nagpunta sa hagdanan at mayroon tinawagan. “Willie, huwag kang mag-alala. Pinagkakatiwalaan na ako ng lola mo. Ipapasundo kita sa dad mo sa oras na makabalik ako sa Vanderbilt manor.”“Sandali, gaano katagal ko kailangan maghintay? Ayaw ko na dito!"Ayaw na ayaw ni Willow sa nirerentahan niyang maliit na bahay.'Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko dapat ginalit nang ganoon si Dad. Kahit paano, mas maganda pa rin tumira sa Vanderbilt manor kaysa sa maruming lugar na ito!Nang maramdaman na sobrang naiirita si Willow, mahinahong sinabi ni Leila. "Alam ko, Willie, revenge is best served cold. Basta kaya natin magtiis, magkakaroon din ng paraan para makaganti tayo sa bruhang iyun."Alam mo na dapat na mayroong impormasyon ang bruhang yun tungkol sa buhay ko bago ako naging Mrs. Vanderbilt. Magdudusa lang tayong dalawa kapag nabigo nanaman tayo!"Pinakalma na lang ni Willow ang sarili kahit na sobra
Kailangan makahanap ng paraan ni Maisie para mapigilan yun.Sa Soul Jewelry Studio…Ang ibang mga tao sa department ay unti-unti nang umalis.Pumasok si Nolan sa opisina ni Maisie at sumandal sa pinto at humalukipkip. Pinanood niya si Maisie habang naghahanap ito ng mga dokumento sa harapan ng book rack. Hindi niya maalis ang tingin niya sa magandang babaeng nasa harapan niya.Hindi napansin ni Maisie na mayroong papalapit sa kaniya. Nakayuko siya habang naghahanap pero naramdaman niyang mayroong gumalaw sa likuran niya.Niyakap siya ng lalaki mula sa likuran at napatalon sa gulat si Maisie. Hindi siya lumingon para makita kung sino yun. “Nolan, bakit—”“Ano? Gusto lang kitang yakapin.” Narinig ang boses ng lalaki mula sa tuktok ng ulo ni Maisie.Bakit hindi niya mabitawan ang babaeng ito?Huminga nang malalim si Maisie at naalala ang nangyari kagabi. Uminit ang kaniyang mga pisngi.Nakaramdam ng hiya si Maisie, pero hindi niya aaminin na hindi niya matiis ang ‘karism
“Leila, nabalitaan kong ikaw ang nag-alaga kay Mom nitong mga nakaraang araw sa ospital.”Ngumiti si Leila. “Yun ang dapat gawin ng isang daughter-in-law.”Tiningnan ni Yorick si Leila at hindi niya maitatanggi na magaling pumili ang kapatid niya.Kinumpara niya si Leila sa sarili niyang asawa na magaspang ang itsura. Pinabayaan na nito ang sarili pagkatapos manganak at ngayon ay mukha ng pagod na asawa.Hindi na bata si Leila pero mukha pa rin itong bata at maganda pa rin.Nagbago ang ekspresyon ni Yani nang mapansin ang paraan ng pagtitig ng asawa niya kay Leila. Tumikhim siya na napansin naman ni Yorick at napangiti na lang. Binago niya ang usapan. “Oo nga pala, nasaan sina Willie at Zee?”Sinabi ni Madam Vanderbilt kay Stephen, “Oo, anak mo si Willie. Papuntahin natin dapat siya para samahan tayong mag-dinner.”Natuwa si Leila sa sinabi ni Madam Vanderbilt, pero hindi niya yun pinakita.Nang maisip ni Stephen si Willow, napagtanto niyang matagal na nga niya itong hi
Palihim na pinagmasdan ni Maisie ang mesa, iniisip niya, ‘Nakalabas na si Madam Vanderbilt ng ospital, pumunta sina Yorick at Yanis sa Bassburgh, at kahit sina Leila at Willow ay nakabalik na sa Vanderbilt mansion. Mukhang hindi ito simpleng dinner.’Tensyunado ang paligid dahil bawat isa ay mayroong sariling mga motibo.Tiningnan ni Yanis si Maisie at nagtanong, “Zee, nabalitaan ko na mayroon kang sinimulan na jewelry studio. Kumusta naman?”Mukhang mayroong dahilan ang pagtatanong niya at hindi ito dahil tunay niyang inaalala si Maisie.Sumabat si Madam Vanderbilt, “Siyempre ay maganda ang buhay niya. Tinutulungan siya ni Mr. Goldmann. Wala siyang problema. Maganda pa rin ang buhay niya kahit na wala siyang gawin.”“Mr. Goldmann?” Nasurpresa si Yorick na nakabingwit ng malaking isda ang pamangkin niya.“Oo, binigyan ni Zee ng karangalan ang pamilya natin, salamat sa maganda niyang mukha,” Sarkastikong sabi ni Madam Vanderbilt. Ang tanging alam lang ni Maisie ay ang lumand