“Leila, nabalitaan kong ikaw ang nag-alaga kay Mom nitong mga nakaraang araw sa ospital.”Ngumiti si Leila. “Yun ang dapat gawin ng isang daughter-in-law.”Tiningnan ni Yorick si Leila at hindi niya maitatanggi na magaling pumili ang kapatid niya.Kinumpara niya si Leila sa sarili niyang asawa na magaspang ang itsura. Pinabayaan na nito ang sarili pagkatapos manganak at ngayon ay mukha ng pagod na asawa.Hindi na bata si Leila pero mukha pa rin itong bata at maganda pa rin.Nagbago ang ekspresyon ni Yani nang mapansin ang paraan ng pagtitig ng asawa niya kay Leila. Tumikhim siya na napansin naman ni Yorick at napangiti na lang. Binago niya ang usapan. “Oo nga pala, nasaan sina Willie at Zee?”Sinabi ni Madam Vanderbilt kay Stephen, “Oo, anak mo si Willie. Papuntahin natin dapat siya para samahan tayong mag-dinner.”Natuwa si Leila sa sinabi ni Madam Vanderbilt, pero hindi niya yun pinakita.Nang maisip ni Stephen si Willow, napagtanto niyang matagal na nga niya itong hi
Palihim na pinagmasdan ni Maisie ang mesa, iniisip niya, ‘Nakalabas na si Madam Vanderbilt ng ospital, pumunta sina Yorick at Yanis sa Bassburgh, at kahit sina Leila at Willow ay nakabalik na sa Vanderbilt mansion. Mukhang hindi ito simpleng dinner.’Tensyunado ang paligid dahil bawat isa ay mayroong sariling mga motibo.Tiningnan ni Yanis si Maisie at nagtanong, “Zee, nabalitaan ko na mayroon kang sinimulan na jewelry studio. Kumusta naman?”Mukhang mayroong dahilan ang pagtatanong niya at hindi ito dahil tunay niyang inaalala si Maisie.Sumabat si Madam Vanderbilt, “Siyempre ay maganda ang buhay niya. Tinutulungan siya ni Mr. Goldmann. Wala siyang problema. Maganda pa rin ang buhay niya kahit na wala siyang gawin.”“Mr. Goldmann?” Nasurpresa si Yorick na nakabingwit ng malaking isda ang pamangkin niya.“Oo, binigyan ni Zee ng karangalan ang pamilya natin, salamat sa maganda niyang mukha,” Sarkastikong sabi ni Madam Vanderbilt. Ang tanging alam lang ni Maisie ay ang lumand
“Tama. Kay Zee ko lang ibibigay ang Vaenna. Ang anak ko lang ang karapat-dapat makatanggap nun.”Tila naintindihan ni Stephen na sinusubukan siyang pilitin ng mga ito na ibigay ang shares ng Vaenna Jewelry.Kung ganoon na nga, hindi niya na kailangan maghintay. “Kumuha na ako ng mga abogado para ilagay ang pangalan ni Zee bilang beneficiary ng Vaenna.”“Nababaliw ka na ba? Bakit mo ibibigay yun sa kaniya!?”“Anong ambag niyo noong sinimulan namin ni Marina ang Vaenna?”Tiningnan ni Stephen si Madam Vanderbilt at suminghal. “Mom, nirerespeto kita, pero dahil hindi mo ako kailanman tinuring na anak at si Zee bilang apo mo, wala ng rason para maging magalang pa ako.”“Paano—” Nanginig sa galit si Madam Vanderbilt, pero bumara sa lalamunan niya ang mga gusto niyang sabihin.Tahimik na natapos ang dinner. Nang umalis sina Yanis at Yorick, halos walang nakapansin sa senyas na binigay ni Yorick kay Leila.Sa kasamaang palad, naglalakad sa likuran si Maisie at napansin sila. Na
Hindi nakapagsalita si Nolan.Anong kinatatakutan ng isang lalaking nagawa na ang lahat sa business world? Ang sagot ay ang galit niyang asawa. Ngayon, ang pinakamalaki niyang kinatatakutan ay ang kung anong tingin sa kaniya ng kaniyang mga anak. Aatakihin na siya sa puso.Mayroong kinausap si Maisie sa phone sa balcony. Mayroong sinabi ang tao sa kabilang linya at napayuko si Maisie. “Salamat, Mr. Zidane. Huwag niyong sabihin ang tungkol dito sa tatay ko.Mayroong sinabi pabalik ang tao sa kabilang linya, at tumango si Maisie. “Sige, kakausapin ko na lang kayo bukas.”Binaba ni Maisie ang kaniyang phone at pinagmasdan ang view ngayong gabi. Nakita niya ang agenda sa likod ng dinner kanina.Kahit na ipilit ng tatay niya na kampihan siya, mahina ito kung ikukumpara sa kasakiman nina Madam Vanderbilt at pamilya ni Yorick.Kung hindi nila mapipilit si Stephen na ibigay ang ownership ng Vaenna, mag-iisip sila ng paraan para pwersahan itong makuha.At nariyan pa sina Leila at
Napangiti dahil sa pag-asa at mahinang sumagot, "Mother, Babalik…babalik ako mamayang gabi.""Mamayang gabi? Ano yan kalokohan?" Nakita ni Madam Vanderbilt na natatakot si Leila na hindi tanggapin ni Stephen at tiningnan si Stephen, na kanina pa nananahimik. "Dahil pinabalik mo na ang asawa mo, ayusin niyo na ang pagsasama niyo. Anong sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang sa umaga lang nandito si Leila at uuwi sa sarili niyang bahay kapag gabi?""Mother, huwag mong sisihin si Steph. Ako po ang may kasalanan." Inako ni Leila ang lahat ng sisi—gawain ng isang mabait at matinong asawa.Ibinaba ni Stephen ang teacup niya. Kahit na pinayagan niyang bumalik si Leila at si Willow, tinuturing pa rin niyang bangungot ang pagpapanggap na buntis ni Leila.Pero, nang makitang nagbabago na si Leila, marahan niyang sinabing, "Dahil bumalik ka na rin naman, pwede ka na manatili rito."Kung tutuusin, hindi pa naman napa-finalize ang divorce, at paniguradong paguusapan ito ng iba.Maam
Nakinig si Madam Vanderbilt sa sinasabi ni Yanis. Pinakamamahal niya ang nag iisa niyang apong lalaki sa lahat, pero ibibigay lang ni Stephen ang Vaenna kay Maisie, kaya paano siya hindi mababahala.Suminghal siya. "Dahil hindi natin mababago ang isip niya, kukunin natin 'to nang hindi niya nalalaman!”Pumunta si Madam Vanderbilt sa law firm kinabukasan at nag request ng transfer contract bilang ina ni Stephen. Ibinigay naman ito agad sa kaniya ni Mr. Zidane.Tinawagan naman ni Mr. Zidane si Maisie matapos umalis ni Madam Vanderbilt."Ms. Vanderbilt, pumuntra rito ang isang babae na nagsasabing nanay siya ni Mr. Vanderbilt at hiningi ang kontrata. Binigay ko sa kaniya," sabi ni Mr. Zidane.Nasabihan na siya ni Maisie noong nakaraang araw na ibigay niya ang final draft ng kontrata kung meron mang manghingi nito.Kung tutuusin, lahat ng walang saysay na kontrata ay magiging salansan ng basura kahit na mapunta 'to sa maling kamay. Ang totoong kontrata ay mababalik lang ng auth
"Ano… Ano ito?" Hindi inakala ni Stephen na kukuha ang nanay niya ng abogado."Hi, Mr. Vanderbilt. Ako si Mr. Headler, abogado ni Madam Vanderbilt. Pinagkatiwalaan niya akong pumunta dala ang Vaenna's equity transfer contract. Tingnan niyo ito."Natulala si Stephen. At hindi napigilang magdilim ng kaniyang ekspresyon nang makita niya na ang nakalagay ng tagapagmana sa kaniyang share ay nag iba. Si Hector na.Kahit sinong may alam tungkol sa share transfer contract ay malalamang peke ang kontrata sa unang tingin pa lang, paanong hindi ito nalaman ni Stephen?"Anak, dapat nakita mo ito. Ang pangalan ni Hector ang nakalagay sa equity transfer contract. Kaya, anong kinalaman ni Maisie sa Vaenna?" mapagmataas na singhal ni Madam Vanderbilt m Kung hindi dahil sa kaniyang daughter-in-law na si Yanis, na nagpaalala sa kaniya tungkol dito, masasamantala na sana ni Maisie ang loophole na ito para makuha ang shares ng Vaenna.At isa pa, ang contract at bigay sa kaniya ng kaniyang ana
"Paano… paano nangyari 'yun? Sigurado akong ikaw 'yung nakita ko kahapon—" tumayo si Yanis at napatigil sa pagsasalita nang muntik na siyang may masabing iba.Itinuro ni Madam Vanderbilt si Mr. Zidane. "Ikaw ang nag abot sa akin ng kontrata noong nakaraang araw!"Ngumiti si Mr. Zidane. "Madam Vanderbilt, ngayon ko pa lang po kayo nakita.""Ikaw… paano mo nasasabing hindi mo pa ako nakita!? Ikaw ang nagbigay sakin ng kontrata nang pumunta ako sa opisina mo. Naaalala ko ang mukha mo!" Nag panic si Madam Vanderbilt at napaamin sa kagagawan niya."Tama na 'yan!" Galit siyang pinatigil ni Stephen, "Mother, dismayado ako sa into. Dahil hindi mo ako tinatrato bilang anak, hindi ko na kailangan pang itrato ka bilang ina. Bumalik ka na lang sa bahay mo sa Coralia!"Namutla si Madam Vanderbilt, at nanginginig na itinuro si Stephen. "Alam ko na ngayon, lahat… lahat kayo ay magkakasabwat. Aalis na ako!"Hindi na rin kinaya ni Yanis na manatili pa roon matapos umalis ni Madam Vanderbilt