Share

Kabanata 234

"Paano… paano nangyari 'yun? Sigurado akong ikaw 'yung nakita ko kahapon—" tumayo si Yanis at napatigil sa pagsasalita nang muntik na siyang may masabing iba.

Itinuro ni Madam Vanderbilt si Mr. Zidane. "Ikaw ang nag abot sa akin ng kontrata noong nakaraang araw!"

Ngumiti si Mr. Zidane. "Madam Vanderbilt, ngayon ko pa lang po kayo nakita."

"Ikaw… paano mo nasasabing hindi mo pa ako nakita!? Ikaw ang nagbigay sakin ng kontrata nang pumunta ako sa opisina mo. Naaalala ko ang mukha mo!" Nag panic si Madam Vanderbilt at napaamin sa kagagawan niya.

"Tama na 'yan!" Galit siyang pinatigil ni Stephen, "Mother, dismayado ako sa into. Dahil hindi mo ako tinatrato bilang anak, hindi ko na kailangan pang itrato ka bilang ina. Bumalik ka na lang sa bahay mo sa Coralia!"

Namutla si Madam Vanderbilt, at nanginginig na itinuro si Stephen. "Alam ko na ngayon, lahat… lahat kayo ay magkakasabwat. Aalis na ako!"

Hindi na rin kinaya ni Yanis na manatili pa roon matapos umalis ni Madam Vanderbilt
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status