Mukhang wala na talagang rason para maawa pa si Maisie.Sa Vanderbilt manor…Nakita ni Stephen ang headlines ng dyaryo at hinampas ito sa lamesa dahil sa galit. Si Leila, na dinalhan si Stephen ng prutas, ay tumingin din sa dyaryo at nagpanggap na nagulat. "Steph, anong pinagsasabi ng balitang 'to kay Maisie? May problema ba?"Alam ni Stephen na ang news article na 'yon at kagagawan ng kaniyang nanay at sister-in-law. Galit ang kaniyang ekspresyon, at hindi sumagot sa tanong.Bumaba si Willow at agad na sinabing, "Dad, nag-hire si Maisie ng lawyer para lokohin si Lola at si Tita Yanis. Nakita ko 'yon sa papel.""Willie, huwag ka magsabi ng kung ano ano." kunwaring pagtatanggol ni Leila kay Maisie."Paanong kung ano ano? Nabasa ng mga mata ko. Kung nangyari nga 'yun, niloloko rin pala si Maisie si Dad? Pumayag na nga si Daddy na ibigay ang shares sa kaniya, pero nakipagsabwatan pa rin siya sa lawyer para lokohin si Lola at si Tita Yanis."Hindi tiningnan ni Willow ang eksp
Sa Coralia police station…"Officer, baka mali ang nahuli niyong tao? Paano naman magagawa ng anak ko magbenta ng droga?""Oo nga, officer, baka mali kayo. Bata pa ang apo ko. Malabong magagawa niya 'yun."Parehas na nag panic si Yanis at Madam Vanderbilt. Kung nahuli siyang nagbebenta ng droga, mas malaki ang kahaharapin niya kaysa noong nahuli si Yorick sa money laundering!Si Hector lang ang taginh tagapagmana ng Vanderbilt. Siya lang ang magmamana at magpapatuloy ng dugo ng pamilya sa hinaharap. Hindi mawawala sa sistema kung magkakaroon siya ng criminal record at makulong. Sinong babae ang magpapakasal sa kaniyang kung gan'on?Inangat ng pulis na nagsusulat ng testimonya ang kaniyang ulo at seryoso silang tinitigan. "Nasa 20s na siya, tapos bata pa rin ang tingin niyo? Nakahanap ng droga sa bag niya ang isa mga kasamahan namin, at sinabihan kami ng aming superior. Makukulong siya ng limang taon o higit pa."Mahihimatay na sana si Madam Vanderbilt kung hindi lang siya na
Binigyan ko na sila ng pagkakataon, pero silang mga Vanderbilt ang gumagawa ng kamalasan nila at pinipilit akong kumilos. Pinilit nila akong ipakasal kay Jimmy, harap-harapan nilang ninanakaw ang Vaenna, at nagpakalat pa sila ng rumor sa Internet para masira ang reputasyon ko.'Tinulungan ko makalabas si Tito Yorick sa presinto para sa tatay ko, pero hindi man lang sila nagpasalamat na para bang dapat lang na gawin ko 'yun.'Nasabi niya pang wala akong awa? Kung ganoon pangangatawanan ko 'yang mga sinasabi niya hanggang sa huli!'"Maisie, isa ka ring Vanderbilt. Hayaan mo lang bang malunod si Hector o lumangoy mag isa?" Nabahala si Madam Vanderbilt dahil sa mga sinabi ni Maisie. Hindi na siya kalmado magsalita."Oo, hindi lang sa hahayaan ko siyang lumubog at lumangoy mag isa, tuturuan ko rin siya ng leksyon. At isa pa, ngayong ganyan kabasura si Hector, hindi ba kasalanan niyo rin? Palagi niyo siyang pinagbibigyan. Dapat lang 'yan sa kaniya mula nung una pa lang. Hindi ko na k
Naningkit ang mga mata ni Nolan. 'Nababaliw na ba si Dad?'"Ibigay mo kay Quincy." sinenyasan naman niya si Quincy na kunin 'yun.Kinuha ni Quincy ang lunchbox. "Rowena, iwan mo na lang sa akin."Walang sinabi si Rowena at tumingin lang kay Nolan habang nakangiti. "Lalabas ka ba?""Rowena, pupunta si Mr. Goldmann sa asawa niya," sumagot agad si Quincy at malamig lang siyang tingnan ni Nolan.'Asawa?' makikita ang panlalamig sa mga mata ni Rowena. 'Si Ms. Vanderbilt ba ang tinutukoy niya? Pinapahalagahan talaga siya ni Nolan.'"May kailangan ka ba pa?" tumingin si Nolan sa kaniyang orasan na para bang nagmamadali.Ngumiti si Rowena at umiling.Walang sinabi si Nolan at umalis na.Ngumiti si Quincy kay Rowena. "Rowena, huwag ka magalit. Ganiyan lang talaga siya kasi namimimiss niya na ang asawa niya at hindi na siya makapaghintay."Matapos magpaliwag kay Rowena, sumunod si Quincy kay Nolan.Pero, hindi niya napansin ang pagdidilim ng mata ni Rowena.Pumunta sa Sou
Nabanggit ni Helios na may play siya tungkol sa jewelry pieces, at napaliwanag niya rin na ang unang plano ng crew ay gumamit ng pekeng props. Pero, naisip niyang hindi niya maibibigay sa mga manonood ang tamang arte kung peke ang gagamitin niya, kaya kailangan niya ng totoong jewelry.Walang sapat na pera ang crew pa mag invest sa mga tunay na jewelry para lamang sa props, kaya nagkusa siyang sagutin ang bayad dito.Free publicity rin 'yun para kay Maisie, at babayaran niya ang jewelry, kaya bakit naman hindi siya matutuwa roon?Ngumiti si Maisie. "Sige, ipapadala na lang namin sa crew mo kapag kailangan na.""Salamat." Tumango si Helios at umalis na kasama ang kaniyang team matapos mag preorder.Kinuha ni Maisie ang resibo ng order at tumalikod at nakita si Nolan na nakaupo sa sofa sa gilid ng kwarto habang nakahalukipkip.Napatigil si Maisie, tumingin sa mga nagkalat na staff sa labas, lumapit kay Nolan, inangat ang kamay niya, at kumawaynsa harap nito. "Nolan, ayos ka l
Tumayo si Yanis at kinuhanan ng litrato ang nakakahiyang kalagayan ni Leila. "Maghintay ka lang, ipapakita ko 'to kay Stephen!"Narinig ito ni Leila at agad naisip ang mga haharapin niya, kaya agad siyang tumayo at yumakap sa binti ni Yanis. "Yanis, alam kong mali ako! Pakiusap huwag mo sabihin kay Steph! Pakiusap, ayaw mo naman siguro na mag away 'yung magkapatid dahil lang sa alitan nating dalawa, hindi ba?""Tanungin mo ang sarili mo. Kapag nalaman ni Stephen 'yang kawalang hiyaan mo at nilandi mo ang kapatid niya, tingnan natin kung mananatili ka pa sa pamilya!"Hindi nakinig si Yanis at isi-send na sana ang litrato.Sinunggaban siya ni Leila at sinubukang kunin ang phone niya pagkatayo nito. Nahulog ang phone ni Yanis sa sahig malapit sa pinto, at natumba sila ni Leila.Tumama ang ulo ni Yanis sa kanto ng lamesa."Yanis, parang awa mo na. Nagmamakaawa ako. Hindi ko 'to kasalanan. Si—" napansin ni Leila na nakatitig lang sa kawalan sa kalagitnaan ng pagmamakaawa niya.
Natagpuang patay si Yanis matapos nitong tumalon sa kaniyang apartment. Pumunta si Madam Vanderbilt at Stephen sa police station para tumulong sa imbestigasyon.Naghihinagpis na si Madam Vanderbilt mula nang makulong ang kaniyang apo, at ngayon namatay naman si Yanis. Wala siyang pahinga. Kaya naman, nahimatay siya.Dinala ni Nolan si Maisie sa ospital, kung nasaan si Yorick at Linda.Nang makita ni Linda si Maisie, galit niya itong hinawakan sa kwelyo at umiyak, "Kasalanan mo 'to lahat! Namatay si mom dahil sa'yo. Kasalanan mo 'to lahat!"Nanlamig ang mata ni Nolan, at inilagay ang kamay niya sa harap ni Maisie matapos itulak si Linda palayo. "Huwag mo isisi kay Maisie ang lahat.""Siya 'yun! Siya ang dahilan kung bakit nasa kulungan si Hector. Kagagawan niya ang nangyari sa mom ko. Isa siyang sumpa!""Lynn, tama na 'yan!" hinila ni Yorick si Linda sa likod niya, humarap kila Nolan, at ngumiti. "Pasensya na, Mr. Goldmann. Marami lang pinagdadaanan ang anak ko, kaya kung an
Kinabukasan, sa Bureau of Justice…Binigay ni Joe Watson kay Maisie ang autopsy at sinabing, "Ito ang autopsy report. Parang hindi pagtalon ang sanhi ng kamatayan niya. Tinulak siya sa building nang patay na siya. Base sa livor mortis sa likod at harapan, at sa mga gasgas sa damit niya. Makikitang hinila siya matapos niyang mamatay."Ang pagtulak sa building ay malinaw na isang homicide. Binasa ni Maisie ang report. Ang cause of death ay dahil sa trauma sa ulo."May mga bakas ba ng killer ang naiwan sa katawan niya?" Tanong ni Maisie.Tumango is Joe. "May balat na nakuha sa kuko niya. Inaasikaso na nila ito para sa DNA."Tiningnan ni Jose si Maisie na tahimik na nakatayo pagkatapos basahin ang report. "Tapos ka na ba? Kailangan kong ibigay ang report sa mga pulis. Isa itong case."Ibinalik ni Maisie kay Joe ang autopsy report at ngumiti. "Kung pwede ka, magdinner tayo kasama si Ryleigh."Napahinto si Joe at ngumiti. "Tingnan ko. Mukhang marami na naman akong dapat asikas