"Paano… paano nangyari 'yun? Sigurado akong ikaw 'yung nakita ko kahapon—" tumayo si Yanis at napatigil sa pagsasalita nang muntik na siyang may masabing iba.Itinuro ni Madam Vanderbilt si Mr. Zidane. "Ikaw ang nag abot sa akin ng kontrata noong nakaraang araw!"Ngumiti si Mr. Zidane. "Madam Vanderbilt, ngayon ko pa lang po kayo nakita.""Ikaw… paano mo nasasabing hindi mo pa ako nakita!? Ikaw ang nagbigay sakin ng kontrata nang pumunta ako sa opisina mo. Naaalala ko ang mukha mo!" Nag panic si Madam Vanderbilt at napaamin sa kagagawan niya."Tama na 'yan!" Galit siyang pinatigil ni Stephen, "Mother, dismayado ako sa into. Dahil hindi mo ako tinatrato bilang anak, hindi ko na kailangan pang itrato ka bilang ina. Bumalik ka na lang sa bahay mo sa Coralia!"Namutla si Madam Vanderbilt, at nanginginig na itinuro si Stephen. "Alam ko na ngayon, lahat… lahat kayo ay magkakasabwat. Aalis na ako!"Hindi na rin kinaya ni Yanis na manatili pa roon matapos umalis ni Madam Vanderbilt
Sumagot si Hans, "Oo, bumalik kami Rowena kasama ang elder master ngayon."Habang naguusap ang magkapatid, lumapit na ang babae kay Nolan habang nakangiti, "Nolan, wala ka pa ring talagang pinag-iba, huh?"Malamig lang ang naging tugon ni Nolan dito.Nang makitang malamig pa rin ang pakikitungo sa kaniya ni Nolan, walang reaksyon si Rowena. Kung tutuusin, tama namang walang pinag-iba si Nolan.'Malamig pa rin niya tratuhin ang lahat. Walang pakialam, makatwiran, ang pagiging malamig, at ang pagiging desido, ang dahilan kung bakit siya nakakaakit."Totoo, wala siyang pinagbago. Bukod sa tatay na siya ng tatlong bata ngayon." buntong hininga ni Titus.'15 o 16 years old lang si Nolan nang umalis ako para manirahan sa abroad.'Makikita ang lungkot sa mga mata ni Rowena, pero nawala rin ito agad.'Mabilis na panahon lang 'yun, at may mga anak na agad si Nolan?'…"Hmph, si Maisie nga 'yun! Ang malanding 'yun!" nakita ni Madam Vanderbilt ang pinadalang picture ni Willow,
Palihim siyang tiningan ni Maisie. Palaging nararamdaman ni Maisie ang pagiging malumanay ni Nolan.Binuksan ng waiter ang pinto, at ilang tao ang nakaupo sa round table na kasya ang 15 na tao sa loob ng large at luxurious golden private room.Ang tatlong bata ay nakaupo sa tabi ni Mr. Goldmann Sr., at ang gray-haired na lalaki na nakaupo sa main seat ang nagpagulat kay Maisie."Lolo talaga ni Nolan? Pero bakit mukha siyang may mix-raced? Habang si Mr. Goldmann at si Nolan ay walang katulad ng features nito.Sa oras din 'yun, napansin niya ang magandang babae na nakaupo rin."Mommy, Daddy, dito kayo umupo!" kumaway ang maliit na kamay ni Daisie sa kanila.Humawak si Nolan sa bewang ni Maisie, naglakad sila papunta sa dalang empty seat, at naupo na."Dad, ito ang biological mom ng mga bata, Maisie Vanderbilt." nakangising sabi ni Mr. Goldmann kay Titus.Lumingon si Maisie sa matanda at magalang na tumango. "Masaya akong makilala kayo, Mr. Goldmann."Kinaway ng matanda
Ngumiti si Maisie pero hindi na nagsalita.Ibinaba ni Titus ang kaniyang wine glass, at mas naging seryoso pa ang ekspresyon nito at nagsimula na magtanong. "Kaya ba ng babaeng 'to na mukhang mahina ang loob at mahiyain na pangatawanan ang pagiging mistress ng mga Goldmann?"Dahil sa sinabi ng matanda naging nakakakaba ang paligid. Sa mata niya, ang magiging mistress ng Goldmann ay hindi dapat mahinhin na babae. Dapat ay kaniya niyang makagawa ng malalaking gawain at gulatin ang iba.Pero nang makita niya ang lambot at kahinaan ng babaeng nasa harapan niya, kailangan niya itong kwestiyunin.Binawi ni Rowena ang tingin niya ng magpakita ito ng pagkamangha. Alam niya kung ano ang hinahanap ng mata para sa magiging granddaughter-in-law. Dapat ay kaya nitong tumulong sa Goldmann, at maging pamilyar sa lahat ng bagay na konektado sa Goldmann."Kung tutuusin, hindi lang ordinary business empire ang pinapatakbo ng Goldmann. Kung ang walang kakayahang babae ang aasikaso sa Goldmann's
"Kung ayaw niyong tanggapin si Zee, aalis lang ako dito kapag kasama siya." tumapat ang mga ni Nolan sa nagagalit na tingin ng matanda."Tinatakot mo ba ako?" galit na galit si Titus.'Nagkaroon lang siya ng tatlong anak, ang taas na ng tingin niya sa sarili niya!'Kabadong tiningnan ni Rowena si Nolan. "Nolan, huwag mo na galitin ang lolo mo."Hindi siya pinansin ni Nolan at sumagot, "Oo, tinatakot kita.""Sige, umalis ka sa harap ko. Bakit ko iisipin ang nararamdaman mo habang kumakain ako?" binagsak ni Titus ang kaniyang kubyertos sa lamesa at mas naging nakakatakot ang aura nito.Mas naging lumamig ang paligid bigla.Hawak ni Nolan ang kamay ni Maisie at tatayo na sana, nang hinila siya nito pabalik sa upuan at direstong tiningnan si Titus. "Sir, hindi ho dapat kayo nanghuhusga agad-agad. Hindi niyo nga ako kilala, kaya parang masyado pa maaga para may masabi kayo sa akin?"Bahagyang nagulat ang matanda dahil sa sinagot ni Maisie inakala niya kasing matatakot si Mai
At saka, hangga't anak sila ni Nolan, hindi mababago ang ugnayan nila.Nag-iwas ng tingin si Colton. "Kahit na, hindi ko pa rin siya gusto."Hindi nagsalita si Waylon. Ang alam niya ay hindi niya pakikitunguhan ang mga hindi naging mabuti sa mom niya."Nolan." sumunod si Rowena sa kanila.Malamig na lumingon si Nolan at hinawakan ang kamay ni Maisie. "Anong meron?"Tumingin din si Maisie kay Rowena.'Hindi ba halatang may gusto ang babaeng 'to kay Nolan?'"Nolan, huwag ka mag-alala, tutulungan kitang pilitin si Lolo. At isa pa…" sabi niya at tumingin kay Maisie, "At isa pa, hindi naman patas para kay Ms. Vanderbilt ang sumama sa military."Sumulyap si Maisie.'Tutulungan niya ba ako nang walang kapalit?'Tinitigan ng tatlong bata si Rowena.'Bakit parang parehas sila ni Willow? Isa lang din siyang babae na may gusto kay Daddy, katulad ni Willow.Nagdilim ang mga mata ni Nolan, pero hindi siya nagsalita.Mahinang ngumiti si Maisie. "Salamat sa kabaitan mo, Ms.
Mukhang wala na talagang rason para maawa pa si Maisie.Sa Vanderbilt manor…Nakita ni Stephen ang headlines ng dyaryo at hinampas ito sa lamesa dahil sa galit. Si Leila, na dinalhan si Stephen ng prutas, ay tumingin din sa dyaryo at nagpanggap na nagulat. "Steph, anong pinagsasabi ng balitang 'to kay Maisie? May problema ba?"Alam ni Stephen na ang news article na 'yon at kagagawan ng kaniyang nanay at sister-in-law. Galit ang kaniyang ekspresyon, at hindi sumagot sa tanong.Bumaba si Willow at agad na sinabing, "Dad, nag-hire si Maisie ng lawyer para lokohin si Lola at si Tita Yanis. Nakita ko 'yon sa papel.""Willie, huwag ka magsabi ng kung ano ano." kunwaring pagtatanggol ni Leila kay Maisie."Paanong kung ano ano? Nabasa ng mga mata ko. Kung nangyari nga 'yun, niloloko rin pala si Maisie si Dad? Pumayag na nga si Daddy na ibigay ang shares sa kaniya, pero nakipagsabwatan pa rin siya sa lawyer para lokohin si Lola at si Tita Yanis."Hindi tiningnan ni Willow ang eksp
Sa Coralia police station…"Officer, baka mali ang nahuli niyong tao? Paano naman magagawa ng anak ko magbenta ng droga?""Oo nga, officer, baka mali kayo. Bata pa ang apo ko. Malabong magagawa niya 'yun."Parehas na nag panic si Yanis at Madam Vanderbilt. Kung nahuli siyang nagbebenta ng droga, mas malaki ang kahaharapin niya kaysa noong nahuli si Yorick sa money laundering!Si Hector lang ang taginh tagapagmana ng Vanderbilt. Siya lang ang magmamana at magpapatuloy ng dugo ng pamilya sa hinaharap. Hindi mawawala sa sistema kung magkakaroon siya ng criminal record at makulong. Sinong babae ang magpapakasal sa kaniyang kung gan'on?Inangat ng pulis na nagsusulat ng testimonya ang kaniyang ulo at seryoso silang tinitigan. "Nasa 20s na siya, tapos bata pa rin ang tingin niyo? Nakahanap ng droga sa bag niya ang isa mga kasamahan namin, at sinabihan kami ng aming superior. Makukulong siya ng limang taon o higit pa."Mahihimatay na sana si Madam Vanderbilt kung hindi lang siya na