Huminga nang malalim si Larissa at pinakalma ang sarili. Lalo na at magiging nakakahiya kung magkakagulo sila sa harapan ng maraming tao."Mrs. Goldmann, kung mayroong kang inaalala, pwede natin itong ayusin mamaya—-"Pinutok ni Nolan ang sinasabi niya "Mrs. Lucas, sinasabi mo ba sa akin na hindi mo tinatanggap ang pagkakamaling nagawa mo?"Muling humigpit ang hawak ni Larissa sa wine glass.'Bakit ako nag-aalinlangan? Sa unang tingin ay halata namang kamukha ni Marina ang babaeng ito… magkamukhang-magkamukha sila.'Matagal ko na dapat alam. Bakit hindi ako nagduda?'Wala pa rin akong nakikita kay Willow na mayroong pagkakatulad kay Marina, pero tiniis ko na lang at tinanggap siya dahil sa DNA test na pinakita sa akin.'Tuluyan nang nataranta si Willow. Nang makita na nag-aalinlangan si Larissa, mayroon siyang naisip at kaagad na lumapit kay Maisie. Hinawakan niya ang kamay nito at umiyak. "Zee, sumusuko na ako! Hindi ko na papakialaman ang relasyon mo kay Nolan. Kaya tu
"Oh, inaamin mo bang anak ka sa labas ni Dad?""I…" Nagulat si Willow at kinakabahang nagpalinga-linga.Hindi nga nagtagal ay nagsimulang magbulungan ang mga tao."Anak ba talaga siya sa labas?""Kung ganoon ay totoo ang sinasabi ni Ms. Hill kanina!?"Kumibot ang mga sulok ng labi ni Maisie. "Si Marina de Arma ang unang asawa ni Stephen Vanderbilt. Paano ka isinilang ng legal na asawa kung anak ka sa labas?""Oo, si Marina, ang pangalawang anak ng mga de Arma. Kung magpapakasal siya, siguradong kinumpirma niya muna na siya ang magiging legal na asawa. Hindi gagawa ng adultery ang katulad niya at magiging isang homewrecker."Nakakahiya ang pagiging anak sa labas, kaya hindi siya dapat ang anak ng orihinal at legal na asawa "Narinig ni Willow ang malakas na mga diskusyon sa paligid niya. Malakas niyang kinagat ang kaniyang labi.'Bwisit! Nahulog ako sa patibong ng bruhang to!'Nang makitang dumilim ang ekspresyon ni Larissa, kaagaad na nagpaliwanag si Willow. "Hindi,
"Manahimik ka!" Pulang-pula ang mga mata ni Willow habang sumisigaw. "Walang hiya ka, kung hindi ka lang sinuwerte, matagal ka nang nasira ni Sergio Baldwin—-*Nasa kalagitnaan na ng pangungusap si Willow nang mapagtanto niyang nawala siya sa kontrol at mayroong nasabing mali. Nanginig siya mula ulo hanggang paa.Napasinghap ang lahat ng naroon.Kinuha ni Maisie ang baso ng red wine sa mesa at pinaikot ito nang bahagya habang lumalapit kay Willow. "Oo, kung hindi ako sinuwerte six years ago, masisira mo nga ako. Hindi ba't sinasabi mong anak ka ni Marina? Ayaw mo bang mapanatili ang status mo bilang anak ng mga de Arma?"Ayaw ko ng identity na inayawan din ng nanay ko. Kaya naman, hayaan mong parangalan kita sa ngalan ng yumao kong ina gamit ang wine na to." Tumawa si Maisie, tinaas ang wine glass at binuhos ito sa ulo ni Willow.Tumulo ang red wine mula sa kaniyang buhok papunta sa kaniyang mukha at damit.Nanigas si Willow sa kinatatayuan niya. Labis ang kahihiyan niya sa
'Hindi ko kailanman plinano na bawiin ang identity ko bilang anak ng mga de Arma. Pwedeng nakawin ng lahat sa akin ang identity na ito bukod lang kay Willow, dahil isa yung insulto.’Isang kamay ang braso sa kaniyang baywang mula sa likuran. "Nakasuot ka ng high heels, bakit mas mabilis ka pang maglakad sa akin?"'Hindi natatakot matumba ang babaeng ito.'Nang makitang hindi sumasagot si Maisie. Binuhat siya nang pa-bridal carry ni NolanNagat si Maisie at nagpumiglas. "Anong ginagawa mo? Ibaba mo ako!"Binuhat siya ni Nolan papunta sa kotse at hindi siya binitawan. Pinisil ni Nolan ang baba ni Maisie at pinaharap ito sa kaniya. "Anong tinawag mo sa akin nung nasa banquet tayo? Pwede mo bang ulirin?""Anong tinawag ko sa iyo?"Nang nakitang dumilim at naningkit ang mga mata ni Nolan. Inalala ito ni Maisie at saka tinulak ang kamay nito palayo. "Bigla lang akong nakaisip ng nickname."Inaasar mo ba ako?""Bakit naman yun naging pang-aasar sa iyo? Nolan Goldmann, bitawa
Huminga nang malalim si Nolan, tensyunado ang kaniyang mukha. “Ako na ang pupunta.”‘Paano niya hahayaan ang ibang lalaki na bumili ng ganitong bagay para sa kaniya?’Kinuha ni Nolan ang car key at mabilis na lumabas, naiwan ang nasurpresang babae.Nag-maneho siya papunta sa pinakamalapit na convenience store.Ito ang unang beses niyang bumili ng ganitong item para sa isang babae, at saka hindi niya alam kung anong brand ang ginagamit ni Maisie, kaya bumili siya ng isang pakete ng bawat isa.Nang nagpunta siya sa cashier para sa checkout, ang middle-aged na babaeng inaantok sa cashier ay nagising dahil sa tumpok ng mga sanitary napkin sa conveyor belt.Naiilang niyang tinitigan si Nolan.‘Anong klaseng obsession ang mayroon sa gwapong binatang ito?’Nagdilim ang ekspresyon ni Nolan habang tinitigan siya, kinuyom niya ang kamao, nilagay ito sa kaniyang bibig at tumikhim. “Para ito sa asawa ko.”“Kasal ka na? Oh, mabuti naman.” Doon lang nawala ang suspetya ng babae at
Nilabas ni Nolan ang isang envelope mula sa isang folder at inabot sa kaniya. “Tingnan mo ito.”Puno ng mga litrato ang envelope.Isa-isa itong tiningnan ni maisie, at unti-unting nagdilim ang kaniyang ekspresyon.Kahit na 20 taon na ang nakalipas simula nang makuhanan ang mga litratong ito, malinaw na malinaw pa rin ito. Ang babaeng nagbibigay-aliw sa isang grupo ng mga lalaki ay mayroong makapal na makeup at isang magandang dress. Si Leila nga ito.Sa ilang mga litrato, makikita siyang nakikipag-French kiss sa ilang lalaki at nagpe-perform ng stripteases habang nakatayo sa mga mesa. Mayroon pang ilang litrato kung saan ay napakalaswa niya sa ibang lalaki. Hindi pa kailanman nakita ni Maisie ang wild at seductive side na ito ni Leila.Kahit na isang demonyo si Leila sa impresyon ni Maisie, ibang-iba siyang babae kumpara sa mga litrato na ito.“Sandali! Kung ang dating buhay ni Leila noon ay kganito kagulo, posible bang…’Habang pinagmamasdan ang ekspresyon ni Maisie, ala
"Willie, bakit mo— Ano!?"'Nalantad na ang fake identity ni Willow!?'Hindi na magawang kumalma ni Leila "Paano iyon nangyari? Hindi ba't maayos naman ang lahat?""Kasalanan ni Maisie ang lahat! Siya ang naglantad sa akin. Mom, galit na galit ako sa kaniya, gusto kong mamatay na siya!'Nang mapansin na hindi emotionally stable ang kanyang anak. Nagngalit ang mga ipin ni Leila at sinubukang pakalmahin ang anak. "Willie, huminahon ka muna. Pupuntahin kita pagkatapos kong maayos ang problema ko rito."Pagkatapos ng tawag, puno ng galit na pinagmasdan ni Leila ang package na hawak niya.'Bwisit! Sino ang nagpadala ng mga litratong ito? Mga kahihiyan ito sa nakaraan ko!'At ang mga taong nakakaalam lang ng nakaraan ko ay ang mga taong nagtatrabaho sa Underground Freeway. Posible bang nabigo si Nelson, at ginagamit niya ang mga litratong ito para takutin ako?"'Hindi, hindi ko hahayaang makuha niya ang gusto niya. Hindi ko pwedeng hayaan na malaman ito ni Stephen!'Sa Soul
"Gusto ko ng divorce.""A-ano?" Nagulat si Leila, hindi siya makapaniwala.Inalis ni Stephen ang kamay ng doktor sa braso niya. Tiningnan niya nang masama si Leila. "Hindi karapat-dapat na maging asawa ko ang isang babaeng puno ng kasinungalingan, lalo na ang tumuntong sa Vanderbilt manor.Umalis si Stephen sa ward at hindi na lumingon."Dear, dear!" Bumaba sa kama si Leila pero mabilis na bumagsak sa sahig dahil nanghihina pa rin ang mga binti niya.Kahit ano pang iyak niya, hindi niya na mapapabalik si Stephen. Naupo na lang siya sa sahig at humagulhol.Nang makita ito, nakaramdam ng simpatya ang doktor sa pinagdaanan niya. "Tumayo muna kayo, madam "Tinulungan siya ng doktor na makabalik sa kama, at bigla naman hinawakan ni Leila ang braso niya "Doktor, paano ako napunta sa ospital?""Mayroong nagsabi na biktima kayo ng assault at wala kayong malay, kaya dinala kayo rito sa ospital. Pero, umalis kaagad ang taong iyon at sinabihan na lang kami na tawagan ang asawa ni
Hinaplos ni Xyla ang buhok nito. “Oo, magiging pamangkin muna sila mula ngayon.”Tinagilid ni Xena ang ulo niya. “Ano ang pamangkin? Pwede ko ba kainin yung pamangkin?”Tumawa nang malakas si Xyla. “Bakit gusto mo lagi kainin ang lahat ng nakalagay sa harapan mo? Hindi mo pwedeng kainin ang pamangkin mo.”Habang tinitingnan ang inosenteng bata, naiinggit na sinabi ni Daisie, “Kung mayroon lang din akong babae na anak.”Ngumiti si Xyla at nagpatuloy. “Cute din naman ang anak na lalaki. Mula ngayon, magiging little knight mo sila, poprotektahan ka mula sa panganib. Pangarap ko ang magkaroon ng asawa at tatlong anak na lalaki.”Sa oras na yon, pumasok si Yorrick at Nollace sa kwarto mula sa likod ng garden.Nang makita ang dad niya, tumawa si Xena. “Daddy! Nakikipaglaro ako sa mga pamangkin ko!”Huminto si Yorrick sa tabi niya at hinaplos ang ulo nito gamit ang palad niya. “Oh talaga? Masaya ka ba na kalaro sila?”Tumango siya. “Opo!”Hinaplos ni Xyla ang pisngi niya. “Kung ganoo
Kumunot si Morrison. “Bakit ang komportable mo sa akin?”Pinasok ni Leah ang mga gamit sa living room at tiningnan si Morrison. “Hindi mo ako type, hindi ba?”Natahimik si Morrison.Kinuha ni Leah ang shower gel at nagulat siya.‘Orchid-scented talaga ito? Mahilig ang mga batang babae sa ganitong amoy, hindi ba?”“Bakit ito ang binili mo?”Lumapit siya sa couch at umupo. “Paano ko malalaman ang ginagamit mo? Kinuha ko na lang kung ano ang nasa rack.”‘Pipiliin ko na lang mamatay kaysa sabihin sa kaniya na tinanong ko pa sa cashier na sabihin sa akin ang mga toiletries na gusto ng mga babae.’Nang makita na hindi lang toothbrush at mouthwash cup ang pambabae kundi pati ang towel, gusto ni Leah tumawa.‘Hayaan mo na. Pumunta siya sa supermarket para ibili sa akin ang mga ito.’“Anong gusto mong inumin?”Inayos ni Morrison ang upo niya. “Kahit anong mayroon ka sa fridge.”Binuksan ni Leah ang refrigerator. Mabuti naman at may dalawa pa siyang can ng kape.Inabot sa kaniya ni
Tiningnan ni Leah ang babae at hindi mapigilan na kumunot.Natauhan siya nang lumabas si Dennis sa lounge at nakasalubong siya.Bahagyang nataranta ang mga mata nito. “Bakit ka nandito?” “Napadaan lang ako Kayong dalawa ba ay…”Biglang tumawa si Dennis. “Oh, girlfriend ko siya at nag-away lang kami dahil niloko niya ako. Naubos ang pasensya ko kaya nagkaroon ng kaunting problema. Please, huwag mo sana masamain.”Bahagyang nagulat si Leah at pilit na ngumiti. “Problema mo ‘yon sa kaniya kaya wala kang dapat ipag-alala na baka masamain ko. May kailangan akong puntahan kaya mauuna na ako.”“Nakahanap ka na ba ng titirahan?” nanggaling sa likod ang boses ni Dennis.Huminto si Leah at tiningnan siya. “Paano mo nalaman na naghahanap ako ng matitirahan?”“Dahil nanatili ka sa hotel nitong mga nakaraan kaya sa tingin ko ay wala ka pang nahahanap na lugar.” Lumapit sa kaniya si Dennis. “May bakante akong apartment, kaya bakit hindi mo tirahan? Kalahati lang ang sisingilin ko kaysa sa
Hinila ni Leah ang luggage niya at pinasok sa trunk ng sasakyan niya, lumingon siya sa manager. “Salamat pero sa tingin ko ay hindi ko na kailangan.”“Ms. Younge…”“May nangyari ba?”Nang marinig ang ibang boses, lumingon si Leah at nakita si Dennis na palabas mg sasakyan at papalapit sa kanilang dalawa.Bahagyang tumangonang manager. “Mr. Clarke.”Naningkit ang mata ni Leah. “Magkakilala kayo?”Nakangiting nagpaliwanag si Dennis, “Ako ang may-ari ng hotel na ito pero hindi ko inakala na nandito ka.”Nagulat si Leah. “Ganoon ba?”“Anong nangyari?” Tinanong ni Dennis ang manager para magpaliwanag at tapat na sumagot ang manager.Kumunot si Dennis. “Kapag may nangyari na ganoon, dapat tanggalin ang empleyado.”“P-Pero kulang na ng tao ang hotel ngayon at mukhang mahihirapan na tayo mag-recruit ng panibago kapag tinanggal natin siya.” Hindi mapigilan ng manager na makaramdam na parang sumusobra naman si Dennis sa desisyon niya.Malamig siyang tiningnan ni Dennis. “Kung nakagaw
Nagulat si Leah.‘Posible kaya na si Morrison ‘yon?’Pumunta si Leah sa pinto at bubuksan na sana ‘yon nang bigla niyang narinig ang boses ni Morrison. “Sino ka ba?”Hindi nagtagal pagkatapos non ay may kaguluhan na nagmula sa kabilang banda ng pinto sa corridor.Agad na binuksan ni Leah ang pinto at lumabas, nakita niya si Morrison na parang may hinahabol pero mabilis ang paa ng tao na ‘yon.“Morrison!” sigaw ni Leah.Lumingon siya sa dulo ng corridor at galit na sumigaw, “Hindi mo na naman binasa ang text na sinend ko sa'yo, ano!?”Natigil ang nasigawab na si Leah at nagtataka ang ekspresyon, “Anong text message ang sinasabi mo?”Huminga nang malalim si Morrison at suminghal sa inis. “Pwede mong itapon ang cell phone mo kung wala kang plano na gamitin. Nag-text ako sa'yo, sinabihan kita na huwag bubuksan ang pinto kahit na may marinig ka na katok sa pinto. Sa tingin ko hindi ka naman takot mamatay, huh?”‘Kung hindi ko siya binantayan para sa ganoong insidente, sa tingin ko
Nililinis ni Leah ang damit niya at bahagya siyang nagulat nang marinig kung ano ang sinabi ng lalaki. Inangat niya ang kaniyang ulo para tingnan siya at ngumiti. “Hindi na ‘yon kailangan. Salamat.”Pagkatapos non, umalis siya.Tiningnan ni Dennis ang direksyon kung saan pumunta si Leah nang may pilyo na ngiti sa kaniyang mukha.Pagkatapos ni Leah pumunta sa banyo, hinubad niya ang kaniyang jacket. Sinubukan niyang linisin ang mantsa ng kape sa kaniyang jacket pero walang nangyari. Kaya naman, wala siyang ibang magawa kundi maghintay na makauwi bago niya malabhan ang jacket.Pero, mukhang masyadong masigla para sa kaniya ang lalaki na Dennis ang pangalan.‘Kasing sigla ba niya lahat ng lalaki sa Stoslo?’ naiisip niyang tanong.Nang tanghali, sinabit ni Leah ang jacket sa kaniyang braso. Isang sasakyan ang huminto sa harap niya nang lumabas siya ng building. Ibinaba ng driver ang bintana at ang nandoon ay walang iba kundi si Dennis.“Pasensya na talaga at namantsahan ko ng kape a
Binalik ni Diana si Tic sa stroller at sinabing, “Hindi ako magaling magbigay ng pangalan. Tanungin mo ang dad mo. Mas magaling siya sa akin dito.”Tumango si Nollace. “Kung ganoon, Dad, kailangan ko ng tulong mo na alagaan mula sila sandali.”Nagulat si Rick. “Ano? Ako?”“Ang tagal na nang huling pagkakataon namin ni Daisie na maglaan ng oras para sa isa't isa,” galit na sinabi ni Nollace.Matagal na nang huling nagkaroon sila nang intimate activity at mas imposible pa ‘yon na mangyari ngayon lalo na’t kasama nila ang tatlong bata.Sa sobrang kahihiyan ni Daisie ay gusto niyang humanap ng butas at ilibing ang sarili niya. Hindi niya alam kung bakit nagagawa ni Nollace na magsabi nang bagay na nakakahiya sa magulang nila.Hindi nagtagal, tinanggap ni Rick ang tungkulin sa pag-aalaga ng tatlong bata. At para kay Daisie at Nollace, kung wala ang mga bata sa paligid nila, nakadikit lang si Nollace kay Daisie mula umaga hanggang gabi. Pareho nilang sinamantala ang mga araw at parang
“Kung tutuusin, kadalasan na iniisip ng mga lalaki na responsibilidad ng babae na alagaan ang anak nila at dapat matuwa ang babae kapag handa silang tumulong paminsan-minsan. Ang iba sa mga lalaki ay ayaw pa na alagaan ang anak nila. Naiintindihan ng asawa mo na naghirap ka sa panganganak kaya naniniwala ako na magiging mabuting ama siya,” sabi ng nanny.Nagulat si Daisie.Ang totoo niyan ay pakiramdam niya na tama ang nanny. Swerte talaga siya. Kung tutuusin, kadalasan ay si Nollace ang nag-aalaga sa mga bata.Kapag umiiyak ang anak nila sa kalaliman ng gabi, siya ang maghahanda ng gatas at pagagaanin ang loob ng mga ito.Tumingin siya sa tatlong baby at malaki ang mga ngiti, “Mabuti nga siyang ama.”Nang gabi, umakyat si Nollace sa taas para hanapin si Daisie pagkauwi niya.Nang hindi niya makita si Daisie sa kwarto, pumunta siya sa baby room at nakita na natutulog ito kasama ang mga anak nila.Inilagay ni Nollace ang jacket sa likod ng upuan at lumapit sa kama.Nakakatuwa an
Ngumiti si Estelle at sinabing, “Masaya kami na nandito ka. Hindi ka na dapat nagdala pa ng regalo.”Dinala siya ni Gordon at Estelle sa living room. Hindi madali kay James na umalis sa kaniyang shooting at pumunta rito kaya naman sinabihan nila ang kanilang mga katulong na maghanda nang masasarap na pagkain.Maraming tanong sa kaniya si Estelle katulad kung ano ang pelikula na sinu-shoot niya ngayon at handa niya itong sinagot lahat. Masaya siya sa katapatan nito at mapagkumbabang ugali.“Nakakapagod siguro maging aktor, ano?”Pinagkrus ni James ang mga daliri niya at nakangiting sumagot, “Oo, nakakapagod nga. Pero wala namang madaling trabaho sa mundo.”“Ayos lang lang yon. Naiintindihan naming lahat kung gaano kahirap at nakakapagod ang pagiging aktor. Pero sana alagaan mo ang kalusugan mo kahit na gaano ka pa ka abala,” mahinahon na sinabi ni Estelle.Hindi alam ni James kung bakit siya na-konsensya sa maayos na trato ng mga ito sa kaniya. Kung tutuusin, hindi sila totoong ma