Bigla namang may naalala si Maisie nang makita niya Si Quincy at tinanong ito, "Nasaan si Nolan?""Umuwi siya para magpalit ng damit. Pinadala niya ako rito." ngumiti si Quincy.Paniguradong ayaw niyang mamantsahan ng dugo ang damit niya."Quincy, kinagat… ko ba si Nolan?" tanong ni Maisie.Naalala niyan may kinagat siya, at parang narinig niya ang boses ni Nolan.Ngumiti si Quincy. "Naalala mo—"Napayuko si Maisie. Totoo nga ito."Alam ba ng mga bata na nandito ako sa ospital?" patuloy niyang pagtatanong.Ilang araw siyang hindi umuwi. Anong iisipin ng mga bata? Sumagot si Quincy, "Hindi maayos ang lagay mo ng ilang araw. Pinagtakpan ka ni Nolan sa mga bata kasi ayaw niyang mag alala sila."Tumango ni Maisie.Totoo ito. Kung si Waylon at ang iba pa ay pupunta para makita siya at masaktan sila, bibigat ang loob ni Maisie."Ang tatay ko—""Ayos lang ang tatay mo."Pumasok si Nolan. Umalis si Quincy at ang doktor para bigyan sila ng oras para makapag-usap.
Sa mansyon ng Vanderbilt…Malutong at malakas na sampal ang natanggap ni Leila, na nagpagulat sa kaniya.Nang malaman ni Stephen na si Leila ang nag utos para kidnapin si Maisie, napuno siya ng galit habang sumisigaw, "Napakasama mong babae ka! Hindi ko kayo tinrato ng masama kahit isang beses, pero ikaw! Paano mo nagagawa ito kay Maisie habang nabubuhay pa ako!?"Nanginginig si Leila habang ang kamay niya ay nasa kaniyang pisngi. Hindi niya inakalang masisira ang plano nila ni Nelson. Dahil iyon lahat kay Nolan!Wala na ring dahilan para magpaliwanag si Leila, pero napagtanto niyang galit na galit si Stephen. "Makinig ka sa akin, dear—""Ano pang sasabihin mo?" hindi mapaliwanag ang galit ni Stephen kay Leila. "Buong akala ko totoo kang mabait kay Maisie, na mabuti kang madrasta, pero masyado akong naging uto-uto."Naintindihan niya na kung bakit hindi matanggap ni Maisie ang mag-ina. Masyado silang masama, pero siya…Pinalayo niya si Maisie dahil sa kanila!Muntik pa
"Ano pang hindi mo nagustuhan?" Hindi naisip ni Stephen ang nararamdaman ni Maisie dahil hindi niya naman ito sinubukang gawin.Naaawa siya kay Willow at sa nanay nito, pero nahihiya rin siya sa tuwing naiisip niya si Maisie. Kamukha ni Maisie ang nanay niya, at ang galit niya sa nanay nito ay nabubuntong niya kay Maisie. Natatakot siya na baka hindi niya mapigilan ang nararamdaman niya kay Marina de Arma kapag nakikita niya si Maisie.Napasobra ang pagbibigay niya ng luho kay Willow, pero dahil iyon sa mga taong iniinsulyo si Willow bilang anak sa labas, at hindi siya natutuwa sa mga naririnig niya.Mahirap na balansehin ang pagmamahal niya sa kaniyang mga anak at maging patas.Hindi kay Willow o sa nanay nito siya pinaka nagkulang, kundi kay Maisie!Nang makitang desido na makipaghiwalay si Stephen, bumagsak sa sahig si Leila.'Pero walang matitira sa akin kapag umalis ako sa Vanderbilt! Ayaw ko na bumalik sa panahong mahirap ang buhay. Ayaw ko na problemahin kung paano a
Nalungkot si Nolan dahil sa pagpapalabas sa kaniya ng kaniyang asawa.'Gusto ko lang siyang tulungan magbihis. Wala naman akong gagawin sa kaniya. Kailangan pa ba iyon?"Mr. Goldmann." Marahang lumapit sa kaniya si Stephen.Inayos ni Nolan ang tupi ng kaniyang jacket, at naging kakaiba at maangas ang kaniyang ekspresyon. "Mr. Vanderbilt?""Ayos na ba si Zee ngayon?""Maayos naman siya, buhay at malakas," mainam na sagot ni Nolan. Bigla siyang may naisip at sinabing, "Pwede kang pumasok maya maya."Matapos magbihis ni Maisie, binuksan ni Stephen ang pinto, pumasok sa ward, at inilagay ang dala niyang thermos sa lamesa. "Nagdala ako ng sabaw na ipinaluto ko sa kasambahay para sa iyo. Makakatulong ito para lumakas ka agad.""Sige, iinumin ko iyan mamaya." tinanggap ito ni Maisie.Naglakad si Stephen papunta sa upuan na katabi ng higaan, umupo rito, at marahang nagpaliwanag, "Zee, pasensya na. Ako ang dahilan kung bakit ka nasaktan. Hindi ko alam na kayang gawin iyon sa iyo
Sa oras na iyon, nakatanggap ng tawag si Willow mula sa kaniyang nanay.May sinabi si Leila kay Willow, at namutla bigla ang kaniyang mukha. Hindi na siya mapakali sa kaniyang kinauupuan. "Ano? Gustong makipaghiwalay ni Dad sayo!?"Hindi lang pumalya ang plano ng nanay niya na i-set up si Maisie, pero pati ang tatay niya ay balak na rin hiwalayan ang nanay niya!'Bwisit! Bakit sobrang dali ng buhay ng bruhang ‘yun?''Hindi, hindi dapat ako sumuko. Kailangan kong ingatan ang identity ko bilang anak ng mga de Arma. Hindi naman mahalaga kahit wala na yung bracelet. Mayroon naman akong DNA result. Hindi nila ako mahuhuli hangga't wala si Dad at lola doon.'Ano naman kung alam ni Nolan ang plano ko? Hindi ba’t pinili niyang hindi ako ilantad? 'Kung sinabi na niya ang plano ko kay Maisie, malamang pumunta na si Maisie sa pamilya ng Lucas para ilantad ako. Mukhang may pakialam pa rin si Nolan sa akin dahil sa pinagsamahan namin sa loob ng anim na taon.'…Sinundo ni Nolan si Mais
'Hindi ko sinabi kay Dad na nagtagumpay akong makita ang anak ni Marina. Pero nalaman pa rin ito ni Dad mula sa kung kanino man, at gusto pa niyang i-anunsyo ito sa publiko…'Lumingon si Larissa kay Willow na napapalibutan ng mga tao, hindi na niya mapigilang mapakunot ang noo.'Kahit na sinasabi ng resulta ng DNA na magkadugo sila ni Louis at nasa kaniya din bracelet, masama talaga ang kutob ko.Habang dahan-dahang naglalakad si Louis pababa ng hagdan, nakatuon ang tingin ng mga mata ng mga babae sa kaniya.Nadurog ang maraming puso ng mga socialites ng Bassburgh nang isapubliko noon sa banquet ng mga celebrities ni Mr. Goldmann na hindi na siya available pa. Kaya naman, bukod kay Helios, ang bigwig ng entertainment industry na walang sinuman ang naglalakas loob na lumapit dahil sa pressure mula sa milyon nitong mga fans, si Louis na lang ang pwede nilang pangarapin. Single pa rin ito at avaible pa sa circle.Kilala si Louis bilang Prince of Violin ng Basburgh, marahil namana n
Hindi inaasahan ni Willow na pupunta ang babaeng ito dito.'Bwisit! Kasama niya ba si Maisie?'Bakas ang galit sa kaniyang mga mata.Pakiramdam ni Louis ay pamilyar si Ryleigh. Tiningnan niya ito nang malapitan, hindi ba't sjya yung babae na may kasamang dalawang bata sa Michelin restaurant nang araw na yon?"Ryleigh!" Natatakot si Mrs. Boucher na mayroong gawin itong kalokohan kaya pinaalalahanan niya ito. "Pamangkin siya ni Tita Lucas.""Ano?" Nagulat si Ryleigh.'Paano naging pamangkin ni Tita Larissa si Willow? Siya ba ang anak ng mga de Arma na balak ipakilala ng mga Lucas ngayong gabi?'"Tita, Tita Larissa, nagkakamali ba kayo? Paano naging—" Hinila ni Russel si Ryleigh at pinutol ang kaniyang sasabihin, "Manahimik ka, huwag mong ipahiya ang sarili mo!"Tinavig ni Ryleigh ang kamay nito. "Dad, bakit niyo naisip na nagloloko ako? Anak sa labas ng mga Vanderbilt ang babaeng iyan, at nanay niya ang stepmother ni Zee, si Leila Scott!"Hindi malakas ang boses ni Ryle
Ni hindi tiningnan ni Louis si Willow.Dumapo ang tingin niya sa dalawang taong dahan-dahang lumiyaw sa crowd. Hindi lang siya, pati sina Larissa at Mrs. Boucher ay napatingin sa kanila."Mr. Goldmann? Bakit siya nandito?""Malapit ba ang mga Goldmann sa mga Luvas para dumalo siya sa banquet ng mga Lucas?""Girlfriend ba ni Mr. Goldmann ang kasama niyang babae?"Humawak si Maisie sa braso ni Nolan at sabay silang naglakad. Nakasuot siya ng isang dark green evening gown at kita ang kaniyang mga balikat— ang kanyang waistline at split dress design ay mas lalong nagpa-angat sa buong dress.Nakatali ang buhok niya sa isang fishtail braid, ang kaniyang matalim at walang emosyon na itsura ay isang tanawing hindi makakalimutan ng sinumang taong nakakakita sa kaniya sa personal.At habang naglalakad sila ni Nolan na napaka-regal, charming at attractive, para silang match made in heaven."Zee!" Natuwa si Ryleigh matapos makita si Maisie.Tumakbo siya at kumapit sa braso nito.