"Lola, pwede na kayong mag-relax ngayong bumabalik na sa dati ang Vaenna.""Bakit hindi ako magre-relax? nasa mga kamay mo na ang Vaenna ngayon." Nakangiti si Madam Vanderbilt habang hawak ang kamay ni Willow.Kinuha ni Leila ang pagkakataon para magsalita. "Siyempre. Si Willie ang lucky star ng pamilya natin. Kapag nakilala na siya, pwede niyo nang enjoyin nang payapa ang buhay niyo."Nag-eenjoy si Madam Vanderbilt. Sinong hindi hihilingin na maging matagumpay ang kanilang pamilya balang araw?Hindi maganda ang takbo ng negosyo, kaya kailangan niyang umasa sa apo niyang lalaki, pero nakakadismaya lang ito. Hindi ba't nagpunta siya sa Bassburgh para sa Vaenna?Hindi siya nadismaya sa pagpunta niya sa Bassburgh. Kahit na dahil ito sa apo niyang babae at hindi sa apo niyang lakaki, sulit pa rin ito."Maganda sana kung kasing galing ni Lynn si Willie." Nilipat ni Madam Vanderbilt ang topic papunta kay Linda na nakaupo naman sa couch.Sa lungsod na rin nananatili si Linda nga
Paglipas ng tatlong araw…Nagsimula ang Summerton Auction nang eksaktong 7:00 p.m.Pumasok ang mga buyers sa auction hall suot ang kanilang masquerade mask na binigay ng mva ushers.Bukod sa mga high-valued jewelry, nagpapa-auction din ang Summerton Auction ng mga antiques, at legal ang lahat ng transaksyon.Hugis bilog ang auction hall na mayroong tradisyunal na kahoy na istruktura. Vintage at classy ang dating nito. Mayroong grand hall at VIP rooms sa unang palapag.Mayroong anim na VIP rooms sa unang palapag na mayroong matataas na bintana. Kitang-kita mula rito ang auction stage sa grand hall.Para makapasok sa VIP rooms, kailangan ay mayroon kang mataas na social standing status at net worth na aabot sa $150,000,000. Lahat ng magiging patron ng Summerton Auction ay kailangan mayroong malalim na mga bulsa.Sinuot ni Maisie at Kennedy ang kanilang mga masquerade mask at pumasok sa hall. Nakasuot si Maisie ng isang high-collared white dress at nakatali ang kaniyang buho
Tumayo sina Maisie at Kennedy at umalis kasama ang hostess.Sumimangot si Willow nang makita niyang papunta sila sa unang palapag.Narinig niyang ang unang palapag ng auction hall ay para lamang sa mga taong matataas ang social standing. Si…Nolan ba iyon?Kinagat ni Willow ang labi nang maisip yon. Dudurugin niya si Maisie sa harapan ni Nolan ngayong gabi!Dinala silanng hostess sa Stork Room at nakita nila ang apat na bodyguard na nakatayo sa likod ng pinto.Napaisip si Maisie kung si Nolan ba ang nasa loob, pero iba ang anino nito.Nasurpresa si Maisie nang unti-unting tumalikod ang lalaki.Hindi nakasuot ng maskara ang lakaki. Naningkit ang mga mata nito habang matamis na nakangiti. "Malinaw pa ang mata ko at nakilala kita."Ngumiti si Maisie. Si Helios Boucher!Lumapit si Maisie sa bintana at pinagmasdan ang mga tao sa baba. "Bakit ka nandito? interesado ka rin ba sa mga jewelry auction?"Bihirang lumabas sa publiko ang bigshot bukod sa party noong nakaraan. Ka
Nagpalakpakan ang mga tao.Ang sumunod na item sa auction ay mula pa rin sa Taylor Jewelry. Pagkatapos ng ilang items, ang pinakamataas na presyo mula sa Taylor ay $263,000,000, kumpara sa ibang item ay napakataas nito.Makikita sa screen ang isang peacock blue necklace.Nang makita iyon ni Kennedy, kinakabahan siyang tumingin kina Maisie. Si Helios na tila napansin ang kaniyang tingin ay napasilip rin kay Maisie.Seller: Willow VanderbiltNag-boo ang mga tao at nagbulungan. Ang mga sellers dito ay mayroong kilalang mga kumpanya o kaya naman ay mga sikat na jewelry designer. Maraming hindi nakakakilala sa pangalan ni Willow.Ilang tao lang ang sumubaybay sa ‘drama’ sa Twitter at alam ang fiasco na kinasasangkutan niya kasama ni Ms. Santiago.Gayunpaman, pambihira ang item na nasa screen.Ang peacock blue necklace ay mayroong teardrop-shaped sapphire. Ang melee blue diamond sa buntot ng peacock ay isang napakagandang detalye.Ang item na ito ay ang ‘Peacock Pride’ na d
Ibig sabihin ay mayroong dalawang ‘Peacock’s Pride’.Ito ang unang pagkakataon na nangyari ang ganitong sitwasyon sa Summerton.“Kokopyahin ba ng international designer ang gawa ng iba?”“World-renowned designer siya. Bakit siya mangongopya ng design? Siguro ay ang bagong designer na si Willow ang nangopya.”Mas lumakas ang diskusyon.Sinenyasan ni Larissa ang isa sa mga bodyguards na lumapit, binulungan niya ito at saka ito umalis.Mayroong sinabi ang bodyguard sa crew, at doon na gumawa ng announcement ang crew. “Pasensya na, nagkaroon kami ng technical issues. Sa tingin ko ay kailangan muna nating ihinto ang auction. Ang hinala namin ay isa sa mga item ay plagiarized, mag-iimbestiga kaagad kami.”“Plagiarism nga talaga?”“Napakabihirang lumitaw sa isang auction ang mga plagiarized item,” Sigaw ng isa.Nilagay ang dalawang item sa stage, isang appraiser ang inatasang magsagawa ng appraisal. Kung mayroon nga talagang plagiarism na naganap, isa itong malaking problema
‘Baka dahil sa insidenteng nangyari sa Michelin restaurant?’Nagbago ang ekspresyon ni Willow sa sinabi ni Louis.Mabuti na lamang ay walang sinabi si Larissa dahilan para kumalma siya nang kaunti.Huminto ang presyo sa screen sa $266,000,000!At ang huling taong nagbigay ng bid ay si Madam Nera mula sa Peach Room.Nasurpresa si Maisie at nagtatakang napatingin sa guest na nasa Peach Room. Ang taong nakaupo sa harapan ng bintana ay si Madam Nera!Ang humintong presyo ay muling tumaas sa $282,000,000!Namangha ang mga tao.Natulala sandali ang auctionner at saka marahang sinabi, “Congratulations sa mga kagalang-galang nating guest mula sa Stork Room na nasa unang palapag…”Lumingon si Maisie at tiningnan si Helios. “Mr. Boucher, —”Ngumiti lang nang maliit si Helios. “Karapat-dapat lang ang presyong yun sa napakaganda mong masterpiece.”Kumunot ang noo ni Madam Nera nang makita niya ang taong nakaupo sa Stork Room.‘Ang anak ng mga Boucher?’“Tumaas ulit ang p
“Minsan, hindi ko talaga gusto ang mga lumalabas sa bibig mo.”“Kung ganoon, huwag mo akong halikan.”Hindi inaasahan ni Nolan na sasabihin iyon ni Maisie. Kumunot ang noo niya at pinisil ang baba nito. “Ikaw ang may gusto nito.”Kaagad niyang hinalikan ang mga labi ni Maisie.Nagpumiglas nang kaunti si Maisie, pero bigla siyang dinaganan ni Nolan. Hininaan nito ang boses at mainit at mapagnasa siyang tinitigan. “Huwag kang malikot. Gusto mo bang magtuloy-tuloy ‘to?”Hindi nagsalita si Maisie.“Mr. Goldmann.” Narinig ang boses ni Quincy sa labas ng pinto.Mabilis na tumayo si Maisie at lumayo kay Nolan.‘Sobrang nakakainis talaga ang lalaking to!’Tinulak ni Quincy ang pinto, pumasok at sinabing, “Mr. Goldmann, inimbita kayong dalawa ni Ms. Vanderbilt ni Madam Nera mula sa Peach Room.”Lumabas si Maisie at Nolan sa Bamboo Room at nasalubong nila ang pamilya Lucas at Willow sa corridor.Nang makita ni Willow si Nolan na hawak-hawak ang kamay ni Maisie, hindi niya m
Dahil siguro minaliit ni Madam Nera si Maisie bago ito, nahihiya siya dahil muntik na siyang magkamali.Gayunpaman, kailangan niyang panatilihin ang kaniyang reputasyon, kaya proud niyang sinabi, “Papuntahin mo si Kennedy bukas para i-renew ang kontrata. Makikipaghati ako sa iyo sa supply chain ng tanzanite, pero bilang kapalit, huwag mo akong biguin.”Tumawa si Maisie. “Opo, Madam Nera.”Tinitigan ni Nolan si Maisie na hinahangaan naman nang sobra ni Madam Nera.‘Kahit na mahilig sa tricks ang babaeng ito, nagawa nitong makuha ang pagkilala ni Madam Nera nang walang tulong mula sa sinuman. Mahirap na ayawan ang pagiging independent at matapang nito.Gayunpaman, masama ang loob at naiinis si Nolan dahil ayaw umasa sa kaniya ng babaeng ‘to!…#Zora Outclassed New Designer Willow Vanderbilt#Pagkatapos maanunsyo kagabi sa Summerton Auction Hall ang dalawang magkaparehong auction items, nagkaroon ng spot sina Zora at Willow sa Google Trends.Malinaw sa mga mata ng netizens