Share

Kabanata 64

MIKAY

"Bakit ang tahimik ng beshy ko?"

Binalingan ko ng tingin si Adam na kanina pa tahimik sa tabi ko. Sinilip ko pa ang mukha niya. Papunta palang kami sa convention hall ngayon dahil nga late na nang magising ako, tapos paglabas ko ng kwarto ni Damon ay si Adam agad ang bumungad sa akin.

Nakasakay kaming pareho ngayon sa golf cart at siya ang nagmamaneho.

"Galit ka ba sa akin dahil natulog ako sa kwarto niya?" tanong ko.

Nakuha ko naman ang atensyon niya. Saglit lang siyang tumingin sa akin. Napabusangot ako. Kanina ko pa ipinapaliwanag sa kaniya kung bakit ako do'n natulog, pero mukhang hindi naman ito nakikinig sa akin. Mukhang galit nga siya, dahil ganito siya madalas kung galit eh. Hindi namamansin.

"Wala namang nangyari eh," pagmamaktol ko.

Hanggang sa marating namin ang convention hall ay hindi ako kinibo ni Adam. Nasasaktan na ako sa treatment niya sa akin ah. Nang mapasok namin ang convention hall muli sana akong magsasalita nang bigla na lang niya akong nilayasan kaya n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status