Share

Kabanata 72

MIKAY

Malinaw na sa lahat na wala akong kasalanan pero mas lalo atang nadagdagan ang chismis sa akin. May naririnig pa ako na kaya lang nalinis ang pangalan ko ay dahil apo ako, kahit na nag release ng statement ang hospital sa website ng hospital at inilabas din ang screenshot sa chat group namin mukhang hindi pa rin ito benta sa kanila. Tsk.

"Hayaan mo na lang kung anong say nila, alam mo namang wala kang kasalanan," saad ni Suzy na tinapik pa ang balikat ko.

Nandito ako ngayon sa shop niya, at instead kape o frappe ang inumin ko ay nagbaon ako ng beer.

"Wala naman akong pakealam sa kanila, ang ayoko lang kasi, yung pag-usapan at tingnan nila ako na para bang sobrang laki ng kasalanan ko. Hindi ko naman ginusto na isa akong Ynares eh," pagmamaktol ko.

Ramdam ko na ang pagkahilo dahil nakailang beee in can na ako, hindi naman ako pinipigilan ni Suzy dahil alam niyang kailangan ko ito ngayon. Nakakasama naman kasi talaga ng loob eh. Ano pa bang gusto nila sa akin?

"Bakit kasi hindi mo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status