MIKAYIsang linggo na ang nakalilipas, at tila ba bigla nalang nawala ang tinginan at bulungan tungkol sa akin ng mga tao sa loob ng hospital. May mga ngumingiti na nga rin sa akin eh, ang weird lang. Dati naman hindi sila ganito sa akin. Makita nga lang nila ang anino ko no'n ang dami na nilang nasasabi."Mikay, p'wede mo ba itong ibigay kay Doc Damon?"Mabilis akong napatingin kay Nurse Yen dahil sa sinabi niya."Meydo mainit kasi ang ulo ni Doc ngayon dahil sa nangyari sa OR kanina," saad niya na mukhang ano na lang ang pag-asa niya.Narinig ko nga ang chismis tungkol sa OR. Isa na namang residente ang nakatikim ng bagsik niya, hindi lang basta galit ang nangyari dahil pagkatapos sa OR ay pinahiya niya pa ito sa labas kung saan sobrang dami na naman ang nakarinig.Ang pinakaayaw kasi ni Damon sa lahat ay iyong e-engot engot ka, lalo na kung nasa OR ka. Ako nga, kahit alam na ng lahat na apo ako ni Lolo Nico, hindi pa rin ako nakakaligtas sa galit ni Damon eh. Kahapon nga lang pinag
DAMONI left her inside as I went back to my working table to continue my work. I bit my lower lip as the scenes about what happened earlier suddenly got back into my system. I literally am losing my mind right now. This is not right any longer. I closed my eyes as I rested my head to my swivel chair.I actually don't know what is happening to me... it seems like there's a part of me that I couldn't resist every time I see her. Her smell, her lips... everything about her gives me so much that my system couldn't grasp of anything to do."Dame."I slowly open my eyes when I heard Cait voice. She smile when our eyes met."Let's go out. I'm hungry," she said as she sat down on my couch."I still have a lot of thing to do Cait. You can go ahead and eat if you want to, I'm fine," I said while staring straight to her eyes.She frowned. "Tsk. I'd loved to, but those lowly like creature keeps giving me a mock stare. Kasalanan ito ng babaeng iyon eh. Gosh! She's really getting into my nerves."
MIKAYTagaktak ang pawis ko, nanghihina ang aking buong katawan... wala naman akong masyadong ginawa pero sobrang pagod na pagod ako ngayon. Wala akong energy at ang tanging gusto ko na lang ngayon humilata at walang gawin. Hindi rin umeepekto ang braincells ko ngayon kaya ilang beses akong napagalitan ng mga Professors namin, buti na nga lang dahil wala kaming duty sa hospital ngayon."Mikay, okay ka lang?"Nanatili akong nakadukmo at hindi pinansin si Juday. Maganda naman ang gising ko kanina eh at saka may energy pa ako, nagawa ko pa ngang sumayaw sa bahay kanina."May sakit ka ba?" tanong naman ni Tina na tinapik pa ng mahina ang balikat ko.Marahas akong bumuntong hininga saka ko hinawakan ang aking ulo. "Tumatalino na ata kasi ako," pagbibiro ko saka ako mahinang tumawa.Isinandal ko ang aking likod sa aking kinauupuan. "Anong inorder niyo? My fries ba?" tanong ko.Nandito kasi kami ngayon sa fast food malapit sa aming unibersidad para kumain ng tanghalian, tapos babalik na nam
MIKAY"Bakit..." Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang bigla akong kinulong sa isang mahigpit na yakap ni Damon nang makapasok siya sa aking sa kwarto. Marahas akong napabuntong hininga at hinayaan na lang siya na yakapin ako. Mukhang may hinanakit na naman ata siya sa buhay. Nanatili akong tahimik at hindi nagsalita. Sa pamamalagi ko rito sa kaniyang bahay kasama siya, siguro ay minsan ko lang siyang nakausap tungkol sa problema niya o kung ano ang bumabagabag sa kaniya, dahil hindi naman kasiya siya iyong tipo ng tao na pala open sa akin. Apakaprivate niyang tao eh, ayoko namang pangunahan siya kaya madalas ay pinagmamasdan ko na lang siya kahit alam kong may problema siya."Sinong nang-away sa'yo? Gusto mo bang sugurin ko? O kaya abangan ito sa kanto," pagbibiro ko pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin na para bang sapat na para sa kaniya na kasama niya ako... char! Apaka assuming ko na naman!Tumagal ng ilang minuto ang pagkakayakap niya sa
MIKAY"Alam niyo na ba?"Nanatili ako sa aking ginagawa at hindi binalingan ng tingin sila Nurse Yen na mukhang may chismis na naman. Araw-araw na lang akong may naririnig ng chismis, hindi na sila nagsasawa."May nakakita raw kay Doc Damon na may kahalikan siya sa office nya."Bahagya akong napatigil dahil sa sinabi ni Nurse Yen."At alam niyo ba ang pinakapasabog?"Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin ako kay Nurse Yen na mukhang seryoso siya sa sasabihin niya. Lahat kami ay nakatutok sa kaniya. Siguro naman hindi nakita ang mukha ko kanina. Kasalanan niya talaga ito eh. Masaya siyang malandi."Nurse Yen, huwag mo ng patagalin pa.""Kaya nga! Spill the tea."Mas lalong lumalakas ang pagkakabog ng aking dibdib dahil sa nangyayari. Jusmiyo naman! Hindi ko na talaga kinakaya ang lahat! I really can't na ito."Ang pasabog at nakakairita, hindi nakita kung sino. Pero ang sabi-sabi, mukhang may malalim daw silang relasyon. Kasi naman, sino bang hindi mag-iisip ng iba di ba? Si
MIKAY"Mahal mo ba ako?" tanong ko nang hindi inaalis ang tingin ko sa kaniya.Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko ngayon na halos kumawala na ito sa akin. Real? Official? Hindi ko alam kung tama ang narinig ko sa kaniya ngunit kailangan kong makasiguro dahil ayoko namang umasa. Oo, matuwa ako sa sinabi niya... kilig to the max nga ako kaya lang naiisip ko bigla 'seryoso ba siya?', hindi kasi madali ang sinabi niya eh."I-I don't know," saad niya saka pa ito marahas na bumuntong hininga na tila ba nahihirapan itong huminga. "I always want you by my side. I always want to spend time with you. I always want to feel you beside me... I don't know if this is kind of love already," muling saad niya habang nakayuko ito.Hinawakan ko ang mukha niya para muling magsalubong ang mga mata namin. Nagugulat talaga ako sa mga sinasabi niya ngayon, hindi ko akalain na maririnig ko ito mula sa kaniya. Love? Ako sigurado naman ako sa nararamdaman ko sa kaniya, ngunit siya... tingin ko ay nalilito pa r
MIKAY"What?"Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Salubong ang kilay niya at napahinto pa siya sa kaniyang ginagawa. Binaba niya ang binabasa niyang report saka ako pinagtuunan ng pansin."Ilang araw lang naman. At saka nasabi ko na rin kay lolo.*Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay."Sinabi mo sa kaniya without even informing me first?"Nahimigan ko ang galit sa kaniyang tinig. Sabi ko nga galit talaga siya. "Busy ka kasi kaya hindi ko na nasabi sa'yo," mahinahong saad ko. Nitong nakaraang araw madalas kasi siyang nasa hospital, o kaya naman busy sa kung ano. Ilang araw nga rin siyang nawala dahil may seminar itong pinuntahan tapos kung uuwi siya late na, tapos kung gigising naman ako ng umaga waley na siya. "But still, you should have informed me." Marahas itong napabuntong hininga. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at lumapit sa akin. Nanatili lang akong nakatayo habang nagpapatuyo ng buhok dahil katatapos ko lang maligo. Huminto siya sa harap ko saka niya h
MIKAY"Mukhang nagkainitan na naman kayo ni Adam kanina ah. Oks ka lang ba?" Tumabi ako kay Damon na nakaupo sa mahabang kahoy habang nakaharap sa madilim na dagat. Nakita ko kanina kung paano mag igting ang kaniyang panga habang nag-uusap sila ng kung ano ni Adam. Sinabihan din ako ni Kean nang lumapit siya sa akin na puntahan ko nga raw si Damon dahil iba na ang mood nito. Iba pa naman mag ngitngit ng galit ang isang ito. "Kanina ka pa umiinom, baka mamaya tumumba ka na lang ah. Hindi kita mabuhuhat," saad ko saka ko kinuha mula sa kaniya ang alak na iniinom niya.Hindi ko man alam ang buong detalye ng pinag-usapan nila, alam kong may kinalaman ako rito. Kilala ko si Adam, ang pinaka ayaw niya sa lahat ay yung nadedehado ako... kaya naman for sure nagkainitan siguro sila ng malala kanina. "Hindi kita tatanungin kung ano ang pinagtalunan niyo ni Adam."Hinawakan ko ang kamay niya dahil nanatili itong nakakuyom. Marahas akong napabuntong hininga. Nanatili namang tahimik si Damon ha