Share

Kabanata 82

MIKAY

Tagaktak ang pawis ko, nanghihina ang aking buong katawan... wala naman akong masyadong ginawa pero sobrang pagod na pagod ako ngayon. Wala akong energy at ang tanging gusto ko na lang ngayon humilata at walang gawin. Hindi rin umeepekto ang braincells ko ngayon kaya ilang beses akong napagalitan ng mga Professors namin, buti na nga lang dahil wala kaming duty sa hospital ngayon.

"Mikay, okay ka lang?"

Nanatili akong nakadukmo at hindi pinansin si Juday. Maganda naman ang gising ko kanina eh at saka may energy pa ako, nagawa ko pa ngang sumayaw sa bahay kanina.

"May sakit ka ba?" tanong naman ni Tina na tinapik pa ng mahina ang balikat ko.

Marahas akong bumuntong hininga saka ko hinawakan ang aking ulo. "Tumatalino na ata kasi ako," pagbibiro ko saka ako mahinang tumawa.

Isinandal ko ang aking likod sa aking kinauupuan.

"Anong inorder niyo? My fries ba?" tanong ko.

Nandito kasi kami ngayon sa fast food malapit sa aming unibersidad para kumain ng tanghalian, tapos babalik na nam
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status