MIKAYNakatayo ako sa harap ni Damon habang sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Masama ang tingin niya kay Adam na nakatayo sa harapan ko, hanggang sa binalingan niya ako ng tingin na halos ikalaglag ng puso ko dahil alam kong hindi siya natutuwa sa nakikita niya ngayon."Bakit nandito kayong dalawa? Ng magkasama?" tanong niya sa isang himig na may halong pagbabanta.Pinagtaasan niya ako ng kilay na akala mo isang malaking kasalanan na kasama ko ngayon si Adam. Alam ko naman kasi na kahit na anong mangyari ay hindi sila magkakasundong dalawa, lalo na itong si Damon, ewan ko ba kung bakit sobrang laki ng galit niya kay Adam. Wala namang ginagawa si Adam sa kaniya, sa halip ay gusto pa nga nito na maging close silang dalawa."Wife."Napalunok ako ng tawagin na niya ako."May sasabihin ka ba?" tanong niya ulit, ang tono niya ay para bang hindi na ito makapaghintay pa sa sasabihin ko.Huminga ako ng malalim saka ako bahagyang nagtago kay Adam, napahawak pa ako sa braso ni Adam dahil t
MIKAYMahal niya rin ako. Hindi ko akalain na maririnig ko mula sa kaniya ang tatlong salita na sobrang tagal ko ng hinihintay. Akala ko imposible ang lahat dahil meron Caitlyn sa buhay niya. Akala ko hindi ko iyon maririnig mula sa kaniya. Akala ko hindi niya ako makakayang mahalin. "Are you sure with your decision, Apo?"Matamang nakatingin sa akin si Lolo na tila ba sinigurado niya ang lahat. Hindi naman ako nag-iwas ng tingin sa kaniya, at kahit kabado ako ngayon ay pinipilit ko pa ring patatagin ang sarili ko."Opo, Lolo. Nakapag-usap na rin po kami ni Damon tungkol dito."Marahas na bumuntong hininga ito."Kung iyan ang gusto mo, susundin ko, Apo." Nandito ako ngayon sa office niya hindi para sabihin ang tungkol sa dinadala ko kundi sabihin sa kaniya na hindi ko tatanggapin ang inalok niya sa akin na manatili sa hospital para pag-aralan ang takbo ng hospital. "Wala naman po kasi talaga sa sistema ko ang tungkol sa pag manage sa hospital, Lolo. Sapat na po sa akin na apo niyo
MIKAYTahimik kaming pareho ni Damon sa loob ng kaniyang sasakyan, kagagaling lang namin sa hospital kung saan kami nagpunta ni Adam dahil daw gusto niya na siya mismo ang makarinig ng sasabihin ng Doctor tungkol sa kalagayan ko.Alam ko na hanggang ngayon gusto niya na sabihin na namin sa publiko ang tungkol sa amin, kaya lang wala pa akong lakas ng loob na ipakilala niya ako bilang asawa niya. Pakiramdam ko kasi na hindi pa rin ako sapat para sa kaniya. Kilalang tao si Damon, samantalang ako, apo lang naman ako at wala pang napapatunayan sa buhay. At dahil nga ayoko pang ireveal namin ang tungkol sa amin, heto siya at nagtatampo pa rin sa akin. Kahapon pa siya ganiyan. "Nagugutom ako," saad ko habang nakatingin ako sa kaniya.Nanatili sa kalsada ang kaniyang mga mata, ni hindi man lang talaga niya ako tinapunan ng tingin. Nakakaasar talaga siya."Hubby, sabi ko nagugutom ako," muling saad ko.Humawak pa ako sa braso niya at bahagyang nagpacute pero wala itong epekto sa kaniya. Ang
MIKAYMatapos ang asawa reveal naming dalawa sa isang karinderya, samu't saring news article na agad ang lumabas. Feeling celebrity tuloy ako ngayon dahil nagkalat na sa media ang mga private photos ko. Buti na nga lang ay hindi nila nahalungkat ang private accounts ko sa social media eh."Mikay! Hindi mo sinasabi ah! Ikaw na talaga!""Sanaol Mikay!""Sanaol may josawang pak na pak!"Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga sinasabi ng mga ka schoolmate ko eh. Madalas gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa hiya. Syempre, hindi mawawala ang mga bitter ng taon na kulang na lang isumpa nila ang buong pagkatao ko eh."Hindi naman maganda!""Ynares kasi kaya may privilege.""Naku! Baka napilitan lang si Doc Damon!"Marahas akong napabuntong hininga. Kahit naman ipaliwanag ko ang sarili ko sa kanila, hindi pa rin nila ito mauunawaan dahil nga sarado na ang tenga nila. Na iniwan lang sila sa kung ano ang gusto nila, kaya naman hindi na ako mag-aaksaya pa na sayangin ko ang lakas ko sa ka
MIKAY"Bakit mukhang malungkot ang bebe ko?" pabirong tanong ko nang makalapit ako kay Damon na mukhang pagod na pagod. Mabilis itong humalik sa akin saka yumakap."Uy! Kalma! Nasa labas tayo ng school," saad ko dahil kung makayakap ito sa akin ay akala mo naman kaming dalawa lang. "May problema ba?" tanong ko dahil hindi na naman kasi siya normal.Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin."Nothing. I'm just so happy that I'm able to hug you like this in public."Ngumiti siya sa akin to the widest level."Sus! Baka mamaya nasa socmed na naman tayong dalawa eh," nakabusangot na saad ko.Mahina naman itong tumawa."That would be great though." Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go. Baka naghihintay na sila Papa sa inyo."Nagiging confident na rin siya na tawagin ang papa ko ba papa, ako nga, hiyang-hiya pa rin ako sa magulang niya eh. Anyway, hanggang ngayon pala kami palang ang nakakaalam sa pinagbubuntis. Ayoko pa kasing ireveal ito sa matatanda kasi naman kilala ko si Lolo, baka magin
MIKAYAnong oras na ay wala pa rin si Damon, hindi naman ito sumasagot sa mga messages at tawag ko. Ang sabi ni Papa sa akin may pupuntahan daw siya, pero hindi naman niya sinabi kung saan."Nasaan ka ba?" tanong ko sa aking sarili habang panay ang pagtawag ko sa kaniya.Kinakabahan na ako sa totoo lang, hindi naman ganito si Damon. Kung malelate man siya, magsasabi ito sa akin o kaya naman iinform niya ako beforehand. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka marahas na bumuntong hininga."Kasama niya kaya si Caitlyn?" saad ko.Baka nga. Mabilis kong chineck ang number ni Caitlyn at akmang tatawagan ko na sana ito nang may matanggap akong photo message. Tila sumikip ang dibdib ko at halos hindi ako makahinga ng maayos nang makita ko ang picture. Magkasama nga sila."Anong nangyari sa kaniya?"Base kasi sa picture na natanggap ko, nakahiga silang pareho sa hospital bed habang nakahiga si Caitlyn sa braso ni Damon na mahimbing ng natutulog sa tabi niya. I know that Caitlyn is trying
MIKAYKanina pa ako nakakatanggap kay Caitlyn ng mga pictures nila ni Damon, ewan ko kung trip lang niya o sinasadya niya lang talaga. Sa ibang pictures, sobrang sweet nila, kulang na nga lang langgam eh. Parang sila pa ang mag-asawa. Kaya instead makita ko ang pagmumukha nilang dalawa inoff ko na lang ulit ang phone ko, at ginamit ang di-keypad na phone ko.No'ng last time na inoff ko ang phone ko, tinalakan lang naman ako ni Damon ng malala na akala mo ang laki ng kasalanan ko sa kaniya, eh siya nga itong kasama lagi si Caitlyn eh. Kahit na nakalabas na sa hospital si Caitlyn ay akala mo responsibilidad niya na alagaan siya."Mikay, pinapatawag ka sa office."At hindi pa alam ng magaling kong asawa na lulutuin ako ngayon, dahil nga wala naman siyang oras sa akin. Kaya bakit ko pa sasabihin?"Oo susunod ako, hinihintay ko lang si Adam," sagot ko.Instead na siya sana ang kasama ko ngayon, si Adam na lang. Bahala talaga siya sa buhay niya."Mikay!"Agad na sumilay ang ngiti sa aking l
MIKAY"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"Hindi ko pinansin ang naging tanong niya, nagpatuloy ako sa paglalakad at nilampasan siya. Tinungo ko ang kitchen para uminom ng tubig. Sumunod naman siya sa akin."You should have told me about you being called for a disciplinary action."Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib, hindi dahil sa kinikilig ako kundi dahil sa galit. Ang kapal ng mukha niya! Siya pa itong galit ngayon? Eh siya nga itong laging kasama si Caitlyn. Wala siyang naririnig sa akin sa tuwing magkasama sila. Hangga't maaari gusto kong tumahimik dahil ayokong matawag na pabebe."WIFE!" sigaw nito na para bang nauubusan na talaga siya ng pasensya nang muli akong naglakad.Hinawakan niya ang kamay ko pero marahas ko itong binawi mula sa kaniya."Sabi ni Adam, siya raw dapat ang pakakasalan ko hindi ikaw."Alam kong hindi ito ang oras na iopen ko ang topic na ito, kaya lang wala eh, naiinis na ako sa kaniya. Punong-puno na ako. Kapag ganito, laging ako na lang ang talo
MIKAYNagmahal at nasaktan. Tumawa at umiyak. Nagalit at nagpatawad.Muntikang sumuko ngunit lumaban upang maabot ang gusto.Natakot ngunit sumugal ulit.Ilan lang iyan sa mga natutunan ko sa buhay... sa buhay pag-ibig. Sobrang hirap magtiwala lalo pa't nasaktan ka na. Sobrang hirap sumugal lalo pa't minsan ay natalo ka na. Sobrang hirap magmahal lalo pa't minsan ka ng naloko. Sobrang hirap makahanap ng taong mananatili sa buhay mo... ngunit nakahanap ako. Nahanap ko si Damon at nahanap niya rin ako.Ang pagmamahalan man namin ay nag-umpisa sa arrange marriage, ngunit alam namin na magtatapos ito sa totoohang pagmamahalan. Dati naman ang gusto ko lang sa buhay ay yumaman, wala sa isip ko ang mag-asawa dahil sabi ko... hindi naman ako marunong mag-alaga, sarili ko nga hindi ko maalagaan, ibang tao pa kaya? Pero akalain mo iyon... sobrang mapang-asar talaga ang tadhana kasi nagawa niyang ibahin ang isip at puso ko. Si Damon? Sobrang sungit niya. Lahat na ata ng kasungitan sa mundo ay
MIKAY4 years later..."Moma!"Nagising ako sa sigaw ni Dal na akala mo may gulo na namang nangyayari."Moma!"Kahit ayoko pa sanang bumangon dahil antok na antok at pagod na pagod pa ako, kumakatok na sa pintuan si Dal. Bumungon ako at pinulit ang aking mga damit. Maaga na namang umalis ang lalaking iyon, at hindi man lang niya ako ginising. Mabilis akong nagpalit, at hindi na ako naghilamos pa.Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay agad nagsumbong sa akin si Dal na akala mo stress na stress na naman sa nangyayari. Puting puti ang buhok niya maging ang mukha nito. "Moma, nakakainis po! Kanina ko pa po sila pinipigilan na huwag maglaro sa kitchen, pero hindi po sila nakikinig."Huminga ako ng malalim. Sumunod naman ako kay Dal na patuloy na nagsusumbong sa akin."Sabi ko ako na lang ang mag b-bake, pero ayaw po nilang magpaawat. Pati nga po si Yaya ay nastress na."Nabaling ang tingin ko sa tatlo na nakasilip sa may veranda."Labas," maotoridad na saad ko.Hindi ko naman napigila
MIKAYHindi madali ang lahat ng pinagdaanan namin. Paulit-ulit kaming sinubok. Paulit-ulit kaming nasaktan, natakot, at umiyak. Ni hindi ko talaga lubos maisip kung paano namin nagawang lampasan at harapin ang lahat ng iyon."I love you, Wife."Sobrang sarap sa pakiramdam na sa tuwing paggising mo sa umga katabi mo ang lalaking nagbigay sa iyo ng pag-asa. Yung gigising ka sa umaga at agad niyang ipaparamdam sa iyo na ikaw ang pinakamagandang nangyayari sa buhay niya."I love you more, Hubby."Buong akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong pagmamahal, na hindi darating sa buhay ko ang ganitong klaseng pag-ibig. Sino ba kasing mag-aakala na ang tatanga-tangang ako makakabinggit ng isang matalinong tao na iintindi sa lahat ng kabobohan ko?Si Damon ang nagturo sa akin na kahit na anong pagsubok ang dumating, kailangang harapin iyon ng walang takot."Moma, lalabas na po ba sila baby?"Si Dal ang isa rin sa nagpatatag at nagpatibay sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hin
MIKAYHalos hindi ko na alam kung saan ako tutungo nang makarating kami sa hospital. Nakaalalay lang sa akin ang mga kaibigan ko na nagpunta kanina sa bahay ni Lolo nang malaman nila ang nangyayari."Kaya wala talaga akong tiwala sa higad na iyon eh!""Makita ko lang talaga siya ako na ang papatay sa kaniya!"Habang sila ay galit na galit, ako naman ay sobrang nag-aalala. Nang makita ko si Damon na nakaupo sa labas ng operating room hinanap ko agad si Dal... nasaan siya? Ramdam ko na ang pag init ng mata ko at paghaharumentado ng puso ko.Nakuha na namin ang atensyon ni Damon. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga kamay na nababalot ng dugo. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nakangiti siya sa akin, pero kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Nasaan si D-Dal?" nanginginig na tanong ko. "She's fine. She's inside the emergency room right now...""Moma!"Agad na hinanap ng aking mga mata ang tumawag sa akin. Bumuhos na ang aking luha. Tumatakbo palapit sa amin si Dal. Lu
MIKAYPara akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa naririnig ko, agad na bumuhos ang aking luha. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso na tila ba kakawala na ito sa akin. Kanina pa kausap ng Damon ang mga pulis, kalmado ito ngunit ramdam ko ang galit niya maging ang pag-aalala nito."Do everything you can."Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung paano ito nangyari... pakiramdam ko ay sobrang sama kong ina para pabayaan ang anak ko. Kung sana naging mas maaga lang ako ay hindi ito mangyayari."Wife, stop crying. Mahahahanap natin siya."Kahit gaano ako kalmahin ni Damon ay hindi ito umeepekto sa akin. "Kasalanan ko ito."Muling nag init ang aking mga mata. "No it's not your fault." Inilapit niya ako sa kaniya saka hinalikan sa noo. Gabi na ngunit wala pa rin kaming balita sa anak namin. Ang sabi ng teacher kanina ay may sumundo raw sa kaniya, nakita na rin namin ang CCTV ngunit hindi masyadong kita kung sino ang kumuha sa anak namin, sumakay sila sa black na kotse na ng tingnan
MIKAYLumipas ang ilang linggo walang paramdam si Caitlyn, hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot ako kasi unusual ito eh. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na bigla na lang hindi magpaparamdam. Nang malaman ni Damon na nakipagkita nga ako sa kaniya at nakita niya rin na namumula ang pisngi ko, galit na galit siya."Moma, may star po ako."Tinatanong ko naman si Dal kung pumapasok si Demi, ang sagot naman niya sa akin ay oo. "Wow very good naman ang baby ko.""Stem Moma, mana ako kay Papa."Pinanliitan ko siya ng mata."Syempre pati po sa inyo."Humagikgik pa ito. Agad napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang siko niya. "Ano ang nangyari rito?" May sugat kasi sa siko niya at halatang ngayon lang ito nangyari. "Ah ito po ba Moma? Nadapa po. Naglalaro po kasi kami kanina," saad niya nang hindi tumitingin sa aking mga mata. "Dal, sabihin mo ang totoo." "Moma, iyon po ang totoo."Hindi pa rin siya nakatingin sa akin, nanatili siyang nakayuko."Moma, mag s-shower na po ako."Ma
MIKAYSinabi sa akin ni Damon ang tungkol kay Caitlyn. Hindi ko akalain na nagawa niyang magsinungaling ng gano'n para lamang makuha niya ang gusto niya. I did give her a chance, but she choose to waste it."I really can't believe her."Kanina pa nagmamaktol si Damon na tila ba isang bata. Siguro gano'n na talaga siya at hindi iyon magbabago pa. Nakakainis lang dahil buong akala ko ay nasa matinong pag-iisip na siya, pero mukhang mas lumala pa ata ang pagiging siraulo niya."Hayaan mo na, at least ngayon alam na natin na plinano niya ang lahat."Hinawakan ko ang kamay niya."Buti na lang hanggang maaga pa ay nalaman na natin ang intensyon niya at hindi na siya gumawa pa ng mas malala." Nag release na rin ng statement si Damon tungkol sa litrato at video na kumakalat, sabi ko naman sa kaniya kung ano man ang maungkat haharapin namin iyong dalawa. Hindi naman ako papayag na siya lang ang aako ng lahat ng ito, gaya ng sabi ko hati kami."Moma!" Nakuha ni Dal ang atensyon namin, may ha
MIKAYKapag chismis talaga ang usapan, sobrang bilis nitong kumalat na akala mo isa itong virus. Kalat na kalat pa rin ang mga pictures at videos online lalo na yung halikang nangyari sa kanilang dalawa kahit na tatlong araw na ang nakakalipas. Alam ko naman na hindi iyon sinasadya kaya lang sa mga mata ng iba, alam kong iba ang tingin nila."You should fix this as soon as possible, Damon."Nandito kami ngayon sa bahay ni Lolo, at meron din ang loli ni Damon, at as usual sinasabon na naman nila si Damon."Lo, wala naman pong kasalanan si Damon sa nangyari. At saka, kung bibigyan natin ng malisya ang nangyari mas lalo lang itong lalala. At saka kiss lang naman iyon...""Kahit kiss man iyon o hindi, wala akong pakealam. Nababasa mo ba ang mga articles tungkol sa kanila? Can be a happy family? Sweet family?"Hinilot ni Lolo ang sentido niya. "Tama si Nico. Kahit alam ng lahat na kayo naman talaga, hindi pa rin natin maiiwasan na iba ang sabihin ng media makakuha lang sila ng magandang s
MIKAYHindi ko maiwasang magtaas ng kilay habang nakatingin kay Damon at Caitlyn. Seryosong-seryoso kasi silang nag-uusap sa hindi kalayuan sa akin, pagkakwa'y ngumingiti si Caitlyn kapag sasagot si Damon sa kaniya."Lapitan mo! Tanggalin mo yung mata," ani Juday na hindi ko namalayan ang pagdating.Nandito ako ngayon sa event na ginawa ng hospital, para officially ipakilala sa lahat si Damon, ang bagong chairman ng hospital. "Alam mo, todo ang pag-aaligid ng linta na iyan sa asawa mo. Jusko! Ako na iyong naiimbyerna talaga," ani Tina na umirap pa ng bongga.Huminga ako ng malalim."Nag-uusap lang naman sila," saad ko. "Nag-uusap? Eh tingnan mo yung linta, kulang na lang dumikit siya sa asawa mo. May nag-uusap ba na lapit nang lapit ng boobs?" Mas naging iritable silang dalawa."O yung kamay niya! Tingnan mo tingnan mo. Wala ka bang gagawin? Hindi ka ba lalapit sa kanila?"Maliban kay Caitlyn, may iba pa naman silang kausap, at alam kong importante ang pinag-uusapan nila ngayon, ew