MIKAYKasama ko ngayon si Adam. Nandito kami sa isang maliit na clinic, at hinihintay ang resulta ng test ko. Patuloy ang paghaharumentado ng puso ko na tila ba kakawala na ito sa akin. Noong malaman ko sa test na ginawa namin ni Suzy na buntis ako, si Adam agad ang naisip ko na pagsabihan, though alam na ng mga kaibigan namin na buntis ako, iba pa rin kapag ako mismo ang nagsabi kay Adam. "Stop worrying, Mikay. It already happened." Hinawakan niya ang kamay ko para kumalma ako. Akala ko magagalit sa akin si Adam nang sabihin ko sa kaniya na buntis ako, ngunit kalmado pa rin ito na tila ba inaasahan na rin niya itong mangyari. "Miss Mikael Mendoza." Tila lumundag palabas ang puso ko nang tawagin na ang pangalan ko. Naunang tumayo si Adam samantalang tila nanlalambot naman ako dahil sa kabang nararamdaman ko.Pumasok kami ulit sa clinic. Pinaupo naman agad ako ng isang nurse. Katabi ko pa rin si Adam. Nakatingin ako sa OB na nakangiting nakatingin sa resulta ko. "Congratulations M
MIKAYNakatayo ako sa harap ni Damon habang sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Masama ang tingin niya kay Adam na nakatayo sa harapan ko, hanggang sa binalingan niya ako ng tingin na halos ikalaglag ng puso ko dahil alam kong hindi siya natutuwa sa nakikita niya ngayon."Bakit nandito kayong dalawa? Ng magkasama?" tanong niya sa isang himig na may halong pagbabanta.Pinagtaasan niya ako ng kilay na akala mo isang malaking kasalanan na kasama ko ngayon si Adam. Alam ko naman kasi na kahit na anong mangyari ay hindi sila magkakasundong dalawa, lalo na itong si Damon, ewan ko ba kung bakit sobrang laki ng galit niya kay Adam. Wala namang ginagawa si Adam sa kaniya, sa halip ay gusto pa nga nito na maging close silang dalawa."Wife."Napalunok ako ng tawagin na niya ako."May sasabihin ka ba?" tanong niya ulit, ang tono niya ay para bang hindi na ito makapaghintay pa sa sasabihin ko.Huminga ako ng malalim saka ako bahagyang nagtago kay Adam, napahawak pa ako sa braso ni Adam dahil t
MIKAYMahal niya rin ako. Hindi ko akalain na maririnig ko mula sa kaniya ang tatlong salita na sobrang tagal ko ng hinihintay. Akala ko imposible ang lahat dahil meron Caitlyn sa buhay niya. Akala ko hindi ko iyon maririnig mula sa kaniya. Akala ko hindi niya ako makakayang mahalin. "Are you sure with your decision, Apo?"Matamang nakatingin sa akin si Lolo na tila ba sinigurado niya ang lahat. Hindi naman ako nag-iwas ng tingin sa kaniya, at kahit kabado ako ngayon ay pinipilit ko pa ring patatagin ang sarili ko."Opo, Lolo. Nakapag-usap na rin po kami ni Damon tungkol dito."Marahas na bumuntong hininga ito."Kung iyan ang gusto mo, susundin ko, Apo." Nandito ako ngayon sa office niya hindi para sabihin ang tungkol sa dinadala ko kundi sabihin sa kaniya na hindi ko tatanggapin ang inalok niya sa akin na manatili sa hospital para pag-aralan ang takbo ng hospital. "Wala naman po kasi talaga sa sistema ko ang tungkol sa pag manage sa hospital, Lolo. Sapat na po sa akin na apo niyo
MIKAYTahimik kaming pareho ni Damon sa loob ng kaniyang sasakyan, kagagaling lang namin sa hospital kung saan kami nagpunta ni Adam dahil daw gusto niya na siya mismo ang makarinig ng sasabihin ng Doctor tungkol sa kalagayan ko.Alam ko na hanggang ngayon gusto niya na sabihin na namin sa publiko ang tungkol sa amin, kaya lang wala pa akong lakas ng loob na ipakilala niya ako bilang asawa niya. Pakiramdam ko kasi na hindi pa rin ako sapat para sa kaniya. Kilalang tao si Damon, samantalang ako, apo lang naman ako at wala pang napapatunayan sa buhay. At dahil nga ayoko pang ireveal namin ang tungkol sa amin, heto siya at nagtatampo pa rin sa akin. Kahapon pa siya ganiyan. "Nagugutom ako," saad ko habang nakatingin ako sa kaniya.Nanatili sa kalsada ang kaniyang mga mata, ni hindi man lang talaga niya ako tinapunan ng tingin. Nakakaasar talaga siya."Hubby, sabi ko nagugutom ako," muling saad ko.Humawak pa ako sa braso niya at bahagyang nagpacute pero wala itong epekto sa kaniya. Ang
MIKAYMatapos ang asawa reveal naming dalawa sa isang karinderya, samu't saring news article na agad ang lumabas. Feeling celebrity tuloy ako ngayon dahil nagkalat na sa media ang mga private photos ko. Buti na nga lang ay hindi nila nahalungkat ang private accounts ko sa social media eh."Mikay! Hindi mo sinasabi ah! Ikaw na talaga!""Sanaol Mikay!""Sanaol may josawang pak na pak!"Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga sinasabi ng mga ka schoolmate ko eh. Madalas gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa hiya. Syempre, hindi mawawala ang mga bitter ng taon na kulang na lang isumpa nila ang buong pagkatao ko eh."Hindi naman maganda!""Ynares kasi kaya may privilege.""Naku! Baka napilitan lang si Doc Damon!"Marahas akong napabuntong hininga. Kahit naman ipaliwanag ko ang sarili ko sa kanila, hindi pa rin nila ito mauunawaan dahil nga sarado na ang tenga nila. Na iniwan lang sila sa kung ano ang gusto nila, kaya naman hindi na ako mag-aaksaya pa na sayangin ko ang lakas ko sa ka
MIKAY"Bakit mukhang malungkot ang bebe ko?" pabirong tanong ko nang makalapit ako kay Damon na mukhang pagod na pagod. Mabilis itong humalik sa akin saka yumakap."Uy! Kalma! Nasa labas tayo ng school," saad ko dahil kung makayakap ito sa akin ay akala mo naman kaming dalawa lang. "May problema ba?" tanong ko dahil hindi na naman kasi siya normal.Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin."Nothing. I'm just so happy that I'm able to hug you like this in public."Ngumiti siya sa akin to the widest level."Sus! Baka mamaya nasa socmed na naman tayong dalawa eh," nakabusangot na saad ko.Mahina naman itong tumawa."That would be great though." Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go. Baka naghihintay na sila Papa sa inyo."Nagiging confident na rin siya na tawagin ang papa ko ba papa, ako nga, hiyang-hiya pa rin ako sa magulang niya eh. Anyway, hanggang ngayon pala kami palang ang nakakaalam sa pinagbubuntis. Ayoko pa kasing ireveal ito sa matatanda kasi naman kilala ko si Lolo, baka magin
MIKAYAnong oras na ay wala pa rin si Damon, hindi naman ito sumasagot sa mga messages at tawag ko. Ang sabi ni Papa sa akin may pupuntahan daw siya, pero hindi naman niya sinabi kung saan."Nasaan ka ba?" tanong ko sa aking sarili habang panay ang pagtawag ko sa kaniya.Kinakabahan na ako sa totoo lang, hindi naman ganito si Damon. Kung malelate man siya, magsasabi ito sa akin o kaya naman iinform niya ako beforehand. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka marahas na bumuntong hininga."Kasama niya kaya si Caitlyn?" saad ko.Baka nga. Mabilis kong chineck ang number ni Caitlyn at akmang tatawagan ko na sana ito nang may matanggap akong photo message. Tila sumikip ang dibdib ko at halos hindi ako makahinga ng maayos nang makita ko ang picture. Magkasama nga sila."Anong nangyari sa kaniya?"Base kasi sa picture na natanggap ko, nakahiga silang pareho sa hospital bed habang nakahiga si Caitlyn sa braso ni Damon na mahimbing ng natutulog sa tabi niya. I know that Caitlyn is trying
MIKAYKanina pa ako nakakatanggap kay Caitlyn ng mga pictures nila ni Damon, ewan ko kung trip lang niya o sinasadya niya lang talaga. Sa ibang pictures, sobrang sweet nila, kulang na nga lang langgam eh. Parang sila pa ang mag-asawa. Kaya instead makita ko ang pagmumukha nilang dalawa inoff ko na lang ulit ang phone ko, at ginamit ang di-keypad na phone ko.No'ng last time na inoff ko ang phone ko, tinalakan lang naman ako ni Damon ng malala na akala mo ang laki ng kasalanan ko sa kaniya, eh siya nga itong kasama lagi si Caitlyn eh. Kahit na nakalabas na sa hospital si Caitlyn ay akala mo responsibilidad niya na alagaan siya."Mikay, pinapatawag ka sa office."At hindi pa alam ng magaling kong asawa na lulutuin ako ngayon, dahil nga wala naman siyang oras sa akin. Kaya bakit ko pa sasabihin?"Oo susunod ako, hinihintay ko lang si Adam," sagot ko.Instead na siya sana ang kasama ko ngayon, si Adam na lang. Bahala talaga siya sa buhay niya."Mikay!"Agad na sumilay ang ngiti sa aking l