MIKAY"Bakit mukhang malungkot ang bebe ko?" pabirong tanong ko nang makalapit ako kay Damon na mukhang pagod na pagod. Mabilis itong humalik sa akin saka yumakap."Uy! Kalma! Nasa labas tayo ng school," saad ko dahil kung makayakap ito sa akin ay akala mo naman kaming dalawa lang. "May problema ba?" tanong ko dahil hindi na naman kasi siya normal.Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin."Nothing. I'm just so happy that I'm able to hug you like this in public."Ngumiti siya sa akin to the widest level."Sus! Baka mamaya nasa socmed na naman tayong dalawa eh," nakabusangot na saad ko.Mahina naman itong tumawa."That would be great though." Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go. Baka naghihintay na sila Papa sa inyo."Nagiging confident na rin siya na tawagin ang papa ko ba papa, ako nga, hiyang-hiya pa rin ako sa magulang niya eh. Anyway, hanggang ngayon pala kami palang ang nakakaalam sa pinagbubuntis. Ayoko pa kasing ireveal ito sa matatanda kasi naman kilala ko si Lolo, baka magin
MIKAYAnong oras na ay wala pa rin si Damon, hindi naman ito sumasagot sa mga messages at tawag ko. Ang sabi ni Papa sa akin may pupuntahan daw siya, pero hindi naman niya sinabi kung saan."Nasaan ka ba?" tanong ko sa aking sarili habang panay ang pagtawag ko sa kaniya.Kinakabahan na ako sa totoo lang, hindi naman ganito si Damon. Kung malelate man siya, magsasabi ito sa akin o kaya naman iinform niya ako beforehand. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka marahas na bumuntong hininga."Kasama niya kaya si Caitlyn?" saad ko.Baka nga. Mabilis kong chineck ang number ni Caitlyn at akmang tatawagan ko na sana ito nang may matanggap akong photo message. Tila sumikip ang dibdib ko at halos hindi ako makahinga ng maayos nang makita ko ang picture. Magkasama nga sila."Anong nangyari sa kaniya?"Base kasi sa picture na natanggap ko, nakahiga silang pareho sa hospital bed habang nakahiga si Caitlyn sa braso ni Damon na mahimbing ng natutulog sa tabi niya. I know that Caitlyn is trying
MIKAYKanina pa ako nakakatanggap kay Caitlyn ng mga pictures nila ni Damon, ewan ko kung trip lang niya o sinasadya niya lang talaga. Sa ibang pictures, sobrang sweet nila, kulang na nga lang langgam eh. Parang sila pa ang mag-asawa. Kaya instead makita ko ang pagmumukha nilang dalawa inoff ko na lang ulit ang phone ko, at ginamit ang di-keypad na phone ko.No'ng last time na inoff ko ang phone ko, tinalakan lang naman ako ni Damon ng malala na akala mo ang laki ng kasalanan ko sa kaniya, eh siya nga itong kasama lagi si Caitlyn eh. Kahit na nakalabas na sa hospital si Caitlyn ay akala mo responsibilidad niya na alagaan siya."Mikay, pinapatawag ka sa office."At hindi pa alam ng magaling kong asawa na lulutuin ako ngayon, dahil nga wala naman siyang oras sa akin. Kaya bakit ko pa sasabihin?"Oo susunod ako, hinihintay ko lang si Adam," sagot ko.Instead na siya sana ang kasama ko ngayon, si Adam na lang. Bahala talaga siya sa buhay niya."Mikay!"Agad na sumilay ang ngiti sa aking l
MIKAY"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"Hindi ko pinansin ang naging tanong niya, nagpatuloy ako sa paglalakad at nilampasan siya. Tinungo ko ang kitchen para uminom ng tubig. Sumunod naman siya sa akin."You should have told me about you being called for a disciplinary action."Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib, hindi dahil sa kinikilig ako kundi dahil sa galit. Ang kapal ng mukha niya! Siya pa itong galit ngayon? Eh siya nga itong laging kasama si Caitlyn. Wala siyang naririnig sa akin sa tuwing magkasama sila. Hangga't maaari gusto kong tumahimik dahil ayokong matawag na pabebe."WIFE!" sigaw nito na para bang nauubusan na talaga siya ng pasensya nang muli akong naglakad.Hinawakan niya ang kamay ko pero marahas ko itong binawi mula sa kaniya."Sabi ni Adam, siya raw dapat ang pakakasalan ko hindi ikaw."Alam kong hindi ito ang oras na iopen ko ang topic na ito, kaya lang wala eh, naiinis na ako sa kaniya. Punong-puno na ako. Kapag ganito, laging ako na lang ang talo
MIKAYMas lalong umiinit ang sitwasyon sa pagitan namin ni Damon, at mas lalo na ngayong galit ang lolo ko dahil sa mga litrato ni Damon at Caitlyn na kumakalat ngayon. Sa totoo lang hindi naman nag effort si Damon na kunin ako mula kay Lolo, wala rin akong naririnig mula sa kaniya, para bang hinayaan na lang niya akong umalis at mawala sa tabi niya."Apo, nandito ang papa mo."Nabaling ang tingin ko kay Lolo na hindi ko man lang napansing pumasok sa kwarto ko. Masyadong okupado ang isip ko ng mga nangyayari ngayon.Sumunod ako kay Lolo. Simula nang malaman ni Lolo na buntis ako, halos hindi na niya ako palabasin sa kwarto ko para lang hindi ako gumalaw-galaw, kagagaling lang dito ni Doc Faye, ang OB ko sa hospital ni Lolo, at iyon nga, maselan daw ang pagbubuntis ko kaya huwag daw dapat akong mastress o kung ano pa. Kakambal ko na nga ata ang salitang stress eh. Hindi ko maiwasan. "Anak." Mabilis na yumakap sa akin si Papa nang makita niya ako. Ewan ko, bigla na lang bumagsak ang l
MIKAYBakit ba sobrang hirap maging masaya? Bakit sobrang hirap maging payapa ng buhay? Bakit sobrang hirap? Simple lang naman ang gusto ko no'n, iyon ay maging masaya, grumaduate, magkatrababo at makatulong sa magulang, pero bakit ganito? Bakit sobrang hirap? Bakit sobrang sakit ng balik sa akin ng lahat?Si Damon na inaasahan kong mananatili sa tabi ko hanggang sa huli, iba ang pinili. Nangako kami sa isa't isa, pero nasira lang iyon ng basta-basta. Buong akala ko hahawakan niya ng mahigpit ang kamay ko pero akala ko lang pala talaga iyon... buong akala ko akin siya ng buong-buo pero ni kahit katiting wala palang sa akin. Ganito siguro talaga kung hindi ikaw ang nauna sa buhay niya. Ganito siguro talaga kung hindi ka masyadong mahalaga sa kaniya. Ganito siguro talaga... hanggang dito na lang siguro talaga kaming dalawa.Sa nangyayari ngayon sa buhay ko, gusto ko na lang umalis o maglaho. Gusto ko na lang bumalik sa dati, yung simple lang... mahirap pero masaya. "Doc, heto na po an
Seven Years Later...MIKAEL"EL! Yung anak mo nakikipag-away na naman!" Napatampal na lang ako ng noo dahil sa sinabi ni Manang Felly. Kahit abala ako sa pag-aayos ng mga files ay wala akong ibang choice kung hindi ang puntahan ang anak kong wala ng ibinigay sa akin kundi puro sakit sa ulo."El, naku! Ando'n si Dalmi nakikipag-away na naman." Lahat ng madaanan ko sinasabi na lang na nakikipag-away ang batang pasaway na iyon. Hindi na rin naman ito bago sa akin, maging sa mga tao rito sa compound dahil nga madalas naman nakikipag-away ang batang iyon. "IKAW! BRUHA NANAY MO! MAMA MO BLUE!" Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ng anak ko at maging ang paborito niyang pang-asar na Mama mo Blue! Hindi ko nga alam kung saan niya iyan nakuha eh. "MAMA SI DAL INAAWAY AKO!" umiiyak na sumbong ni Ceci. "MAMA SABI NI DAL BLUE KA RAW!" dagdag na sigaw pa nito. "Oa mo! Joke joke lang naman iyon! Prank lang! Tingnan mo si Mama mo, hindi naman siya blue! Pangit mo
MIKAY "Moma, gusto ka raw kausapin ng teacher namin bukas." Iyan agad ang bungad ni Dal sa akin nang makauwi siya ng bahay. Inilapag niya ang bag niya sa upuan saka nito tinggal ang sapatos at medyas nito saka nagsuot ng tsinelas. Isinalansan niya ng maayos ang sapatos niya sa labas at saka muling kinuha ang kaniyang bag upang ipasok sa mismong kwarto niya. Sinundan ko naman siya. "May ginawa ka na naman ba?" "Luh Moma. Grabe ka. Wala po ah. Ewan ko nga kay Ma'am. Behave nga ako kanina sa room, katulad ng bilin mo po hindi po ako nakipag-away, kahit itanong mo pa kay Ceci." Pinanliitan ko siya ng mata. "Peksman." Minsan talaga wala na akong tiwala sa batang ito eh. Paano wala na siyang ginawa kundi ang makipag-away. "Itatanong ko na lang kay Ninang Rita mo." "Sige po. Moma, p'wede ba akong maglaro sa labas?" Mabilis itong nakapag bihis. Oversize tshirt na pang basketball ang suot nito, maging ang suot nitong short, akala ko rapper eh kulang na lang sumbrero. "Nag-aaya kasi