Share

Kabanata 80

MIKAY

Isang linggo na ang nakalilipas, at tila ba bigla nalang nawala ang tinginan at bulungan tungkol sa akin ng mga tao sa loob ng hospital. May mga ngumingiti na nga rin sa akin eh, ang weird lang. Dati naman hindi sila ganito sa akin. Makita nga lang nila ang anino ko no'n ang dami na nilang nasasabi.

"Mikay, p'wede mo ba itong ibigay kay Doc Damon?"

Mabilis akong napatingin kay Nurse Yen dahil sa sinabi niya.

"Meydo mainit kasi ang ulo ni Doc ngayon dahil sa nangyari sa OR kanina," saad niya na mukhang ano na lang ang pag-asa niya.

Narinig ko nga ang chismis tungkol sa OR. Isa na namang residente ang nakatikim ng bagsik niya, hindi lang basta galit ang nangyari dahil pagkatapos sa OR ay pinahiya niya pa ito sa labas kung saan sobrang dami na naman ang nakarinig.

Ang pinakaayaw kasi ni Damon sa lahat ay iyong e-engot engot ka, lalo na kung nasa OR ka. Ako nga, kahit alam na ng lahat na apo ako ni Lolo Nico, hindi pa rin ako nakakaligtas sa galit ni Damon eh. Kahapon nga lang pinag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status