MIKAYMalinaw na sa lahat na wala akong kasalanan pero mas lalo atang nadagdagan ang chismis sa akin. May naririnig pa ako na kaya lang nalinis ang pangalan ko ay dahil apo ako, kahit na nag release ng statement ang hospital sa website ng hospital at inilabas din ang screenshot sa chat group namin mukhang hindi pa rin ito benta sa kanila. Tsk."Hayaan mo na lang kung anong say nila, alam mo namang wala kang kasalanan," saad ni Suzy na tinapik pa ang balikat ko.Nandito ako ngayon sa shop niya, at instead kape o frappe ang inumin ko ay nagbaon ako ng beer."Wala naman akong pakealam sa kanila, ang ayoko lang kasi, yung pag-usapan at tingnan nila ako na para bang sobrang laki ng kasalanan ko. Hindi ko naman ginusto na isa akong Ynares eh," pagmamaktol ko.Ramdam ko na ang pagkahilo dahil nakailang beee in can na ako, hindi naman ako pinipigilan ni Suzy dahil alam niyang kailangan ko ito ngayon. Nakakasama naman kasi talaga ng loob eh. Ano pa bang gusto nila sa akin?"Bakit kasi hindi mo
MIKAYHawak ko ang aking ulo nang magising ako. Para itong mabibitak sa sobrang sakit. Kahit ayoko pang bumangon ay kailangan kong bumangon dahil may pasok ako ngayon, tapos may duty pa ako sa hospital. Wala na si Damon sa tabi ko, siguro ay pumasok na ito. Mala zombie akong naglakad papunta sa C.R."T-Teka!"Tila nagising ako nang bigla akong natauhan."Bakit nandito na naman ako sa kwarto niya?" takhang tanong ko.Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at pilit inaalala ang nangyari... pero walang pumapasok sa aking braincells. Parang otomatikong nag shutdown ang utak ko dahil sa alak na nainom ko.Matapos kong mag shower ay naginhawaan naman ako. Mabilis akong nagpalit at bumaba para makapag-almusal. Iniipit ko pa ang aking buhok ng pataas nang matuyo ko ito kanina."Oh? Anong ginagawa mo rito?" takhang tanong ko nang makita ko si Damon na nakaupo sa hapag-kainan habang nagbabasa ito ng kung ano sa iPad niya. Nagtaas ng bahagya ang kilay ko nang tumitig siya sa akin pagkakwa'y bu
MIKAYKabado bente ako ngayon habang inaabangan si Damon. Kanina pa ako palinga-linga pero hindi ko siya makita, mukhang busy na naman ata siya sa ibang bagay."Mikay, napano 'yang leeg mo?" tanong ni Nurse Yen. "Ah wala 'to, Nurse," sagot ko saka ako muling nagpalinga-linga sa paligid. "Sino bang hinahanap mo?" Luminga-linga na rin si Nurse Yen sa tabi ko. "Yung crush ko po..." Mabilis kong naitikom ang bibig ko dahil sa sinabi ko. "Eme!" sagot ko saka alanganing ngumiti. Pero as usual hindi iyon bumenta sa kaniya. "Sinong crush 'yan?" Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Wala Nurse. Eme lang. Oo nga pala, ano pong sabi ni Nurse Lana?" pag-iiba ko ng usapan saka ako nagpanggap na may inaayos. "Sus Mikay, may crush ka pala ah," pang-aasar sa akin ni Nurse Uly na kadarating lang, pero hindi ko siya binalingan ng tingin sa halip ay patuloy akong nagpapangggap na chincecheck ang records ng pasyente. "Tinatanong ko nga kung sino, pero iniiba naman niya ang usapan." "Ayoko ngang sab
MIKAY"Oh kumusta 'yung operation pagselosin si crush mo?" Napabusangot na lang ako dahil sa naging tanong ni Suzy. Nandito na naman ako ngayon sa shop niya para mag share ng sama ng loob. Kasi naman hindi ako pinapansin ni Damon, kung papansinin man niya ako kapag magagalit lang ito at pupunahin ang pagkakamali ko. "Masyado siyang masungit ngayon, dinaig niya pa ang babaeng nagreregla," pagmamaktol ko. Inayos ko pa ng paitaas ang buhok kaya lang naalala ko na kay Damon pa rin pala ang pantali ko. "Sino ba kasi ang ginagamit mo para pagselosin siya?" tanong naman ni Hana na nasa laptop niya ang tingin niya dahil abala ito sa kaniyang trabaho. "Si Adam," simpleng sagot ko. "Ang sama lagi ng tingin niya kapag si Adam ang kasam ako eh." Agad namang napaangat ng tingin si Hana, at si Suzy halatang nagulat sa sinabi ko. "Gaga! Talagang magsusungit iyon, si Adam ba naman ang ginamit mo," ani Suzy na iiling-iling pa. "Eh ano naman? Si Adam lang naman ang close ko," sagot ko saka ako s
MIKAY"It's my birthday!"Masayang bulalas ko nang bumangon ako sa kama. Hindi ko maalis ang ngiti sa aking labi. Uuwi kasi ako ngayon dahil sa bahay ako nila Papa mag c-celebrate ng birthday, buti na lang talaga ay oks lang kay Damon ang lahat. Dapat nga kahapon pa ako nakauwi kaya lang ayaw ni Damon na do'n ako matulog eh. "Naks! Ang saya naman ata ng birthday girl natin ngayon," nakangiting saad ni Nay Cristy. "Pag pasensyahan mo na ang regalo namin anak. Ito lang nakayanan ng budget namin ni Tay Kanor mo eh. Happy Birthday Mikay!"Yumakap sa akin si Nay Cristy. Masaya ko namang tinanggap ang regalo niya sa akin. Kahit hindi ko na ito tingnan ay alam ko na ang laman nito."Salamat po Nay. At saka nag-abala pa kayo, yakap at halik lang ay sapat na sa akin.""Naku napakabait mo talagang bata ka."Hinaplos niya ang aking mukha saka ako hinalikan sa noo."Nay join po kayo sa bahay mamaya ah. Simpleng salo-salo lang po ang mangyayari.""Huwag kang mag-alala, Anak. Present kami mamaya."
MIKAY"Hindi ka pa ba aalis?" taas kilay na tanong ko kay Damon na umupo sa kama ko. Naka cross legs pa ito na akala mo naman isa siyang young master. Napailing na lang ako. "Where are you going?" tanong niya nang akma na akong lalabas ng kwarto ko. "Sa labas. Mamaya hinahanap na ako. Sobrang importante pa naman ako ngayon, you see, it's my birthday," pagbibiro ko na may ngiting malawak pa pero agad ding nawala nang tingnan niya ako na para bang nag loading ito. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa aking kama saka siya lumapit sa akin. "Let's stay here for a while. The are too loud there." Mabilis niya akong nahuli. Ang kamay niya ay nasa aking bewang. "Kuwentuhan mo na lang ako kung ano ang ginagawa ni Adam sa kwarto mo..." "Siraulo," putol ko sa sasabihin niya saka ko siya bahagyang itinulak pero mas lalo lang niya akong idinikit sa kaniya. Mahina siyang tumawa saka niya bahagyang inilapit ang kaniyang bibig sa aking tenga. "Then do you want to have a different room story
MIKAY Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Spend time alone? Napalunok ako ng malala. Hindi naman siya lasing pero sa tuwing nagsasalita siya ng mga bagay na hindi ko ineexpect, literal na napapahinto talaga ako. I didn't expect him to say something like this. Hindi kasi siya iyong tipo ng lalaki na nakilala ko na mabulaklak magsalita. "Your friends and some of our close relatives will also be there tomorrow. Mauuna lang tayong dalawa." Shootangina! Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Masyadong malakas ang kabog ng puso ko, baka mamaya marinig niya mag assume pa siya. Pero hutangina talaga my heart is tugstugstugs malala! Pinilit kong ikalma ang sarili ko para kahit papaano ay maging maayos ang paghinga ko. Shootangina naman! Baka mamaya mawalan na lang ako ng malay dito dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko eh. "Ano... kaya mong mag drive? Eh ilang oras ang magiging biyahe natin." Nakagat ko ang dila ko nang saglit niya akong binalingan ng tingin sa
MIKAYKinabukasan, halos hindi ko maigalaw ang buo kong katawan dahil sa sobrang sakit nito lalo na 'yung 'down there' ko, na feeling ko wasak na wasak talaga dahil sa nangyaring jugjugan kagabi. Pinilit kong ibangon ang sarili ko kahit na sobrang hirap na hirap na talaga ako. Suot ko ang boxer ni Damon maging ang mahaba nitong damit. Mariin kong naipikit ang aking mga mata habang pilit kong inihahakbang ang aking mga paa patungo sa banyo. Shootangina! Tama nga ang kasabihan na kumakalat, na pagkatapos ng sarap, hindi ginhawa ang malalasap kung hindi sakit na akala mo ika'y winawasak. Napaupo na lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pinunasan ko pa ang luha na namuo sa gilid ng aking mga mata dahil hindi ko na talaga kaya pa ang sakit. "Mikael, are you okay?" Narinig ko ang tinig ni Damon. Hindi ko alam sa halip na mahiya ako dahil sa sobrang linaw pa sa akin nang nangyari kagabi ay wala akong maramdaman na hiya. Makapal na ba talaga ang mukha ko? Iniangat niya ang aking mu