MIKAY"Grabe! Ang saya no'n!"Hindi ko maitago ang kasiyahan ko habang pinupunasan ko ang aking pawis. Literal na adventure talaga ang ginawa naming pareho. Lahat ng gusto naming adventure ay sinubukan naming gawin. Ito na ata ang pinaka exciting na experience na naranasan ko sa buong buhay ko. "Here."Kinuha ko mula sa kaniya ang tubig. Habol ko pa rin ang aking hininga dahil sa ginawa kong rock climbing. "Hindi ko mabuksan," saad ko saka muli itong iniabot sa kaniya. "Salamat." Halos maubos ko ang bottled water na iniabot niya sa akin.Grabe ang excitement na nararamdaman ko ngayon. Kahit takot ako sa mga ganitong ganap ay na enjoy ko naman ng sobra. Akala ko nga magpapaka KJ si Damon na itry ang different adventure courses dito eh, pero buti na lang ay gimora naman ito. Humiga ako sa damuhan. Ngayon ay nagpapahinga na muna kami ni Damon sa silong ng isang malaking puno. Sobrang presko pa rito dahil sa mga naglalakihang puno sa pav"Parang gusto ko ang bungee jumping," saad ko.
MIKAY"Uy Mikay! Hindi mo pa chinichika sa amin kung sino ang ka date mo ah!" Bahagya pa akong sinagi ni Tina na may ngiting mapang-asar sa kaniyang labi. Kanina pa nila ako kinukulit tungkol sa date na nasabi ko, kung p'wede lang ichika ay gagawin ko eh. Hanggang ngayon tuliro at nalilito pa rin ang pempem... este ang puso ko sa nararamdaman ko. Tila ba instant nag-iba ang tingin ko sa kaniya, tipong lagi na lang siyang tama sa paningin ko gano'n. Ganito ba talaga kapag crush mo ang isang tao, o masyado lang akong nag o-overthink dahil sa mga ipinapakita niya sa akin na wala namang ibang ibig sabihin? Hay naku Mikay! Nag a-assume ka na naman kasi. "Oh! Tulaley ka na naman." Natauhan ako dahil sa sinabi ni Juday. "May iniisip lang kasi ako," saad ko. Naka-call time ngayon dahil maaga ang alis namin papunta sa isang pribadong beach house kung saan gaganapin ang convention, ngayon ay hinihintay palang namin ang mga kasama namin."Ano naman? Kung paano kayo nag holding hands while
MIKAYHindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko, sa labas ba, sa cellphone ko... putik! Ramdam ko ang tingin ni Damon sa akin sa tuwing titingin siya sa rearview mirror, hindi tuloy ako mapakali lalo pa't pinagitnaan ako ni Juday at Tina.Ewan ko pero super awkward ang nararamdaman ko ngayon to the point na hondo ko magawang maging komportable. Hindi pa ako makafocus masyado sa tuwing pumapasok sa isip ko kung paano na naman akong ninakawan ni Damon ng halik kanina. Masyado niya akong nililito sa buhay eh.Walang umiimik sa amin sa loob ng sasakyan. Yung pagkadaldal naming tatlo nila Juday ay naglaho dahil sa hiya. May hiya pa rin pala talaga kami kahit papaano. Pero kung kaming dalawa lang ni Damon ngayon ang magkasama, for sure kanina pa ako nakipagbardagulan sa kaniya dahl sa kamanyakang ginagawa niya. "Anyway..."Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang humarap sa amin si Doc Caitlyn. Walang duda ang kagandahan nito, ngunit wala ring duda ang kasamaan ng ugali niya."You'r
MIKAYHindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko ngayon. Sobrang ganda rito. Sobrang daming puno. Ang linaw ng tubig. Sobrang presko. Ang kalmado."Grabe! Ang ganda rito," saad ni Juday na nasa tabi ko habang patuloy ito sa pagkuha ng litrato, gano'n din ang ginagawa ni Tina.Maraming tao sa paligid, dahil nagsidatingan na rin ang mga kasama sa convention. Iba't ibang hospital ang nandito, malaki man o maliit ay kasama. Hindi ko pa nakikita si Lolo, siguro ay kasama niya ang mga katulad niyang malalaking tao. Bigla ring naglaho sa mga mata ko si Damon, siguro ay kasama niya si Doc Caitlyn na umiikot na ngayon."Oh! Message. May meeting daw," ani Tina na natigil sa pagkuha ng litrato. Kaya naman sabay-sabay naming tinungo ang villa namin. Sa sobrang laki ng beach ay may kaniya-kaniyang villa ang lahat ng mga kasali sa convention. Sa villa namin, may tatlong malaking rest house na magkakatabi at may malaking garden at pool na maari naming gamitin, hiwalay ang mga interns, doctors, at m
MIKAYMarahas ko siyang itinulak palayo sa akin at saka mabilis na lumabas sa C.R bago pa man niya ako muling mapigilan. Ramdam na ramdam ko ang init sa aking mukha na kahit hindi ko na ito tingnan pa sa salamin, alam kong pulang-pula na ito ngayon."Mikael...""Mikay!"Nakuha ni Adam ang atensyon ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya."What happened to you..."Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin niya nang mabilis ko siyang hinila at kinaladkad palabas. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko hanggang sa pareho naming narating ang labas ng villa. Sobra-sobra ang paghaharumentado ng puso ko na tila ba kakawala ito sa akin.I can't really grasp a word to say right now. Parang nablangko ang utak ko. Ang tanging nasa isip ko na lang ngayon ay kung paano niya ako hinalikan kanina. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang labi niya sa akin."Mikay, are you okay?"Hinila ako ni Adam pagkakwa'y hinawakan niya ang magkabila kong pisngi."May nangyari ba?"Napalunok ako. Mas lalo kong nararamdaman ang
MIKAYHindi ko mapigilang kabahan habang hinihintay ko si Damon na lumabas sa kanilang rest house. Alas tres na ng madaling araw, pero heto ako at dilat na dilat pa rin kahit na sinabi nilang maaga dapat kami bukas para sa opening. Kanina pa ako patingin-tingin sa aking cellphone, inaabangan ang reply ni Damon o tinitingnan kung nabasa niya ba ang message ko.Nakagat ko ang aking ibabang labi. Agad kong binalingan ang aking cellphone ng tumunog ito.D.monyo: Get inside.Napakunot noo nang mabasa ko ang message niya. Get inside? Seryoso ba siya?D.monyo: If you don't want to, then just sleep. I'm sleepy.Me: Saan banda ang kwarto mo?Wala pang ilang segundo ay nag reply ito.D.monyo: Second floor. Second room. Just get in, it's not lock.Huminga ako ng malalim bago ako pumunta sa sliding door. Hindi naman ito nakalock. Dahan-dahan ang bawat galaw ko. Ingat na ingat ako para hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na tila ba kakawala ito sa akin.
MIKAY"Bakit ang tahimik ng beshy ko?"Binalingan ko ng tingin si Adam na kanina pa tahimik sa tabi ko. Sinilip ko pa ang mukha niya. Papunta palang kami sa convention hall ngayon dahil nga late na nang magising ako, tapos paglabas ko ng kwarto ni Damon ay si Adam agad ang bumungad sa akin.Nakasakay kaming pareho ngayon sa golf cart at siya ang nagmamaneho. "Galit ka ba sa akin dahil natulog ako sa kwarto niya?" tanong ko. Nakuha ko naman ang atensyon niya. Saglit lang siyang tumingin sa akin. Napabusangot ako. Kanina ko pa ipinapaliwanag sa kaniya kung bakit ako do'n natulog, pero mukhang hindi naman ito nakikinig sa akin. Mukhang galit nga siya, dahil ganito siya madalas kung galit eh. Hindi namamansin. "Wala namang nangyari eh," pagmamaktol ko.Hanggang sa marating namin ang convention hall ay hindi ako kinibo ni Adam. Nasasaktan na ako sa treatment niya sa akin ah. Nang mapasok namin ang convention hall muli sana akong magsasalita nang bigla na lang niya akong nilayasan kaya n
MIKAYKanina ko pa tinatawagan si Damon pero hindi ito sumasagot. Kinakabahan na ako. Nagwawala na ang ang sistema ko. Nakagat ko ang aking ibabang labi."Sino kaya 'tong kasama niya?"Para na akong mauubusan ng hangin sa katawan. May lumabas kasi na article tungkod kay Damon, yung may date raw siya sa adventure park. Ito na nga ba kasi ang sinasabi ko eh. Buti na lang sa isang picture na lumabas blurred yung mukha ko. Paano na lang kaya kung naface reveal ako? Edi susugurin na ako ng mga fangirls niya online. "Mikay, 'di ba nagpunta ka ng adventure park no'ng friday?""Oh? Anong kinalaman ko riyan?" depensa ko agad dahil sa tanong ni Tina."Tinatanong ko lang naman. Masyado kang highblood," saad ni Tina na umirap pa sa akin.Muli kong binalingan ng tingin ang cellphone ko. Kanina pa ako nag sesend ng message kay Damon pero ni kahit isang reply wala man lang akong natanggap mula sa kaniya. Mukhang busy na naman siya kay Caitlyn. Hindi raw niya jowa, pero kung magdikit sila sa isa't-i