KINABUKASAN AY PUMASOK sa trabaho si Bethany na parang walang nangyari. Hindi niya ipinakita kung paano siya naging problemado. Kailangan niyang paghiwalayin ang personal niyang problema sa trabaho niya. Binati diya agad ng kanyang mga ka-trabaho na worried agad ng malaman ang nangyari sa ama.“May pakpak talaga ang balita.” komento niya na maliit ngumiti.Hindi nagkwento si Bethany ng totoong nangyari, alam kasi niya na wala rin namang maitutulong iyon. Minabuti na lang niya ang manahimik at hayaan na lang sila.“Ayos lang naman ako, kinakaya naman at patuloy na kakayanin ko ang lahat mailabas ko lang si Papa kahit na hindi maibalik ang lahat.” pinal niyang saad nang marinig pa ang ibang kuro-kuro ng mga ito.Alas-diyes ng umaga nang may maghanap sa kanyang delivery rider upang derektang e-deliver sa kanya ang package na galing daw sa isang Gavin Dankworth. Puno ng pagtataka ang mga mata ni Bethany nang malaman iyon. Eh natatandaan niyang ang sabi ng abugado ay ayaw na siya nitong ma
SA MGA SUMUNOD na araw ay naging busy si Bethany sa pag-aasikaso ng maraming mga bagay. Nakipagkita siya kay Attorney Hidalgo at sa ilang beses na pagpunta niya sa office nito ay naipasa na niya ang lahat ng documents na kailangan ng abugado. At ang araw na iyon ay ang pinaleng pakikipagkita nila para masinsinang makausap siya nito. Tahimik niyang pinagmasdan ang abugado sa harapan niya na pinapasadahan ng mata ang mga documents na kanyang hawak. Iyon din ang araw na medyo nagtagal siya sa malawak na opisina ng abogado. Noong mga nakaraang araw kasi, kung wala ang abugado tuwing pupunta siya ay busy naman ito sa ibang kaso kaya madali lang siya doon.“Tutal ay ipinakiusap ni Attorney Dankworth na kunin ko ang kaso ng iyong ama, sasabihin ko na sa’yo ang totoo, hija. Base sa mga na-submit mong documents at explanation, kaya nating mapababa ang magiging sentence ng ama mo sa dalawang taon.” anitong itinaas pa sa kanya ang mata gamit anng suot na salamin sa mata.Napa-angat na sa upuan a
MAGDADAHILAN PA SANA ng kung anu-ano si Bethany, subalit sa bandang huli dala ng hiya sa ama ng lalake ay napilitang pumayag na lang ang dalaga. Baka kasi magsumbong ito sa ama at bitawan na naman nito ang kaso. Hindi niya na alam ang gagawin o kung saan pa siya hahanap ng abugado kapag nangyari iyon. Saka si Gavin Dankworth na ang nagbigay nito sa kanya, mamaya kapag lumapit siya dito baka hindi na ito tumulong pa.“Sige na nga.”Mabilis na nagliwanag ang mukha ni Patrick na animo ay tumama ito sa lotto.“Yown!” hiyaw pa nito na animo naka-score sa kanyang nilalaro, “Saglit lang Bethany, kukunin ko lang ang sasakyan ko. Hintayin mo na lang ako dito.”Naiiling na sinundan niya ng tingin ang lalake. Mukha naman itong mabait. Hindi rin naman mukhang bastos at maniac gaya na lang ng isang taong kakilala niya. Mabilis niyang ipinilig ang ulo ng maalala si gavin. Hindi niya dapat iniisip ngayon ang binata. Paghinto ng sasakyan nito sa kanyang harapan ay walang arte na siyang lumulan sa kul
NAPAPAHIYA NG NAPAKURAP ng mga mata doon si Bethany. Mabilis ng nag-iwas ng kanyang mga mata kay Albert. Bigla siyang natauhan nang marinig ang inosenteng boses ng babae at matagpuang nasa harapan niya ito ngayon. Akmang sasagot na sana si Albert sa katanungan ng kanyang fiancee, nang unahan siyang magsalita ni Patrick na parang nang-aasar ang tono na alam niyang patungkol sa nakaraan nila ni Bethany.“Si Bethany, kaibigan ko kaya malamang ay kilala niya rin. Huwag kang mag-alala, Briel. Ang loyal niyang kaibigan ko sa’yo. Sa sobrang loyal nga niyan ay hindi niya kayang tumingin sa mukha ng ibang babae eh.” tumikwas pa ang gilid ng labi ni Patrick habang nasa kay Albert pa rin ang paningin.Halata sa mukha ni Albert na hindi niya nagustuhan ang sinabing iyon ni Patrick, ngunit hindi siya maka-react dahil kasama niya ang fiancee. Kung hindi lang ay malamang kanina niya pa pinulbos ang mukha ng kaibigan ng mga kamao niya dahil parang hinahamon siya nito ng away ngayon. Minabuti na lang
LINGID SA KAALAMAN ng mga naroon ang tunay na nangyari. Nang gumamit ng banyo si Patrick ay sumunod doon si Albert. Hindi naman ito direktang nakipag-away agad. Ginawa niya lang iyon dahil nais niyang makipag-usap ng lalake sa lalake sa kaibigan. Baka na-misunderstood niya lang din ito.“Bakit kasama mo si Bethany?” tanong ni Albert na puno na ng pagkadismaya ang tinig, hindi niya ito pinahalata pero mababakas iyon sa tinig niya. “Sa lahat ng lugar dito mo pa talaga siya dinala?” “Nasagot ko na ang tangong mo kanina kung paano kami nagkita. Isa pa, gusto niyang kumain ng korean food. Ito lang ang naisip kong lugar kung saan pwede siyang magtanggal ng stress. Hindi ko naman alam na pupunta kayo dito eh.” katwiran ni Patrick sa kaibigan na lalo pang uminit ang ulo, "Kung alam ko iyon sa tingin mo ba ay gugustuhin pa naming pumunta sa restaurant na ito?"“Inaasar mo ba talaga ako, Patrick?” Napuno ng biglang kinuwelyuhan ni Albert ang kaibigan na napataas na doon ang dalawang kamay, si
ILANG BESES NA sinulyapan ni Patrick si Bethany na tahimik lang na nakatayo sa gilid na parang may sarili itong mundo at natameme ng mga sandaling iyon. Gusto niyang magsalita ito at magbigay ng opinyon sa sinasabi ni Gavin na nais niyang mapag-isa kasama siya. Kapag sinabi ni Bethany na ayaw niyang maiwan doon, taos sa puso niyang gagawin iyon kahit pa si Gavin Dankworth iyon. Hinihintay niya lang talaga itong umangal, magreklamo at sabihing ayaw niya. Ngunit nanatiling tikom ang bibig ng dalaga na hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga sandaling iyon. Para itong nabato-balani na hindi na makapagsalita. Nakahanda si Patrick na piliing sundin ang sasabihin nito kumpara sa pakiusap ni Gavin sa kanya na bagamat halos ka-edad lang nila ni Albert, pagdating sa pagiging super successful sa karera at sa buhay nito ngayon kung kaya naman mataas ang respeto niya at paghanga sa binata. Ilang minuto pa ang lumipas at bago lumabas ay nagawa pa niyang kumindat kay Bethany na baha
NAGKUKUMAHOG NA LUMAPIT na kay Bethany si Gavin nang makitang unti-unting napahikbi ang dalaga. Nakatuon pa rin ang kanyang mga mata sa mukha ni Bethany na hindi na gumalaw doon kung kaya hindi nakatakas sa kanya ang tanawing iyon. Lalo pang naiyak sa sama ng loob ang dalaga sa ginawa ni Gavin. Bakit siya ang bini-bintangan na may sala ng scandal na nangyari? Sa tingin ba ng lalakeng ito ay mahal pa niya ang dating nobyong si Albert? Iyon ba ang paniniwala nito dahil sa pagkakamaling nagawa niya noon sa abogado sa loob ng bar? Napaka-judgemental naman!“Bethany…”Ini-unat ni Gavin ang kanyang isang kamay upang haplusin sana ang kaliwang pisngi ng dalaga pero mabilis na iniiwas ni Bethany ang mukha niya. Bukod sa sobrang napahiya siya ay anong karapatan nitong gawin iyon sa kanya? Wala sila doong malinaw na relasyon.“Maaaring hindi mo pa tanggap ang lahat hanggang ngayon, pero makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko. Hindi ka na mahal ni Albert. Niloko ka niya at naghanap siya ng iba
DAHIL SA WALANG katapusang pangungulit ni Patrick ay napilitan si Bethany na samahan na lang ang lalake sa hospital para manahimik na ito. Paglabas niya kasi kanina ng police station ay iyon na ang naging bukambibig ng lalake. Hindi na mapigilang mairita ng dalaga sa kanya dahil para bang nananadya itong sayangin ang oras niya at ubusin ang pisi ng pasensya niya. Tumagal sila ng halos dalawang oras doon para lang sa maliit na sugat ni Patrick. Hindi pa nakuntento doon si Patrick, nag-request pa ang lalake ng CT-Scan para raw siguradong walang mali sa katawan niya. “Nabagok ka ba para mag-request niyan? Patrick naman, kailangan ko ng umuwi.” ikot na ng mata ni Bethany upang ipakita ang inis niya at hindi na siya natutuwa sa mga ginagawa nito. “Ang layo sa bituka.”“Bumagsak ako sa sahig—”“Oo nga bumagsak ka, pero hindi ka naman—”“Hayaan mo na ako, Bethany. Mabuti na iyong sigurado di ba? Baka sa huli ay pagsisihan kong hindi ko pinatingnan ang katawan ko.”Hindi na doon nakipagtalo
HUMALAY SA PALIGID ang matinis na hagikhik ni Brian na nakiliti sa matalas na stubbles ng ama na dumikit sa balat niya nang halikan siya nito. Nagawa pa siyang sabunutan ni Brian sa sobrang kiliti na kanyang nararamdaman, bagay na hindi pinansin ni Giovanni. Itinigil lang niya ang paghalik sa anak nang makitang nakalapit na ang mga magulang ni Briel na bagama’t nakangiti sa kanya ay alam niyang may mga sentemyento at hinaing sa pagiging napakabagal niya. Aminado naman siya doon, subalit may mga bagay lang din naman siyang isinasaalang-alang na tanging ang panganay lang nilang anak na si Gavin ang siyang nakakaalam. Kung siya ang masusunod, matagal na niya sanang nauwi sa bansa ang kanyang mag-ina. Kung gagawin naman niya iyon, ang abogadong si Gavin naman ang tiyak kalaban niya.“Uuwi si Briel ng New Year.” anunsyo ng Ginang na inilahad pa sa kanya ang sofa, ikinatango lang iyon ni Giovanni kahit na mayroon sana siyang reaction kagaya ng bakit sa New Year pa kung pwede namang sa Pask
MALAKAS NA TUMAWA lang si Briel, halata sa kanyang mukha na ayaw pa rin niyang magkuwento ng tungkol sa bagay na iyon ngayon kahit na sa matalik niyang kaibigan. Wala lang, parang nasanay na siyang hindi na ito binabalikan. Pakiramdam niya rin ay parang kahapon lang siya umalis ng Pilipinas. Ni wala na nga siyang balita ngayon kay Giovanni. Ni hindi na rin naman ito nagparamdam pa sa kanya kung kaya bakit pag-aaksayahan niya pa ito ng panahon? Anong gagawin niya? Siya na naman ang mauuna at gagawa ng hakbang? No way! Never na niyang gagawin ang bagay na iyon. Natuto na siyang pahalagahan ang kanyang sarili. Isa pa, kung mahalaga sila ni Brian kay Giovanni, hindi nito patatagalin na hindi sila makitang mag-ina. Ibang-iba talaga ang ugali ni Giovanni sa kapatid niya. Malayo.“Paano ba nakakabuo ng anak ang dalawang tao? Syempre nag-sex kaming dalawa!” irap ni Briel na pumaparada na. Nakaani na siya agad ng isang kurot sa tagiliran mula kay Farrah na pulang-pula ang buong mukha. Nang-aa
NOONG UNA AY naninirahan sina Briel sa tahanan ng ama ng kanyang hipag na sina Mr. Conley, ngunit hindi nagtagal matapos ang isang buwan niyang pagtra-trabaho ay pinayagan na rin siya ng mag-asawa na bumukod ngunit malapit lang din naman iyon sa kanilang bahay. Laking pasasalamat ni Briel na hindi siya itinuturing na iba ng mag-asawa bagkus ay parang naging anak na siya ng mga ito dahil sa paraan ng kanilang pag-aasikaso sa kanilang mag-ina.“Sigurado ka ba talagang kaya mo na, Briel?” tanong ni Estellita na asawa ni Alejandrino sa araw na sinabi niyang may nahanap na siyang kanilang titirhan na mag-ina, “Tandaan mo na palaging bukas ang pintuan ng tahanang ito sa inyong mag-ina. Para ko na ‘ring apo itong si Brian…at para ka na rin naming anak ni Drino.” malambing nitong litanya. “Opo, Tita. Kaya na namin ni Brian na bumukod. Papasyal-pasyal na lang po kami dito kapag wala akong trabaho o kung gusto niyo po ay pwede rin naman po kayong magtungo sa tahanan namin. Ilang blocks lang an
NAG-APPLY SA ISANG sikat na kumpanya ng clothing line si Briel bilang isang designer, isang Linggo matapos nilang makarating ng Canada. Hindi naman siya doon nabigo dahil sa mga credentials niya at talento ay agad siyang tinanggap kahit pa inamin niya sa kanila na mayroon siyang anak. Umano ay hindi naman magiging sagabal o balakid sa kanyang trabaho ang kanyang kasamang anak. At dahil sa naging matunog na pangalan niya online na nadadawit sa Gobernador na hindi nakaligtas sa kanyang kaalaman na kumalat online ay inasahan na ni Briel na mahihirapan siya at mabu-bully kahit nasa ibang bansa siya, ngunit kabaliktaran naman noon ang nangyari. Dalawang palad siyang tinanggap ng kompanya na malaking bagay na pinagpapasalamat niya. Tahimik na pinanood niya rin ang naging press conference ni Giovanni pagkaraan ng ilang araw na aaminin niyang sobrang nasaktan siya. Nakikita niya na hindi pa talaga handa ang Gobernador na manindigan sa kanilang mag-ina, kung kaya naman hindi niya na iyon ipip
NANG MARINIG IYON ay napaahon na si Gavin sa kanyang inuupuan. Kakarating pa lang niya ng mansion at kasalukuyang nagtatanggal pa lang siya ng suot niyang medyas. Mukhang nagising na sa pagkakatulog sa kahibangan ang Gobernador kung kailan mas lumaki pa ang problema niya. Ganunpaman ay willing naman si Gavin na tulungan pa rin ito dahil batid niyang para rin iyon sa kapakanan ng kanyang kapatid na si Briel at hindi kung para rin kanino iyon.“Okay? Buo na ba ang desisyon mo, Governor Bianchi? Ipapakulong ko ang babaeng iyon. Makukulong siya. Kaya mo?”Napabuga ng usok ng sigarilyo si Giovanni na sa mga sandaling iyon ay halos wala pang maayos na tulog. Sinubukan niyang tawagan ang pamangkin ngunit hindi nito sinasagot. Na-lowbat na lang ang cellphone niya, walang nangyari. Ni hindi ito tumawag pabalik upang mag-reached out kung ano ang kanyang kailangan. At dahil bagong anak pa lang ito ay hindi na rin niya naman kinulit pa. Doon siya mas lalong napaisip lalo na pagbalik niya ng kanil
MULI PANG NAPAHILOT ng kanyang sentido si Giovanni habang ang mga mata niya ay nananatili pa rin kay Margie. Hangga’t maaari ayaw na niyang palawigin pa ang kanilang problema. Tama na sa kanya ang nasabi niya na ang lahat. Hindi na kailangan pang kung saan-saan sila mapunta habang inaayos ang kanilang naging problema.“Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Tito. Just file the case, ako na ang bahala sa iba pang mga kailangan. Kung kinakailangan ay hahalungkatin ko ang buong pagkatao niya. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang lahat ng kasalanan niya.” dagdag pa ni Gavin na nababasa na ang pagdadalawa ng isip ni Giovanni ng dahil sa pananahimik nito.Bagama’t narinig naman ito nang malinaw ni Giovanni ay hindi pa rin siya nagsalita. Tinitimbang niya ang sitwasyon. Hindi nila kailangang umabot doon. Kapag ginawa nila iyon mas lalo lang lalala ang lahat at mas sasama pa si Margie. Kawawa rin naman iyong babae. May pinagsamahan sila kung kaya parang ayaw niyang umabot sila doon. Sa p
HINDI PA MAN iyon kinukumpirma ni Giovanni na siya nga ay marahas ng napatayo si Margie mula sa kanyang kinauupuan. Ang mga mata ng babae ay nakabaling na kay Giovanni na para bang hinihingan niya ito ng paliwanag. Hindi siya makapaniwala nang makita niyang bahagyang mamula ang pisngi ni Giovanni na para bang kinikilig ito sa tanong kahit pa masyado na iyong personal. Kung hindi iyon totoo, malamang ay itinanggi na niya ang katanungan. Mali pa pala siya na ang buong akala niya in laws lang ang relasyon na mayroon si Giovanni at ang spoiled brat na kapatid ng asawa naman ng pamangkin ng Gobernador na si Bethany Guzman; si Gavin Dankworth na isang abogado. Naisip ni Margie na kaya marahil inilihim iyon ni Giovanni at ayaw pang ipaalam ay dahil nga naman isang malaking eskandalo at kahihiyan iyon ng kani-kanilang pamilya, kahit pa walang mali kung magmamahalan sila. Bukod sa agwat din ng kanilang edad, ang relasyon din na mayroon at namamagitan sa kanilang dalawa ng asawa nitong pamangki
NAGKASALUBONG NA ANG mga kilay ni Giovanni dahil awtomatiko ng napaharap sa banda niya ang mga camera ng mga journalist na kanina lang ay naka-focus pa ang buong atensyon kay Margie. Kulang na lang ay mapakamot sa kanyang ulo ang Gobernador nang dahil sa panibagong usok ng isyu na muli pang sinindihan ni Margie. Bingyan pa nitong panibagong cravings ang ang mga media na naroroon. Ngumisi pa ang babae dahil napagtagumpayan nitong pagtakpan ang kasamaang ginawa niya kay Giovanni. Ganun kabilis na naibaling ni Margie ang atensyon ng lahat mula sa babae patungong muli kay Giovanni na ang buong akala ay matatapos na doon ang lahat. Lihim na naikuyom na ng Gobernador ang kanyang mga kamay. Sobrang pagtitimpi na ang kanyang ginagawa huwag lang siyang sumabog dito.“Bakit ba ayaw mong ilabas ang tungkol sa mag-ina mo? Nagsisinungaling lang ba ako? Patunayan mo. Hindi ba at ito ang totoo? Patunayan mo, Governor Bianchi. Sige, itanggi mo pa sila…” lantarang hamon pa rin sa kanya ni Margie.Kumi
MAKAILANG BESES NG NAPAHILOT na sa kanyang sentido si Giovanni nang makitang nakarehistro ang pangalan ng kanyang pamangkin sa screen ng cellphone niya. Sumasabay pa talaga ito sa problema niya. Sa halip na sagutin ay pinatay niya na ang tawag dahil hindi rin naman sila magkakaintindihan ni Bethany sa ginagawang malakas na pagngawa ni Margie na akala mo ay kinakatay na baboy. Paulit-ulit nitong sinasabi na wala siyang kasalanan at marapat lang na hayaan niya. Hindi na natapos ang babae doon kahit pa namamalat na ang boses ng dahil dito.“Pinatayan ako ni Tito ng tawag,” hindi makapaniwalang turan ni Bethany na hinarap na ang asawa na kakarating lang ng mansion ng sandaling iyon. Ipinahaba pa niya ang kanyang mga nguso dito.Hilaw na natawa na si Gavin. Ilang beses na umiling. Hindi na rin malaman pa kung ano pa ang gusto nito.“Hayaan mo na siya. Huwag mong sabihin ang tungkol kay Briel. Hayaan natin siyang maghanap sa mag-ina kung saang lupalop na ng mundo naroon.” “Baka kasi busy ri