SA MGA SUMUNOD na araw ay naging busy si Bethany sa pag-aasikaso ng maraming mga bagay. Nakipagkita siya kay Attorney Hidalgo at sa ilang beses na pagpunta niya sa office nito ay naipasa na niya ang lahat ng documents na kailangan ng abugado. At ang araw na iyon ay ang pinaleng pakikipagkita nila para masinsinang makausap siya nito. Tahimik niyang pinagmasdan ang abugado sa harapan niya na pinapasadahan ng mata ang mga documents na kanyang hawak. Iyon din ang araw na medyo nagtagal siya sa malawak na opisina ng abogado. Noong mga nakaraang araw kasi, kung wala ang abugado tuwing pupunta siya ay busy naman ito sa ibang kaso kaya madali lang siya doon.“Tutal ay ipinakiusap ni Attorney Dankworth na kunin ko ang kaso ng iyong ama, sasabihin ko na sa’yo ang totoo, hija. Base sa mga na-submit mong documents at explanation, kaya nating mapababa ang magiging sentence ng ama mo sa dalawang taon.” anitong itinaas pa sa kanya ang mata gamit anng suot na salamin sa mata.Napa-angat na sa upuan a
MAGDADAHILAN PA SANA ng kung anu-ano si Bethany, subalit sa bandang huli dala ng hiya sa ama ng lalake ay napilitang pumayag na lang ang dalaga. Baka kasi magsumbong ito sa ama at bitawan na naman nito ang kaso. Hindi niya na alam ang gagawin o kung saan pa siya hahanap ng abugado kapag nangyari iyon. Saka si Gavin Dankworth na ang nagbigay nito sa kanya, mamaya kapag lumapit siya dito baka hindi na ito tumulong pa.“Sige na nga.”Mabilis na nagliwanag ang mukha ni Patrick na animo ay tumama ito sa lotto.“Yown!” hiyaw pa nito na animo naka-score sa kanyang nilalaro, “Saglit lang Bethany, kukunin ko lang ang sasakyan ko. Hintayin mo na lang ako dito.”Naiiling na sinundan niya ng tingin ang lalake. Mukha naman itong mabait. Hindi rin naman mukhang bastos at maniac gaya na lang ng isang taong kakilala niya. Mabilis niyang ipinilig ang ulo ng maalala si gavin. Hindi niya dapat iniisip ngayon ang binata. Paghinto ng sasakyan nito sa kanyang harapan ay walang arte na siyang lumulan sa kul
NAPAPAHIYA NG NAPAKURAP ng mga mata doon si Bethany. Mabilis ng nag-iwas ng kanyang mga mata kay Albert. Bigla siyang natauhan nang marinig ang inosenteng boses ng babae at matagpuang nasa harapan niya ito ngayon. Akmang sasagot na sana si Albert sa katanungan ng kanyang fiancee, nang unahan siyang magsalita ni Patrick na parang nang-aasar ang tono na alam niyang patungkol sa nakaraan nila ni Bethany.“Si Bethany, kaibigan ko kaya malamang ay kilala niya rin. Huwag kang mag-alala, Briel. Ang loyal niyang kaibigan ko sa’yo. Sa sobrang loyal nga niyan ay hindi niya kayang tumingin sa mukha ng ibang babae eh.” tumikwas pa ang gilid ng labi ni Patrick habang nasa kay Albert pa rin ang paningin.Halata sa mukha ni Albert na hindi niya nagustuhan ang sinabing iyon ni Patrick, ngunit hindi siya maka-react dahil kasama niya ang fiancee. Kung hindi lang ay malamang kanina niya pa pinulbos ang mukha ng kaibigan ng mga kamao niya dahil parang hinahamon siya nito ng away ngayon. Minabuti na lang
LINGID SA KAALAMAN ng mga naroon ang tunay na nangyari. Nang gumamit ng banyo si Patrick ay sumunod doon si Albert. Hindi naman ito direktang nakipag-away agad. Ginawa niya lang iyon dahil nais niyang makipag-usap ng lalake sa lalake sa kaibigan. Baka na-misunderstood niya lang din ito.“Bakit kasama mo si Bethany?” tanong ni Albert na puno na ng pagkadismaya ang tinig, hindi niya ito pinahalata pero mababakas iyon sa tinig niya. “Sa lahat ng lugar dito mo pa talaga siya dinala?” “Nasagot ko na ang tangong mo kanina kung paano kami nagkita. Isa pa, gusto niyang kumain ng korean food. Ito lang ang naisip kong lugar kung saan pwede siyang magtanggal ng stress. Hindi ko naman alam na pupunta kayo dito eh.” katwiran ni Patrick sa kaibigan na lalo pang uminit ang ulo, "Kung alam ko iyon sa tingin mo ba ay gugustuhin pa naming pumunta sa restaurant na ito?"“Inaasar mo ba talaga ako, Patrick?” Napuno ng biglang kinuwelyuhan ni Albert ang kaibigan na napataas na doon ang dalawang kamay, si
ILANG BESES NA sinulyapan ni Patrick si Bethany na tahimik lang na nakatayo sa gilid na parang may sarili itong mundo at natameme ng mga sandaling iyon. Gusto niyang magsalita ito at magbigay ng opinyon sa sinasabi ni Gavin na nais niyang mapag-isa kasama siya. Kapag sinabi ni Bethany na ayaw niyang maiwan doon, taos sa puso niyang gagawin iyon kahit pa si Gavin Dankworth iyon. Hinihintay niya lang talaga itong umangal, magreklamo at sabihing ayaw niya. Ngunit nanatiling tikom ang bibig ng dalaga na hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga sandaling iyon. Para itong nabato-balani na hindi na makapagsalita. Nakahanda si Patrick na piliing sundin ang sasabihin nito kumpara sa pakiusap ni Gavin sa kanya na bagamat halos ka-edad lang nila ni Albert, pagdating sa pagiging super successful sa karera at sa buhay nito ngayon kung kaya naman mataas ang respeto niya at paghanga sa binata. Ilang minuto pa ang lumipas at bago lumabas ay nagawa pa niyang kumindat kay Bethany na baha
NAGKUKUMAHOG NA LUMAPIT na kay Bethany si Gavin nang makitang unti-unting napahikbi ang dalaga. Nakatuon pa rin ang kanyang mga mata sa mukha ni Bethany na hindi na gumalaw doon kung kaya hindi nakatakas sa kanya ang tanawing iyon. Lalo pang naiyak sa sama ng loob ang dalaga sa ginawa ni Gavin. Bakit siya ang bini-bintangan na may sala ng scandal na nangyari? Sa tingin ba ng lalakeng ito ay mahal pa niya ang dating nobyong si Albert? Iyon ba ang paniniwala nito dahil sa pagkakamaling nagawa niya noon sa abogado sa loob ng bar? Napaka-judgemental naman!“Bethany…”Ini-unat ni Gavin ang kanyang isang kamay upang haplusin sana ang kaliwang pisngi ng dalaga pero mabilis na iniiwas ni Bethany ang mukha niya. Bukod sa sobrang napahiya siya ay anong karapatan nitong gawin iyon sa kanya? Wala sila doong malinaw na relasyon.“Maaaring hindi mo pa tanggap ang lahat hanggang ngayon, pero makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko. Hindi ka na mahal ni Albert. Niloko ka niya at naghanap siya ng iba
DAHIL SA WALANG katapusang pangungulit ni Patrick ay napilitan si Bethany na samahan na lang ang lalake sa hospital para manahimik na ito. Paglabas niya kasi kanina ng police station ay iyon na ang naging bukambibig ng lalake. Hindi na mapigilang mairita ng dalaga sa kanya dahil para bang nananadya itong sayangin ang oras niya at ubusin ang pisi ng pasensya niya. Tumagal sila ng halos dalawang oras doon para lang sa maliit na sugat ni Patrick. Hindi pa nakuntento doon si Patrick, nag-request pa ang lalake ng CT-Scan para raw siguradong walang mali sa katawan niya. “Nabagok ka ba para mag-request niyan? Patrick naman, kailangan ko ng umuwi.” ikot na ng mata ni Bethany upang ipakita ang inis niya at hindi na siya natutuwa sa mga ginagawa nito. “Ang layo sa bituka.”“Bumagsak ako sa sahig—”“Oo nga bumagsak ka, pero hindi ka naman—”“Hayaan mo na ako, Bethany. Mabuti na iyong sigurado di ba? Baka sa huli ay pagsisihan kong hindi ko pinatingnan ang katawan ko.”Hindi na doon nakipagtalo
NANDILAT NA DOON ang mga mata ng dalaga, dumagundong na ang malakas na pintig ng puso niya na parang anumang oras ay sasabog sa sobrang takot. Nanlamig na ang pawis na lumabas sa kanyang katawan kahit na malamig ang simoy ng hangin ng mga sandaling iyon dahil sa mga bukas pang bintana sa sala ng bahay nila. Walang hirap na hinila ng kung sinuman ang katawan niya patungo sa may hagdan kung saan ay medy tago at walang sinumang makakakita sa kanila.. Pinili ni Bethany ang maging kalmado at huwag agad mag-panic nang sa ganun ay isipin ng salarin na mahina siyang nilalang at walang match o planong manlaban sa kanya.“Bitawan mo ako!” nagawa niyang isigaw matapos na puwersahang tanggalin ang kamay nitong nakahawak sa kanyang bibig. “Ano ba?!”Sumunod naman ang lalake sa sinabi niya pero hindi niya inasahan ang sunod na nangyari. Sinunggaban siya nito matapos na hawakan sa magkabilang gilid ang kanyang ulo at walang pakundangan na siniil ng halik sa labi na ikinatigas pa ng katawan niya sa k