LINGID SA KAALAMAN ng mga naroon ang tunay na nangyari. Nang gumamit ng banyo si Patrick ay sumunod doon si Albert. Hindi naman ito direktang nakipag-away agad. Ginawa niya lang iyon dahil nais niyang makipag-usap ng lalake sa lalake sa kaibigan. Baka na-misunderstood niya lang din ito.“Bakit kasama mo si Bethany?” tanong ni Albert na puno na ng pagkadismaya ang tinig, hindi niya ito pinahalata pero mababakas iyon sa tinig niya. “Sa lahat ng lugar dito mo pa talaga siya dinala?” “Nasagot ko na ang tangong mo kanina kung paano kami nagkita. Isa pa, gusto niyang kumain ng korean food. Ito lang ang naisip kong lugar kung saan pwede siyang magtanggal ng stress. Hindi ko naman alam na pupunta kayo dito eh.” katwiran ni Patrick sa kaibigan na lalo pang uminit ang ulo, "Kung alam ko iyon sa tingin mo ba ay gugustuhin pa naming pumunta sa restaurant na ito?"“Inaasar mo ba talaga ako, Patrick?” Napuno ng biglang kinuwelyuhan ni Albert ang kaibigan na napataas na doon ang dalawang kamay, si
ILANG BESES NA sinulyapan ni Patrick si Bethany na tahimik lang na nakatayo sa gilid na parang may sarili itong mundo at natameme ng mga sandaling iyon. Gusto niyang magsalita ito at magbigay ng opinyon sa sinasabi ni Gavin na nais niyang mapag-isa kasama siya. Kapag sinabi ni Bethany na ayaw niyang maiwan doon, taos sa puso niyang gagawin iyon kahit pa si Gavin Dankworth iyon. Hinihintay niya lang talaga itong umangal, magreklamo at sabihing ayaw niya. Ngunit nanatiling tikom ang bibig ng dalaga na hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga sandaling iyon. Para itong nabato-balani na hindi na makapagsalita. Nakahanda si Patrick na piliing sundin ang sasabihin nito kumpara sa pakiusap ni Gavin sa kanya na bagamat halos ka-edad lang nila ni Albert, pagdating sa pagiging super successful sa karera at sa buhay nito ngayon kung kaya naman mataas ang respeto niya at paghanga sa binata. Ilang minuto pa ang lumipas at bago lumabas ay nagawa pa niyang kumindat kay Bethany na baha
NAGKUKUMAHOG NA LUMAPIT na kay Bethany si Gavin nang makitang unti-unting napahikbi ang dalaga. Nakatuon pa rin ang kanyang mga mata sa mukha ni Bethany na hindi na gumalaw doon kung kaya hindi nakatakas sa kanya ang tanawing iyon. Lalo pang naiyak sa sama ng loob ang dalaga sa ginawa ni Gavin. Bakit siya ang bini-bintangan na may sala ng scandal na nangyari? Sa tingin ba ng lalakeng ito ay mahal pa niya ang dating nobyong si Albert? Iyon ba ang paniniwala nito dahil sa pagkakamaling nagawa niya noon sa abogado sa loob ng bar? Napaka-judgemental naman!“Bethany…”Ini-unat ni Gavin ang kanyang isang kamay upang haplusin sana ang kaliwang pisngi ng dalaga pero mabilis na iniiwas ni Bethany ang mukha niya. Bukod sa sobrang napahiya siya ay anong karapatan nitong gawin iyon sa kanya? Wala sila doong malinaw na relasyon.“Maaaring hindi mo pa tanggap ang lahat hanggang ngayon, pero makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko. Hindi ka na mahal ni Albert. Niloko ka niya at naghanap siya ng iba
DAHIL SA WALANG katapusang pangungulit ni Patrick ay napilitan si Bethany na samahan na lang ang lalake sa hospital para manahimik na ito. Paglabas niya kasi kanina ng police station ay iyon na ang naging bukambibig ng lalake. Hindi na mapigilang mairita ng dalaga sa kanya dahil para bang nananadya itong sayangin ang oras niya at ubusin ang pisi ng pasensya niya. Tumagal sila ng halos dalawang oras doon para lang sa maliit na sugat ni Patrick. Hindi pa nakuntento doon si Patrick, nag-request pa ang lalake ng CT-Scan para raw siguradong walang mali sa katawan niya. “Nabagok ka ba para mag-request niyan? Patrick naman, kailangan ko ng umuwi.” ikot na ng mata ni Bethany upang ipakita ang inis niya at hindi na siya natutuwa sa mga ginagawa nito. “Ang layo sa bituka.”“Bumagsak ako sa sahig—”“Oo nga bumagsak ka, pero hindi ka naman—”“Hayaan mo na ako, Bethany. Mabuti na iyong sigurado di ba? Baka sa huli ay pagsisihan kong hindi ko pinatingnan ang katawan ko.”Hindi na doon nakipagtalo
NANDILAT NA DOON ang mga mata ng dalaga, dumagundong na ang malakas na pintig ng puso niya na parang anumang oras ay sasabog sa sobrang takot. Nanlamig na ang pawis na lumabas sa kanyang katawan kahit na malamig ang simoy ng hangin ng mga sandaling iyon dahil sa mga bukas pang bintana sa sala ng bahay nila. Walang hirap na hinila ng kung sinuman ang katawan niya patungo sa may hagdan kung saan ay medy tago at walang sinumang makakakita sa kanila.. Pinili ni Bethany ang maging kalmado at huwag agad mag-panic nang sa ganun ay isipin ng salarin na mahina siyang nilalang at walang match o planong manlaban sa kanya.“Bitawan mo ako!” nagawa niyang isigaw matapos na puwersahang tanggalin ang kamay nitong nakahawak sa kanyang bibig. “Ano ba?!”Sumunod naman ang lalake sa sinabi niya pero hindi niya inasahan ang sunod na nangyari. Sinunggaban siya nito matapos na hawakan sa magkabilang gilid ang kanyang ulo at walang pakundangan na siniil ng halik sa labi na ikinatigas pa ng katawan niya sa k
DAHIL LIKAS NA masama si Albert, sa loob lang ng dalawang araw ay bigla na lang na-froze ang lahat ng mga ari-arian ng pamilya Guzman. Kasama na doon ang dalawang bahay nila na ang isa ay ang mismong tinitirahan nila ngayon. Hindi lang iyon, ang mga stocks assets din na nasa pangalan ng ama ni Bethany ay hindi pinalagpas ng lalake. Iyon ang naging ganti niya sa ginawa ni Bethany at madrasta sa kanya na sa mga araw na iyon ay dahilan kung bakit masakit pa rin ang kanyang katawan. Mismong ang korte na ang nag-decide na gawin iyon at walang nagawa ang dalawang babae. Ito rin ang naging dahilan para ma-hospital ang madrasta ni Bethany na kinailangan ng IV drip dahil sa sobrang hina ng katawan nito na parang bibigay na.“Hindi pwedeng gawin iyon sa atin ng lalakeng iyon!” bulalas ng Ginang ng magising na nasa hospital siya at malamang totoo ang naalala niya bago pa man mawalan ng malay, “Hindi ako papayag. Ilalaban ko ang karapatan namin. Sumu-sobra na siya!”Walang pakundangan na pinuntah
NAPILITAN SI BETHANY na sabihin dito ang nangyari para tulungan siya. Hindi niya rin naman mapipilit ang kaibigan lalo at wala siyang masabing dahilan. Ang alam lang nito ay ang tungkol sa ama niya. Hindi nito alam ang tungkol sa frozen nilang assets na maging ang bahay nila ay idinamay doon ni Albert.“Ano? Napaka-hayop talaga ng lalakeng iyon!” reaksyon nitong sa tawag pa lang ay alam ng dalaga na umuusok na ang bunbunan, “Ano pa bang gusto ng hayop na iyon? Bakit ginugulo niya pa ang buhay mo? Pagkatapos ng ginawa niya? Grabe, napaka-walang puso niya!”“Kaya sige na, Rina. Ha? Tulungan mo naman ako. Kailangan kong mag-ipon lalo pa ngayon at kailangan kong mag-room for rent. Isa pang bayarin ko iyon buwan-buwan. Please? Tulungan mo ako.” pakiusap pa ni Bethany na unti-unti ng pumapatak ang mga luha.“Oo na. Hahanapan na kita pero ipangako mo sa akin na hindi mo papabayaan ang sarili mo. Maliwanag? Mahirap magkasakit. Health is wealth. Kung magkakasakit ka, paano mo malalabas ang Pap
NAKANGITING NAGPAALAM SA mga ka-trabaho niya si Bethany pagsapit ng alas-diyes. Closing siya. Ibig sabihin isa siya sa mga magsasara ng restaurant na staff. Nagtatawanan at sabay-sabay pa silang lumabas at sabay-sabay din sila halos napaatras nang magsimulang bumagsak ang marahang patak ng ulan. Ang iba pa sa kanila ay napairit dahil hindi napaghandaan ang masungit na panahon. Kanya-kanya silang kuha ng mga payong niyang dala.“Mauuna na kami, Bethany. Ingat ka pauwi ha?” kaway sa kanya ng mga kasama na halatang nagmamadali ng makaalis sa lugar.“S-Sige, kayo rin.”“Wala kang dalang payong?” “Wala eh, pero ayos lang. Titila rin naman siguro iyan.”“Naku, paano kung oras ang dumaan?”“Sige na, lakad na ako na ang bahala sa sarili ko. See you bukas, bye!” Tumango lang si Bethany. Pinanood na silang nagsimula na doong humakbang patungo sa kabilang direksyon dahil doon halos ang way ng mga katrabaho, siya lang ang nag-iisang naiiba. Kung sakali na doon din ang rota niya malamang ay maki
HALOS MAPABUNGHALIT NA ng tawa si Gavin nang muli niyang ilingon ang mukha sa may passenger seat ng kanyang sasakyan. Sa mga tingin ni Bethany ay animo papatayin na siya nito o lalamunin nang buo. Puno iyon ng pagbabanta na panay ang irap sa kanya. Nakahalukipkip pa ang dalaga upang ipakita na hindi siya natutuwa. Naiipit kasi sila ngayon sa matinding traffic na lingid sa kaalaman nila ay may aksidente sa bandang unahan kung kaya naman usad pagong sila. “Wala na, nilamon na ng malalaking bituka ko iyong maliliit. Gutom na gutom na ako!”“Thanie? Patience please? Wala namang may gusto na maipit tayo sa traffic—”“Bakit hindi mo sinabi sa aking malayo pala? Sana naghanap na lang ako ng ibang resto na mas malapit!” reklamo nitong parang kasalanan ni Gavin ang mga nangyari, “Sinadya mo bang hindi sabihin sa akin ha?”“Baby, anong sinadya?” gagap niya sa isang kamay ng dalaga ngunit matigas ito at ayaw ipahawak iyon sa kanya, “Hindi mo kasi ako pintapos na magsalita kanina. Hinila mo ako
NAGPALINGA-LINGA SA PALIGID nila si Gavin na may nahihiyang mukha habang panay ang abot ng yakap niyang tisyu sa nobya na nakaupo pa rin. Tipong wala pa itong planong tumayo mula sa kanilang kinauupuan kahit na nag-aalisan na ang mga kasabayan nilang nanood ng movie. Tapos na ang palabas, at base sa reaction ng ng dalaga ay sobra itong na-touch sa naging ending ng movie. Naiintindihan naman ni Gavin iyon dahil hindi lang naman ito ang umiyak, marami sa mga nanood pero naka-move on naman agad. Ang hindi niya maintindihan ay ang nobya na sobrang affected pa rin na animo siya iyong bida. Isa pa, happy ending naman iyon kaya walang nakakaiyak para sa kanya. Isa pa ito sa hindi niya maintindihan.“Thanie, ano bang nakakaiyak? Happy ending naman siya di ba? They live happily ever after pagkatapos ng mga pinagdaanan.”maamo ang tinig na tanong ni Gavin na bahagyang hinagod ang likod nito.Nag-angat na ng mukha niya si Bethany. Napilitan si Gavin na tulungan ito sa baha ng mga luha sa kanyang
KWELANG SINAGOT AT sinakyan sila ni Gavin kahit na anong awat sa kanya ni Bethany. Halatang proud na proud ang abogadong pag-usapan nila ang bagay na iyon sa harap ng pulang-pula na sa kilig na fiancee. “Soon, i-surprise announcement na lang namin sa inyo kung kailan.”“Wow, congratulation’s na kaagad sa inyo ni Miss Guzman, Attorney Dankworth!” “Salamat, invited kayong lahat. Hindi niyo pwedeng palampasin ang pakikipag-isang dibdib ng amo niyo sa pinaka-gwapo at pinaka-matalinong abogado sa buong bansa.” Umikot na sa ere ang mga mata ni Bethany na hindi nakaligtas sa mga mata ni Gavin. Talagang pumasok pa sa loob ng music center ang binata kahit na sinabi ni Bethany na sa parking na lang siya at lalabas na rin naman siya. Hindi nakinig ang binata na nakita na lang niyang nakapasok na sa pintuan. May bouquet pa itong dala kung kaya naman hindi na mapigilan ang iritan ng mga employee ng music center na ang karamihan ay mga babae. Hindi na tuloy napigilan pa ni Bethany na mamula. Ida
NANG HINDI PA rin sumagot si Bethany ay lumipat na si Gavin sa kabilang banda kung saan nakita niyang namumula na ang mga mata nito habang mariing nakatikom ang kanyang bibig. Natataranta ng napabangon ang binata at pilit na pinabangon si Bethany nang makita niyang humihikbi ito kasabay ng pagbagsak ng ilang butil ng kanyang mga luha. “Hey, Thanie? Bakit ka umiiyak? Para iyon lang? Dahil ba hindi pa alam ng family ko na okay na tayo?” sunod-sunod niyang tanong na hindi malaman kung matatawa ba o ano sa hitsura at ragasa ng emosyon ng kanyang kasintahan. “Baby? Ang simpleng bagay noon. Hindi mo kailangang iyakan. Damn it, Thanie! Para ka namang bata diyan…” nilakipan pa iyon ng abogado ng mahinang pagtawa upang ipakitang nakakatawa ang kanyang hitsura ngayon. “Bitawan mo ako!” palo niya sa braso ni Gavin at hinila ang kumot patakip ng buo niyang katawan, “Nakakainis ka!” “Baby? You are acting weird. Para iyon lang? Iiyakan mo? Napaka-raw naman ng buhos ng emotion mo, Thanie…”Inipit
TUMAGAL NANG HALOS ilang oras ang kanilang bakbakan kung kaya naman nang matapos ay kapwa wala silang lakas, nanlilimahid sa pawis ang buong katawan at hingal na hingal na magkatabi silang bumagsak sa ibabaw ng kamang mainit at kahindik-hindik na pinaglabanan ng walang saplot nilang mga katawan kanina. Tumagilid si Gavin kay Bethany at nakangising yumakap sa kanyang katawan. Ipinikit nito ang kanyang mga matang isa’t-isa ang hinga.“Nakakapagod magbigay ng reward.” bulong ng binatang naka-ani ng mga pinong kurot mula kay Bethany na namumula ang leeg sa dami ng mapupulang marka na inilagay ni Gavin sa kanya, “Pero sulit ang dalawang linggo.”Humarap na kay Gavin si Bethany at yumakap. Walang hiya pa nitong itinanday ang kanyang isang hita. “Ang sakit noon ah.” “Masakit ba talaga? Hindi masarap?” panunukso ni Gavin na mabilis siyang ninakaw ng halik sa labi. “Masakit na masarap, parang mahahati ang balakang ko sa dalawa.” Mahinang humagikhik lang si Gavin. “Thanie, gutom na ako. Sa
PAGKABABA NI GAVIN ng tawag ay inilang hakbang lang niya ang distansya upang tawirin ang pagitang naghihiwalay sa kanilang dalawa ng nobya. Walang pag-aalinlangan na niyang niyakap sa beywang ang dalaga gamit ang dalawa niyang palad. Malakas nang napairit sa ginawa ni Gavin si Bethany. Paano kasi, hindi lang yakap ang basta ginawa nito kundi bigla ba naman siya nitong parang bulak na binuhat! Saglit siyang inikot-ikot sa ere na parang sanggol at nang muling lumapat ang kanyang mga paa sa sahig ay pinupog naman ni Gavin ng halik ang labi niya nakaawang pa rin dala ng labis na gulat. Halatang sabik na sabik siya sa nobya. Kahalintuald ni Gavin ng mga sandaling iyon ang gutom na leon at ilang araw na hindi pinapakain at nakakatikim ng laman. Hindi naman doon nagpatalo si Bethany na pinantayan din ang damdamin ng sobrang pagka-miss ni Gavin sa kanya. Nakangising idiniin niya ang katawan sa binata at pinalamlam ang mga matang parang mas nanghahalina pa siya. Hindi lang iyon, iniyakap pa ni
NAPAAYOS NA NG tayo si Miss Gen at bahagyang dumistansya sa table ni Bethany nang makitang seryoso ang dalaga sa kanyang naging katanungan. Hindi na rin ito makatingin nang diretso na para bang batang nahuli na may masamang pina-plano at ginawa ng kanyang mga magulang. Sinasabi na nga ba ni Bethany, may hindi maganda sa ginagawa nito. Hindi niya lang tuluyang mahulaan iyon at masabi kung ano ba ito. “Wala, Miss Guzman. Posible ba iyon?” balik nito ng tanong sa kanya na para bang nais nitong iikot ang sitwasyon, ngunit hindi nagpatinag doon ang dalaga na desididong alamin ang mga bagay-bagay. “Napaka-transparent kong tao sa’yo at ni minsan ay wala akong inililihim.” defensive pa nitong sambit na medyo nagpa-alog ng utak ni Bethany, tama naman kasi ito sa kanyang sinabi. Lahat ay nalalaman niya. “Masama ba na ituro ko ang mga bagay na ito sa’yo gayong ikaw naman talaga ang may-ari ng music center na ito? Maaari mo itong magamit sa hinaharap just in case na I am not around. Hindi naman
NAGPATULOY PA SA kulitan ang magkasintahan. Idinadaan na lang nila sa harutan ang pagka-miss na kanilang nararamdaman, hanggang sa unti-unting lumambot na si Bethany at nawala ang pagiging moody. Hindi niya namalayan na nakatulog na ang dalaga. Napahilamos na lang si Gavin ng mukha nang makita ang tulog na kasintahan sa kabilang linya na bahagya pang nakaawang ang mapula nitong labi na parang inaanyayahan pa siyang halikan iyon. “Ikaw talaga Thanie, antok ka na pala hindi mo man lang sinabi sa akin.” aniyang binasa pa ng laway ang tuyong labi sabay lunok ng laway, dahil sa distansya nila sa bawat isa na milya-milya ay iyon lang din ang kaya niyang gawin.Tinitigan niyang mabuti ang mukha ni Bethany. Punong-puno iyon ng pagmamahal. Hindi na niya mahintay na makauwi at maikulong ang babaeng nasa kabila ng screen ng cellphone sa kanyang mga bisig at paulanan itong matamis na mga halik. Sobrang miss na miss na niya ang nobya kung kaya naman susulitin niya iyon bukas oars-mismo pagdating
WALANG NAGAWA DOON si Gavin kundi ang sundin at pagbigyan na lang ang negosyante nang matapos na sila at makauwi na siya. Sa huli, hinayaan niyang ihatid siya ng anak nitong si Steve na may paggiya pang nalalaman.“Sakay na, Attorney Dankworth…” Kapansin-pansin din ang pagkadisgusto ni Steve kay Gavin, ngunit wala naman siyang ibang magagawa kung hindi ang sundin ang bilin ng kanyang ama. Wala namang masama sa abogado, ngunit naiirita talaga siya sa hitsura nito. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Gavin. Basang-basa niya kasi ang laman ng isip ng binatilyong kaharap. Bago sumakay ng sasakyan ay nilingon ng abogado si Mr. Altamirano upang may sabihin siyang mas ikainis ni Steve.“Masyado pang bata si Steve, Mr. Altamirano at kailangan niya ng pangmalakasang experience sa buhay na babaunin niya hanggang sa kanyang pagtanda. Halimbawa, kung hindi mo siya bibigyan ng sobrang pera malalaman niya ang halaga noon oras na mahirapan siya. Malalaman niya na ang lahat ng bagay ay hindi