ILANG SANDALI PA ay nakarating na sila sa isang prestihiyosong ilang palapag na building. Pabalagbag na pumarada ang sasakyan ni Gavin sa parking lot na kulang na lang ay takasan ng ulirat si Bethany sa gulat. Ang akala ng dalaga ay penthouse ang pangalan ng building, pero literal pa lang penthouse iyon ng naturang building ang inookupa ni Gavin. Halos malula siya sa taas noon, hindi na lang niya inisip iyon habang paakyat sila ng elevator. Sa bungad pa lang ng lugar ay halatang mayaman ang nakatira doon. Anino modelo ang nakatira sa klase ng interior at design. “Dito ka lang sa living room, hintayin mo ako dito. Huwag kang pupunta sa kung saan ay baka makalimutan ko mamayang may kasama ako dito.” seryoso ang mga matang bilin ni Gavin kay Bethany na tanging tango lang ang naging kasagutan, “Nasa study room ko ang fax machine ko, saglit lang ako sa loob.” ani Gavin na tuloy-tuloy ang lakad patungo doon.Sinundan siya ng mga mata ni Bethany na dahan-dahan ng naupo. Mabuti na iyong paki
NAPATDA NA DOON si Bethany na ilang segundo ang muna ang lumipas bago pa maigalaw ang namanhid niyang katawan. Nang mapansin ang reaction niya ni Gavin ay tinulungan niya ito. Ibinaba niya ang damit nitong nagawa niyang maitaas kanina, at hilahin pataas ang pang-ibaba nitong skirt na hindi sinasadya niyang naibaba kanina nang haplusin ang hita.“A-Ako na…” nanginginig ang boses na sabi ni Bethany, hindi na makatingin ng diretso sa mga mata ni Gavin na nasa kanya ngayon. Kumibot-kibot pa ang labi niya.“Sorry, hindi ko sinasadya.”Hindi nagsalita si Bethany na sa mga sandaling iyon ay pahiyang-pahiya pa rin. Hindi talaga siya nag-iisip. Ang labas tuloy ay gusto niya ang nangyari dahil hindi siya tumanggi. Napansin naman iyon ni Gavin, at sobrang nakokonsensya siya sa ginawa. Upang ipakitang hindi niya intensyon at makabawi sa dalaga ay siya na mismo ang tumawag kay Attorney Hidalgo at ini-explain ang kaso ng ama ni Bethany. Gusto niya sanang kunin ang kaso, kaya lang hindi pwede lalo
KINABUKASAN AY PUMASOK sa trabaho si Bethany na parang walang nangyari. Hindi niya ipinakita kung paano siya naging problemado. Kailangan niyang paghiwalayin ang personal niyang problema sa trabaho niya. Binati diya agad ng kanyang mga ka-trabaho na worried agad ng malaman ang nangyari sa ama.“May pakpak talaga ang balita.” komento niya na maliit ngumiti.Hindi nagkwento si Bethany ng totoong nangyari, alam kasi niya na wala rin namang maitutulong iyon. Minabuti na lang niya ang manahimik at hayaan na lang sila.“Ayos lang naman ako, kinakaya naman at patuloy na kakayanin ko ang lahat mailabas ko lang si Papa kahit na hindi maibalik ang lahat.” pinal niyang saad nang marinig pa ang ibang kuro-kuro ng mga ito.Alas-diyes ng umaga nang may maghanap sa kanyang delivery rider upang derektang e-deliver sa kanya ang package na galing daw sa isang Gavin Dankworth. Puno ng pagtataka ang mga mata ni Bethany nang malaman iyon. Eh natatandaan niyang ang sabi ng abugado ay ayaw na siya nitong ma
SA MGA SUMUNOD na araw ay naging busy si Bethany sa pag-aasikaso ng maraming mga bagay. Nakipagkita siya kay Attorney Hidalgo at sa ilang beses na pagpunta niya sa office nito ay naipasa na niya ang lahat ng documents na kailangan ng abugado. At ang araw na iyon ay ang pinaleng pakikipagkita nila para masinsinang makausap siya nito. Tahimik niyang pinagmasdan ang abugado sa harapan niya na pinapasadahan ng mata ang mga documents na kanyang hawak. Iyon din ang araw na medyo nagtagal siya sa malawak na opisina ng abogado. Noong mga nakaraang araw kasi, kung wala ang abugado tuwing pupunta siya ay busy naman ito sa ibang kaso kaya madali lang siya doon.“Tutal ay ipinakiusap ni Attorney Dankworth na kunin ko ang kaso ng iyong ama, sasabihin ko na sa’yo ang totoo, hija. Base sa mga na-submit mong documents at explanation, kaya nating mapababa ang magiging sentence ng ama mo sa dalawang taon.” anitong itinaas pa sa kanya ang mata gamit anng suot na salamin sa mata.Napa-angat na sa upuan a
MAGDADAHILAN PA SANA ng kung anu-ano si Bethany, subalit sa bandang huli dala ng hiya sa ama ng lalake ay napilitang pumayag na lang ang dalaga. Baka kasi magsumbong ito sa ama at bitawan na naman nito ang kaso. Hindi niya na alam ang gagawin o kung saan pa siya hahanap ng abugado kapag nangyari iyon. Saka si Gavin Dankworth na ang nagbigay nito sa kanya, mamaya kapag lumapit siya dito baka hindi na ito tumulong pa.“Sige na nga.”Mabilis na nagliwanag ang mukha ni Patrick na animo ay tumama ito sa lotto.“Yown!” hiyaw pa nito na animo naka-score sa kanyang nilalaro, “Saglit lang Bethany, kukunin ko lang ang sasakyan ko. Hintayin mo na lang ako dito.”Naiiling na sinundan niya ng tingin ang lalake. Mukha naman itong mabait. Hindi rin naman mukhang bastos at maniac gaya na lang ng isang taong kakilala niya. Mabilis niyang ipinilig ang ulo ng maalala si gavin. Hindi niya dapat iniisip ngayon ang binata. Paghinto ng sasakyan nito sa kanyang harapan ay walang arte na siyang lumulan sa kul
NAPAPAHIYA NG NAPAKURAP ng mga mata doon si Bethany. Mabilis ng nag-iwas ng kanyang mga mata kay Albert. Bigla siyang natauhan nang marinig ang inosenteng boses ng babae at matagpuang nasa harapan niya ito ngayon. Akmang sasagot na sana si Albert sa katanungan ng kanyang fiancee, nang unahan siyang magsalita ni Patrick na parang nang-aasar ang tono na alam niyang patungkol sa nakaraan nila ni Bethany.“Si Bethany, kaibigan ko kaya malamang ay kilala niya rin. Huwag kang mag-alala, Briel. Ang loyal niyang kaibigan ko sa’yo. Sa sobrang loyal nga niyan ay hindi niya kayang tumingin sa mukha ng ibang babae eh.” tumikwas pa ang gilid ng labi ni Patrick habang nasa kay Albert pa rin ang paningin.Halata sa mukha ni Albert na hindi niya nagustuhan ang sinabing iyon ni Patrick, ngunit hindi siya maka-react dahil kasama niya ang fiancee. Kung hindi lang ay malamang kanina niya pa pinulbos ang mukha ng kaibigan ng mga kamao niya dahil parang hinahamon siya nito ng away ngayon. Minabuti na lang
LINGID SA KAALAMAN ng mga naroon ang tunay na nangyari. Nang gumamit ng banyo si Patrick ay sumunod doon si Albert. Hindi naman ito direktang nakipag-away agad. Ginawa niya lang iyon dahil nais niyang makipag-usap ng lalake sa lalake sa kaibigan. Baka na-misunderstood niya lang din ito.“Bakit kasama mo si Bethany?” tanong ni Albert na puno na ng pagkadismaya ang tinig, hindi niya ito pinahalata pero mababakas iyon sa tinig niya. “Sa lahat ng lugar dito mo pa talaga siya dinala?” “Nasagot ko na ang tangong mo kanina kung paano kami nagkita. Isa pa, gusto niyang kumain ng korean food. Ito lang ang naisip kong lugar kung saan pwede siyang magtanggal ng stress. Hindi ko naman alam na pupunta kayo dito eh.” katwiran ni Patrick sa kaibigan na lalo pang uminit ang ulo, "Kung alam ko iyon sa tingin mo ba ay gugustuhin pa naming pumunta sa restaurant na ito?"“Inaasar mo ba talaga ako, Patrick?” Napuno ng biglang kinuwelyuhan ni Albert ang kaibigan na napataas na doon ang dalawang kamay, si
ILANG BESES NA sinulyapan ni Patrick si Bethany na tahimik lang na nakatayo sa gilid na parang may sarili itong mundo at natameme ng mga sandaling iyon. Gusto niyang magsalita ito at magbigay ng opinyon sa sinasabi ni Gavin na nais niyang mapag-isa kasama siya. Kapag sinabi ni Bethany na ayaw niyang maiwan doon, taos sa puso niyang gagawin iyon kahit pa si Gavin Dankworth iyon. Hinihintay niya lang talaga itong umangal, magreklamo at sabihing ayaw niya. Ngunit nanatiling tikom ang bibig ng dalaga na hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga sandaling iyon. Para itong nabato-balani na hindi na makapagsalita. Nakahanda si Patrick na piliing sundin ang sasabihin nito kumpara sa pakiusap ni Gavin sa kanya na bagamat halos ka-edad lang nila ni Albert, pagdating sa pagiging super successful sa karera at sa buhay nito ngayon kung kaya naman mataas ang respeto niya at paghanga sa binata. Ilang minuto pa ang lumipas at bago lumabas ay nagawa pa niyang kumindat kay Bethany na baha
MABILIS NA NIYAKAP siya ni Bethany upang takpan ang bibig nang marinig niya ang karugtong na sasabihin niya. Napangisi na si Gavin na kalaunan ay humalakhak ng malakas. Bigla siyang na-excited. Ngayon lang din kasi sila ng asawa niya nakapag-usap ng mga pinagdaanan nila lalo na kung paano sila unang nagkita. Nakita niyang ang sandaling iyon ay ayaw palang balikan na ng asawa. Tinanggal ni Gavin ang pagkakatakip ng palad ni Bethany sa bibig niya. Naroroon pa rin ang multo ng ngisi sa labi. Pinanliitan niya ng mga mata si Bethany na namumula na ang mukha.“Mrs. Dankworth, bakit ayaw mong balikan ang gabing iyon? Hmm? Aminin mo, na-love at first sight ka ba sa akin noon?” Dumuwal si Bethany na hindi niya naman sinasadya. Ikinalaki iyon ng mga mata ni Gavin na parang nasaling ang ego. Nakalimutan na buntis nga pala ang asawang kausap niya kung kaya possible na maduwal talaga ito anumang oras.“Ah, nakakasuka pala ang gabing iyon kaya pala niyakap mo ako nang mahigpit tapos—” “Napagkama
ILANG ARAW PA ang pinalipas ng mag-asawa bago sila nagpasyang muling bumalik ng kanilang mga trabaho. Tambak man ang gawain ni Gavin sa kanyang opisina at ang mga kliyente ng kaso na naghihintay sa kanyang pagbabalik ay hindi niya iyon inuna hanggang sa ang ama na mismo ni Gavin ang nakiusap na kailangan niya ng bumalik ng office. “Sapat na siguro ang pahinga mo, Gavin. Kailangan mo ng bumalik at hindi ko kayang hawakan ang kumpanya mo.”Ang tinutukoy ni Mr. Dankworth ay ang sariling kumpanya ng anak na pansamantalang ipinagkatiwala sa kanya hindi ang mismong kumpanya ng kanilang pamilya. Sinalo niya iyon nang mapag-alamang nasa Australia ang anak niya.“Dad–”“Pwede mong ayusin ang lahat ng mga kinakaharap mong problema habang nagtatrabaho ka. Hindi naman siguro mamasamain iyon ng iyong asawa. Saka, may kasama naman siya ang madrasta niya di ba? May ilang problema ang kumpanya mo at sumasakit na ang ulo ko kung paano ko ito hahanapan ng solusyon. Ikaw lang ang makakaayos nito.” Nap
SINALUBONG SILA NI Manang Esperanza na abot sa tainga ang mga ngiti sa labi. Tinulungan na silang ipasok ang dala nilang maleta sa loob ng penthouse. Dinala lang niya iyon sa may sala at kapagdaka ay muling humarap. Bakas pa rin ang giliw nito sa mukha at muling nagsalita sa mas masigla nitong tinig.“Welcome back, Attorney and Miss Bethany!”“Hi, Manang Esperanza…” yakap dito ni Bethany, pilit na winawaglit ang pagbigat ng pakiramdam.Si Manang Esperanza na rin mismo ang gumiya kay Victoria patungo sa silid na kanyang o-okupahin matapos na yumakap kay Bethany. Habang nasa Australia pa sila ay pinalinis na iyon ni Gavin sa matanda kung kaya naman pag-uwi nila ay wala na ang mga naiwang kalat dito. Naroon na rin ang ibang mga gamit ni Victoria na ipinakuha na sa bahay nila bago pa man sila makauwi ng bansa. Inabot ni Gavin ang kamay ni Bethany at mabagal nilang sinundang mag-asawa sina Victoria na patungo na ng silid. Sinulyapan lang ni Bethany ang asawa. Mapagpaubaya at tahimik na nag
NAISIN MAN NI Mrs. Dankworth na sa mansion nila padiretsuhin ang mag-asawa upang doon na lang muna mamalagi kaso ay hindi naman iyon pinahintulutan ni Gavin na mangyari dahil alam niyang mahaba ang kanilang naging byahe at kailangan nilang magpahinga ng kanyang asawa upang makabawi ng lakas. Hindi lang iyon. Bakas na sa mga mata ng asawa ang pagod at malamang ay hindi nito magagawang tanggihan ang kagustuhan ng kanyang ina kung ito ang kakausapin kung kaya naman siya na ang magde-desisyon para sa kanila. Uuwi muna sila ng penthouse. Saka na lang sila pupunta ng kanilang mansion.“Sa sunod na lang Mommy, maglalaan na lang kami ng oras at panahon ni Thanie para bumisita sa mansion. Huwag po muna ngayon. Please?” pakiusap ni Gavin na nilingon na ang asawang yakap pa rin ni Briel na animo hindi nagkaroon ng katiting na galit ang kapatid sa kanyang asawa, nakikita pa rin niya na medyo ilang si Bethany kay Briel ngunit saglit lang naman iyon. “Magpapahinga muna kami ng asawa ko.”“Ganun ba
ANG ISANG LINGGO na extension ng pananatili ng mag-asawa sa Australia ay ginugol nila sa pamamasyal at paggalugad sa mga lugar na puntahan ng mga turista sa lugar. Pinuntahan nila ang mga lugar na nakita online ni Bethany kasama ang madrastang si Victoria. Ganundin ang mga restaurant kung saan ay may mga biglaang cravings siya. Sinigurado nilang masusulit ang lahat ng oras na inilalagi nila sa bansa. Wala namang naging reklamo si Gavin na kahit mababakas ang pagod sa mukha ay sunud-sunuran sa lahat ng gusto ng kanyang asawa. Ang makita itong masaya habang namamasyal sila at nakukuha nito ang gusto ay walang katumbas na halaga para sa abogado. Ang makita ni Gavin ang mga ngiti nitong unti-unting nagkakaroon ng buhay ay napakalaking bagay para sa kanya. Nagawa nitong mapanatag ang loob niya. “Sayang 'no, hindi na ako ngayon makakabisita kay Miss Gen na isa sa mga goals ko kung kaya ako umalis ng bansa.” pagsasatinig ni Bethany habang ang kanyang mga mata ay nasa labas ng kanilang eropl
NAMULA PA ANG mukha ni Bethany na para bang hindi sila mag-asawa ni Gavin ng mga sandaling iyon. Medyo awkward kasi ang dating ng kanilang pinag-uusapan kahit na silang dalawa lang naman ang naroroon. Parang hindi normal ang topic na iyon sa kanilang mag-asawa. Binabalot pa ng kahihiyan ang buong katawan ni Bethany kahit na wala naman na siyang itatago pa sa lalaki. Marahil ay dahil hindi naman nila noon napag-uusapan ang ganung bagay. Hinuli pa ni Gavin ang kanyang mga mata upang tingnan ang reaction niya. Natatawa na rin ito ngayon sa kanya.“Dapat gentle lang daw.” dugtong pa ni Gavin na tuwang-tuwa na sa mukha ng asawa. Napalabi na si Bethany, pilit pinigilan ang sariling matawa sa salitang mga ginamit ng asawa. Ang buong akala niya ay makakaya niyang pigilan iyon ngunit sa bandang huli ay tuluyan na siyang humagalpak. Hindi na napigilan ang sarili.“Ang bastos naman ng bibig mo, Gavin!” pandidilat niya ng mga mata habang pulang-pula na ang mukha, kung pwede lang itago iyon sa il
NAKAHIGA NA SILA noon sa kama at tapos ng kumain ng dinner na ipina-deliver lang nila. Halos ayaw umalis ni Gavin sa tabi ng kanyang asawa. Parang may magnet ito na kahit sa paggamit ng banyo ay gusto niyang tulungan pa ito kahit na kaya na naman niya ang kanyang sarili. Gusto niyang paglingkuran ang asawa at bumawi sa kanya. Ituring na prinsesa ang asawa at ibigay lahat ng gusto nito na kahit na ano.“Tigil nga, paano naman ang work mo? Ang business mo?” paikot ng mga mata ni Bethany na animo ay hinahamon ang asawa, “Sure akong tambak at patung-patong na iyon. Pag-uwi natin, busy ka na naman. Wala ka na namang oras sa akin. Sa amin. Panay na naman ang overtime mo at paglalagi sa office mo.”“Hindi iyon mangyayari, Mrs. Dankworth. Uuwi ako ng takdang oras dahil alam kong maghihintay ka sa pag-uwi ko. Ayokong maghintay ka sa akin at baka mamaya ay umiyak ka na naman.” hinalikan pa niya ang noo ni Bethany dahilan para ngumuso ang babae na walang imik na inabot din ni Gavin para halikan.
SA PAGBABALIK NI Gavin ng silid ay mabilis na napabangon si Bethany nang matanaw ang bulto ng asawa. Agad naman siyang tinulungan ni Victoria na agad din nagpaalam na lalabas sandali upang bigyan lang ng privacy ang mag-asawa Hindi nakatakas kay Bethany ang namumulang mga mata ni Gavin at ilong na tila ba galing ang lalaki sa malalang pag-iyak. Tumahip na ang dibdib niya. Maraming mga negatibong bagay na ang dumagsa sa kanyang isipan lalo pa at kinausap ni Gavin ang doctor niya ay hindi niya iyon narinig.“Kumusta na ang pakiramdam mo?” agad na maatamis na ngiti ni Gavin nang magtama ang mata nilang dalawa, nakita niyang titig na titig sa mukha niya ang asawa. “Maayos na ba kumpara sa kahapon?”Hindi pa man nakakasagot si Bethany ay tuloy-tuloy na itong lumapit at naupo sa gilid ng kaniyang kama. Walang paalam na naupo na ito sa may harapan niya at tinitigan siya na para bang sobrang mahal na mahal siya ng asawa. Hindi naman nag-iwas si Bethany ng tingin na binabasa na ang mga iniisip
HINDI MAPALAGAY SI Mrs. Dankworth kung kaya naman tinawagan niya ang asawa upang kumustahin si Nancy. Nag-aalala siya na baka ito na naman ang dahilan ng pagkataranta ng anak gayong nawawala pa ang kanyang asawa. “Nancy is still in a coma. Saka, sa tingin pupuntahan iyon ni Gavin? Tigilan niyo na ngang mag-isip. Tawagan mo na lang ang anak mo at personal mong tanungin kung bakit nagmamadaling umalis. Baka naman si Bethany ang kausap.” “Mabuti pa nga, Gorio. Ito kasing bunso mong anak kung anu-ano ang sinasabi. Si Drino? Nakauwi na ng bansa?” “Hindi ko alam. Ni hindi na siya komontak pa sa akin pagkatapos noong naging huling usap namin.” Minabuti ng Ginang na tawagan si Gavin ngunit hindi makontak ang numero nito. “Briel, subukan mo ngang kontakin ang Kuya mo kung online at sa social media account niya. Bakit ganun? Ayaw mag-connect ng tawag ko sa kanya? Mukhang nawalan yata siya ng signal ngayon.” balik niya sa hapag kung nasaan tulala pa ‘ring kumakain ang anak, muling umikot an