ISANG ITALIAN RESTAURANT ang pinili ni Patrick para sa kanilang magiging dinner ni Bethany. Halos mapatalon siya sa galak nang biglang pumayag ang babae. Ang buong akala niya pa ay decline na naman nito ang invitation niya, hindi niya sukat-akalain na papayag na ito sa araw na iyon. Sobrang pinaghandaan niya ang gabing iyon. Kailangan niyang magpa-impress sa dalaga. Baka sakaling mabago niya ang pananaw ni Bethany. Iyong tipong magkaroon ng himala na magustuhan na siya ng dalaga ngayon.“Pagkakataon ko na ito, palalampasin ko pa ba? Syempre hindi. Gagalingan ko na ngayon para naman makuha ko ang loob ni Bethany. Hindi masamang sumubok. Hindi masamang gawin ko ang lahat.”Eksaktong alas-otso naman nang dumating ang dalaga sa parking area ng restaurant na sinabi ni Patrick sa kanya kung saan siya dapat pumunta. Hindi muna pumasok si Patrick sa loob ng resto, hinintay niyang dumating ang sasakyan ng dalaga sa parking lot. Inihanda na rin niya ang bouquet na pinagawa niya pa. Nang matanaw
PAHAPYAW NA SINAMAAN na si Patrick ng tingin ni Gavin. Puno iyo ng lihim na pagbabanta sa kanya. Ngumisi lang doon si Patrick dahil nakita niya kung gaano sobrang naaasar na sa kanya ang abogado. Ilang segundo rin silang magkatitigan. Animo nagsusukatan kung sino ang unang susuko at magbibigay. Sa puntong iyon ay napansin na rin ng matanda ang tensyon sa kanilang pagitan at ang presensya ng dalagang wala pa ring imik na bahagyang nakayuko ang ulo. Salit-salitan silang tatlo na tiningnan nito.“Sino ang babaeng kasama mo, Patrick?”Magkaaway ang dalawa kaya naman hindi magawang ipagmalaki ni Gavin na girlfriend niya ang babaeng ito saka baka mamaya kapag sinabi niya ay baka biglang umalma ang dalaga. Isa pa, bakit si Patrick ang tinatanong ng matanda? Hindi ba halatang mas kilala niya ang dalaga kumpara sa lalaking kasama nito? Pilit na siyang ngumiti. Nadagdagan pa ang inis ng abogado. Akmang sasabihin niya pa rin na girlfriend niya ito nang biglang sumagot si Patrick gamit ang napaka
MULA SA MENU na tinitingnan ay napaangat na ang mga mata ni Bethany sa kaharap na lalaki. Alam niya kung sino at ano ang tinutukoy nito sa mga sandaling iyon. Hindi siya naglakas ng loob na lingunin si Gavin at baka hindi niya matagalan kung ano ang klaseng mga paninitig ng binata. Isa pa, hindi porket ganito ang asta niya ay magbabago na muli ang lahat at babalik iyon sa dati. Malalim ang pinaghuhugutan niya kasi. Siguro kung hindi niya nakitang yakap nito si Nancy, baka may pag-asa pang umayos agad sila.“Tapos na kami, Patrick, kaya hindi na kailangang pag-usapan pa ang mga bagay na ito.”Iginalaw na ni Patrick ang kanyang balikat. Medyo napahiya ngunit, nagpatuloy pa rin naman.“Pero mahal mo pa rin naman. Huwag mong itanggi. Kitang-kita sa mga mata mo. Wala na ba talagang pag-asa na maayos pa ang relasyon niyo? Alam kong wala ako sa posisyon para makialam, pero kung tungkol lang iyon sa past na relasyon ni Gavin, ang babaw mo naman. Past na nga. Nakaraan na—”“Wala kang alam, Pat
TINULAK NA NI Bethany pabukas ang pintuan ng kotse at pinilit mawalan ng emosyon ang mukha na nilingon na ang naghihintay na si Gavin. Umaliwalas naman ang mukha doon ng abogado na umayos na ng tindig nang makita siyang bumaba. Tinapos na rin ang paninigarilyo niya. Pinagmasdan na nang mataman ang mabagal na paglapit sa kanya ng dalagang hinihintay. Sa mga sandaling iyon ay parang nais na niyang tawirin ang kanilang pagitan at salubungin ang dalaga upang mahigpit na yakapin. Miss na miss na niya kasi ito.“Attorney Dankworth, hindi ba at sabi ko sa’yo ay i-message mo na lang ako kapag may kailangan ka? Hindi mo kailangang pumunta pa kung saan ako nakatira.” maagap na turan ni Bethany, ipinaramdam niya sa binata na naiirita siya. “Ako na ang kusang pupunta sa’yo…”Sa halip na sagutin ang hinaing ni Bethany nang maayos ay ikiniling lang ni Gavin ang ulo. Dama niyang hindi pa rin humuhupa ang galit ng dalaga sa kanya kahit ilang araw na ang lumilipas. Mataas pa rin ang level noon at kita
NANUOT NA SA kalamnan ni Bethany ang huling salitang binitawan ni Gavin. Para iyong asido na tinutunaw ang kanyang kalamnan. Kung makapagsalita kasi ito parang wala itong naging kasalanan sa kanya. Marahan niyang kinagat ang labi upang pigilan ang sariling sumabog. Tiningnan siya ng masama.“Ang galing-galing mo namang magsalita. Sa tingin mo ba may pagkakaiba ka sa akin? Wala. Pareho lang tayo. Kung kumapit sa balat ko ang amoy ni Patrick, sa tingin mo hindi kumapit ang amoy ni Nancy sa’yo? Huwag ka ngang magmalinis! Hawak lang ang ginawa ni Patrick sa akin, ikaw? Anong ginawa niyo, ha?”Umangat ang gilid ng labi ni Gavin. Umaalingasaw na naman kasi ang selos ng dalaga sa ex niya. “Talaga? Sa tingin mo? O ‘di sige. Halika, sabay tayong maligo para parehong malinis ang katawan natin.”Umatras si Bethany at pinalo ang kamay ni Gavin na akmang hahawak sa isang braso niya. Natigilan na panandalian dito si Gavin. Nakita niya ang takot na makikita sa mukha ng dalaga sa ginawang paglapit.
MAPAKLANG NAPANGITI NA roon si Bethany. Sa totoo lang ay ang sarap nitong pakinggan sa kanyang tainga. Iyong babalik sila sa dati. Iyong ang daming perks na mangyayari oras na makipagbalikan siya sa kanya. Lahat ng pabor ay ibibigay sa kanya ng abogado. Nasa tamang katinuan pa naman siya para mapaniwala lang rito ni Gavin. Hindi siya uto-uto. Ang tanging kailangan niya ay isang sorry lang nito.“Attorney Dankworth, maraming salamat at na-flatter mo ang puso ko sa lahat ng mga offer mo. Talaga? Gagawin mo iyon para sa akin? Hahayaan mo lang ako? Lahat ng gusto ko ay ibibigay mo? Ang saya ah...”Tumayo na sa pagkakaupo niya si Gavin. Ilang beses na marahang tumango-tango sa kanya.“Oo, kung iyon ang tanging paraan para bumalik ang dating samahan natin. Bakit hindi? Gusto kong bumalik na tayo sa dati, Thanie. Ayoko na ng ganito ka kalamig. Miss na miss ko na ang dating tayo. Pwede pa naman hindi ba? Pagbibigyan mo na ba ako? Okay na tayo ulit?” maamo ang tinig at mukha na tanong sa kanya
NAPAHILAMOS NA NG mukha niya si Gavin. Sa naging katanungan ng kanyang ina ay parang mas bumigat pa ang nararamdaman niya. Hindi niya pwedeng sabihin sa ina na nilayasan siya ng dalaga. Malaking kahihiyan iyon at paniguradong mas dadami pa ang mga katanungan nito sa kanya. Hindi lang iyon, baka makialam na ito na paniguradong mas magpapakulo ng dugo ni Bethany kapag nagkataon.“Gavin? Bakit hindi ka makasagot? Tinatanong kita. Nasaan si Bethany?”“Mom, anong oras na? Nakahiga na siya kasi pagod siya. Kailangan ko pa ba siyang gisingin para lang pumunta kami diyan?” bakas sa boses niya na hindi na nasisiyahan sa katanungan.“Ah, akala ko naman tuluyan na kayong naghiwalay. Linawin mo kasi. Huwag na huwag kang papayag na iwan ka niya. Siya na ang best partner na ibinigay sa’yo ng langit kung kaya huwag mo ng papakawalan. Siya ang magbibigay sa’yo ng malulusog na mga anak.” Huminga nang malalim si Gavin. Problemado na sa pressure na binibigay ng kanyang ina.“Dapat nga galingan mo na eh
BAGO PA MAN makabalik si Briel ng hapag ay nagawa ng magpaalam doon ni Albert upang umalis na. Hindi naman siya pinigilan ng ina nina Briel dahil nasa kay Bethany pa rin at Gavin ang isipan ng Ginang. Sa palagay ni Albert ay magulo ang relasyon ng dalawa ngayon at iyon ang sasamantalahin niyang pagkakataon upang bawiin ang dating nobya sa abogado. Lalong naging pangit ang ekspresyon ni Albert nang mag-walkout si Gavin. Halata namang hindi siya pinakikitunguhan ng maayos ngayon ni Bethany.‘Tsk, akala niya siguro magiging sunud-sunuran sa kanya ang babaeng iyon. Eh matigas ang bungo noon. Mataas pa ang pride. Hindi niya alam kung paano iyon susuyuin nang mabilis at papasunurin sa gusto.'“Aalis ka na?” habol ni Briel sa kanya na naabutan na sa labas ng kanilang bahay. Nilingon ni Albert ito at marahang tumango. “Oo, mukhang badtrip sa akin ang Kuya mo eh. Ako na lang ang aalis para hindi siya mas magalit.”“Huwag mo na lang pansinin si Kuya Gav, magkaaway kasi sila ng girlfriend niya
ILANG SEGUNDO PA ang pinalipas ni Bethany bago muling bumalik sa loob ng kanilang bahay. Hindi mawala sa kanyang labi ang ngiting inilibot ang mga mata sa buong paligid na parang ang gaan ng lahat sa buhay niya ngayon. Walang pabigat. Walang masakit na iniisip. Muli niyang sinulyapan ang dalawang singsing sa kanyang daliri. Hinipo na niya iyon dahil iniisip niya na baga panaginip lang ang nangyari kanina. Itinaas niya pa ang palad na agad kuminang ang diamond sa tama ng liwanag ng ilaw sa bulwagan ng kanilang bahay. Napakurap-kurap na siyang muli. “Tagal maghatid ah? Saan mo inihatid? Sa kanila ba? Akala ko ay sa kotse mo lang ihahatid?” sunod-sunod na bungad ni Benjo sa anak habang may nanunuksong tinig at mga mata na tila may iba pa doong mga ipinapahiwatig. Napanguso na doon ang dalaga. Mahina ng natawa sa pang-iinis ng ama niya. “Kakaalis lang ba ni Gavin, Thanie?”Tumango lang si Bethany at dumiretso na sa kusina kung nasaan naman si Victoria. Nag-aasikaso ang madrasta ng mga lu
HINDI MAGAWANG MAKAPAGSALITA ni Gavin lalo na nang makita ang mukha ni Bethany na may halo-halong emosyon. Hindi na mapigilan na mangilid na ang mga luha nito sa mata. Namula pa lalo ang magkabila niyang pisngi. Ilang beses niyang binuksan ang bibig upang sagutin ang katanungan ng nobya ngunit ibang salita ang lumabas dito.“Hey, Thanie? Ayaw mo ba? Hindi mo gusto? Masyado bang maliit ang diamond?”Ilang beses na umiling si Bethany. Hindi iyon ang problema niya.“Natatakot na ako sa sobrang kasiyahan na binibigay mo, Gavin. Baka mamaya ‘yung kapalit nito ay—” “Sssh, wala kang dapat na ipag-alala.” harang na niya ng hintuturo sa bibig ng nobya upang matigilan lang itong magsalita pa, “Walang masamang mangyayari upang nakawin ang kaligayahan natin dalawa, Thanie. Huwag kang mag-isip ng ganyan at magpapaniwala sa mga walang kwentang bagay. Mga lumang kasabihan lang naman iyan.”Ikinulong na ni Gavin sa kanyang mga bisig si Bethany upang pakalmahin na ito. Basang-basa niya kasi ang takot
HUMANTONG ANG DALAWA sa penthouse na sa halip na magtungo sila sa kung saan para lang mag-date. Hanggang hapon ay nakayakap lang sa nobya si Gavin na para bang hindi nito kayang mapawi ang mga pananabik niya. Ilang beses nilang inangkin ang makulay na mundo ng pagtatalik hanggang sa makatulog nang dahil sa labis na pagod. Nang magising si Bethany ay papalubog na ang haring araw. Ang maputlang ginintuang sinag noon ay walang pakundangang pumapasok sa kabuohan ng master bedroom dahil sa nakahawing kurtina nito. Nanatiling nakahiga sa kama si Bethany. Natatamad na igalaw pa ang katawan. “Gising ka na?” untag ng malalim na boses ni Gavin na parang noon lang nagkaroon ng kausap. Napaangat ng mga mata si Bethany at hinanap kung nasaan ang nakapwesto ang nobyo. Natagpuan niya itong nakatayo sa gilid ng kama sa kabila niyang banda. Kinailangan niya pang tumagilid paharap doon upang makita na ito nang maayos. Sa hitsura ni Gavin ay nakaligo na ito at nakapagpalit na rin ng bagong damit na t-
TAHIMIK NA LUMABAS sa kusina si Bethany nang mabawi ang pustora na alam niyang ipinagtataka na ng madrasta, upang tumungo sa kanyang silid at mag-ready na. Naiwan niya sina Victoria at Gavin sa loob ng kusina. Hinugasan ni Gavin ang kanyang kamay at muli pang inayos ang nakatupi niyang manggas ng polo shirt. Komportable pa rin siya kahit na tinititigan siya ng Ginang mula ulo hanggang paa.“Mama, ibabalik ko rin po dito ang anak niyo bago ang hapunan. Sa weekend po ay iinvite ko kayo sa bahay para pag-usapan ang plano naming kasal kasama ng mga parents ko. Makikipag-communicate na lang ako kung paano.”Hindi na maitago pa ang saya sa mukha ni Victoria nang marinig niya iyon. Halata niya sa mga mata ng kaharap na abogado na desidido na talagang lumagay sila sa tahimik. Hindi na rin naman sila mga bata kaya bakit hahadlangan?“Hindi ka ba nabibigla, hijo? Hindi sa tutol ako. Ayaw mo bang patagalin muna ang relasyon niyo? Ang ibig kong sabihin ay gusto mo na ba talagang lumagay sa tahimi
BINUHAT NA NI Gavin ang juice at uhaw na uminom doon. Nakalahati niya ang laman nito. Matapos iyon ay ini-angat na niya ang mga mata sa problemado pa ‘ring si Victoria. Naiimbyerna ito sa bumabaha pa nilang kusina dahil sa tubo. “Gaano po ba kalala ang sira, Mama? Pwede ko bang makita? Baka kaya ko ng ayusin.”Nabaling na ang paningin ng tatlo sa binata. Sabay-sabay silang umiling, maging si Benjo at lalong-lalo na si Bethany.“Huwag na Gavin, tinawagan ko naman na ang management. Paniguradong papunta na sila. Mababasa ka. Baha na sa kusina namin.” harang agad ni Bethany sa nais gawin ng nobyo, ayaw niyang pati iyon ay iasa pa nila sa fiance niya.“Baha na? Naku, mas lalong kailangang ayusin na iyon agad.”Tumayo ang abogado at tinungo na ang kusina habang itinutupi ang manggas ng suot niyang polo. Napatayo na rin doon si Bethany at Victoria na may pagkataranta. Makahulugan na lang tumingin si Bethany sa ama habang naiiling. Sinundan na kasi ni Victoria si Gavin patungong kusina na a
NAGING PARANOID SI Bethany nang mga sumunod na araw hanggang sa tuluyang mapabalita na tapos na ang kasal ni Nancy sa hindi niya kilalang lalaki. Ipinaskil ang mga larawan nila ng kasal online na tanging mga larawan lang ng mga magulang ni Gavin ang nahagip na nasa kasal at nasa reception ng nasabing okasyon. Wala doon sina Briel gaya ng hinuha ng kaibigan niyang si Rina. Nang e-check ni Bethany ang social media ng kapatid ni Gavin ay napag-alaman niyang hindi naman talaga ito pumunta dahil bumalik din sila ng bansa ilang araw na ang nakakalipas base sa mga post nilang gala ng fiance nitong si Albert. “Hay naku, Rina! Makakalbo talaga kita!” bulalas ni Bethany na natatawa na sa kanyang sarili, “Pinag-overthink mo akong malala at pinalala mo pa ang mood swings ko na hindi ko alam kung saan galing!”Bago ma-bisperas ng New Year nang siya na ang kusang tumawag kay Gavin upang magtanong kung ano ang plano nila. Inaasahan niya kasing baka nakauwi na rin ng bansa ang mga magulang nito at b
PAGDATING NG MAGKASINTAHAN penthouse ay hindi inaasahan ni Bethany na nakabalik na pala doon ang kasambahay. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit na animo ay parang sobrang na-miss siyang makasama. Marahang hinagod lang ni Bethany ang likod ni Manang Esperanza.“Akala ko hindi ka na pupunta dito, Miss Bethany!” anitong mabilis na inilayo ang kanyang katawan sa dalaga na itinaas na ang dalawang kamay matapos na tumingin kay Gavin na nagulantang sa reaction ng maid niya. “Sorry po Attorney, sobrang na-miss ko lang talaga na makita si Miss Bethany.” hingi pa nito ng paumanhin na kapansin-pansin na ang hiya sa buo niyang mukha.“Ayos lang naman po, Manang Esperanza…” nakangiting sambit ni Bethany na umabot na sa mga mata. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sa kanila ang matanda. Ngunit bago ito umalis ay inabutan ito ni Gavin ng red envelope kung saan ay may laman iyong pera. Ganun na lang ang pasasalamat ni Manang Esperanza sa kanilang dalawa. Sinuklian lang
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. “Nasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?” “Si Bethany ito, Ramir.” “Oh? Bethany, bakit nasa sa’yo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?” “Nandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?” “Sige. Papunta na ako diyan.” Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. “Ang ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River sa’yo.” Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. “Pasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan mo—”“Alam ko
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.“Bakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.”“I did, Miss Gen.” agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, “Ayaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.”Nailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni