HUMIGPIT NA ANG hawak ng dalaga sa baso na may lamang tubig habang hindi inaalis ang mga mata sa screen ng hawak niyang cellphone. Wala sa sariling marahan niyang hinaplos ang mukha nito sa screen gamit ang hintuturo. Miss na miss niya na ang binata. Masama man ang ugali nito, hindi pa rin nito maikakaila ang pagiging magandang lalaki kahit saang anggulo pa ito tingnan. Parang nananalamin lang ito sa personal na kanyang hitsura. Flawless. Walang bahid ng anumang kapangitan ang hitsura niya.“Ano iyang tinitingnan mo?”Napatayo na si Bethany nang lumapit sa kanya si Miss Gen para silipin ang screen. Sa sobrang tutok ng pagkakatitig niya kay Gavin ay hindi niya namalayan ang paglapit sa kanya ng kasama niyang babae rito.“Mukhang hindi mapuknat ang mga mata mo sa screen ah, miss mo na ano?” makahulugang wika pa ng kanyang kasama na sa paninitig pa lang at tono ng boses ay alam niyang inaalaska siya nito, “Ikaw kasi...”Sa kabila ng edad ni Miss Gen ay ni hindi sumagi sa kanyang isipan n
DOON PA LANG ay nahulaan na ni Bethany kung sino ang tinutukoy ng mag-asawa. Parang gusto na lang niya tuloy punitin ang kontrata nang sa ganun ay mawalan na ng bisa ang pinirmahan nilang kapirasong papel. Subalit, hindi iyon ganun kadali. Baka makasuhan pa siya ng sariling contract agreement na siya mismo ang gumawa. Naisin mang magwala ni Bethany at ipakita ang frustration niya sa panglolokong iyon, hindi niya ito ginawa. Kailangan niyang kontrolin ang sarili at ang nag-uumapaw niyang emosyon sa mukha. Sa mga ganitong sitwasyon, dapat ay propesyonal pa rin siya kung umasta kaya dapat ay manatili siyang kalmado kahit sumasabog na ang kalooban niya.“Mr. Monroe, pwede ba naming malaman kung sino?” puno ng pag-aalalang tanong ni Miss Gen na inaalala na ang pagsabog ni Bethany, kita niyang nagpipigil lang ito ng sarili. “Sana una pa lang ay sinabi niyo na sa amin—”Hindi na natapos pa iyon ni Miss Gen dahil sa puntong iyon ay nakalapit na sa table nila ang sinumang salarin. Si Albert Mo
KULANG NA LANG ay panawan ng ulirat si Bethany sa matinding paninitig na ginagawa ni Gavin sa kanya. Hindi niya inalis ang mga mata sa mukha ng binata. Nanatili iyong nakahinang kay Gavin kagaya ng ginagawa pa rin nitong paninitig sa kanya. Nanghina na ang mga binti ni Bethany na animo hinigop nito ang lakas niya. Sinubukan niya muling itulak si Albert palayo sa kanyang katawan. Natatakot na siya sa banta ng galit ng abogado sa kanyang mga mata. Batid niyang puno na ito ng kakaibang poot doon. “Gavin…” muling usal niya sa pangalan ng binata na umabot na sa pandinig ni Albert. Kasabay ng paglingon ni Albert sa banda ng tinitingnan ni Bethany ay pinilit ng dalaga na isandal pa ang katawan niya sa likod ng kotse upang huwag siyang matumba. Ginawa niya iyon upang huwag siyang dumausdos pababa at tuluyang mapalugmok nang dahil sa kanyang panghihina. “Bayaw?” parang nang-aasar na saad nito, ngumisi pa ang lalaki. “Ikaw pala iyan—”Mabilis ang mga sumunod na pangyayari na parang naganap s
NAHULOG NA ANG mga mata ni Bethany sa kandungan niya kung nasaan ang mga kamay niya. Parang bigla siyang napahiya. Ang akala niya kasi, maiintindihan ni Gavin kapag nag-explain siya at gusto nito ng explanation. Oo nga naman, bakit siya nagpapaliwanag? Halatang guilty siya? Mukhang wala naman itong pakialam. Marahil ay nadala lang din ito ng bugso ng damdamin kung kaya ganun ang naging reaction.“Sinuntok mo kasi si Albert. Halatang na-misunderstood mo ang nakita mo—”“Ginawa ko lang iyon ng dahil sa kapatid ko. Gago siya! Fiancee niya si Briel tapos makikita kong nakikipaglampungan siya sa ibang babae? Tama ba iyon? Tama bang asta iyon ng gagong iyon?”Dumiin pa ang kagat ni Bethany sa kanyang labi. Nakalimutan niya na oo nga pala. Si Briel. Ang buong akala niya kasi dahil sa kanya kung kaya nito inupakan si Albert. Pero narinig niya, hindi siya bingi. Isinigaw niya kay Albert na ayaw ni Gavin na pinapakialaman ang bagay na pag-aari niya. Saka narinig niyang binanggit pa nito na girl
MAPAKLANG NGUMITI NA si Bethany. Kung normal lang sana ang lahat, kilig na kilig na siya sa tinurang ito ni Gavin. Subalit hindi iyon ang kaso, baka sinasabi lang ni Gavin iyon para mapapayag siyang umalis muna ng bansa. Ano pa nga ba? Iyon lang naman ang nakikita niyang dahilan kung bakit siya inuuto na naman ng abogadong ito.‘Gumising ka nga Bethany, ginagawa niya lang ang bagay na ito para sa kanyang kapatid at hindi para sa’yo. Gusto niyang maging masaya si Briel! Huwag kang uto-uto! Okay? Ayan ka na naman. Maniniwala ka na naman kaagad.’“Gavin—”“Wala kang magagawa kahit sabihin mong ayaw mo, Thanie. Gagawin ko ang gusto ko! Aalis ka ng bansa.”Bumalik pa sa isipan ni Bethany ang imahe ni Nancy. Malamang, isa pa iyon sa dahilan nito kung bakit pilit siyang nais na maglaho sa harapan ng binata. Baka nga ito pa ang nag-udyok kay Gavin na gawin ang bagay na iyon eh.“Huwag kang mag-alala, pupuntahan naman kita doon. Bibisitahin kita. Tutuparin ko iyon hanggang makatapos ka ng pag-
GULANTANG NA NAPAHAWAK na si Bethany sa kanyang dibdib. Hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang sakit doon na hindi niya kayang ma-explain. Ang isipin pa lang na makukulong at masisira ang reputasyon ni Gavin ng dahil sa kanya ay parang mababaliw na siya. Idagdag pa noon ang kanyang ama. Baka hindi lang sa mental ang maging bagsak niya. Baka siya na mismo ang kumitil ng sariling buhay kapag nangyari ang bagay na iyon upang kanyang takasan ang masaklap na katotohanan.“Gavin…” nanghihinang usal ni Bethany sa pangalan ng binata na parang hindi makapaniwala sa kung anuman ang narinig niya, “Ano bang pinagsasabi mo—”“Hindi ako nagbibiro, Thanie. Gagawin ko ang bagay na iyon kung pilit kang magmamatigas. Kung ipipilit mo ang gusto mo! Maaatim mo ba kaming humantong ng Papa mo doon?”Naburo pa ang mga mata ni Bethany sa binata. Mukha ngang hindi ito nagbibiro. Nanatiling nakaburo rin naman ang mga mata ni Gavin sa kanya. Naghihintay ng magiging sagot niya. Mabigat ang paninitig ng
HALOS PALIPARIN NI Gavin ang kanyang sasakyan makarating lang agad sa pinakamalapit na hospital. Sa pagmamadali ay hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong makahanap ng kilalang doctor upang umabang sa hospital na kanilang pupuntahan. Pabalagbag na ipinarada ni Gavin ang kanyang sasakyan sa parking lot ng hospital. Walang pakialam ang abugado kung may maharangan man siya o kung ano.“Gavin—” pigil ni Bethany sa isang braso ng binata upang pagsabihan ito nang maayos na mag-park, abugado ito at alam niya na alam na alam nito ang mga simpleng batas na kagaya nito.“Huwag ka ng magsalita. Ako na lang muna ang bababa. Dito ka lang. Saglit lang, ako muna ang unang lalabas para kumuha ng wheelchair nang hindi mo na kailangan pang pilitin ang sarili mong maglakad.”“Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Kaya ko namang maglakad at saka—”Bago pa matapos ni Bethany ang mga sasabihin ay nagawa ng makalabas ng sasakyan ni Gavin. Muli siyang napahawak sa tiyan ng maramdaman ang muling pagsakit n
MATAPOS NA MAISAKAY si Bethany sa kotse ay walang sabi-sabing pinaharurot na ni Gavin iyon. Naisip na sana ay doon na lang pala niya dinala ang dalaga at hindi na nag-aksaya pa ng oras sa public hospital na ang kupad ng galaw. Parang mga langgam kung titingnan gayong binabayaran naman. Ipiniling niya na lang ang ulo. Hindi makapaniwalang nag-aksaya siya ng ilang minuto para lang sa wala.“Kaya sila palaging namamatayan ng pasyente eh! Ang bagal nilang gumalaw. Buhay ang usapan kaya dapat maliksi ang bawat galaw!” malakas na bulalas pa ng binata na napabuga na marahas ng hangin. Gaano man kasakit ng nararamdaman ni Bethany ay hindi niya ipinakita iyon sa abugado. Masyadong abala na ang kanyang ginagawa. Kung ipapakita niya kay Gavin na sobrang sakit ng tiyan niya, malamang baka mataranta na naman ito at baka kung ano pa ang mangyari sa kanila kapag nawala ito sa focus sa pagmamaneho nitong ginagawa. Ayaw naman niyang mapahamak pa silang dalawa.“Wait lang, Thanie ha? Ginagawan ko na n
MULI LANG TUMANGO si Bethany at binigyan ng malungkot na ngiti ang biyenan. Pagod na siyang umiyak o madaling sabihin na wala na siyang lakas at luhang mailabas. Naubos na iyon kanina. Tinuyo na ang mga mata niya. Natanaw niya sa may pintuan ng silid ang biyenan niyang lalaki na matamang nakatingin lang sa kanyang banda. Hindi niya pa nakikita ang tiyuhin at si Briel ng mga sandaling iyon na alam niyang nasa labas lang ng kanyang silid. Lingid sa kaalaman niya na sinusubukan pa rin Briel tawagan ang asawa niya kahit na pagod na ito at ubos na ubos na ang pasensya sa sobrang frustration na kanyang nararamdaman.“Ang ganda at cute ng baby niyo ni Gavin, hija. Nakita namin siya kanina ng Daddy niyo at tiyuhin mo.” masuyo pang haplos ng Ginang sa kanyang isang pisngi at hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. “Paniguradong palaban din at matapang ang batang iyon na nagmana sa inyong mag-asawa, kung kaya naman siguradong hindi magtatagal ay magiging maayos ang lagay niya. Sa ngayon ay m
MARAHANG TUMANGO ANG Gobernador sa tinurang iyon ng pamangkin. Masuyong pinunasan niya ang mga luhang patuloy na naglalandas sa mukha ng kanyang pamangkin. Hindi pa man sabihin ni Bethany ay alam na ni Giovanni na iyon ang magiging desisyon ng pamangkin para sa kanyang anak. Hindi na nito kailangang pag-isipan pang mabuti, ang kanyang pagkatao ay masyadong katulad ng ina nitong si Beverly na mayroong iisang desisyon sa buhay. Nasanay na palaging maging kalmado sa lahat ng oras ang Governor, ngunit bahagyang nanginginig ang kanyang boses sa sandaling iyon nang dahil sa mahirap na sitwasyon na kinakaharap ngayon ng kanyang pamangkin.“Igagalang ko ang desisyon mo, hija. Nasa labas lang ako. Hihintayin kong ilabas mo ang dagdag na miyembro ng ating pamilya.”Hinawakan niya ulit ang ulo ni Bethany na muli niya pang marahan na hinaplos. “Maging malakas ka, maging matatag ka. Matapang ka. Malalagpasan mo ang lahat ng ito na kagaya ng iyong ina.” Pagkatapos sabihin iyon ay umayos na si Gio
PUNO NG KAHULUGAN ang mga salita ng doctor na ang dating sa Governor ay para bang sinasabi nito na kung wala lang ang baby sa katawan ng pamangkin niya, hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi niya maatim na isipin na kailangan nilang mamili sa dalawa. Wala sila sa tamang posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Ilang minutong natulala si Giovanni sa sinabi ng doctor. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang mag-asawang Dankworth sa kanya na may alanganin pang mga tingin na para bang naiilang sila kung kakausapin ba siya o hindi. Sinabi na rin iyon sa kanila ng doctor kanina at hindi sila makapag-decide. Ilang beses nilang pinag-iisipan ang gagawin, at ngayon na naroon na ang tiyuhin nito iniisip nila na siya na ang mag-decide. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na lang din ang kanila dahil wala naman doon ang kanilang anak para siya ang magpasya ng lahat.“Governor Bianchi—”“Nasaan ang asawa ng pamangkin ko?” malamig ang tono ng boses nito. Alam ng mag-asaw
BAGAMA’T NATATARANTA AY kalmadong tinawag ni Giovanni ang kanyang secretary at agad na inutusan na alamin kung ano ang nangyayari sa pamangkin niya. Hindi mapalagay ang isipan niya na ganun na lang ang sinabi sa tawag nito. Idagdag pa na biglang naputol ang kanilang linya. Kunot ang noo na ilang beses niya pang tinawagan ang numero ni Bethany ngunit ring lang iyon nang ring. Hindi nawala ang composure ng Gobernador sa harap ng kanyang mga nasasakupan kahit pa parang sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang lumipad patungo kung nasaan ang kanyang pamangkin. Kung saan-saan na tumatakbo ang isipan niya pero pinili niya pa rin ang maging kalmado ang hitsura.“I apologize. Mukhang may emergency lang sa isa sa mga pamangkin ko.” aniya na tinanguan lang ng mga kausap.Samantala, nagdatingan na ang mga rescuers at dahil nasa bungad sina Bethany ng pinangyarihan ay sila ang unang natagpuan ng mga ito at mabilis na sinugod sa pinakamalapit na hospital. Sinimulan na rin tawagan ng mga rescuers a
ILANG SANDALI PA ay parang kidlat na lumiwanag ang buong paligid dahil natanggal ang bubong ng sasakyan nina Bethany kung saan ay natanaw niya ang maliwanag na langit. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na niya nagawa pang makapag-react ng tama. Mabilis niyang tinanggal ang suot niyang seatbelt. Gusto niyang makaalis sa loob ng sasakyan. Iyon ang tanging nasa isip niya dahil natatakot siya na baka iyon naman ang sunod na liparin. Nagawa iyon ni Bethany sa sobrang pagkataranta, ngunit isang malakas na shock wave ang dumating na siyang nagpabagsak sa kanyang katawan at nagpasandal sa malapit na pader ang likod niya. Sa sandaling iyon ay tila nabali ang kanyang balakang sa lakas ng kanyang pagkakabagsak. Hindi na niya napigilan ang buong sistema na balutin ng matinding takot. Hindi para sa kanyang sarili kung hindi para sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan na kulang na kulang pa sa buwan. Wala sa sarili niyang niyakap ang kanyang tiyan na biglang nanigas gamit ang kanyang
GAANO MANG PAGTUTOL ang gawin ni Bethany na huwag umalis ang asawa sa araw na iyon ay hindi niya pa rin ito napigilan sa nais. Sa halip din na si Briel ang kanyang kasama sa paghatid dito sa airport ay si Manang Esperanza iyon dahil hindi agad nasabihan si Briel na mayroong lakad ng araw na iyon. Ganundin si Mrs. Dankworth na may importanteng pupuntahan. Ihahatid lang din naman siya ni Manang Esperanza sa mansion ng mga Dankworth at aalis na rin ang maid upang bumalik sa penthouse at ituloy ang ginagawa nitong paglilinis. Iyon ang malinaw na usapan nila bago umalis ng bahay. Dala na rin ni Bethany ang mga gamit niya para sa tatlong araw na pananatili sa mansion. “Babalik din ako agad, Thanie…” sambit ni Gavin nang itulak niya ang pintuan ng sasakyan sa gilid niya nang marating nila ang airport, “Huwag ka ng bumaba. Hmm? Dito ka na lang sa loob ng sasakyan at umalis na rin kayo agad para makapagpahinga ka ng maaga sa mansion.”“Hindi naman ako sasama sa’yo sa loob. Huwag mo nga akong
ILANG ARAW NA lihim na pinag-isipang mabuti iyon ni Gavin na sa bandang huli ay nagpasya na sasaglit siya sa ibang bansa. Pupuntahan niya ang kliyente. Sisikapin niyang matapos ang kasong iyon sa loob lamang ng tatlong araw upang makabalik siya agad ng Pilipinas. Inaasahan na niyang hindi papayag ang asawa oras na sabihin niya ang bagay na iyon, pero ang hirap para sa kanyang talikuran ang tungkulin niya na siumpaan niya at hindi niya ito matiis na hindi gawin lalo na at may buhay na manganganib na maparusahan kung hindi siya ang haharap at makikipaglaban. Ang ipagtanggol sa batas ang mga taong walang kasalanan. Hindi siya silaw sa halagang ibabayad nito pero gusto niyang tumulong doon sa kaso. Sisiw lang iyon sa kanya kung kaya naman ang laki ng tiwala nila. Hindi niya naman sila masisisi doon.“Stable naman ang lahat ng check up sa baby natin at sa’yo kaya wala namang magiging problema, Thanie. Tatlong araw. Bigyan mo lang ako ng tatlong araw. Pagkalipas ng tatlong araw na iyon nari
NATATAKOT SI GAVIN na baka kapag nalaman ito ng asawa ay makaapekto iyon nang mas malala. Hindi lang sa pagsasama nila, kundi pati na rin sa kalagayan ngayon ng asawa. Bagay na hindi niya makakayang mangyari. Kaya naman ang plano niyang dalhin iyon sa hukay ay mas nadepina pa sa araw na iyon. Hinding-hindi niya ito sasabihin. Anuman ang mangyari hindi niya ipapaalam kay Bethany iyon kahit na alam niyang sobrang unfair nito sa asawa niya.“Oo isa lang, Rina. Paano kaya gumawa ng dalawa? Iyong iba ang galing-galing. May tatlo pa nga di ba? Sana all na lang sa kanila.” Napahawak na si Bethany sa tiyan sabay ngiti nang malapad sa mga kaharap nila, mga ngiting ayaw maglaho ni Gavin oras na malaman nito ang kanyang lihim. Mabuti pa na siya na lang ang nakakaalam noon kaysa naman mas kamuhian siya ng asawa niya kung pipiliin niyang maging tapat sa kanya. Hindi iyon kalabisan ng pagmamahal niya sa asawa.“Ah, hati ang makukuha niyan sa inyo gaya ng baby namin. Hati ang mukha niya sa amin. P
PAGAK NA NATAWA si Bethany kung kaya naman medyo nilingon siya ni Gavin. Nasa paahan niya ito ng kama nila at nasa kandungan ang laptop. May tinatapos na trabaho. Napag-alaman din ni Bethany na nauna pa pala sa kanyang mabuntis ang kaibigan at wala rin siyang kaalam-alam sa bagay na iyon. Sa dami ng problema, nakaligtaan niya kaya naman naungusan siya at hindi gaanong napaghandaan ang pasabog nito. Hindi niya napansin noong libing ng kanyang ama na ang akala niya ay tumaba lang ang kaibigan at hiyang sa pag-aalaga ni Ramir, ibang taba na pala iyong nakita niya kundi baby na kaya naman heto, nang-aasar. “Oo naman. Execption na ‘yun. Ibang usapan na. Panigurado na pupunta kami ni Gavin.”“Aasahan namin iyan, Bethany. Huwag mo akong paasahin. Kami na ang pupunta kung nasaan ka ng inaanak mo kapag di kayo pumunta na mag-asawa para lang magkita.”Natawa na naman si Bethany, napasulyap na naman tuloy si Gavin sa kanya. Tumagal din iyon ng mga ilang minuto sa kanyang mukha. “Oo nga, para k