GULANTANG NA NAPAHAWAK na si Bethany sa kanyang dibdib. Hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang sakit doon na hindi niya kayang ma-explain. Ang isipin pa lang na makukulong at masisira ang reputasyon ni Gavin ng dahil sa kanya ay parang mababaliw na siya. Idagdag pa noon ang kanyang ama. Baka hindi lang sa mental ang maging bagsak niya. Baka siya na mismo ang kumitil ng sariling buhay kapag nangyari ang bagay na iyon upang kanyang takasan ang masaklap na katotohanan.“Gavin…” nanghihinang usal ni Bethany sa pangalan ng binata na parang hindi makapaniwala sa kung anuman ang narinig niya, “Ano bang pinagsasabi mo—”“Hindi ako nagbibiro, Thanie. Gagawin ko ang bagay na iyon kung pilit kang magmamatigas. Kung ipipilit mo ang gusto mo! Maaatim mo ba kaming humantong ng Papa mo doon?”Naburo pa ang mga mata ni Bethany sa binata. Mukha ngang hindi ito nagbibiro. Nanatiling nakaburo rin naman ang mga mata ni Gavin sa kanya. Naghihintay ng magiging sagot niya. Mabigat ang paninitig ng
HALOS PALIPARIN NI Gavin ang kanyang sasakyan makarating lang agad sa pinakamalapit na hospital. Sa pagmamadali ay hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong makahanap ng kilalang doctor upang umabang sa hospital na kanilang pupuntahan. Pabalagbag na ipinarada ni Gavin ang kanyang sasakyan sa parking lot ng hospital. Walang pakialam ang abugado kung may maharangan man siya o kung ano.“Gavin—” pigil ni Bethany sa isang braso ng binata upang pagsabihan ito nang maayos na mag-park, abugado ito at alam niya na alam na alam nito ang mga simpleng batas na kagaya nito.“Huwag ka ng magsalita. Ako na lang muna ang bababa. Dito ka lang. Saglit lang, ako muna ang unang lalabas para kumuha ng wheelchair nang hindi mo na kailangan pang pilitin ang sarili mong maglakad.”“Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Kaya ko namang maglakad at saka—”Bago pa matapos ni Bethany ang mga sasabihin ay nagawa ng makalabas ng sasakyan ni Gavin. Muli siyang napahawak sa tiyan ng maramdaman ang muling pagsakit n
MATAPOS NA MAISAKAY si Bethany sa kotse ay walang sabi-sabing pinaharurot na ni Gavin iyon. Naisip na sana ay doon na lang pala niya dinala ang dalaga at hindi na nag-aksaya pa ng oras sa public hospital na ang kupad ng galaw. Parang mga langgam kung titingnan gayong binabayaran naman. Ipiniling niya na lang ang ulo. Hindi makapaniwalang nag-aksaya siya ng ilang minuto para lang sa wala.“Kaya sila palaging namamatayan ng pasyente eh! Ang bagal nilang gumalaw. Buhay ang usapan kaya dapat maliksi ang bawat galaw!” malakas na bulalas pa ng binata na napabuga na marahas ng hangin. Gaano man kasakit ng nararamdaman ni Bethany ay hindi niya ipinakita iyon sa abugado. Masyadong abala na ang kanyang ginagawa. Kung ipapakita niya kay Gavin na sobrang sakit ng tiyan niya, malamang baka mataranta na naman ito at baka kung ano pa ang mangyari sa kanila kapag nawala ito sa focus sa pagmamaneho nitong ginagawa. Ayaw naman niyang mapahamak pa silang dalawa.“Wait lang, Thanie ha? Ginagawan ko na n
NAPALUNOK NA NG laway si Gavin. Naguguluhan na rin siya. Para siyang naiipit ngayon sa dalawang batong nag-uumpugan. Hindi naman dapat siya nahihirapang mamili sa kanila kaya lang ngayon, bigla niya iyong naramdaman.“Sige lang Gavin, pumunta ka na sa kanya!” eksaherada ng turan ni Bethany, malapit na naman siyang maiyak sa galit. “Iwan mo na lang ako dito!” bitaw na ni Bethany sa kanya na may halong pagtatampo at sama ng loob.Ginapangan na ng lungkot ang puso ng dalaga. Bakit kung kailan kakabati pa lang nila kanina tapos heto naman agad. Sinusubok na naman ang kanyang pasensya. Pinapasama ni Gavin ang loob niya dahil lang sa babaeng naging ugat noon ng lahat. Alam naman ni Gavin na ayaw niya sa ex-girlfriend nito pero bakit parang wala itong pakialam na naman sa mararamdaman niya? Parang sinasadya nitong gawin ang bagay na iyon?“Thanie…”“Ano pang ginagawa mo? Bakit nakatigil ka lang diyan? Tumayo ka na! Umalis ka na sa harapan ko at pumunta ka na sa kanya. Go!” nandidilat ang mga
NAPAMAANG NA ANG mga matang nanonood sa kanila sa pagiging asal bata ni Bethany. Hindi makapaniwala si Estellita at Alejandrino sa kanilang nakikitang ugali ng kasintahan ni Gavin ngayon. Napaka-isip bata naman nito.“Thanie!” mahina ngunit may diin na ang timbre ng boses ni Gavin, naiintindihan naman niya kung saan galing ang galit ng nobya ngunit hindi niya naman kailangang sumigaw at ipahiya siya. “Tama na, okay?”Hindi siya pinansin ni Bethany. Ano ang tingin nito sa kanya, hahayaang muling gawin ang bagay na iyon? Hindi niya kailangan ang coat. Siya ang kailangan niya! Nagpipigil na lang doon ng pagsabog si Gavin. Ang dalaga pa lang ang kauna-unahang sumigaw at nagpapahiya sa kanya sa harap ng maraming tao. Ganunpaman ay pilit niyang kinalamay ang sarili. Iintindihin na lang niya ang dalaga. Saglit na naghinang ang kanilang mga mata. Bumitaw lang siya nang lumapit ang doctor at tawagin ang pangalan niya. Parang tuod pa rin na nakatayo doon si Gavin. Ni hindi pinansin ang sinabi
EKSAKTONG SI BETHANY na ang papasok upang matingnan ng doctor nang makaramdam si Gavin na kailangan niyang gumamit ng banyo. Nais sanang pigilan iyon ng abogado ngunit baka matagalan sila sa loob upang kausapin ang doctor kaya naman pinili na lang niyang mabilis na gumamit. Hindi naman siya magtatagal doon eh. Sure siya.“Saglit lang ako, Thanie. Baka sa loob pa ako magkalat at magpasabog, nakakahiya naman kay Doc. In case na nasa loob ka na pagbalik ko, papasok na lang ako. Susunod ako sa iyo, hmm? Labyuh, Baby…”Tumango lang si Bethany na hindi man lang nagduda kahit na katiting kay Gavin. Nabalot pa ng kilig ang kanyang buong katawan sa huling sinabi nito bago umalis sa kanyang harapan. Ilang minuto pa lang ang lumipas ng tawagin na ang pangalan niya. Sinulyapan na niya ang daan patungo ng banyo. Umaasa na lalabas na doon ang nobyo niya.“Hindi pa ba siya tapos?”Nang dumungaw na ang doctor sa gilid ng pintuan ay napilitan na si Bethany na tumayo. Inalalayan naman siya ng doctor ng
MARAHANG HINAPLOS NI Bethany ang kanyang ibabang bahagi ng tiyan gamit ang kanyang mga daliring nanginginig. Sobrang sakit noon na para bang kapag hinawakan niya ito ay maiibsan ang pananakit. Tumingin siya sa kisame gamit ang mga matang may namumuo ng mga luha ng hinanakit para kay Gavin. Pinag-isipan niyang mabuti ang sinabi ng doctor. Lalo lang siyang masasaktan kung tatawagan niya si Gavin at hindi ito pumunta sa kanya kung kaya naman hindi na lang niya iyon gagawin. Masakit, oo, pero mas masakit ang hindi na naman piliin.“Tatawagan ko ang kaibigan ko, Doc…siya na lang ang gagawin kong guardian ko…”Napatingin sa kanya ang babaeng doktor. Bakas na sa mukha nito ang mas tuminding awa sa kanya. Tinawagan ni Bethany si Rina gamit ang nanginginig niyang kamay at boses. Sa sama ng loob niya ay nabanggit niya kung nasaan si Gavin kahit na hula pa lang naman niya iyon nang tanungin ng kaibigan kung nasaan ang abogado at bakit hindi siya niyo sinamahan ngayon. Wala naman kasing ibang dah
HINDI NA NARINIG ni Bethany kung ano ang sinagot ni Gavin dahil sa mga sandaling iyon, nanginginig na ang kalamnan niya at umaakyat na ang dugo niya sa ulo dala ng galit at inis. Gusto na niyang sugurin si Nancy at ilampaso ang mukha nito nang mabura ang nakakabuwisit nitong mga ngisi sa kanya. Halata namang inaasar lang siya ng babae kaya malakas na sinabi niya iyon na sinasadya ng iparinig nito.“Tara na, Rina. Huwag na lang natin silang pansinin—”“Ay hindi! Anong hindi pansinin? Kailangan nilang malaman na narito ka! Nag-e-exist ka! Nakikita mo sila. Baka hindi ako makapagpigil at dumanak ang dugo ng babaeng ‘yun sa palapag na ito. Tingnan mo!”Nagngangalit na ang ngipin ni Rina habang matalim na ang tingin sa kanilang pamilya. Ilang beses na hinawakan ni Bethany ang kamay ng kaibigan, pero hindi siya pinansin. “Bakit tayo ang iiwas at agad na aalis? Wala tayong masamang ginagawa sa kanila. Ang malanding iyan ang may kasalanan sa'yo kaya bakit ikaw ang natatakot sa kanya? Saka, i
PARANG SUMABOG NA bombang umalingawngaw sa pandinig ni Briel ang sinabi ni Bethany patungkol sa pagpunta ni Giovanni ng Canada na lingid sa kanyang kaalaman. Bakas na bakas iyon sa mukha niya; ang labis na pagkagulat dito. Ibig sabihin ay hindi aksidente ang pagkikita nilang dalawa. Sinadya iyon ng dating Gobernador kaya sila ay nagtagpo. “Ha? Pumunta siya ng Canada?” naguguluhan na naman niyang tanong na tumayo pa upang harapin ang hipag niya.Bakit hindi niya alam iyon? Bakit sa Hongkong na sila nagkita? Hindi kaya mula Canada pa lang ay sinundan na siya nito patungo sa Hongkong? Bakit hindi niya napansin? Bakit hindi nito sinabi sa kanya noong nasa Hongkong na sila? Napakarami ng kanyang katanungan na alam niyang si Giovanni lang ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanya.“Oo, hindi mo ba alam?” naguguluhan na rin na tanong ni Bethany sa hipag na hindi na niya mapigilang pagtaasan ng isang kilay, hindi naman ito mapagpanggap kung kaya bakit siya magsisinungaling sa kanya? “Kung ga
MAKULAY, MAINGAY AT naging masaya ang unang Pasko na sama-sama silang nagdiwang nito. Ganun nila ipinagdiwang ang noche buena ng taong iyon. Walang sinuman ang nagbukas ng usapan tungkol sa tunay na relasyon nina Giovanni at Briel. Maliit pa man ang kanilang pamilya ay nagkaroon sila ng parlor games per family. Ang mag-asawang Dankworth ang magkakampi. Ang mag-anak nina Bethany at Gavin. Sina Giovanni at Briel kasama si Brian na tanging palakpak lang ang ginagawa upang ipakita na excited siya. At upang mas maging masaya ang kanilang pagdiriwang doon ay sinali nila ang mga tauhan ni Giovanni at ng kanilang mga maid. Halos lahat naman sa kanila ay nakakuha ng prizes at gifts. Sa kanilang lahat, ang sobrang nag-enjoy sa mga palaro nila ay sina Brian at Gabe.“Bilisan niyo na kasing sundan ni Tito si Brian nang may kakampi ka na at hindi ka nang-aagaw ng anak ng iba.” pahaging ni Bethany nang gustong hiramin na naman ni Briel si Bry, hindi niya kasi mauto ang anak na palaging naka-karga
NANATILING NAKATAYO LANG doon si Briel. Pinapanood si Giovanni na kausapin ang kanilang anak na pulang-pula ang mukha bunga ng kanyang pag-iyak. Particular na ang ilong nito. Lumambot pa ang tingin niya sa anak na halatang naghahanap na ng kalinga ng ama niya. Bilang ina, hindi na niya mapigilan na mahabag sa ginagawa ng kanilang anak.“Brian, tama ang Daddy. Magbibihis lang siya sa kabilang silid at babalik din agad dito.” eksena na ni Briel, nagbabakasakaling pakikinggan siya ng kanyang anak tutal siya naman ang palaging kasama at siya ang nagpalaki.Parang walang narinig si Brian na hindi man lang nilingon ang ina. Isinandal pa nito ang ulo sa dibdib ni Giovanni at patuloy na ipinakita ang kanyang mga hikbi. Puno ng pagdududa ang mga mata nitong patuloy na namula pa doon.“O siya sige, sumama ka na sa Daddy mo at iwan mo na ako dito. Hindi mo naman yata ako love eh. Sige na, Gabriano…” Hindi pa rin nag-react doon si Brian kahit na pinalungkot pa ni Briel ang kanyang boses. Nasakta
MATAPOS NA MARINIG iyon ay nilingon na ni Giovanni ang anak na pinaglalaruan na ang toy cars na kanyang pasalubong. Pinapagulong iyon sa sofa malapit sa kanyang kinauupuan habang panaka-naka ang tingin sa kanya. Tumingin siya ulit sa itaas na palapag ng mansion. Ano kaya at siya na ang umakyat at magsabi kay Briel ng pinapasabi ng ina? Ang lungkot naman kung doon lang din silang tatlo sa mansion kahit pa pagod sa biyahe. Kahit pagod at gusto na rin niyang matulog, syempre gusto rin niyang pumunta ng Batangas para makita ang pamangkin at mga apo dito.“Daddy?” kuha ng atensyon ni Brian kay Giovanni nang mapansin ng bata ang dahan-dahan nitong paghakbang papuntang hagdan upang takasan siya. Puno ng pagiging inosente ang mga matang nagtatanong na iyon. “Where?”Ngumiti lang si Giovanni at namulsa na ang mga kamay. Ang akala niya ay makakatakas na siya sa anak.“Aakyat lang ako. Pupuntahan ko lang ang Mommy.” Patakbong lumapit na sa kanya ang bata at itinaas na ang dalawang kamay na anim
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili
HUSTONG PAGPASOK NI Briel sa immigration ay siya namang tayo ni Giovanni upang pumasok na sa eroplano. Muntik ng ma-late si Briel sa flight nang dahil sa kaibigan niyang napakaraming tanong na kinailangan niya pang sagutin kahit na pasakay na siya sa loob ng sasakyang gagamitin niya papuntang airport. Deretso na sa pila agad ang babae papasok ng eroplano. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan pa na ilang pasahero lang ang pagitan nilang dalawa ni Giovanni na hindi sinasadyang nagkasabay ang pag-uwi nila ng bansa. Paupo na sana si Briel nang mapansin niya sa gilid na bahagi ng kanyang mga mata ang bulto na ang pares ng mga mata ay matamang nakatingin sa kanya. Damang-dama niya ang init noon. Nang lingunin niya naman ito ay saktong dumaan ang ibang pasahero kaya natakpan nila ang bulto ni Giovanni na tulala na naman at hindi makapaniwalang nakikita niya si Briel sa harap. Ganunpaman pa man ay ipinagkibit na lang iyon ni Giovanni ng balikat at naupo na sa designated niya
TUMAGAL PA ANG tingin ni Giovanni sa mukha ni Briel na para bang hinahanap niya kung totoo ba ang sinasabi nito. Ganundin ang babae na ilang sandali lang na ginawa iyon at nag-iwas na ng kanyang tingin. Sinundan ni Giovanni ng tingin ang galaw nito na kumuha na ng tisyu upang ilagay lang iyon sa kanyang isang kamay. Umawang ang bibig ni Giovanni upang magbigay ng kanyang reaction, ngunit hindi niya nagawang pakawalan kung ano iyon. Nagawa na lang makatayo ni Briel mula sa kanyang inuupuan at walang lingon sa likod na siyang iniwan ay nanatili pa rin si Giovanni na tahimik na nakatitig sa mukha ng babae na animo ay tulala. Sinundan nito ang likod noon na tuloy-tuloy ang hakbang papalayo sa kanyang table. Dumating ang order ni Briel na salad para sa kanya na hindi ni Giovanni pinag-ukulan ng pansin. Hanggang sa makalabas ay pinanood niya lang itong sumakay ng taxi at hindi niya man lang hinabol gaya ng unang pumasok sa kanyang isipan. Ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang pakilosi
NAMUMUO NA ANG mga luhang napaangat na ang paningin ni Giovanni kay Briel na hindi na inaalis ang paningin sa kanya na gaya ng ginagawa nito kaninang panay ang iwas ng kanyang mga mata. Pigil na ng lalaki ang hinga dahil pakiramdam niya ay hindi na niya makakayanan na hindi pumatak ang mga luha sa harap ng babaeng mahal niya. Sa kabila ng pasakit na nagawa niya na alam niyang nasaktan niya ng labis si Briel, heto at pilit pa rin siya nitong iniintindi kahit na alam niyang sa part nito ay ang sakit na ng mga nagawa niya. Lumambot na ang mukha nito kumpara kanina na nagmamatigas na ayaw makipag-usap sa kanya at hindi niya alam kung anong gayuma ang nagawa na naman niya o marahil ay sobrang mahal pa rin siya ng isang Gabriella Dankworth kung kaya puno na naman ito ng pag-intindi..“Walang may kontrol, Giovanni, naiintindihan mo?” mas malumanay din ang boses ng mga sandaling iyon ni Briel na sa pakiramdam ni Giovanni ay mas lalo siyang nilalamon ng konsensya dahil puro pasakit ang naging
TUTAL AY NAROON na rin naman na si Briel sa sitwasyong iyon ay pinagbigyan na lang niya ang lalaking gawin ang gusto nitong pakikipag-usap umano kahit pa malaki ang duda niya sa kanya. Papakinggan na lang niya ang kung anong gusto nitong sabihin saka siya magre-react. Memoryado na niya ang kanyang isasagot kay Giovanni. Kahit anong gawin nitong luhod, hindi na siya muli pang magpapaalipin sa pag-ibig niya dito. Ilang beses na siya nitong binigo. Muli ba niyang hahay saktan at gamitin lang siya nito? Syempre hindi.“Fine, pero ayoko sa loob ng isang silid na tayong dalawa lang ang naroroon. Ayokong ihahain mo sa akin ang katawan mo na alam mong hindi ko magagawang tanggihan dahil marupok ako pagdating sa'yo. Hindi mo iyon pwedeng gawin sa akin, naiintindihan mo? Doon tayo sa isa sa public places or cafe.” Nahagip ng gilid ng mga mata ni Briel ang ginawang pag-angat ng gilid na labi ni Giovanni na halatang nahulaan niya agad ang pina-plano. Ibahin na siya ng lalaki ngayon. Hindi na siy