HINDI NA NARINIG ni Bethany kung ano ang sinagot ni Gavin dahil sa mga sandaling iyon, nanginginig na ang kalamnan niya at umaakyat na ang dugo niya sa ulo dala ng galit at inis. Gusto na niyang sugurin si Nancy at ilampaso ang mukha nito nang mabura ang nakakabuwisit nitong mga ngisi sa kanya. Halata namang inaasar lang siya ng babae kaya malakas na sinabi niya iyon na sinasadya ng iparinig nito.“Tara na, Rina. Huwag na lang natin silang pansinin—”“Ay hindi! Anong hindi pansinin? Kailangan nilang malaman na narito ka! Nag-e-exist ka! Nakikita mo sila. Baka hindi ako makapagpigil at dumanak ang dugo ng babaeng ‘yun sa palapag na ito. Tingnan mo!”Nagngangalit na ang ngipin ni Rina habang matalim na ang tingin sa kanilang pamilya. Ilang beses na hinawakan ni Bethany ang kamay ng kaibigan, pero hindi siya pinansin. “Bakit tayo ang iiwas at agad na aalis? Wala tayong masamang ginagawa sa kanila. Ang malanding iyan ang may kasalanan sa'yo kaya bakit ikaw ang natatakot sa kanya? Saka, i
NABALOT NG NAKAKABINGING katahimikan ang bandang dakong iyon ng hospital matapos na sabihin iyon ng pasigaw ni Bethany. Maging ang mga bystanders at dumadaan lang ay parang ayaw makagawa ng anumang ingay sa binitawang linya ng dalaga na punong-puno ng pait at matinding hinanakit. Nasa side sila ng dalaga kahit na hindi nila sabihin ang bagay na iyon. Sa kanila sila kakampi base sa kanilang narinig.“Halika na, Rina. Umalis na tayo. Huwag na tayong magsayang ng oras sa mga walang kwentang tao.”Inirapan ni Rina si Nancy na katitigan niya pa rin ng mga sandaling iyon. Wala siyang pakialam kung nakita man iyon ng mga magulang nitong parang estatwang mga nakatanga sa kanyang kaibigan. Hindi marahil nila napaghandaan ang maaanghang na mga salitang bibitawan ni Bethany para sa kanyang nobyo. Dahil doon ay umangat na ang gilid ng labi ni Rina, proud na proud sa katapangan ng kaibigang si Bethany. “Gago kasi at walang bayag na lalaki! Huwag ka sanang magkaanak sa hinaharap kahit isa dahil na
LINGID SA KANILANG kaalaman ay malinaw na nakikita sila ni Gavin sa pader ng elevator kung saan lang siya seryosong nakatingin. Umigting pa ang kanyang panga. Hindi na alam kung ano ang magiging hakbang niya para muling makuha ang loob ng kanyang galit na galit na nobya. Pupusta siya. Kung gaano niya ito kabilis nakuha ang tiwala noon, ngayon ay parang sobrang imposibleng mangyari na muli siyang pagkatiwalaan nito dahil sa mga nangyari. Muli niyang sinira ang tiwala nito na muling ibinigay sa kanya. “Kapag hindi ka niya pinatawad, ibig sabihin lang noon ay hindi ka niya talaga—” hirit pa sana ni Nancy.“Nancy, that’s enough! Problemado na nga iyong tao dadagdagan mo pa ang bigat ng isipin niya.” putol sa kanya ng ama niyang si Mr. Conley na nababalot na ng sobrang pagkakonsensya, siya ang ugat kung bakit may problema ang dalawa at kung bakit sila magkasira ngayon. “Natural na magagalit ang girlfriend ni Gavin lalo na at may nakaraan kayo. Unawain mo rin sana. Hindi lang iyon, narini
NOONG NAKIPAGHIWALAY SIYA kay Nancy, hindi naman niya naramdaman ang ganung klaseng pagsisisi na dama ng buo niyang katawan. Dapat mas malala pa nga iyon dahil mula pagkabata silang magkakilala at magkasama, maganda rin ang relasyon niya sa mga magulang ni Nancy. Pero hindi. Hindi niya naramdaman ang ganitong klase ng pagsisisi ng mga sandaling iyon noon. Oo nagalit siya. Hanggang doon lang naman iyon. Ibang-iba ang lahat ngayon na nagsisi siya ng husto, gusto niyang bumawi kay Bethany, ayaw niyang mawalay sa kanya ang dalaga. Pakiramdam niya ay kulang ang magiging buhay niya oras na mangyaring hindi na talaga siya kibuin ni Bethany.Hindi sila dapat nagtapos ng ganito lang. Ang dami nilang pangarap eh. Hindi pa nga nila nasisimulan ang trip nila.Mariin at pwersahang hinawakan ni Gavin ang pinto ng sasakyan gamit ang kanyang mga kamay na akmang isasara na sana ni Bethany, masuyo na siyang tumingin sa dalaga na nagulat sa biglaan niyang pagsulpot sa gilid ng kotse.“Hayaan mong ihatid
NANGHIHINANG NAPASANDAL NA si Gavin sa gilid ng kanyang sasakyan. Nasa isipan niya pa rin ang mga salitang binitawan ni Bethany. Hawak pa rin ng kanyang nanlalamig na kamay ang papel ng diagnosis ng dalaga. Masusi niyang pinasadahan iyon ng tingin. Nandilat ang mga mata niya sa naging dahilan ng operasyon nito. Siya. Siya ang may kasalanan kung bakit kailangang mag-undergo nito ng operasyon. Hindi kasi siya nag-iingat. Sobrang naging hayok ng katawan niya sa sex. Nagulo na niya ang buhok sabay sulyap muli sa apartment ni Bethany. Napaawang na ang bibig sa pagkabigla sa nakasulat na result.“Sorry, Thanie, I am really s-sorry…” sambit niyang napahawak pa sa kanyang dibdib.Parang guguho ang mundo ni Gavin nang paulit-ulit niyang balikan ang mga nangyari ng araw na iyon. Inabot na lang siya ng kalaliman doon ng gabi pero hindi magawa ng utak niyang mag-function nang maayos at tama. Guilty na guilty siya sa mga nangyari na parang nais niyang balikan ang oras na iyon. Nakailang tingin siy
NAPAAYOS NA NG upo si Gavin nang makita niya ang paglabas ni Rina sa gate ng apartment. Hindi niya alam kung aalis na ito o may bibilhin lang sa labas ng ganung oras, pero ang tanging nais niya ay ang makausap si Bethany kaya hindi na siya nagdalawang isip pa sa naunang plano niya. Hindi niya magawang makatulog kahit na umuwi siya ng penthouse ng nagdaang gabi. Sa bawat sulok kasi ng bahay niya ay nakikita niya ang imahe ni Bethany. Sinubukan niyang uminom ng alak pampatulog, pero hindi ito nakatulong at iba ang ginawa sa kanya. Pinaiyak lang siya nito at mas pinasama ang timpla ng loob niya. Pina-realized pa nito na napakalaki niyang gago sa desisyon niya sa pagitan ng nobya at dating kasintahan niya. Kaya naman minabuti niyang lumabas na lang ulit at baka kung ano pa ang magawa niya sa sarili kung magmumukmok lang siya sa loob ng penthouse. Bumili na rin siya ng magiging almusal nila ni Bethany. Hindi lang iyon, sinamahan pa niya ito ng bouquet ng paboritong flower ng kasintahan niy
NAGSUKATAN NA NG matalim na mga tingin ang dalawang dating magkasintahan. Pilit na inaarok ni Gavin ang damdamin ni Bethany kung seryoso ba ito sa kanyang mga pinagsasabi. Hindi naman siya inatrasan ng dalagang nakipagtagisan ang mga mata nababalot ng hinanakit at sama ng loob. Si Gavin na lang ang napilitang umiwas sa bandang huli. Batid niyang hindi basta aatras sa kanya ang dalaga na puno pa rin ng galit ang pares ng mga mata. Siya na ang kusang a-adjust.“Magkaroon ka naman ng kahihiyan sa katawan, Gavin! Kahit kaunti lang, please lang.” bulyaw ni Bethany na mas nandilat pa ang mga mata niya. “Pwede kang makahanap ng kahit na ilang babae na makakatabi sa pagtulog mo at papawi ng init ng katawan mo dahil alam kong iyon lang ang habol mo. Kaya mo iyong gawin kahit na nakasara pa ang mga mata mo! Hindi mo na kailangang guluhin pa ako ng ganito! Saka hindi lang naman ako ang babae dito sa mundo, huwag ka nga.” “Bakit, Thanie? Sa tingin mo ba ay iyon lang ang habol ko sa’yo kaya ako—”
NAPABANGON NA SI Bethany nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng kanyang apartment. Kumakalabog ang kanyang puso na dahan-dahan na lumabas ng silid sa pag-aakala na nabuksan ni Gavin ang pintuan ng apartment. Nakahinga lang siya nang maluwag sabay hawak sa kanyang dibdib nang makita niyang si Rina lang pala ang pumasok at hindi naman si Gavin.“Nagkausap ba kayo? Pinagbuksan mo?” usisa agad ng kaibigan na bahagyang tinuro sa labas.“Oo, akala ko kasi ay ikaw at may nakalimutan lang. Nagising din ako sa ingay ng doorbell eh.”Napailing na lang si Rina. Hindi makapaniwala na magogoyo nito ang kaibigan. Nilapag na niya sa center table ang mga dala niyang almusal nila. “Binigay mo kagabi sa akin ang duplicate key mo kaya malabong gagamit ako ng doorbell dahil alam ko rin namang puyat ka at kailangan mo ng pahinga. Buti at hindi ka niya pwersahang pinasok dito para magkausap kuno kayong dalawa?”Hindi sumagot si Bethany. Ayaw na niyang pag-usapan pa nila ang abogado. Kumukulo na naman
BUMUNGISNGIS LANG DOON si Gavin na hinagod na ng isang palad ang kanyang buhok na bahagyang tumakip sa kanyang mukha. Hindi malaman ni Briel kung ano ang pumasok sa utak ng kapatid at nagpahaba ito ng kanyang buhok. Pasalamat din ito na siya ang nasusunod sa kanyang propesyon kung kaya hindi ito napupuna sa bagay na iyon. Kumislap pa ang kanyang mga mata na para bang may naiisip itong nakakakilig dahil halos mapunit ang labi sa ngiti.“Oo naman, Tito. Kayang-kaya ko pa…saka matagal na akong hulog na hulog sa pamangkin mo.” humagikhik pa ito at nagawa pang takpan ang bibig ng kanyang isang palad na para bang kinikilig sa kanyang sinabi, “Kapag narinig ito ng asawa ko baka masundan namin agad si Bryson.” dagdag pa ni Gavin na ikinahalakhak na rin ni Briel habang naiiling. Humahapay na umakyat na si Gavin ng hagdan na halatang mas lalo itong nalasing. Hindi na kailangang sabihan pa si Giovanni na halatang sakto lang ang inom na patakbong hinabol si Gavin upang alalayan itong maayos na m
PARANG SUMABOG NA bombang umalingawngaw sa pandinig ni Briel ang sinabi ni Bethany patungkol sa pagpunta ni Giovanni ng Canada na lingid sa kanyang kaalaman. Bakas na bakas iyon sa mukha niya; ang labis na pagkagulat dito. Ibig sabihin ay hindi aksidente ang pagkikita nilang dalawa. Sinadya iyon ng dating Gobernador kaya sila ay nagtagpo. “Ha? Pumunta siya ng Canada?” naguguluhan na naman niyang tanong na tumayo pa upang harapin ang hipag niya.Bakit hindi niya alam iyon? Bakit sa Hongkong na sila nagkita? Hindi kaya mula Canada pa lang ay sinundan na siya nito patungo sa Hongkong? Bakit hindi niya napansin? Bakit hindi nito sinabi sa kanya noong nasa Hongkong na sila? Napakarami ng kanyang katanungan na alam niyang si Giovanni lang ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanya.“Oo, hindi mo ba alam?” naguguluhan na rin na tanong ni Bethany sa hipag na hindi na niya mapigilang pagtaasan ng isang kilay, hindi naman ito mapagpanggap kung kaya bakit siya magsisinungaling sa kanya? “Kung ga
MAKULAY, MAINGAY AT naging masaya ang unang Pasko na sama-sama silang nagdiwang nito. Ganun nila ipinagdiwang ang noche buena ng taong iyon. Walang sinuman ang nagbukas ng usapan tungkol sa tunay na relasyon nina Giovanni at Briel. Maliit pa man ang kanilang pamilya ay nagkaroon sila ng parlor games per family. Ang mag-asawang Dankworth ang magkakampi. Ang mag-anak nina Bethany at Gavin. Sina Giovanni at Briel kasama si Brian na tanging palakpak lang ang ginagawa upang ipakita na excited siya. At upang mas maging masaya ang kanilang pagdiriwang doon ay sinali nila ang mga tauhan ni Giovanni at ng kanilang mga maid. Halos lahat naman sa kanila ay nakakuha ng prizes at gifts. Sa kanilang lahat, ang sobrang nag-enjoy sa mga palaro nila ay sina Brian at Gabe.“Bilisan niyo na kasing sundan ni Tito si Brian nang may kakampi ka na at hindi ka nang-aagaw ng anak ng iba.” pahaging ni Bethany nang gustong hiramin na naman ni Briel si Bry, hindi niya kasi mauto ang anak na palaging naka-karga
NANATILING NAKATAYO LANG doon si Briel. Pinapanood si Giovanni na kausapin ang kanilang anak na pulang-pula ang mukha bunga ng kanyang pag-iyak. Particular na ang ilong nito. Lumambot pa ang tingin niya sa anak na halatang naghahanap na ng kalinga ng ama niya. Bilang ina, hindi na niya mapigilan na mahabag sa ginagawa ng kanilang anak.“Brian, tama ang Daddy. Magbibihis lang siya sa kabilang silid at babalik din agad dito.” eksena na ni Briel, nagbabakasakaling pakikinggan siya ng kanyang anak tutal siya naman ang palaging kasama at siya ang nagpalaki.Parang walang narinig si Brian na hindi man lang nilingon ang ina. Isinandal pa nito ang ulo sa dibdib ni Giovanni at patuloy na ipinakita ang kanyang mga hikbi. Puno ng pagdududa ang mga mata nitong patuloy na namula pa doon.“O siya sige, sumama ka na sa Daddy mo at iwan mo na ako dito. Hindi mo naman yata ako love eh. Sige na, Gabriano…” Hindi pa rin nag-react doon si Brian kahit na pinalungkot pa ni Briel ang kanyang boses. Nasakta
MATAPOS NA MARINIG iyon ay nilingon na ni Giovanni ang anak na pinaglalaruan na ang toy cars na kanyang pasalubong. Pinapagulong iyon sa sofa malapit sa kanyang kinauupuan habang panaka-naka ang tingin sa kanya. Tumingin siya ulit sa itaas na palapag ng mansion. Ano kaya at siya na ang umakyat at magsabi kay Briel ng pinapasabi ng ina? Ang lungkot naman kung doon lang din silang tatlo sa mansion kahit pa pagod sa biyahe. Kahit pagod at gusto na rin niyang matulog, syempre gusto rin niyang pumunta ng Batangas para makita ang pamangkin at mga apo dito.“Daddy?” kuha ng atensyon ni Brian kay Giovanni nang mapansin ng bata ang dahan-dahan nitong paghakbang papuntang hagdan upang takasan siya. Puno ng pagiging inosente ang mga matang nagtatanong na iyon. “Where?”Ngumiti lang si Giovanni at namulsa na ang mga kamay. Ang akala niya ay makakatakas na siya sa anak.“Aakyat lang ako. Pupuntahan ko lang ang Mommy.” Patakbong lumapit na sa kanya ang bata at itinaas na ang dalawang kamay na anim
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili
HUSTONG PAGPASOK NI Briel sa immigration ay siya namang tayo ni Giovanni upang pumasok na sa eroplano. Muntik ng ma-late si Briel sa flight nang dahil sa kaibigan niyang napakaraming tanong na kinailangan niya pang sagutin kahit na pasakay na siya sa loob ng sasakyang gagamitin niya papuntang airport. Deretso na sa pila agad ang babae papasok ng eroplano. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan pa na ilang pasahero lang ang pagitan nilang dalawa ni Giovanni na hindi sinasadyang nagkasabay ang pag-uwi nila ng bansa. Paupo na sana si Briel nang mapansin niya sa gilid na bahagi ng kanyang mga mata ang bulto na ang pares ng mga mata ay matamang nakatingin sa kanya. Damang-dama niya ang init noon. Nang lingunin niya naman ito ay saktong dumaan ang ibang pasahero kaya natakpan nila ang bulto ni Giovanni na tulala na naman at hindi makapaniwalang nakikita niya si Briel sa harap. Ganunpaman pa man ay ipinagkibit na lang iyon ni Giovanni ng balikat at naupo na sa designated niya
TUMAGAL PA ANG tingin ni Giovanni sa mukha ni Briel na para bang hinahanap niya kung totoo ba ang sinasabi nito. Ganundin ang babae na ilang sandali lang na ginawa iyon at nag-iwas na ng kanyang tingin. Sinundan ni Giovanni ng tingin ang galaw nito na kumuha na ng tisyu upang ilagay lang iyon sa kanyang isang kamay. Umawang ang bibig ni Giovanni upang magbigay ng kanyang reaction, ngunit hindi niya nagawang pakawalan kung ano iyon. Nagawa na lang makatayo ni Briel mula sa kanyang inuupuan at walang lingon sa likod na siyang iniwan ay nanatili pa rin si Giovanni na tahimik na nakatitig sa mukha ng babae na animo ay tulala. Sinundan nito ang likod noon na tuloy-tuloy ang hakbang papalayo sa kanyang table. Dumating ang order ni Briel na salad para sa kanya na hindi ni Giovanni pinag-ukulan ng pansin. Hanggang sa makalabas ay pinanood niya lang itong sumakay ng taxi at hindi niya man lang hinabol gaya ng unang pumasok sa kanyang isipan. Ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang pakilosi
NAMUMUO NA ANG mga luhang napaangat na ang paningin ni Giovanni kay Briel na hindi na inaalis ang paningin sa kanya na gaya ng ginagawa nito kaninang panay ang iwas ng kanyang mga mata. Pigil na ng lalaki ang hinga dahil pakiramdam niya ay hindi na niya makakayanan na hindi pumatak ang mga luha sa harap ng babaeng mahal niya. Sa kabila ng pasakit na nagawa niya na alam niyang nasaktan niya ng labis si Briel, heto at pilit pa rin siya nitong iniintindi kahit na alam niyang sa part nito ay ang sakit na ng mga nagawa niya. Lumambot na ang mukha nito kumpara kanina na nagmamatigas na ayaw makipag-usap sa kanya at hindi niya alam kung anong gayuma ang nagawa na naman niya o marahil ay sobrang mahal pa rin siya ng isang Gabriella Dankworth kung kaya puno na naman ito ng pag-intindi..“Walang may kontrol, Giovanni, naiintindihan mo?” mas malumanay din ang boses ng mga sandaling iyon ni Briel na sa pakiramdam ni Giovanni ay mas lalo siyang nilalamon ng konsensya dahil puro pasakit ang naging