NANGHIHINANG NAPASANDAL NA si Gavin sa gilid ng kanyang sasakyan. Nasa isipan niya pa rin ang mga salitang binitawan ni Bethany. Hawak pa rin ng kanyang nanlalamig na kamay ang papel ng diagnosis ng dalaga. Masusi niyang pinasadahan iyon ng tingin. Nandilat ang mga mata niya sa naging dahilan ng operasyon nito. Siya. Siya ang may kasalanan kung bakit kailangang mag-undergo nito ng operasyon. Hindi kasi siya nag-iingat. Sobrang naging hayok ng katawan niya sa sex. Nagulo na niya ang buhok sabay sulyap muli sa apartment ni Bethany. Napaawang na ang bibig sa pagkabigla sa nakasulat na result.“Sorry, Thanie, I am really s-sorry…” sambit niyang napahawak pa sa kanyang dibdib.Parang guguho ang mundo ni Gavin nang paulit-ulit niyang balikan ang mga nangyari ng araw na iyon. Inabot na lang siya ng kalaliman doon ng gabi pero hindi magawa ng utak niyang mag-function nang maayos at tama. Guilty na guilty siya sa mga nangyari na parang nais niyang balikan ang oras na iyon. Nakailang tingin siy
NAPAAYOS NA NG upo si Gavin nang makita niya ang paglabas ni Rina sa gate ng apartment. Hindi niya alam kung aalis na ito o may bibilhin lang sa labas ng ganung oras, pero ang tanging nais niya ay ang makausap si Bethany kaya hindi na siya nagdalawang isip pa sa naunang plano niya. Hindi niya magawang makatulog kahit na umuwi siya ng penthouse ng nagdaang gabi. Sa bawat sulok kasi ng bahay niya ay nakikita niya ang imahe ni Bethany. Sinubukan niyang uminom ng alak pampatulog, pero hindi ito nakatulong at iba ang ginawa sa kanya. Pinaiyak lang siya nito at mas pinasama ang timpla ng loob niya. Pina-realized pa nito na napakalaki niyang gago sa desisyon niya sa pagitan ng nobya at dating kasintahan niya. Kaya naman minabuti niyang lumabas na lang ulit at baka kung ano pa ang magawa niya sa sarili kung magmumukmok lang siya sa loob ng penthouse. Bumili na rin siya ng magiging almusal nila ni Bethany. Hindi lang iyon, sinamahan pa niya ito ng bouquet ng paboritong flower ng kasintahan niy
NAGSUKATAN NA NG matalim na mga tingin ang dalawang dating magkasintahan. Pilit na inaarok ni Gavin ang damdamin ni Bethany kung seryoso ba ito sa kanyang mga pinagsasabi. Hindi naman siya inatrasan ng dalagang nakipagtagisan ang mga mata nababalot ng hinanakit at sama ng loob. Si Gavin na lang ang napilitang umiwas sa bandang huli. Batid niyang hindi basta aatras sa kanya ang dalaga na puno pa rin ng galit ang pares ng mga mata. Siya na ang kusang a-adjust.“Magkaroon ka naman ng kahihiyan sa katawan, Gavin! Kahit kaunti lang, please lang.” bulyaw ni Bethany na mas nandilat pa ang mga mata niya. “Pwede kang makahanap ng kahit na ilang babae na makakatabi sa pagtulog mo at papawi ng init ng katawan mo dahil alam kong iyon lang ang habol mo. Kaya mo iyong gawin kahit na nakasara pa ang mga mata mo! Hindi mo na kailangang guluhin pa ako ng ganito! Saka hindi lang naman ako ang babae dito sa mundo, huwag ka nga.” “Bakit, Thanie? Sa tingin mo ba ay iyon lang ang habol ko sa’yo kaya ako—”
NAPABANGON NA SI Bethany nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng kanyang apartment. Kumakalabog ang kanyang puso na dahan-dahan na lumabas ng silid sa pag-aakala na nabuksan ni Gavin ang pintuan ng apartment. Nakahinga lang siya nang maluwag sabay hawak sa kanyang dibdib nang makita niyang si Rina lang pala ang pumasok at hindi naman si Gavin.“Nagkausap ba kayo? Pinagbuksan mo?” usisa agad ng kaibigan na bahagyang tinuro sa labas.“Oo, akala ko kasi ay ikaw at may nakalimutan lang. Nagising din ako sa ingay ng doorbell eh.”Napailing na lang si Rina. Hindi makapaniwala na magogoyo nito ang kaibigan. Nilapag na niya sa center table ang mga dala niyang almusal nila. “Binigay mo kagabi sa akin ang duplicate key mo kaya malabong gagamit ako ng doorbell dahil alam ko rin namang puyat ka at kailangan mo ng pahinga. Buti at hindi ka niya pwersahang pinasok dito para magkausap kuno kayong dalawa?”Hindi sumagot si Bethany. Ayaw na niyang pag-usapan pa nila ang abogado. Kumukulo na naman
ALAS-OTSO ng gabi nang marating nina Miss Gen at Bethany ang dinner party na sinasabi ng babae. Bagong galing pa lang siya sa napagdaanang sakit kaya nilinaw niya kay Miss Gen na hindi siya pwedeng uminom ng alak. Naiintindihan naman iyon ng babae.“Ayos lang Miss Guzman, ang mahalaga naman ay kasama kita. Hindi mo kailangang makipagsabayan. May mga low alcoholic drink naman doon in case hindi ka makatiis na hindi sumabay sa aming uminom.”Ngumiti lang si Bethany bilang sagot. Hindi nagtagal ay narating nila ang sinasabing dinner party. Hindi iyon normal na party lang. Ang inaasahan ni Bethany ay isa o dalawa lang na investors ang ka-meeting nila, pero mali siya. Marami sila na hindi niya kilalang mukha na noon lang niya nakita. Karamihan pa sa kanila ay mga lalaki. Hinuli niya ang mga mata ni Miss Gen na naging bigla na lang mailap. Hindi malaman ni Bethany kung bakit biglang tumahip ang dibdib niya. Pakiramdam niya, habang pumapasok siya sa loob ng VIP room na iyon ay pumapasok siy
NAGPATULOY ANG KANILANG kasiyahan sa loob ng naturang VIP room. Nagkaroon ng sariling mundo si Bethany at Maverick kung saan ay sabay nilang binalikan ang kanilang kabataan. Hindi nila namalayan na halos makaubos na sila ng ilang bote ng wine. Lubos pa ang naging pag-aalala ni Miss Gen kay Bethany, ngunit hindi siya nito pinansin nang pilit nitong kinukuha ang atensyon ng dalaga. Nang hindi na nakatiis ang babae ay bahagya siyang dumukwang palapit sa kanya upang mahina lang na bumulong. “Mag-excuse ka. Sabihin mo gagamit ka ng banyo. Hahanap ako ng paraan kung paano magpapaalam. Pwede kang mauna ng umalis para hindi masyadong halata.” Natigilan si Bethany sa kanyang mga sasabihin pa sana nang marinig ang sinabi ng kanyang kasama. Aaminin niya, tinatamaan na siya ng espiritu ng alak pero hindi niya iyon alintana. Ayaw pa niyang umalis. Nahihiya siya. Mahinang iniiling ni Bethany ang kanyang ulo. “Ayokong mauna. Sabay na tayo, Miss Gen.” Napabuntong-hininga na lang si Miss Gen. Alam
HINDI PINANSIN NI Bethany si Miss Gen kahit na anong pilit ang kuha nito ng atensyon niya. Sa halip na tingnan ito ay hinagilap niya ang baso ng kanyang alak na bagong salin lang ang laman ni Maverick na panay lang ang ngiti sa kanya habang namumula ang buong mukha. Halatang inlove na inlove ang mga mata nito sa dalaga. Walang pagdadalawang-isip niyang nilagok ang laman ng kanyang baso. Wala siyang itinira doon na ikinapalakpak ng mga kasamahan niya bunga ng labis na paghanga sa kanyang ginawa. Napanganga na si Maverick, samantalang halos mahulog naman ang mga mata ni Miss Gen sa kanyang mga nakita. Hindi dapat umiinom nang sobrang alak ang dalaga dahil baka kung mapaano pa ito.“Miss Guzman!” palatak na agad ng babae na natatarantang napaahon sa kanyang upuan. “Tagay pa! Bigyan niyo pa ako ng alak! Lagyan niyo pa ang baso ko!” matapang na baba ni Bethany ng baso niya na isinulong sa gitna at naghahamon na lagyan pa ito ng mga kasama, “Gusto ko pa!”Masunurin namang nilagyan iyon ni
NAGNGALIT NA ANG mga ngipin ni Gavin nang walang imik na tanggalin ni Bethany ang hawak niya sa balikat ng dalaga na parang nandidiri ito sa kanya. Hindi niya na nagawa pang ibalik iyon dahil sa masamang tinging ipinupukol sa kanya na sandaling ibalik niya ay makakatikim siya.“Thanie, may relasyon pa rin tayo hanggang hindi ako pumapayag sa break-up na sinasabi mo sa kanilang harapan. Boyfriend mo pa rin ako at girlfriend pa rin kita.” patuloy pa ni Gavin kahit na alam niyang may tendency na susuplahin iyon nang malala ng dalaga, “Tayo pa rin. Narinig mo? Tayo pa rin, Thanie. May relasyon pa rin tayo...”“Talaga? Tayo pa? Ikaw lang ang nakakaalam na tayo pa. Gusto mo bang ipangalandakan ko—”Walang pakundangan na binuhat na siya ni Gavin na mala-bride style. Ikinawag-kawag na ni Bethany ang dalawa niyang mga paa na muntik na sanang matamaan ang mukha ni Gavin nito. Agad-agad namang tumayo si Maverick upang umalma sa ginawa ng binata nang makita niya ito. Nawindang siya nang bigla na
KASABAY NG PAGBAGSAK ng mga luha ni Gavin ay ang pagbitaw ng kanyang kamay sa handle ng kanyang dalang maleta. Tuluyang na-blangko na ang kanyang isipan. Nandilim na ang kanyang paningin na para bang ang kanyang narinig ay hindi boses ng sariling kapatid at guni-guni lang niya ang lahat ng narinig. Naghihina na ang kanyang mga tuhod na napaupo na. Hindi alintana ang lugar na kanyang kinaroroonan.“Lumabas na ang anak niyo kahit kulang pa siya sa buwan, Kuya Gav.”Naghiwalay pa ang kanyang labi sa sunod na sinabi ng kapatid. Hindi na alam kung ano ang dapat na reaksyon. Kotang-kota na siya sa mga pasabog na nalaman niya. Isang maling desisyon, sobrang laki ng naging impact noon. Kung hindi siya nagpilit na umalis ng bansa, wala sanang ganitong kapahamakan.“Bakit mo ba kasi siya iniwan? Inuna mo pa ang trabaho mo diyan! Alam mo namang buntis siya!”“Sagutin mo ang tanong ko, Briel. Kumusta ang asawa ko?!” halos mapatid na ang ugat niya sa leeg.Wala ng pakialam si Gavin kung pinagtitin
MULI LANG TUMANGO si Bethany at binigyan ng malungkot na ngiti ang biyenan. Pagod na siyang umiyak o madaling sabihin na wala na siyang lakas at luhang mailabas. Naubos na iyon kanina. Tinuyo na ang mga mata niya. Natanaw niya sa may pintuan ng silid ang biyenan niyang lalaki na matamang nakatingin lang sa kanyang banda. Hindi niya pa nakikita ang tiyuhin at si Briel ng mga sandaling iyon na alam niyang nasa labas lang ng kanyang silid. Lingid sa kaalaman niya na sinusubukan pa rin Briel tawagan ang asawa niya kahit na pagod na ito at ubos na ubos na ang pasensya sa sobrang frustration na kanyang nararamdaman.“Ang ganda at cute ng baby niyo ni Gavin, hija. Nakita namin siya kanina ng Daddy niyo at tiyuhin mo.” masuyo pang haplos ng Ginang sa kanyang isang pisngi at hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. “Paniguradong palaban din at matapang ang batang iyon na nagmana sa inyong mag-asawa, kung kaya naman siguradong hindi magtatagal ay magiging maayos ang lagay niya. Sa ngayon ay m
MARAHANG TUMANGO ANG Gobernador sa tinurang iyon ng pamangkin. Masuyong pinunasan niya ang mga luhang patuloy na naglalandas sa mukha ng kanyang pamangkin. Hindi pa man sabihin ni Bethany ay alam na ni Giovanni na iyon ang magiging desisyon ng pamangkin para sa kanyang anak. Hindi na nito kailangang pag-isipan pang mabuti, ang kanyang pagkatao ay masyadong katulad ng ina nitong si Beverly na mayroong iisang desisyon sa buhay. Nasanay na palaging maging kalmado sa lahat ng oras ang Governor, ngunit bahagyang nanginginig ang kanyang boses sa sandaling iyon nang dahil sa mahirap na sitwasyon na kinakaharap ngayon ng kanyang pamangkin.“Igagalang ko ang desisyon mo, hija. Nasa labas lang ako. Hihintayin kong ilabas mo ang dagdag na miyembro ng ating pamilya.”Hinawakan niya ulit ang ulo ni Bethany na muli niya pang marahan na hinaplos. “Maging malakas ka, maging matatag ka. Matapang ka. Malalagpasan mo ang lahat ng ito na kagaya ng iyong ina.” Pagkatapos sabihin iyon ay umayos na si Gio
PUNO NG KAHULUGAN ang mga salita ng doctor na ang dating sa Governor ay para bang sinasabi nito na kung wala lang ang baby sa katawan ng pamangkin niya, hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi niya maatim na isipin na kailangan nilang mamili sa dalawa. Wala sila sa tamang posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Ilang minutong natulala si Giovanni sa sinabi ng doctor. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang mag-asawang Dankworth sa kanya na may alanganin pang mga tingin na para bang naiilang sila kung kakausapin ba siya o hindi. Sinabi na rin iyon sa kanila ng doctor kanina at hindi sila makapag-decide. Ilang beses nilang pinag-iisipan ang gagawin, at ngayon na naroon na ang tiyuhin nito iniisip nila na siya na ang mag-decide. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na lang din ang kanila dahil wala naman doon ang kanilang anak para siya ang magpasya ng lahat.“Governor Bianchi—”“Nasaan ang asawa ng pamangkin ko?” malamig ang tono ng boses nito. Alam ng mag-asaw
BAGAMA’T NATATARANTA AY kalmadong tinawag ni Giovanni ang kanyang secretary at agad na inutusan na alamin kung ano ang nangyayari sa pamangkin niya. Hindi mapalagay ang isipan niya na ganun na lang ang sinabi sa tawag nito. Idagdag pa na biglang naputol ang kanilang linya. Kunot ang noo na ilang beses niya pang tinawagan ang numero ni Bethany ngunit ring lang iyon nang ring. Hindi nawala ang composure ng Gobernador sa harap ng kanyang mga nasasakupan kahit pa parang sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang lumipad patungo kung nasaan ang kanyang pamangkin. Kung saan-saan na tumatakbo ang isipan niya pero pinili niya pa rin ang maging kalmado ang hitsura.“I apologize. Mukhang may emergency lang sa isa sa mga pamangkin ko.” aniya na tinanguan lang ng mga kausap.Samantala, nagdatingan na ang mga rescuers at dahil nasa bungad sina Bethany ng pinangyarihan ay sila ang unang natagpuan ng mga ito at mabilis na sinugod sa pinakamalapit na hospital. Sinimulan na rin tawagan ng mga rescuers a
ILANG SANDALI PA ay parang kidlat na lumiwanag ang buong paligid dahil natanggal ang bubong ng sasakyan nina Bethany kung saan ay natanaw niya ang maliwanag na langit. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na niya nagawa pang makapag-react ng tama. Mabilis niyang tinanggal ang suot niyang seatbelt. Gusto niyang makaalis sa loob ng sasakyan. Iyon ang tanging nasa isip niya dahil natatakot siya na baka iyon naman ang sunod na liparin. Nagawa iyon ni Bethany sa sobrang pagkataranta, ngunit isang malakas na shock wave ang dumating na siyang nagpabagsak sa kanyang katawan at nagpasandal sa malapit na pader ang likod niya. Sa sandaling iyon ay tila nabali ang kanyang balakang sa lakas ng kanyang pagkakabagsak. Hindi na niya napigilan ang buong sistema na balutin ng matinding takot. Hindi para sa kanyang sarili kung hindi para sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan na kulang na kulang pa sa buwan. Wala sa sarili niyang niyakap ang kanyang tiyan na biglang nanigas gamit ang kanyang
GAANO MANG PAGTUTOL ang gawin ni Bethany na huwag umalis ang asawa sa araw na iyon ay hindi niya pa rin ito napigilan sa nais. Sa halip din na si Briel ang kanyang kasama sa paghatid dito sa airport ay si Manang Esperanza iyon dahil hindi agad nasabihan si Briel na mayroong lakad ng araw na iyon. Ganundin si Mrs. Dankworth na may importanteng pupuntahan. Ihahatid lang din naman siya ni Manang Esperanza sa mansion ng mga Dankworth at aalis na rin ang maid upang bumalik sa penthouse at ituloy ang ginagawa nitong paglilinis. Iyon ang malinaw na usapan nila bago umalis ng bahay. Dala na rin ni Bethany ang mga gamit niya para sa tatlong araw na pananatili sa mansion. “Babalik din ako agad, Thanie…” sambit ni Gavin nang itulak niya ang pintuan ng sasakyan sa gilid niya nang marating nila ang airport, “Huwag ka ng bumaba. Hmm? Dito ka na lang sa loob ng sasakyan at umalis na rin kayo agad para makapagpahinga ka ng maaga sa mansion.”“Hindi naman ako sasama sa’yo sa loob. Huwag mo nga akong
ILANG ARAW NA lihim na pinag-isipang mabuti iyon ni Gavin na sa bandang huli ay nagpasya na sasaglit siya sa ibang bansa. Pupuntahan niya ang kliyente. Sisikapin niyang matapos ang kasong iyon sa loob lamang ng tatlong araw upang makabalik siya agad ng Pilipinas. Inaasahan na niyang hindi papayag ang asawa oras na sabihin niya ang bagay na iyon, pero ang hirap para sa kanyang talikuran ang tungkulin niya na siumpaan niya at hindi niya ito matiis na hindi gawin lalo na at may buhay na manganganib na maparusahan kung hindi siya ang haharap at makikipaglaban. Ang ipagtanggol sa batas ang mga taong walang kasalanan. Hindi siya silaw sa halagang ibabayad nito pero gusto niyang tumulong doon sa kaso. Sisiw lang iyon sa kanya kung kaya naman ang laki ng tiwala nila. Hindi niya naman sila masisisi doon.“Stable naman ang lahat ng check up sa baby natin at sa’yo kaya wala namang magiging problema, Thanie. Tatlong araw. Bigyan mo lang ako ng tatlong araw. Pagkalipas ng tatlong araw na iyon nari
NATATAKOT SI GAVIN na baka kapag nalaman ito ng asawa ay makaapekto iyon nang mas malala. Hindi lang sa pagsasama nila, kundi pati na rin sa kalagayan ngayon ng asawa. Bagay na hindi niya makakayang mangyari. Kaya naman ang plano niyang dalhin iyon sa hukay ay mas nadepina pa sa araw na iyon. Hinding-hindi niya ito sasabihin. Anuman ang mangyari hindi niya ipapaalam kay Bethany iyon kahit na alam niyang sobrang unfair nito sa asawa niya.“Oo isa lang, Rina. Paano kaya gumawa ng dalawa? Iyong iba ang galing-galing. May tatlo pa nga di ba? Sana all na lang sa kanila.” Napahawak na si Bethany sa tiyan sabay ngiti nang malapad sa mga kaharap nila, mga ngiting ayaw maglaho ni Gavin oras na malaman nito ang kanyang lihim. Mabuti pa na siya na lang ang nakakaalam noon kaysa naman mas kamuhian siya ng asawa niya kung pipiliin niyang maging tapat sa kanya. Hindi iyon kalabisan ng pagmamahal niya sa asawa.“Ah, hati ang makukuha niyan sa inyo gaya ng baby namin. Hati ang mukha niya sa amin. P