SERENITY'S POV
"Bakit ngayon ka lang?"
Ito agad ang bungad sa akin ni Mama pagpkapasok ko sa bahay. Nakaabang na rin doon sina Papa at ang si Samantha. Lahat sila ay masamang nakatingin sa akin.
"Pasensya na po, naipit lang po ako sa traffic," pagdadahilan ko naman dahil katulad ng sinabi ni Ethan, walang pwedeng makaalam na nagkita kami. At isa pa, panigurado rin naman na hindi ako paniniwalaan ng pamilyang ito.
"Alam mo bang kailangan ko 'yan ng 8pm? 30 minutes ka na'ng late," mataray na sabi naman ni Samantha.
"Pasensya na talaga," hinging paumanhin ko pa.
"Samantha, ipagawa mo na sa kaniya ang project mo para maipasa mo na bukas," seryosong sabi naman ni Papa.
Kumunot naman ang noo ko. Walang nabanggit sa akin si Samantha na may project siya. Ang utos niya lang sa akin ay bumili ako ng mga school supplies na kailangan niya. Kalimitan naman kasi ay isang linggo bago ang pasahan ay sinasabi na niya sa akin agad ito upang hindi ako magahol sa oras.
Itinapon sa akin ni Samantha ang ilang piraso ng papel. Wala naman akong nagawa kundi ang simutin ito isa-isa sa sahig habang sinasabi sa utak ko na kailangan kong magtiis muna upang maka-graduate ako na walang problema.
"Kung inagahan mo sana ang uwi, hindi ka sana magagahol sa oras. Kailangan ko na 'yan bukas ng umaga ha? Tapusin mo 'yan ngayong gabi."
Umakyat na sa taas ang tatlo habang ako ay tiningnan isa-isa ang mga papel na hawak ko. Napabuntong hininga na lamang ako dahil paniguradong magdamag ang gugugulin ko para matapos ito. Ni hindi pa rin ako kumakain ng hapunan pero kailangan ko na agad maumpisahan ito.
Nagpunta na lamang ako sa kusina upang kumain na muna. Ngunit sa kasamaang palad ay wala silang itinirang pagkain para sa akin. Kaya nakuntento na lamang ako sa tinapay at palaman. Dinala ko na lang din ito papunta sa kwarto ko dahil doon na lamang ako kakain. Ang kwarto ko ay nasa baba, na kung tawagin ni Samantha ay maid's quarter. May mga katulong naman dito sa bahay ngunit lahat sila ay stay-out. Kaya solo ko lang ang kwartong ito.
Habang kumakain ay sinimulan ko na rin ang project ni Samantha. Mabuti na lamang na wala akong assignment or exam para bukas. Mas matututukan ko itong gagawin ko. Nakalimutan din ni Samantha na bayaran ako kaya sisingilin ko na lang siya bukas.
Habang gumagawa ako ay biglang nag-ring ang phone ko. Agad ko itong sinagot dahil si Cindy iyon.
"Bakit, Cindy?"
"Nakauwi ka na ba? Hindi mo man lang ako chinat kung nakauwi ka ba ng sakto sa oras," sabi naman niya.
Napangiti na lamang ako. "Oo, umabot ako," pagsisinungaling ko.
"Mabuti naman kung ganoon. Magpahinga ka na dahil paniguradong napagod ka pamimili. Good night, Serenity."
"Good night."
Ibinaba ko na ang tawag. Unfortunately, hindi ko pa magagawa ang magpahinga kahit na pagod na pagod ako ngayong araw. Kailangan kong tapusin ang project ni Samantha dahil malilintikan ako kung hindi.
Nailang laklak din ako ng kape bago ko natapos ang project. Napatingin ako sa orasan at alas kwatro na ng madaling araw. Pabagsak akong humiga sa kama ko dahil sa pagod at puyat. Hindi na ako pwedeng matulog dahil baka mahirapan akong gumising mamaya. Alas otso kasi ang pasok ko.
"Hay naku, Ethan. Ikaw na lang talaga ang nagiging inspirasyon ko," wala sa sariling sabi ko habang nakatingin sa litrato ng iniidolo ko.
Then it hit me! Nakilala at nakausap ko si Ethan ngunit hindi ko man lang siya nahingian ng signature at picture. Itinaklob ko na lamang ang unan sa mukha ko at saka sumigaw para ilabas ang frustration ko. Abot kamay ko na siya, pero naging bato pa. Sinabi ko pa naman sa sarili ko na sa oras na makapag-picture ako sa kaniya at makapagpa-autograph ay mas lalo kong gaganahan ang pagbangon sa araw-araw. Ngunit isang malaking sawi dahil hindi ko man lang nagawa iyon.
Tumayo ako at kumuha ng jacket sa cabinet ko. Iniwan ko siya sa burol kaya doon ako pupunta ngayon. Hindi naman ako umaasa na nandoon pa siya. Gusto ko lang alalahanin na kahit sandali lang, nakasama at nakausap ko siya.
Pero sayang talaga! Kung may kakayahan lang ako na ibalik ang oras ay gagawin ko. Pero naalala ko na nayakap ko nga pala siya. Ngunit hindi sapat iyon! Wala man lang akong souvenir sa kaniya. Paano ako paniniwalaan ng mga magiging anak ko na nakilala ko ang idol ko? Wala akogng ebidensya.
"Nang magpaulan ba ng kamalasan, sinalo ko ba lahat?" wala sa sariling sambit ko pa.
Isinuot ko na lamang ang jacket at nagpasya nang lumabas. Mabuti na lamang na hindi naka-toka sa akin ang pagluluto dahil ayon kay Mama, hindi raw ako masarap magluto. Pabor naman sa akin iyon dahil nabawasan ang trabaho ko.
Wala pang sampung minuto ay nandito na ako sa burol. Malamig ang simoy ng hangin kaya itinago ko sa bulsa ng jacket ko ang mga kamay ko. At dahil madilim pa ay kitang kita ko pa ang city lights dito sa burol. Napahinga ako ng maluwag dahil ito talaga ang labasan ko ng stress. At hindi pa rin ako makapaniwala na madadala ko dito ang idol ko. Kaya mas lalo ko tuloy naging paborito ang lugar na ito.
Makalipas ang halos kalahating oras ay nagpasya na akong umuwi dahil baka mahuli pa ako ni Papa na lumabas ng bahay na ganito kaaga. Pagpihit ko sa may puno ay napatingin ako sa plastic na nakasabit doon. Walang ibang nagpupunta dito kaya napakunot ang noo ko. Lumapit ako para tingnan iyon.
Binuklat ko ang plastic. Ang laman niyon ay isang papel.
Hi Miss,
You forgot your request, so I left this note with my signature on. About the picture, maybe we can have a picture together when you come to my concert.
Regards,
Ethan James Claxton
Napatalon ako sa tuwa dahil sa nabasa ko. Totoong may signature nga niya ang sulat. Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na napansin na nasa may da-hilig na ako nagtatalon. Natapilok ako at nagpagulong-gulong pababa sa paanan ng burol.
"Aray!"
Dahan-dahan lang naman ang pagkahulog ko ngunit tumama ang siko ko sa may bato kaya napa-aray ako. Pero hindi ko na ininda pa iyon dahil mas inalala ko ang note na iniwan sa akin ni Ethan. Hinalik-halikan ko pa ito dahil sa sobrang tuwa ko. Hindi ko sure kung nilagyan pa niya ito ng pabango pero na'ng amuyin ko ito ay napapikit na lamang ako. Naaamoy ko ang pabango niya sa papel.
Nakangiti akong naglakad pabalik sa bahay. Kumakanta kanta pa ako habang nagtatalon-talon na parang nababaliw na. Mababaliw na yata ako sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Mabuti na lamang talaga na naisipan kong bumalik sa burol. Tuluyang nawala ang pagod ko at tila nawala rin ang antok ko.
Pagkarating ko sa bahay ay nagderetso na agad ako sa kwarto para maligo. Nang makapag-ayos na ako ay inilabas ko na sa may salas ang project ni Samantha kasama ang resibo ng pinamili ko kahapon. Habang hinihintay siyang bumaba ay naamoy ko pa ang mabangong almusal na niluluto ng kasambahay. Awtomatikong kumulo ang tiyan ko dahil doon. Tinapay nga lang din kasi ang hinapunan ko kagabi kaya mas lalo akong nakaramdam ng gutom.
Ngunit kailangan kong tiisin ang gutom ko dahil hindi ako pwedeng maunang mag-almusal. Hindi rin ako pwedeng sumabay kina Papa. Makakakain lang ako kapag tapos na sila.
Napatayo ako nang marinig ang tunog ng mataas na takong ni Samantha. Nakataas ang kilay niya habang pinagmamasdan ang project niya.
"Pwede na," komento niya.
Sanay na ako doon. Never niyang pinuri ang mga project na ginagawa ko para sa kaniya. Pero alam kong maganda ang mga ginagawa ko dahil lagi niyang ipinagmamalaki kina Mama at Papa na siya ang nakakakuha ng pinakamataas na marka para doon. Kahit papaano ay nagiging worth it ang mga effort ko dahil maganda ang kinalalabasan noon.
Iniabot ko na lamang sa kaniya ang resibo ng pinamili ko. Hindi niya kinuha iyon pero tiningnan niya kung magkano. Napairap naman siya at saka kinuha ang wallet niya. Kumuha siya ng tig-aapat na libo at saka iniabot sa akin.
"Baka sabihin mo ay aping-api ka kaya nilabisan ko na," masungit niyang sabi sa akin.
Napangiti naman ako. "Salamat, Samantha."
Kahit na masama ang pakikitungo nila sa akin, hindi ako nakakalimot na magpasalamat sa kanila kapag binibigyan nila ako ng pera. At nakakatuwa rin naman na binigyan ako ng extra ni Samantha dahil may pandagdag na ako sa ipon ko. Kahit papaano ay sulit naman ang pagpupuyat ko.
Sakto namang pababa na sina Papa kaya ngumiti ako.
"Good morning po. Papasok na po ako," pagpapaalam ko sa kanila.
Hindi ako pinansin nina Mama at Papa kaya tahimik akong lumabas ng bahay. Hindi rin kasi ako pinapayagan ni Samantha na makisabay sa kaniya kahit na may kotse siya at iisa lang ang eskwelahan namin. Kaya lagi talaga akong naka-commute.
Sa may labas pa ng subdivision ang sakayan kaya mahaba-haba pa ang paglalakad ko. Maaga pa naman kaya paniguradong hindi ako male-late. Ang problema ko lamang ay ang kumakalam kong sikmura. May extra naman ako kaya mag-aalmusal na lang ako sa school. Minsan lang ako gagastos sa pagkain dahil hindi ko talaga kayang tiisin ang gutom ko ngayon.
Makalipas ang kalahating oras ay nasa school na ako. Sakto naman na nagkasabay kami ni Cindy sa may hallway. Maaga rin kasi siyang pumapasok dahil alam niyang maaga rin ako.
"Mauna ka na sa classroom, Cindy. Mag-aalmusal muna ako," pagtataboy ko sa kaniya.
"Aba teka, hindi mo man lang ako aayain?" kunwaring nagtatampong sabi niya.
"Alam ko namang nag-almusal ka na sa inyo. At saka sa likod lang ako kakain," sabi ko naman.
Sa likod kasi ng school ay may nagtitinda ng mga pagkain na parang katulad sa karinderya. Mura lang ang tinitinda kaya doon ako pupunta.
"Hindi ka na naman kumain ng hapunan sa inyo, ano?"
"Nakakapagod kasi kaya hindi na ako kumain," pagsisinungaling ko pa.
Napailing na lamang si Cindy. "Hanggang kailan ka ba magtitiis? Serenity nga ang pangalan mo pero salungat naman sa buhay mo. Present na present ang mga stress mo sa buhay."
Ngumiti na lamang ako. Iyon din ang matagal ko nang tinatanong sa sarili ko. Hanggang kailan nga ba ako magtitiis? Mapapagtagumpayan ko nga kayang makaalis sa ganitong buhay sa oras na maka-graduate ako?
SERENITY'S POV"Seryoso na talaga 'yan ha? Dalawang ticket ang binili ko," tuwang tuwa na sabi sa akin ni Cindy nang sabihin ko sa kaniya na sasamahan ko na siyang manood ng concert ni Ethan."Oo nga, nakabili ka na kaya wala na talagang atrasan. Basta ibibigay ko sa 'yo bukas ang kalahati ng price, tapos after ng concert na 'yong kabuuan ng bayad," nakangiting sagot ko naman.Matapos ang ilang araw na malalim na pag-iisip ay napagdesisyunan ko nang manood ng concert ni Ethan. Ilang araw ko ring kinumbinsi ang sarili ko na deserved kong gumastos para sa ticket. Malaki kasi ang naging epekto sa akin ng hindi sinasadyang pagkikita namin ng idolo ko. Pero dahil hindi ko kayang maglabas ng ganoon kalaking pera ay kinapalan ko na ang mukha ko para manghiram sa kaibigan kong si Cindy."Ano ka ba? Masyado akong natuwa sa 'yo dahil sa wakas ay nag-decide kang magliwaliw kaya hindi mo na ako kailangang bayaran," nakangiting sabi naman ni Cindy.Mabilis naman akong umiling. "Iyan ang hindi ko n
SERENITY'S POVAlas siyete ng gabi ay naglilinis ako sa kusina dahil maagang umuwi si Aling Myrna. Ako na ang nagprisintang magtapos ng trabaho niya na ikinatuwa naman niya. Birthday daw kasi ng anak niya kaya gusto niyang makauwi ng maaga. Habang naglilinis ay narinig ko ang pagbukas ng main door ng bahay kaya alam kong sina Samantha na iyon. Gayunpaman ay hindi ako lumabas ng kusina para salubungin sila. Sabi naman ni Aling Myrna ay sa labas na maghahapunan ang pamilya Silva kaya paniguradong deretso na sila sa mga kwarto nila."Daddy, ayokong magpakasal do'n," narinig ko pang sabi ni Sam.Natigil ako sa ginagawa ko. Usually ay hindi naman ako nakikinig sa usapan nila ngunit bigla akong na-curious dahil sa word na kasal. At isa pa, mababakas ang inis sa boses ni Sam."Anak, iyon lang ang paraan para mabayaran ko ang malaking utang ko sa kaniya," sambit naman ni Papa Julio na halata sa boses nito ang pagka-stress."Pero, Daddy, ayokong magkaroon ng asawang lumpo at matanda pa sa 'yo
SERENITY’S POVKatulad ng sinabi sa akin ni Papa Julio ay hindi na niya ako hinayaang pumasok pa sa school. Paniguradong tinatawagan na ako ni Cindy ngayon ngunit hindi pa rin nila ibinabalik sa akin ang cellphone ko. Sa ngayon ay nakasakay na kami sa Black Limousine na katulad no’ng sumundo sa kanila kahapon. Nakasimpleng dress lamang ako ngunit pinaayusan pa ako ni Mama Mercedes, bagay na unang beses nilang ginawa sa akin.“Ayusin mo ang mukha mo mamaya, Serenity. Huwag na huwag mo kaming ipapahiya kay Don Armando,” nagbabantang sabi pa sa akin ni Mama.Hindi ako nagsalita. Wala rin namang saysay ang boses ko sa kanila dahil buo na nag desisyon nilang ako ang ipambayad nila sa utang nila sa Don Armando na iyon. Makalipas ang halos kalahating oras ay nakarating na kami sa isang mamahaling restaurant. Habang naglalakad kami papasok ay napakabilis ng tibok ng puso ko. Hanggang sa makita ko ang isang matandang nakangiti sa amin. Naka-wheelchair siya at halatang mas maedad nga siya kay P
SERENITY’S POV Dahil sa mga rebelasyon kagabi ay wala akong sapat na tulog. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa napakalaking twist sa buhay ko. FLASHBACK “Hija, alam kong nalilito ka sa mga kaganapan. Ngunit kasal ako at buhay pa ang asawa kong si Amanda kaya imposibleng sa akin ka ikakasal. At isa pa, mahal na mahal ko itong si Amanda at wala na akong balak na maghanap pa ng iba.” “Ano na namang kapilyuhan ang sinabi mo at bakit iniisip ng bata na ikaw ang papakasalan niya?” singit ni Donya Amanda. “Hindi ko kasi sinabi sa mag-asawa na sa apo natin ipapakasal ang anak nila.” “Ibig sabihin ay sinadya niyo pong hindi sabihin kina Papa Julio na sa inyong apo dapat magpapakasal si Samantha?” gulat kong tanong. Ngingiti-ngiting tumango si Don Armando. “Hindi naman kasi sila nagtanong, at isa pa, sila na mismo ang nag-isip na sa akin magpapakasal ang anak nila.” May punto naman si Don Armando doon dahil kaya ko lang din naman inakala na sa kaniya ako ikakasal ay dahil iy
SERENITY'S POVPagkarating namin sa loob ng classroom ay pinagtitinginan ako ng mga kaklase namin. Ang iba ay nagbubulungan pa kaya hindi na nakatiis pa si Cindy. Pumunta siya sa harap at malakas na hinampas ang table."Pwede ba? Tigilan niyo na nga 'yan. Bakit hindi na lang kayo mag-aral para may magawa kayong maganda?" mataray na sigaw niya sa buong klase."Bakit pa kami mag-aaral kung pwede naman palang magpakasal sa matandang mayaman para umangat sa buhay?" pasaring naman ni Chloe, ang isa sa mga maldita naming kaklase."Kung umangat nga talaga ang buhay ko, edi sana hindi na ako pumasok ngayon?" sarkastikong sabi ko naman.Hindi ko ugaling pumatol sa mga sinasabi nila sa akin noon. Ngunit hindi ko na napigilan pa ang sarili ko lalo na at pati ang kaibigan ko ay nadadamay. Lumapit ako kay Cindy at marahan siyang hinila paupo sa upuan namin."Huwag mo na silang patulan, Cindy. Hayaan mo na lang," bulong ko pa sa kaniya."So, totoo ngang magpapakasal ka sa isang matanda?" hindi maka
SERENITY'S POV"Paalis ka na ba, Hija?" magiliw na tanong sa akin ni Lola Amanda."Opo, Lola Amanda."Simula kasi kagabi noong nagpaalam ako sa kanila na manonood ako ng concert ni Ethan ay sinabihan na nila akong tawagin ko na lamang silang lolo at lola. Buong akala ko nga ay hindi pa nila ako papayagan na umalis ngayon dahil mukhang bad mood sila kagabi. Ngunit laking gulat ko na wala silang pagdadalawang isip na pinayagan ako. Nakakapagtaka pa nga na parang mas natuwa pa sila na manonood ako ng concern. Ngunit gayunpaman ay hindi na ako nagtanong o nangulit pa dahil baka maiba na naman ang mood nila.Mamaya pa namang 7pm ang simula ng concert ngunit sinabi sa akin ni Cindy na dapat ay maaga pa lang ay nasa venue na kami. Sold out kasi ang tickets kaya paniguradong maraming tao mamaya. Kaya kahit alas kwatro pa lamang ng hapon ay nakagayak na ako. "O siya, mag-iingat ka ha. Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid sa driver mo?" tanong pa sa akin ni Lola.Marahan naman akong umili
SERENITY'S POV"Hoy, girl. Ano na? Manonood na ba tayo ng concern ni Ethan?"Mabilis akong lumingon sa kaibigan kong si Cindy. Katatapos lang ng last subject namin at kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ko. Umupo pa siya sa harapan ko para mas lalo ko siyang mapansin. Ilang araw na rin kasi niya akong kinukulit tungkol sa paparating na concert ni Ethan James Claxton, ang isa sa pinakasikat na singer ng bansa. Magaling kasi talagang kumanta si Ethan at napakagwapo pa kaya naman marami talaga ang humahanga sa kaniya, at isa na ako doon."Alam mo namang wala akong budget, hindi ba?" ang nasabi ko na lamang."Serenity Aria Silva. Ano pa't naging Silva ka kung wala ka namang pambili ng ticket," naiinis na sabi naman sa akin ni Cindy.Huminga ako ng malalim. "Alam mo rin namang isa lamang akong sampid sa pamilyang iyon. At lahat ng binibigay sa akin ng pamilyang iyon ay pinaghihirapan ko."Literal na pinaghihirapan ko talaga. Malaki ang utang na loob ko kina Mama at Papa na umampon sa akin
SERENITY'S POV Katulad ng sinabi ni Cindy ay idinaan niya ako sa mall upang hindi na ako mahirapan mag-commute. Pagkababa ko ay mabilis akong pumasok sa mall. May kalakihan ang mall at sa kasamaang palad ay sa bandang likod pa ang bookstore. Kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na naglakad. Walang masyadong tao ngayon sa mall dahil siguro weekdays. Ngunit may mangilan ngilan akong nakikitang estudyante na nag-aaral din sa Black Ton University. Dahil nga sa mayayaman ang halos pumapasok doon, karamihan sa kanila ay ginagawang stress reliever ang mall. Halos limang minuto rin yata ang ginugol ko sa paglalakad bago makarating sa bookstore. Kinuha ko agad ang listahan at isa-isang inilagay sa basket ang mga nakalista doon. Lahat naman ng nakalista doon ay available kaya mabilis ko lang itong nakumpleto. Hindi nga ako nagkamali na umabot ng tatlong libo ang nasa listahan. Nang makapagbayad ako ay tiningnan ko ang orasan. Alas syete pa lang kaya may isang oras pa ako.Haban