Jane
Agad akong kinabahan nang may mabigat na braso na dumampi sa katawan ko.
Jane Tatlong araw pa akong nagtrabaho sa Luminary Productions dito sa Highland Hills. Sa susunod na linggo ang balik ko sa London para ipagpatuloy ang trabaho ko roon. Ilang beses pa akong kinulit ni Brody sa telepono ngunit pinadadalhan din ako ng mensahe ni Sonia. Sonia: ‘Jane, huwag mong masyadong isipin na mahal ka ni Brody. Nagkataon lang na hindi magandang tingnan ang estado niya sa publiko at ilang problema sa opisina kapag naghiwalay kayo. Malalagay sa alanganin ang kumpanya ni Brody. Kahit papaano, isa kang Cornell at iyon lang ang tanging dahilan kaya ayaw kang hiwalayan ng asawa mo.’ Ang kanyang sunod na mensahe ay puno ng poot. Sonia: ‘Stop being a bitch! Pinahihirapan mo si Brody. Nang dahil sa ‘yo ay nagkakaroon ng problema dito sa opisina.’ I swiftly reported her number as a scammer, at pagkatapos ay hindi ko na siya binigyan pa ng pansin. Bakit parang ako pa ang lumalabas na may kasalanan? Seriously! I texted Brody instead: ‘Tell your mistress to stop disturb
Jane “Ibig mo bang sabihin ay sinadya mo na lapitan ako, Brody?” tanong ko sa aking asawa. “Yes, Jane. I know about your infatuation with Bronn four years ago. Jakob explained it to me in detail,” he admitted. “Kung ganoon, bakit ka nagpakasal sa akin, Brody?” Ang unang pumasok sa isipan ko ay ginamit niya ang paghanga na mayroon ako para sa kanyang pinsan. Nakipagkasundo siya sa aking ama para lumayo ako kay Bronn at Emily. Ngunit hindi ko inaasahan ang mga sumunod na salita ni Brody. “Because I genuinely like you, Jane. I… I’m the one who approved your application to the university in London as an exchange student.” Umawang ang labi ko sa narinig. “Aminado ako, naroon pa ako sa relasyon ko noon kay Sonia noong mga panahon na iyon,” paliwanag ni Brody. “Alam niya ang tungkol sa nararamdaman ko sa ‘yo at inudyukan niya ako na magkaroon ng relasyon sa ‘yo.” Umasim ang mukha ko sa narinig. Noon bumalik sa katinuan ko na open relationship ang mayroon sila. Kumbaga si Sonia ang ka
Sarah Nang makapasok sa hotel ay sinalubong ng mabangong amoy ng air freshener ang pamilya ko. Mukhang excited naman sina Rowan at Iris na nagkaroon ng tiyansa na lumabas mula sa Serenity Pines Estate. Sa loob ng apat na taon ay limitado ang paglabas nila sa villa, ngunit noong huling araw na dinala ko sa opisina ang kambal, nakuhanan kami ng larawan nang bumaba kami ng sasakyan. Nagkaroon ng gulo sa internet lalo na at walang nakaaalam na nagkaroon kami ng anak ni Philip. Nagbigay ng kanya-kanyang kuro-kuro ang mga tao sa social media. Malayang ipinahayag ng mga tao na walang duda na anak namin ang kambal. Lalo na at hindi maitatanggi ang anyo ng dalawa na namana sa amin. Ang ipagkanulo ang mga anak ko ang huling nais namin ni Philip kaya parehas namin ipinaliwanag sa publiko ang tungkol kina Rowan at Iris. “Miss, your invitation please?” tanong ng doorman bago pa kami pumasok sa napakalaking bulwagan. Iniabot ko ang invitation. Ibinaba niya ang tingin sa mga anak ko. Nakahaw
Sarah Sinusundan kami ng dalawang bodyguard ni Chairman Benner na maayos na nakasuot ng itim na suit. Namamayani sa amin ang katahimikan habang tinatahak ang pasilyo sa loob ng isang prestihiyosong hotel patungo sa kanyang inupahang suite. Awkward ang nararamdaman ko sa kasalukuyan habang kasama siya. Matagal-tagal na noong huli kaming nagkaroon ng maayos na pag-uusap, o ng maayos na relasyon. Noong buntis ako sa kambal, sama ng loob lang ang ibinigay niya sa akin. Nang pumasok kami sa suite, isang kristal na chandelier ang nagbigay ng mainit na liwanag sa maluwag na living area. Nagpaalam sa akin ang aking ama. “Magpapalit lang ako ng damit,” aniya. Without waiting for a response, he disappeared into the primary bedroom, leaving me alone in the abundant space. Umupo ako sa malambot na couch na naroon sa living space ng suite at saka nagpadala ng mensahe kay Philip. Me: ‘Babe, sinamahan ko si Chairman Benner dito sa suite niya. Siya ang sumalo ng wine na ibubuhos sana sa
Sarah Eleven years ago… Binalot na ng dilim ang kapaligiran… Humahampas ang tubig sa dalampasigan sa likod ng villa. Ang pagkakaiba lang siguro ng naganap sa nakaraan, kaarawan ko ang pagtitipon, ika-17th birthday! Narito ang pamilya ko sa resort sa Palm Beach para magdiwang na hindi rin naman nagaganap dahil kanina pa nasa silid ang magulang ko. Ang alam ko lang ay panay inom ng alak ng ama ko matapos makatanggap ng dokumento mula sa kanyang assistant. Dinig ko ang pagtatalo nila mula sa kanilang silid. Imposibleng hindi iyon marinig, hindi sound proof ang inupahan naming villa. “Please don’t do this, Xavier!” pakiusap ng aking ina na may halong paghihinagpis. May narinig akong mga pagbasag, Mga paghagulgol niya, at bilang anak ay hindi kami mapalagay ni Amir. “Brother, I’m afraid…” nanginginig kong usal kay Amir habang yakap niya ako. Hindi siya umimik. Nakalimutan ko na nagsisimula na nga palang lumayo ang loob niya sa akin dahil kay Jessica. Muli kong nadinig ang ak
Philip "Daddy, I need to pee," ani Iris, ang kanyang kulay abong mga mata ay nanlalaki sa pagmamadali habang nakatingala sa akin, ang dalawang kamay ay nakahawak nang mahigpit sa kanyang tiyan. Sa bahay ay madalas na si Amanda or Pepper ang nag-aasikaso sa kanya sa ganitong bagay, o kaya naman ay si Sarah. Nakita ko ang anak kong lalaki sa malapit. “Rowan, come! We must help your sister!” sabi ko sa kanya. Wala akong plano na papasukin ang anak ko sa palikuran ng mga lalaki. Hindi ko rin naman siya pwedeng iwan nang mag-isa sa palikuran ng mga babae. “But I still wanted to play,” Rowan protested. Nilingon niya si Iris. “Please, Brother…” Kahit gaano pa kasutil ang isang ito, alam ko na pagbibigyan siya ni Rowan. “Promise me, you’ll give me your Monday snack,” at nagawa pang makipag-areglo. “Rowan…” nagsimula akong magbanta. Ayokong utakan niya si Iris sa ganitong paraan. “I-I’m just kidding!” “You are so annoying!” buwelta ni Iris, nagawang nameywang. Naiiling na lang ako
Sarah Habang pababa ng hagdan ay pinigil ako ng assistant na sumundo sa akin sa suite ni Chairman Benner. “Ms. Mitchell, sandali!” Naghahatid ng desperasyon ang boses niya kaya napatigil ako sa kabila ng aking pagmamadali. “What?” asik ko sa kanya. Hindi ba niya nakita ang pag-aalala sa mukha ko at ang nanginginig kong mga kamay? Dumadagundong ang dibdib ko, nangungulila, kinakabahan! Iniwan ako ng pamilya ko sa loob ng maraming taon; buhay ko si Philip at ang kambal ngayon! “Damn it! Bakit hindi ko ma-contact si Philip?!” naaasar na nga ako at kinakabahan, dumadagdag pa ang babae. Noon umilaw ang cellphone ko. Akala ko ay si Philip, ngunit mensahe ni Jakob ang dumating. Jakob: Doll, ayon sa balita, nakakulong pa si Madam Olsen. Natigilan ako. Kung ganoon ay nagsasabi ng totoo si Chairman Benner? Nakita niya ang aking ina? “You must end Marcus,” anang babae. So, it’s true! Wala akong maiisip na gagawa nito kung hindi si Marcus. Pinipili niya talaga ang araw na may okasyon
Philip Nagpapasalamat ako na maayos si Ethan, Dr. Ruth at ang anak nila. Nauna silang umalis ng pagtitipon dahil tinawagan sila ng emergency. Biglaan ang panganganak ng isang pasyente ni Dr. Ruth. Kung naaksidente ang kaibigan ko at pamilya niya, sigurado na hindi maililigtas si Sarah. May pagkakaintindihan kami ni Ethan na kahit hindi namin sabihin ay alam namin ang sitwasyon. Tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawa niya sa pamilya ko. Nang ilabas ako ng ward ko, sakay ng wheelchair, noon ko lang nasaksihan kung gaano kaabala ang ospital ng mga Vanderbilt. The corridors buzzed with activity—nurses rushing by with charts, doctors shouting orders into phones, and dazed victims being directed to different departments. “Maraming sugatan at namatay sa naganap; ang ilan ay hotel staff, isa sa bodyguard mo ang binawian ng buhay at ang isa ay sugatan,” pagbibigay-alam ni Ethan. Hindi ako umimik, ngunit nakalarawan sa mukha ko ang sakit. Sigurado na ang taong kasama ko noong ma