Home / Romance / The Second Marriage Chance [Filipino] / KABANATA 157: Kawalan ng Pag-asa

Share

KABANATA 157: Kawalan ng Pag-asa

Sarah

Habang pababa ng hagdan ay pinigil ako ng assistant na sumundo sa akin sa suite ni Chairman Benner.

“Ms. Mitchell, sandali!” Naghahatid ng desperasyon ang boses niya kaya napatigil ako sa kabila ng aking pagmamadali.

“What?” asik ko sa kanya. Hindi ba niya nakita ang pag-aalala sa mukha ko at ang nanginginig kong mga kamay? Dumadagundong ang dibdib ko, nangungulila, kinakabahan! Iniwan ako ng pamilya ko sa loob ng maraming taon; buhay ko si Philip at ang kambal ngayon!

“Damn it! Bakit hindi ko ma-contact si Philip?!” naaasar na nga ako at kinakabahan, dumadagdag pa ang babae.

Noon umilaw ang cellphone ko. Akala ko ay si Philip, ngunit mensahe ni Jakob ang dumating.

Jakob: Doll, ayon sa balita, nakakulong pa si Madam Olsen.

Natigilan ako. Kung ganoon ay nagsasabi ng totoo si Chairman Benner? Nakita niya ang aking ina?

“You must end Marcus,” anang babae.

So, it’s true! Wala akong maiisip na gagawa nito kung hindi si Marcus. Pinipili niya talaga ang araw na may okasyon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status